TAHIMIK lang si Peppa na nakaupo sa isang bench sa lobby ng hotel habang nakatanaw sa labas ng entrance. Kanina pa siya naghihintay sa kaniyang asawa, pero mula nang iwan siya nito at sumama sa isang babae ay mukhang nakalimutan na ata siya nito at ni hindi manlang siya binalikan o hinanap. Sabagay, he is Hector PenaVega at kailanman ay hindi magkakaroon ng puwang sa puso nito si Pipay.
"Pipay?"
Agad siyang napalingon sa gawing kanan niya nang marinig niya ang isang boses na tumawag sa pangalan niya.
"Pipay! Ikaw nga!" malapad ang ngiti sa mga labing saad ng lalake. Nagmamadali pa itong lumapit sa kinaroroonan ni Pipay.
"Hunter?" kunot ang noo na sambit niya. Hindi siya makapaniwala na nakita niya roon ang lalake.
"Hey! Long time no see!" mahahalata ang labis na tuwa sa boses nito. "Wow! Grabe, I can't believed it na magkikita pa tayo after how many years. Tapos dito pa sa hotel na ito." natatawang saad pa nito. "What are you doing here by the way? May kasama ka ba? Sinong kasama mo?" hindi mapigilang sunod-sunod na tanong nito.
Wala sa sariling napangiti si Pipay. "Oo nga! Long time no see!" aniya. "A, oo may kasama ako, kaso, um..." aniya pagkuwa'y iginala ang paningin sa paligid ng lobby, pero kagaya kanina ay wala siyang makita ni anino ng asawa.
"Pero wala siya." dugtong ng lalake sa sinabi ni Pipay. "Obviously." nagkibit pa ito ng mga balikat. "Tamang-tama, sumama ka na muna sa `kin sa loob at nagkakasiyahan kami roon. I mean, I'm so happy that I see you again. Kaya gusto pa kitang makausap." anito. "Hindi ka pa naman ata pauwi or maybe walang magagalit kapag hinanap ka? Gusto kitang makausap ng matagal and gusto ko ring kumustahin sila sister Venice." dagdag pa nito na hindi na nawala ang ngiti sa mga labi.
Tatanggi na sana si Pipay sa alok ng lalake, dahil panigurado siyang kapag nalaman iyon ng kaniyang asawa, malamang na mananagot siya rito, bugbog at puro pasakit na naman ang aabutin niya. Ngunit hindi niya na rin nagawang tumanggi nang bigla siyang hawakan sa palapulsuhan ni Hunter. Kahit sinasalakay na naman siya ng matinding kaba sa dibdib at labis na pag-aalala ay binaliwala niya na lamang iyon.
Matagal na panahon din ang lumipas na hindi sila nagkita ng kababatang si Hunter, kaya wala naman sigurong masama kung sasama siya rito! Bata pa lang ay kakilala na niya ang lalake. Sabay at pareho silang lumaki sa bahay-amponan noon. Matalik na magkaibigan. At magkaklase rin simula Elementarya hanggang high school. Sinuwerte nga lang ito at may mabait at mayamang mag-asawa na umampon dito. Kahit masakit man sa loob niya noon na magkakahiwalay silang magkababata ay wala rin siyang nagawa. Lumipas ang mga taon na hindi sila nagkikita sa kadahilanang dinala na pala ito sa aboard para doon manirahan. At hindi niya naman lubos na inaasahan na muli pa pala silang magkikita nito. Ang laki na rin ng ipinagbago nito. Halos hindi niya na nga ito makilala kanina kung hindi niya lang ito pinakatitigang mabuti. Although, mas lalo itong gwumapo at nag-mature.
"Kumusta ka na pala Pipay?" tanong ng binata mayamaya. "Sorry, sa sobrang saya ko kanina nang makita kita, hindi na kita nakumusta agad." hinging paumanhin pa nito habang magkaagapay silang naglalakad sa pasilyo.
"A, okay naman ako. Walang pagbabago. Ganoon pa rin si Pipay na kilala mo noon." sagot niya rito at tipid na ngumiti.
Nagulat pa siya nang bigla itong huminto sa paglalakad at hinarap siya. Pinakatitigan siya sa mata na animo'y ganoon pa rin sila ka-close noong hindi pa sila nagkakahiwalay. Binabasa na animo'y kilala pa rin siya nito kagaya noon.
"No. I think I disagree with that." napapailing pang saad nito na nagpakunot naman ng noo ni Pipay. Mayamaya ay bigla ring sumilay ang isang makalaglag panty na ngiti nito. "You're not the same Pipay I've used to know. You've change a lot Pipay." anang lalake sa kaniya. "Parang hindi na nga ikaw ang Pipay that I used to be my best friend before. Mas lalo kang gumanda." turan pa nito.
Pakiramdam naman ni Peppa ay biglang nag-init ang buong mukha niya dahil sa mga sinabi nito. Sa tanang buhay niya kasi ay itong lalake na nasa harapan niya ngayon ang tanging pumupuri sa kaniya kahit noon pa man.
Natawa ng pagak ang binata nang mapansin ang pamumula ng mukha ni Pipay. "Let's go. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko sa loob." saad nito at muling inakay ang dating kaibigan upang ipagpatuloy ang paglalakad.
Narating nila ang tapat ng isang malaking pinto. Mayamaya ay bigla iyong bumukas at bumungad sa kanila ang mga taong nagkakasiyahan doon habang sinasabayan ang malakas na tugtog ng musika.
"It's my friend's birthday party. Come at ipapakilala kita sa kaniya." anito at muli niyang hinila sa palapulsuhan ang babae.
Hindi pa man sila nakakalapit sa isang lamesa na inuokupa ng limang puro kalalakehan ay kaagad na nakaramdam ng takot at kaba sa dibdib si Pipay nang makita niya ang nagdidilim na hitsura ng kaniyang asawa. Masama ang tingin nito sa kaniya habang kaagapay pa rin niya sa paglalakad si Hunter. Mas lalo pang sumama ang tingin nito sa kaniya nang makitang hawak-hawak siya sa palapulsuhan ng kasama niyang kaibigan. Wala sa sariling nabawi ni Pipay ang kamay mula kay Hunter nang makalapit na sila ng tuluyan sa lamesang kinaroroonan ni Hector kasama ang mga kaibigan nito.
"Yow! Bro, akala ko ba mag c-cr ka lang?" tanong ng isang lalake kay Hunter. "Bakit babae ang kasama mo ngayon?" tumatawang dagdag na tanong nito.
"Iba ka talaga Hunter Imperial. Ang ganda pa ng hot babe mo ngayon." turan din ng isa pang lalake na malawak din ang pagkakangiti.
"Tss! Mga loko!" anito. "Oh by the way, this is—"
Kaagad na natigil sa pagsasalita niya si Hunter nang biglang tumayo sa puwesto niya si Hector at mabilis pa sa alas kuwatrong lumapit sa asawa. Walang sabi-sabi ay hinawakan nito sa kabilang kamay si pipay at hinila palabas sa malaking silid na iyon. Gulat at nagtataka naman ang mga lalake na naiwan sa lamesa habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
"Who is he?" kunot ang noo na tanong ni Hunter sa mga kaibigan niya roon.
"Its Hector. Our bestfriend." sagot ng isang lalake.
"H-HECTOR!" takot na sambit ni Pipay sa pangalan ng asawa.
"Shut up! Masasaktan ka sa `kin." mariing saad nito na mas lalo pang ikinatakot ni Pipay.
Hindi na siya magugulat at magtataka kung pagkauwi nila sa bahay nila mamaya ay bugbog sarado na naman siya rito. Puro pasa na naman ang aabutin niya rito.
"T-teka lang Hector! Nasasaktan ako! Dahan-dahan lang please!" pagmamakaawa niya sa asawa nang bigla siyang matisod ng mamali siya sa paghakbang dahil sa mabilis na lakad nito. Ramdam niya ang pagkirot ng kaniyang ankle; pero ang kaniyang asawa'y tila walang naririnig mula sa kaniya. Hindi na niya napigilan ang pamamalisbis ng kaniyang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman mula sa kaliwang paa. "Hector please!" humihikbing saad niya.
Hanggang sa makarating na sila sa parking area, doon lamang siya nito tinigilan sa paghila. Panigurado, bukas ng umaga ay hindi siya makakalakad dahil ramdam niya talaga na napasama ang pagkakatisod niya kanina. Samahan pa ng puwersahang paglalakad dahil sa napakawalang-hiya niyang asawa.
"Get in. Hurry up!" galit na utos ni Hector sa kawawang si Pipay.
Iika-ika namang naglakad si Pipay palapit sa sasakyan nito at pinilit na makasakay sa passenger seat.
"Shut up at hindi mo ako madadala sa iyak mo. Save your tears and I swear to you na mas lalo kang iiyak dahil sa kalandian mo."
mariing saad pa nito habang matalim ang tingin sa asawa.
"WHAT are you doing huh? Ganiyan ba talaga ang ginagawa mo kapag wala ako rito sa bahay? Ang kumiringking at lumandi sa ibang lalake? Tell me Peppa, pang ilan na ba siya sa `yo huh?" nanlilisik ang mga matang tanong nito sa asawa.
Masakit ang paa niya dahil sa pagkakatisod niya kanina. Masakit para sa kaniya sa tuwing pinagsasalitaan siya ng masama ng kaniyang asawa. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya lubos maisip na may mas sasakit pa pala sa sakit na nararamdaman niya kanikanina lang. Ang husgahan ka ng taong hindi marunong makaintindi at hindi marunong maniwala kung saan ang tama at saan ang mali. Taong buong akala mo no'ng umpisa ay magiging kakampi mo sa buhay, pero siya pala ang magiging dahilan ng pagdurusa ng buhay mo ngayon. Alam ng Diyos na kailanman walang katotohanan ang lahat ng ibinibintang ni Hector sa kaniya.
""Tell me Peppa!" sigaw at nanggigigil na muling hinablot sa kamay ang asawa. Walang alinlangan na sinabunutan ang kawawang buhok ni Pipay.
Ang impit na iyak kanina ay hindi niya na napigilan at tuluyan ng kumawala sa lalamunan niya. Pakiramdam niya kasi ay isang pagpipigil na lang sa hagulhol niya ay sasabog na ang sarili niya. "Hector please! Nagmamakaawa ako sa `yo. Parang-awa mo na! Mali ang lahat ng ibinibintang mo sa `kin." pagsusumamo niya sa asawa habang pinipigilan ang kamay nito na nakasabunot sa buhok niya.
"Huwag ako Peppa. Kilala na kita. Kung kaya mong makipaglandian sa ama ko noon, alam kong magagawa mo rin iyon ngayon sa iba. Asawa kita at akin ka. Tandaan mo `yan... AKIN KA LANG." bulyaw nito sa mukha ng asawa.
"P-please! Nasasaktan na ako, Hector." daing niya nang mas lalo pang hinila ni Hector ang kaniyang buhok. Mayamaya ay nanggigigil din nitong hinawakan ang kaniyang baba.
"Mula ngayon ay bawal ka ng lumabas ng bahay. Malaman ko lang na lumabas ka kahit sa pintuan lang na iyan, I swear to you. I will kill you." madiing anito `tsaka itinulak ng malakas si Pipay na naging dahilan para bumagsak ito.
Dahil sa walang balanse ang katawan at dahil sa pananakit ng paa niya ay bigla siyang natumba at tumama ang tagiliran niya sa gilid ng babasaging lamesa. Napadaing siya nang bigla niyang maramdaman ang hapdi at sakit ng pag tusok ng bubog na lamesa sa baywang niya.
"Ahhh! H-hector!" tanging nausal niya ngunit isang matalim na tingin lamang ang ibinigay sa kaniya ng asawa. Hawak-hawak ang tagiliran na tumama sa bubog na lamesa habang iniinda pa rin ang sakit at kirot sa paa niya ay sinuyod naman ni Hector ng paningin ang kaniyang kalagayan sa mga sandaling iyon.
Tila biglang may dumaan na awa sa mga mata nito nang makita ang hitsura ng kawawang asawa. Ang nangingitim at namamaga nitong paa.
Ang gulo-gulong buhok nito dahil sa pananabunot niya kanina. Ang mantsa ng dugo sa damit nito.
"P-p-please!" nahihirapan at halos pabulong na sambit ni Pipay.
Agad namang naalerto si Hector nang bigla na lang nawalan ng malay ang kaniyang asawa.
"Peppa?" tawag niya rito pagkuwa'y dinaluhan ito sa sahig. "Hey, wake up!" anito at tinapik pa sa pisngi ang asawa. "Wake up Peppa!" nang walang matanggap na tugon mula rito'y kaagad niya itong pinangko at inihiga sa mahaba at malambot na sofa. Mula sa paang namamaga at sa sugat na natamo nito dahil sa pagkakabagsak sa bubog na lamesa at sa mga pasa sa baba nito dala ng panggigigil niya kanina. Wala sa sariling napabuntong-hininga ng malalim si Hector matapos niyang tingnan ang asawa.
Ano'ng klaseng asawa siya? Bakit naaatim niyang saktan ito gayo'ng wala naman itong ginagawang mali? Wala nga ba? E, alam naman niyang simula pa lamang noon na magkaroon ng relasyon ang asawa niya pati ang kaniyang ama ay mali na para sa paningin niya. Kaya hindi niya magawang tanggapin sa sarili niya na asawa niya ito dahil naging babae muna ito ng sarili niyang ama bago maging kaniya.
"Sister Venice!"
Sambit ni Pipay sa pangalan ng Madre habang nakapikit ang mga mata nito. Animo'y humihingi ito ng tulong mula sa walang puso niyang asawa.
Wala sa sariling napatitig si Hector sa mukha ng kaniyang asawa. Ang inosenteng mukha nito. Inosente na kahit kailanman ay hindi kababakasan ng kahit ano'ng kasalanan at kamalian na ibinibintang niya rito. Tama ba na akusahan niya ito gayo'ng tapos naman na ang lahat ng nangyari noon sa pagitan ng kaniyang ama at kaniyang asawa? Tama. Dahil reputasyon niya ang masisira rito. Kapag nalaman ng karamihan na ang babaeng asawa niya ay nauna munang maging babae ng kaniyang ama bago nito ipamana sa kaniya. Kaya wala siyang lakas ng loob na ipakilala at ipaalam sa madla na may asawa at kasal na siya.