NAALIMPUNGATAN bigla si Peppa nang madinig niya ang kalabog sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina habang umiiyak. Well, ano pa nga ba ang bago roon? Lagi naman niyang nakakatulugan ang sarili na hilam sa luha pagkatapos siyang saktan ng kaniyang asawa. Halos mahulog pa siya sa kaniyang kama sa pagmamadaling makabangon at mabuksan ang pinto na sa tingin niya ay kaunti na lang ay mawawasak na dahil sa sobrang lakas ng pagkalabog ng asawa mula sa labas.
"S-sandali lang! Nandyan na!" nanginginig pa ang boses niya na binuksan ang pintuan nang makalapit doon. Bumungad sa kaniya ang galit at hindi maipintang hitsura ni Hector.
"What took you so long?" galit na bulyaw nito sa kawawang asawa. "Alam mong ayoko na pinaghihintay ako."
"N-nakatulog kasi ako. Pasensya na!" nakayokong hinging paumanhin niya rito.
Dinig niya pa ang pagpapakawala ng malalim at mabigat na buntong-hininga nito, siyang naging dahilan upang tumama sa mukha niya ang mabangong hininga nito. Kaunti lang ang espasyo sa pagitan nilang dalawa; mas matanggkad sa kaniya si Hector kung kaya't napatingala siya rito nang hawakan nito ang kaniyang baba mayamaya. Para naman siyang nakuryente sa ginawang paghawak nito sa kaniya. Dalawang taon na silang kasal pero ni minsan ay hindi nagawa ni Hector na hawakan siya gaya ng pagkakahawak nito ngayon sa baba niya. Ramdam niya ang libo-libong bultahe ng kuryente na nanulay sa katawan niya nang masuyong dumaiti ang palad ng asawa sa balat niya.
Bakit pakiramdam niya ay biglang nag iba ang t***k ng kaniyang puso? May kung ano'ng mga hayop ang biglang nagrambolan sa loob niya. Lalo pa sa klase ng titig nito sa kaniya. Ang mga mata nitong ngayon niya lang napagmasdan ng maigi at sa malapitan. Kulay tsokolate pala ang mga mata ng kaniyang asawa. Mahahaba at malantik na pilikmata. Ang matangos na ilong nito. Ang makapal na kilay nito na lalong nagpaguwapo sa hitsura nito. Teka—Nasabi ko ba na guwapo siya? Tanong ng isipan niya. Peppa umayos ka! Ang taong kagaya niya ay hindi dapat pinupuri. Lalo pa at alam mo kung ano'ng klaseng tao siya. Pagpapaalala niya sa sarili.
"Mag bihis ka."
Nabalik lamang sa sariling huwesyo si Pipay nang muling magsalita ang kaniyang asawa.
"H-huh?" utal na usal niya rito.
May kung ano'ng hiya naman siyang naramdaman mayamaya nang biglang bumaba sa tapat ng dibdib niya ang mga mata ni Hector. Napapalunok ng laway na bigla siyang nag-iwas ng tingin dito at napayakap sa kaniyang sarili.
"Magbihis ka. Hurry up!" anito at biglang tumalikod at nilisan ang asawa.
Nagtataka namang sinundan ng tingin ni Pipay ang bulto nito habang papalayo na. Anong nangyari roon at ganoon ang naging pakikitungo sa kaniya? Kanina lang ay halos parusahan na naman siya nito, pero ngayon bakit parang biglang nag-iba? Ngayon lang siya nito kinausap ng malumanay. Animo'y kay bait at hindi makabasag pinggan.
"Masama pa rin siya Peppa!" bulong niya sa sarili bago naglakad palabik sa loob ng kuwarto at nag bihis.
Nasa harap siya ng malaking salamin at nagbibihis nang biglang maagaw ng kaniyang pansin ang malaki at nagkukulay violit na pasa sa tapat ng dibdib niya. Kusang umangat ang kaliwang kamay niya at masuyong hinaplos iyon. Napangiti na lang siya ng mapait nang maalala kung ano at sino ang may gawa niyon sa kaniya.
Buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakadanas ng ganoong paghihirap. Tanging sa mga kamay lamang ni Hector! Kung noon ay kahit isang kagat lamang ng lamok ay nag-aalala na ang mga madreng nag alaga sa kaniya, pero ngayon kung makikita lamang ng mga ito ang hitsura at pinagdadaanan niya sa kamay ng asawa. Hindi ito ang pinapangarap niyang buhay noon kung sakali mang makakapag-asawa siya. Ngunit sadyang kay higpit nga ata ng tadhana sa kaniya. Isang malupit na Hector PenaVega ang ibinigay nito sa kaniya.
"Hurry up!"
Naputol ang pagmumunimuni niya nang muling madinig niya ang sigaw ng asawa mula sa ibaba ng bahay nila. Nagmamadali naman siyang tumalima upang ipagpatuloy ang pagbibihis at baka mamaya ay muli na namang maging halimaw ang kaniyang asawa.
TAHIMIK lang si Pipay habang nakaupo sa tabi ng asawa sa loob ng sasakyan nito. Kanina niya pa iniisip kung bakit biglang ito ang naging gawi ni Hector sa kaniya. Ano'ng mabuting hangin kaya ang nalanghap nito para maging mabait sa kaniya ngayon? O baka naman ay nasapian ito ng sampong mabait na anghel kung kaya't naging ganito ito?
Gusto niya sana itong tanungin kung saan siya nito dadalhin, dahil mula no'ng ikinasal sila ay ngayon lamang ito nag-aya sa kaniya na lumabas ng bahay. Ngayon lamang siya nakasabay ang asawa sa biyahe. Ngayon lamang siya nakasakay sa sasakyan nito. O baka naman may masama itong binabalak sa kaniya kung kaya't naging mabait ito sa kaniya? Biglang nanlaki nag mga mata ni Pipay nang sumagi sa isipan niya ang bagay na iyon. Hala! Baka naman gusto na siya nitong mawala sa mundo, balak siya nitong patayin para wala na itong problema sa kaniya. Dahil sa isiping iyon ay napatingin siyang bigla sa direksyon ng asawa. Kasabay ng malakas na pag tahip ng kaniyang dibdib.
"What?" inis na tanong ni Hector nang mahuli niyang nakatingin sa kaniya si Pipay.
Mabilis pa sa alas kuwatro ay nag bawi agad ng tingin ang babae. "A, w-wala." utal na sagot niya rito. Dahil sa kabang nararamdaman ay kusang kumilos ang mga kamay niya upang paglaruan ang laylayan ng kaniyang damit.
"Tss!"
Dinig niyang saad ng asawa na agad ding sinundan ng malalim na buntong-hininga.
Dahil ayaw niyang magalit na naman ito sa kaniya ay minabuti na lamang niyang isandal ang likod sa upuan niya at nagsumiksik sa gilid ng pinto. Hanggang sa hilahin na siya ng antok niya.
BIGLANG naalimpungatan si Pipay. Dahan-dahan pa niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang asawang tahimik na nakaupo sa driver seat habang nakatanaw sa kawalan. Huh? Nasaan kami? Kanina pa ba kami rito? Tanong sa isipan ni Pipay habang inililibot ang tingin sa labas ng sasakyan.
"You're awake! Finally!" tipid na saad nito. Kunot noo pa itong bumaling kay Pipay.
Dahil sa takot na muli na namang magalit sa kaniya ang asawa at pagbuhatan na naman siya ng kamay ay bigla siyang napaatras at muling nagsumiksik sa gilid ng pinto.
"Let's go." walang emosyong ani Hector `tsaka mabilis na umibis sa sasakyan.
Nagmamadali namang tumalima si Pipay para sumunod sa asawa. Halos magkanda hulog pa siya sa pagbaba ng sasakyan dahil sa takot at panginginig ng kaniyang mga tuhod.
"Hurry up woman!"
Tiim-bagang na saad ni Hector. Napatingin pa sa kanila ang mga taong naroon at nakarinig sa galit na boses ng lalake. Napapayuko na lamang si Pipay na nagmamadaling lumapit sa asawa.
"Alam mong ayoko ng babagal-bagal hindi ba?" tiim-bagang pa ring bulong nito sa asawa.
"S-sorry." hinging paumanhin niya rito.
Hanggang kailan? Hanggang kailan siya magiging sunod-sunuran sa asawa niya? Hanggang kailan siya matatakot dito? Hanggang kailan siya palaging hihingi ng SORRY o PATAWAD sa harap ng asawa? Hanggat humihinga pa siya at hindi pa siya nalalagutan ng hininga sa kamay ng asawa niya! Iyon ang mapait na katotohanan.
Mayamaya ay nagulat na lamang si Pipay nang bigla niyang maramdaman ang isang braso na biglang pumulupot sa baywang niya at inakay siya sa paglalakad. Wala sa sarili na muli siyang napatingin sa katabi. Nagtataka kung bakit? Kagaya kanina ay muli na naman niyang naramdaman ang bultahe ng kuryente na nanulay sa katawan niya nang magkadaiti ang mga balat nilang mag-asawa. Parang bigla siyang nakipagkarerahan sa mga kabayo dahil sa bilis na pagtibok ng kaniyang puso. Ano ba `tong biglang naramdaman niya? Bago sa kaniya ang ganito kung kaya't hindi niya alam kung ano ang nais na ipahiwatig nito sa kaniya. Kasabay ng kaba sa dibdib ay siya ring panglalambot ng mga kalamnan niya. Ang pakiramdam na animo'y may mga paru-parong nagliliparan sa kaniyang sikmura.
"Stop staring Peppa." seryosong saad ni Hector habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa dinadaanan nilang dalawa. Kita niya sa gilid ng mata na nakatingin ito sa kaniya.
Peppa? Sa loob ng dalawang taon ay ngayon lamang niya narinig ang asawa na tinawag siya nito sa pangalan niya. Bakit may kung ano'ng ibang pakiramdam sa puso niya nang madinig niya ang pag tawag nito sa pangalan niya? Pakiramdam niya ay nagdidiwang ito sa mga sandaling iyon!
" Hector... mabuti at nakarating ka!" anang lalake na sumalubong sa mag-asawa sa pasilyo ng hotel.
Tinanggap ni Hector ang kamay ng lalake upang makipagkamay dito. "Of course! Like what I've said, pupunta ako." anito.
"Oh! Who is this lovely woman beside you?" nakangiting tanong pa nito nang mapatingin kay Pipay.
"My wife! Peppa." pakilala nito sa asawa.
Tila ba ay biglang nagtatalon ang puso ni Pipay dahil sa tuwa nang marinig niya ang sinabi ni Hector. Tuwa dahil sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na mag-asawa sila ni Hector ay ngayon lamang nito binanggit ang salitang WIFE sa harapan niya pa mismo habang ipinapakilala siya sa ibang tao. Animo'y proud pa ito na ipinakilala siya bilang asawa nito dahil sa tono ng pananalita nito kanina.
"Oh! Really? When did you get married?" nagtataka at tila hindi makapaniwalang tanong pa nito.
Yeah! No one knows na mag-asawa sila ni Hector, maliban lamang sa pamilya nila. Sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak nila kung kaya't nagagawa nito ang lahat ng gusto nitong gawin. Kahit pa mambabae ito ay okay lang, dahil sa mata ng ibang tao ay hindi mali ang ginagawa nito.
"A—"
"Hector."
Naputol ang pagsasalita ni Pipay nang biglang may tumawag sa pangalan ng kaniyang asawa.
"There you are! Kanina pa kita hinihintay babe." malanding saad ng babae at agad itong yumapos sa braso ni Hector. Mayamaya ay bigla rin nitong hinawaka sa magkabilang pisngi ang lalake at hinalikan sa mga labi nito.
Babe? Yakap at halik sa labi? Kahit alam naman niyang maraming babae si Hector, kahit alam niyang kung sinu-sino ang kasama at kahalikan nito, pero bakit parang may kakaiba siyang nadama sa kaibuturan niya nang makita ang mga iyon? Bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon niya dahil sa mga narinig at nakita niya? Bakit ang ganoong pakiramdam na iyon ang nararamdaman niya simula kanina?
"Let's go at naghihintay na sa atin ang iba." anang babae at agad na hinila sa kamay si Hector.
Naiwan namang tigagal si Pipay sa gitna ng lobby habang sinusundan niya ng tingin ang mga ito. Ang asawa niyang hinila na palayo nang babaeng kararating lamang.