Chapter 5

883 Words
Habang nasa beyahi kami ni manong Rojer papuntang Batangas nakaramdam ako ng antok. "Manong Rojer gisingin nalang po ninyo ako pag nakarating na po tayo sa lemery." "Opo mam Chloe." Nagising nalang ako sa mahinang tapik ni manong Rojer. Nagising ako sa isang malawak na lupain at sa di kalayu.an nakita ko ang nag kukumpulan na mga tao. Bumaba na ako. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko ang isang lalaking na palapit sa aking kinatatayuan . "Hi I'm Harris Helay and you are Ms. Chloe Torres, me I righ? "Yes, I'am." "It's good to see you Ms. Beautiful" sabi nito na may ngiti sa labi. Napakagwapo n'ya sa kanyang ngiti. Nilahad nito ang kanyang kamay upang makipag shake hands. Inabot ko naman ito at ngumiti. "Hali ka at ipapakilala kita sa aming mga tauhan. It's depends to you kung kukuin mo pa rin sila bilang mga tauhan o maghahanap ka ng ibang mga tauhan." sabi nito sa akin. "Siguro hindi na ako maghahanap ng ibang mga tauhan sila nalang ang kukunin ko dahil alam naman nila ang pasikot-sikot sa ganitong business at saka kawawa naman sila kapag nawalan sila ng trabaho ang hirap maka hanap ng trabaho ngayon." sabi ko dito at huminto ito at tumungin sa akin. Napahinto naman ako at takang nakatingin sa kanya. "Bakit may problema ba?" takang tanong ko. Ngumiti ito at nag sabing "Nothing, You remind me of my mother. Ganyan na ganyan rin si mommy may malasakit sa kanyang tauhan dahil ang sabi n'ya hindi kami yayaman kung hindi sa tulong ng mga tauhan namin kaya dapat pahalagahan sila dahil malaki ang ambag nila sa ating negosyo." sabi nito at pinagpatuloy namin ang paglalakad. "Tama naman ang mommy mo. Kung pinapalago natin ang ang mga negosyo dapat alagaan at bigyan pansin rin natin ang mga tauhan nati. Kung nagpapakahirap tayo mas pinaghihirapan rin nila." sabi ko dito. "Salamat Chloe dahil may malasakit ka sa mga trabahador. Alam mo nag wo-worrie si mommy dahil kapag ibibinta namin ang koprahan na ito at kung walang mabuting puso ang papalit dito. Kawawa ang mga tauhang inaalagaan namin dati. Magiging masaya at kampanti na si mommy dahil nasa mabuting kamay ang koprahan. Mabuti at naka hanap si Jessa nga isang tulad mo. Tiwala na kami na mapapalago mo pa ito sa tulong nila. Gusto namin na kahit ibibinta na namin ang lupa na ito maaalagaan pa rin ito. Dahil maraming masasayang nangyari dito sa amin. Kahit wala na kami dito pero alam namin na nasa mabuting kamay na ito. Labag man sa loob namin na ibinta ito pero wala kaming magagawa dahil hindi na namin ito ma aalagaan pa dahil nasa Canada na kami lahat wala ng mag aasikaso dito. Alam mo ang daming buyers namin dito bago ikaw. Pero indi ko makita o ma feel sa kanila na ma-aalagaan nila ito ng mabuti lalong-lalo na ang mga tauhan namin. " pag papaliwanag nito sa akin. Tumango-tango lang ako. Nang makarating na kami sa isang parang papag na may mga taong nag-kukumpulan. "Ok guys, ito si Chloe Torres s'ya na ang bagong mamahala ng koprahan Ibañez at wag kayong mag alala dahil wala s'yang tatanggalin sa inyu." pagkasabi ni Harris ng katanggang walang tatanggalin nagsihugyawan ang lahat ng mga trabahador nila. Napangiti nalang ako. Pinakilala sa akin ni Harris si mang Gaston s'ya ang pinagkakatiwala-an ng mga Haley sa kanilang negosyong koprahan noon. Nang matapos kaming mag usap-usap, kumain na muna kami. Nag handa sila ng salo-salo para sa akin. Nagpagawa ako ng maliit na bahay dito upang maging opisina ko na rin at habang nandito ako may matuluyan na rin. Bago bumalik ng pampanga binilin ko kay mang Gaston lahat ng mga kailangan para sa pagpapa ayos ng dapat ayusin. Gabe na ng maka uwi ako sa hacienda pagkarating ko ng bahay natulog na rin ako agad dahil sa pagod. "Maganda! Maganda! Magandang umaga! aking kaibigan!" papikit-pikit pa akong napamulat ng aking mga mata nakita ko agad si Giana na pasayaw-sayaw pa sa aking harapan. "Ano ba Giana ina-antok pa ako!" pagmamaktok ko at pumikit pa ulit pero niyugyog pa ako. "Bumangon kana d'yan at kumain na tayo pinagluto ka paman ni kambal!" sigaw nito sa tinga ko. Napatingin ako sa mukha nito. "Totoo nga! kaya tumayo kana d'yan para makita mo!" at hinila pa ako patayo. "Mauna kana at susunod na lang ako." "Bilisan mo at sumunod ka agad!" tumango lang ako at pumasok ng CR. Pagkababa ko nakita ko agad si Gasper na naghahanda ng mga pagkain sa mesa at naka upo naman si Giana at takam na takam na rin sa pagkain na niluto ng kambal n'ya. Masarap talagang magluto si Gasper. Lalo na yong sinigang na baboy na ma-anghang. "Sinong hudiyo naman ang bumulong sayo at nagluto ka dito sa bahay ko." mataray na sabi ko sabay upo sa harap ni Giana at patawa-tawa lang ang loko. "May humalik na angel kaya na ganahan akong magluto." sabi nito at umupo sa tabi ni Giana at kaharap ako. "Oh may G sis! Namumula ang mukha mo!" "Wa-wala kaya!" pagtatanggi ko at tumawa naman silang dalawa. "Iwan ko sa inyu kumain na kaya tayo." Ang sarap ng agahan namin sinigang na baboy ay sinugbang baboy na isinawsaw sa ma-anghang na toyo na may kalamansi. Habang masayang nag ku-kwentohan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD