Chapter 3

1208 Words
Nasa tabi lang ako ni lolo habang minamasdan s'ya. Nang mamatay si mama sila na ang nag palaki sa akin. Sa kanila ako humuhugot ng lakas. Hindi ko namalayan tumuluto na pala ang luha ko ang daming bumabalik sa alaala ko, ang masayang bonding na kasama si lolo, spoiled ako ni lolo pero pinalaki nila ako ng mabuti. Hindi ako spoiled sa mga material na bagay kundi spoiled ako sa pagmamahal nilang dalawa. Hindi ko namalayan na pumasok na pala si Gasper. "Tahan na magiging ok rin si lolo. Magpalakas ka, sayo humuhugot ng lakas ngayo si lola." pagpapalakas loob ni Gasper sa akin. Mula sa pagkaupo ko niyakap ako ni Gasper. Dinikit ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at napapikit. Habang hinihimas n'ya ang aking likuran. Bumabalik sa isipan ko ang ganitong bahagi ni Gasper. Maalalahanin at pinapahalagahan rin ako pero bilang kaibigan at parang kapatid lamang. Napamulat ako nang mata at kumalas na rin ako sa pagkayakap sa kanya at tinu-on ang attensyon ko sa aking lolo. "Lalabas muna ako" sige, ikling sagot ko at nag punas nang kaunting luha na pumatak sa mga mata ko. Halo-halo ang naramdaman kong sakit at lungkot ngayon. "Chloe ipahinga muna ang iyong pusong sawi." mahinang sabi ko sa aking sarili. Bumalik sa alaala ko ang ma sasayang pag sasama namin nina Gasper, Giana at Nicholas. Alagang-alaga kami nina Gasper at Nicholas, pinamulat kaming apat na magkakapatid ni mama Grace. Naging pangalawang ina ko na ito simula bata pa ako, s'ya na ang tumayong ina ko at ni hindi ko naramdaman na iba ako sa pamilya nila. Isang pamilya na ang turing nila sa amin nina lola't lolo. Kapag may uma-away sa akin to the rescue agad si Gasper. Kapag nadadapa ako andiyan s'ya para tulungan akong tumayo. Kapag pinagagalitan kami nina lola't lolo sabay-sabay kaming apat sa pagtakbo at magtatago. Sabay rin kaming naliligo sa ulan at naglalaro. Sakay-sakay ako ni Gasper sa kanyang balikat at si Giana naman ay nasa balikat ni Nicholas at nag aaktong kami ni Giana na magkalaban at sabay-sabay rin kaming apat na natutumba sa damohan at nagtatawanan. Nang tumuntong kami ng high school si Gasper ang kasakasama ko dahil sa magkaklase kaming dalawa. Nagkaroon kami ng isang dula-dulaan at ang role ko magiging asawa ni Gasper. Nagkaroon ng kasal-kasalan. Doon ako lalong na hulog sa mga tingin n'yang nagpapatunaw sa aking puso at sa mga salitang kanyang binitiwan na tumatak sa aking isipan. "Chloe Torres ikaw ang babaing pinapangarap kong makasama habang buhay, ang bubuo sa aking pinapangarap sa buhay. Ikaw ang mag sisilbing ilaw sa aking tahanan. Pangako na ikaw ay mamahalin ng buong puso't kaluluwa, ang pagmamahal ko sayo parang isang ilog na umaagos na walang hanggan, saksi silang lahat sa aking pangakong binitiwan na ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan." sabi nito sa aking habang titig na titig ito sa mga mata ko, ang lakas ng pintig ng puso ko sa mga katagang kanyang binitiwan. Parang Wala akong narinig na ingay sa aking paligid at tanging pagtibok ng puso ko ang aking narinig. "Gasper Reyes ang pag-ibig ko sayo hindi ko alam saan o paano kita nagustohan pero mahal kita sa hindi maipaliwanag na dahilan." ang tanging tugon ko sa mga sinabi ni Gasper sa akin. Unti-unting lumalapit ang mukha n'ya sa mukha ko nang bigla. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw nang mga kasama namin, at rinig ko na rin ang hiyawan ng mga kaklase namin na ikinahiya ko. Kahit ang guro namin at nag sabing parang nanunuod sila ng isang live shooting at kami ni Gasper ang bida artesta at dahil doon kami ang nanalo at mataas rin ang nakuwa naming marka. Nabalik ako sa ulira ko ng maramdaman ko na gumalaw ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni lolo. Bumaling ako sa mukha ni lolo na unti-unti niyang minumulat ang kanyang mga mata. Napangiti ako at mabilis na tumayo at lumabas para tawagin ang doctor. Nagpapasalamat na rin kami na walang may nangyaring masama kay lolo. Nawalay lang s'ya nang malay dahil sa pagod at walang tulog dahil sa dami ng kanyang trabaho sa hacienda. Tatlong araw na rin ang nakapilas nang nakauwi na si lolo sa bahay. Pinagpapahinga ko nalang s'ya muna at ako na ang nag asikaso ng mga gawain sa hacienda. Habang si Giana bumalik na rin sa manila para tapos ang dapat niyang tapusin. Ang daming trabaho sa hacienda dahil ngayon ang harvest namin ng mga mais, saging at mangga na dadalhin sa manila. Inaasikaso ko rin ang bagong lupang bibilhin ni ninong Jeffery sa batangas. "Mam chloe! mam chloe!" napa lingon ako sa tumawag sa akin. "Oh Jude ikw pala, bakit?" takang tanong ko sa aking tauhan. Isa s'ya sa pinag kakatiwalaan ko dito sa hacienda. "Mam Chloe si señorito Gasper po nag wawala po." sabi nito na hinihingal pa. "What! " naiinis na sigaw ko at humarap kay jude. "Jude ikw na muna ang bahala dito kailangan mong ma kompleto ang lahat ng dadalhin sa manila." pagpapaliwanag ko dito. "Opo mam Chloe." mabilis na akong naglakad patungo sa aking kabayo at tinungo ang opisina namin na nasa gitna ng hacienda. Nang makababa ako sa aking kabayo nag silapitan ang iba naming mga tauhan. "Anong nangyari dito?" agad na tanong ko sa kanila. "Naku mam Chloe, lasing na pumasok si siñorito Gasper at nabigla nalang po kami na binasag n'ya ang lahat ng mahahawakan n'ya kaya lumabas na rin po kami. Hindi po s'ya nakikinig kay mang Jose." sabi ng isang tauhan namin. Pumasok ako at bumungad sa akin ang mga basag na mga flower vase at nagkalat na mga papel. Tinungo ko ang kanyang opisina at na abutan ko siyang umiinom at bumungad sa akin ang nagkalat na mga gamit sa loob ng kanyang opisina. "Gasper! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw ko dito sabay kuha ng alak na iniinom n'ya. "A-no b-a C-hloe ibigay mo yan sa akin!" na uutal na sabi nito sabay abot sa boteng hawak ko. Pero nilayo ko ulit ito sa kanya. "Ayusin mo ang sarili mo, wag mong pa ikutin ang sarili mo sa kanya na parang s'ya ang mundo mo! Gumising ka nga sa katangahan mo!" sigaw ko sa kanya. "Ang tanga ko nga sayo, pero nag papakatanga ka naman sa kanya na niloloko ka lang." dugtong na sabi ko sa mahinang boses. "A-no a-ng sabi mo!" tanong nito sa akin habang pasuray-suray na papunta sa aking kinatatayu.an. "Gasper ano ba! Napapagod na ako sa hacienda dumadagdag kapa.! Nakakapagod ng masaktan!" naiiyak ko nang sabi. Nabigla ako nang maramdaman ang mga bisig n'yang yumakap sa akin. Ramdam ko ang ma init niyang katawan. Naiyak lang ako, hindi ko alam bat ako naiiyak. Ramdam ko lang ang bigat ng aking puso at kusang lumulo ang mga luha ko. "Tahan na, I'm sorry." sabi nito sa malamig na boses. Kumawala s'ya sa pagkayakap at tinitigan ako sa mata. Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa aking mukha kaya napapikit ako. Naramdaman ko nalang na dumikit ang kanyang labi sa aking labi at gumalaw ito. Parang na hihilo ako sa mga halik n'ya. Parang ako pa ang nalasing. Kusa na lang gumalaw ang mga labi ko kasunod sa paggalaw nang kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD