KINABUKASAN nagising si Peppa na nasa sariling kuwarto niya na. Nagtataka siya kung paano siyang na punta sa kaniyang silid. Ang pagkakaalala kasi niya ay nasa sala siya nang nagdaang gabi. Umiiyak dahil na naman sa kaniyang asawa. Naalala pa nga niya na namaga ang kaniyang isang paa dahil sa pagkakatisod nang sapilitan siyang hilahin ni Hector. Maging ang pananakit nito sa kaniya. Hanggang sa itinulak siya nito at tumama ang tagiliran niya sa bubog na lamesa. Ngunit bakit wala siyang maramdamang sakit sa paa at tagiliran niya? Kunot ang noo at dahan-dahan siyang umayos ng upo sa ibabaw ng kaniyang kama para siyasatin ang sarili. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makitang nakabenda ang kaniyang paa. Nang kapain niya ang kaniyang tagiliran ay may band aid na rin iyon.
Kunot noo siyang napaisip na baka ang asawa niya ang may gawa niyon, sila lang naman dalawa ang tao sa bahay nila. Ngunit bakit naman gagawin iyon ni Hector sa kaniya gayo'ng wala naman itong pakialam sa kaniya? Nais pa nga nitong patayin siya at ng tuluyan na siyang mawala sa mundo nito.
Pero teka; ibig sabihin ba rin no'n ay inihatid siya nito sa kaniyang kuwarto? Binuhat siya ni Hector papunta sa kaniyang silid? Nagtataka at hindi pa rin makapaniwala na tanong ng kaniyang isipan.
Mayamaya ay biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Hindi pa rin pala siya kumakain simula kagabi kaya gutom na gutom na siya. Dahan-dahan siyang kumilos at bumaba sa kama. Bahagyang kumirot ang kaniyang sugat maging ang kaniyang paa no'ng iapak niya iyon sa marmol na sahig. Pero okay lang naman. Kaya naman na niyang mag lakad papunta sa kusina para maasikaso ang pagkain niya. Tutal at pasado alas sais na rin ng umaga at kailangan niya ng mag luto ng agahan para sa asawa at baka magalit na naman iyon sa kaniya.
Paika-ika siyang humakbang hanggang sa makarating siya sa kusina. Kahit medyo sumakit na naman ang paa niya dahil sa mataas na hagdan na tinahak niya, maging ang kaniyang sugat na kanina ay maayos naman na ay medyo kumirot na rin; hindi niya na iyon pinansin. Alam kasi niyang mas lalo pa iyong sasakit mamaya kapag nadatnan na naman siya ni Hector na babagal-bagal at wala pang nalulutong pagkain para dito.
"What are you doing?"
Halos mabasag pa ang pinggan na hawak ni Pipay nang bigla niya iyong mabitawan at bumagsak sa lababo. Kabado at nanginginig ang mga kamay; dahan-dahan niyang hinarap ang asawa. Inaasahan na niyang galit at nagsasalubong na naman ang mga kilay nito kagaya ng nakagawian na nitong hitsura kapag galit ito sa kaniya, ngunit iba ang nabungaran niya ngayon sa anyo nito.
Nagmamadaling lumapit si Hector sa asawa. Dahil sa takot ni Pipay na baka saktan na naman siya nito ay umatras agad siya rito.
"Tss!" anito. Mabilis na hinaltak nito ang kamay ng asawa at walang paalam na pinangko niya ito.
Gulat man dahil sa ginawa ni Hector ay wala na ring nagawa si Pipay nang bigla siya nitong iupo sa isang silya sa harap ng lamesa.
"Don't bother yourself to cook." tipid na saad nito. Tinitigan pa nito ng mataman at seryoso ang Pipay bago binalingan ng tingin ang paa nito. Mabilis itong lumuhod para tingnan ang paa nito. "Does still hurt?" tanong nito.
Hindi niya magawang sumagot dito. Parang bigla niya atang nalunok ang sariling dila dahil sa pagtataka. Bakit umaasta na naman na mabait ang kaniyang asawa ngayon? Pero mamaya alam niyang magagalit na naman ito sa kaniya.
"I'm asking you if your foot still hurts?" anito nang hindi pa rin ito sumagot sa kaniya.
"M-medyo." nauutal pang sagot ni Pipay.
"How about your back? Masakit pa rin ba? Kumikirot pa ba ang sugat mo?" sunod-sunod na tanong nito pagkuwa'y muling tumayo at pumuwesto sa likuran ng asawa.
Nagulat na lamang si Pipay nang biglang inangat ni Hector ang laylayan ng kaniyang damit upang matingnan ang kaniyang sugat roon.
Bakit? Bakit ito na naman ang biglang naramdaman niya? Bakit ganito na naman kabilis ang t***k ng kaniyang puso? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pakiramdam niya may nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan niya nang mag daiti na naman ang mga balat nila ni Hector.
"Still bleeding." saad nito na siyang umagaw muli sa atensyon ni Pipay. Nakapamaywang itong tumayo sa harap ng asawa. "Nagpa-deliver na ako ng pagkain natin. Hindi mo pa kayang kumilos kaya manatili ka na lang diyan." saad nito `tsaka walang paalam na umalis.
Kunot noo naman na sinundan ni Pipay ng tingin ang bulto ng kaniyang asawa habang palabas ito ng kusina. Makaraan ang ilang minuto ay muli itong bumalik. May bitbit na apat na plastic bag.
"Let's eat at kailangan mong uminom ng gamot para gumaling agad ang sugat at pasa sa paa mo." anito habang inaayos ang pagkain sa lamesa.
Gustong magsalita ni Pipay para tanungin ang asawa kung bakit ganito ang pakikitungo nito sa kaniya? Kung bakit mukhang anghel ito ngayon sa paningin niya? Ngunit wala siyang lakas ng loob. Kilala na niya kasi ang ugali nito. Baka ngayon lang ito mabait, pero mamaya ay bigla naman itong babalik sa totoong ugali na mayroon ito.
"Eat Peppa! Gusto mo subuan pa kita?"
Diretsong napatingin si Pipay sa mga mata ni Hector nang marinig niya ang sinabi nito. Sunod-sunod na iling ang kaagad na ginawa niya pagkuwa'y mabilis na kinuha ang kubyertos na nasa harapan niya. Tahimik na naglagay ng pagkain sa kaniyang plato at kumain.
"CANCEL all my appointments for today! No problem. I can handle Mr. Nakamura. Just do what I say. And don't forget to send me those e-mails, okay."
Kausap ni Hector sa kabilang linya ang kaniyang sekretarya.
Nakaupo lamang si Pipay sa mahaba at malambot na sofa habang nagbabasa ng magazine. Hindi niya naman maiwasang hindi marinig ang boses ng asawa dahil naroon lang din ito sa sala. Minsan pa siyang lihim na napapatingin dito.
Wala naman siyang magawa sa ngayon dahil sa totoo lang ay medyo nananakit na naman ang paa niya pati na rin ang sugat sa likod niya. Matapos ang almusal nila ni Hector kanina ay pinangko siya nitong muli at dinala sa sala para doon ay magpahinga; iyon ang utos sa kaniya ni Hector. Hindi siya sanay na walang ginagawa sa buong maghapon kung kaya't bagot na bagot siya at nangangati ang mga kamay niya na gumawa ng gawaing bahay. Pero sigurado rin naman siyang pagagalitan siya nito kung ipipilit niya ang kaniyang gusto na magtrabaho.
"Are you okay? You need something?"
Tanong sa kaniya ni Hector na hindi niya manlang namalayan nasa harapan niya na pala ito. "A, w-wala naman. Salamat!" kinakabahang sagot niya rito `tsaka mabilis na nag baba ng paningin.
Mabilis na nag tiim-bagang ito. "You're lying again." saad nito na siyang naging dahilan ng muling pag angat ng mukha ni Pipay. Nakatuon ang paningin ni Hector sa kamay ng asawa na nasa kandungan nito, paulit-ulit na gumuguhit ng bilog. "Tell me, what do you want?" tanong nitong muli at sinalubong ang mga mata ni Pipay.
It's her mannerism. Gumuguhit siya ng bilog sa tuwing nagsisinungaling siya sa isang tao. Sa buong dalawang taon na magkasama sila ni Hector sa iisang bahay ay ngayon lamang ito may napuna sa kaniya. Bagay na hindi mali sa paningin nito.
"Ahh—" aniya at mabilis na ikinuyom ang palad.
"Tell me habang hindi pa nag-iinit ang ulo ko nang dahil sa `yo." seryosong saad nito na siyang pumutol sa pagsasalita ng kaniyang asawa.
Lihim na napapalunok na lamang ng kaniyang laway si Pipay bago sinagot si Hector. "G-gusto ko sanang ano... ahh s-sa kuwarto ko na lang ako magpapahinga." saad na lamang niya rito.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Hector bago ito yumuko at walang sabi-sabi na kinarga niya ang asawa na parang bagong kasal. Dahil sa gulat nang bigla siyang buhatin ng lalake ay wala sa sariling naipulupot ni Pipay ang isa niyang braso sa balikat nito habang ang isang kamay naman niya ay nakatuon sa matigas at malapad na dibdib nito.
Tila biglang nag slow motion ang paligid niya nang mag angat siya ng tingin sa asawa. Kagaya niya ay gulat din ang makikitang ekspresyon sa mukha ni Hector habang nakatingin sa kaniya.
Malakas ang t***k ng puso ni Pipay. Parang pakiramdam niya anumang sandali ay lalabas na iyon sa kaniyang dibdib. Hindi niya rin magawang iiwas ang kaniyang paningin dito dahil parang may magnet ang mga mata ni Hector na siyang humahatak sa paningin niya. Pakiramdam ni Pipay nanghihina ang buong katawan niya dahil sa klase ng titig ni Hector sa kaniya sa mga sandaling iyon.
Ito na naman at nagising na naman ang sangkatirbang paru-paro sa kaniyang sikmura. Ang bultahe ng kuryente na muling nanulay sa katawan niya mula sa katawan ng kaniyang asawa. Kung kaya nga lang niya na lumayo at umiwas dito ay kanina niya pang ginawa. Bukod kasi sa natatakot siya rito ay naiilang din siya dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Nalilito siya kung ano ba itong nararamdaman niya. Itong bigla-biglang paglakas ng t***k ng kaniyang puso. Itong kuryenteng nanunulay sa katawan niya sa tuwing magkakadikit sila ni Hector. Gusto niyang kumawala mula sa mga bisig nitong nakapulupot sa kaniyang baywang, pero malas lang niya at hindi niya kayang maglakad ngayon ng maayos.
"S-sorry! K-kaya ko naman maglakad e! Ibaba mo na lang ako." nauutal pang saad niya rito.
Ngunit sa halip na pakinggan ni Hector ang kaniyang mga sinabi, nag umpisa na itong mag lakad at umakyat sa hagdan para ihatid siya sa kaniyang silid. Masuyo at maingat siya nitong inilapag sa kaniyang kama nang makarating na sila sa kuwarto niya.
"S-salamat." kinakabahan at nahihiyang saad niya rito.
"Stay here! I'll be back." anito `tsaka mabilis na muling lumabas sa silid na iyon.
Tulala at halos hindi makapaniwala si Pipay dahil sa mga nangyari. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman niya ngayon? Dati naman ay hindi siya ganito. Bigla siyang nababalisa. Nauutal. Kinakabahan. At lalo na pakiramdam niya parati siyang nakukuryente sa tuwing magdadaiti ang mga balat nila ni Hector.
"Ang sabi sa `kin ng lola ko noon, kapag daw naramdaman mo ang kuryente na nanulay sa balat mo galing sa isang tao, ibig sabihin no'n ay may espesyal kang nararamdaman para sa taong iyon."
"Ano po'ng ibig ninyong sabihin na espesyal na nararamdaman sister Venice?" tanong ng batang Pipay sa Madre na kaniyang kinikilalang ina.
"Espesyal. Ito `yong uri ng pag hanga o kung madalas ay pagmamahal na nararamdaman natin para sa taong gusto o tinitibok ng ating puso. Pero hindi mo pa maiintindiha iyon sa ngayon dahil bata ka pa Pipay. Darating ang araw na mauunawaan mo rin ito. Kapag nakilala mo na rin ang taong nakatakda mong mahalin. Ang taong mag papatibok ng iyong puso."
Iyon ang biglang lumitaw sa isipan ni Pipay habang nakatulala sa kawalan.
Totoo nga kaya? Tama ba ang sister Venice niya? Totoo nga kaya na may espesyal na siyang nararamdaman para sa asawa? Na gusto niya na si Hector? Ngunit paanong nangyari? Simula't sapol pa lamang ay alam niya ng hindi puwede dahil na rin sa pagmamalupit at pananakit nito sa kaniya.
Hindi siya puwedeng makaramdaman ng espesyal para sa asawa. Dahil panigurado siya ngayon pa lamang ay siya lang din ang lubos na masasaktan at magdudusa pagdating ng araw.
MARAHANG kumatok si Hector sa pintuan ng silid ni Pipay. Ngunit nakakailang katok na siya roon ay wala pa rin siyang naririnig na tugon mula sa asawa na nasa loob ng kuwarto. Dahan-dahan niyang hinawakan ang siradura at pinihit iyon pabukas. Walang pahintulot na pumasok siya roon. Kaya naman pala hindi siya sinagot ng kaniyang asawa ay dahil mahimbing na itong natutulog sa ibabaw ng malambot na kama. Napabuntong-hininga na lamang ang lalake `tsaka umiiling na naglakad palapit sa kama. "Tss!" anito ng makaupo na siya sa gilid ni Pipay habang hawak-hawak niya ang first aid kit na kinuha niya sa kusina. "Peppa, wake up!" tawag niya rito. Ngunit isang mahinhin na hilik lamang ang nakuha niyang tugon mula rito. "Hey! Wake up! I told you na hintayin mo ako hindi tulugan mo ako." tila naiinis na saad nito kahit alam naman niyang hindi siya maririnig ng humihilik niyang asawa. Tinapik niya pa ito sa braso ngunit laking gulat niya nang biglang kunin ni Pipay ang kaniyang kamay at yakapin iyon na tila ba ay isang malambot na unan.
"Hector!" sambit ni Pipay sa pangalan ng asawa.
Wala sa sariling napatitig ang lalake sa mukha nito na nahihimbing sa pagtulog. Mula sa maamong mukha, sinuyod ng kaniyang mga mata ang halos lahat ng parte ng mukha ni Pipay. Ang mga mata na may mahahaba at malalantik na pilik. Ang medyo may katangusang ilong nito. At ang mamula-mulang mga labi nito.
"Hector!" muling halinghing ni Pipay.
Hindi alam ni Hector kung bakit biglang nagkaganoon ang pakiramdam niya! Mula nang makita niya ang asawa na may kasamang ibang lalake. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init at kumulo ang kaniyang dugo nang makitang may ibang lalakeng kasama si Pipay.
"Hey! Wake up!" muling tawag niya rito na sinabayan pa ng mahinang pag yugyog sa balikat.
Bakit pakiramdam niya ay hinihingal siya ngayon? Naglakad lang naman siya patungo sa kusina para kunin ang first aid kit nila. Pero ang lakas at ang bilis agad ng t***k ng kaniyang dibdib.
"Hector anak, alagaan mo si Pipay para sa amin huh! Huwag mo siyang pababayaan. Mahal na mahal namin `yan kahit hindi sa `min galing si Pipay. Mabait na bata `yan. May tiwala naman kami sa `yo na hindi mo siya pababayaan at sasaktan."
"No worries sister Venice, my son Hector well take good care of Peppa. Hindi niya pababayaan si Pipay lalo pa at mag-asawa na sila." sagot naman ng matandang PenaVega sa Madre.
Hindi magawang tumingin ng diretso ni Hector sa mga madre at sa ama niya dahil ang totoo niyan ay nagpupuyos siya ng galit dahil sa ginawa nito. Ipinagkasundo siya sa babaeng hindi niya naman kilala. Hindi niya mahal. At higit sa lahat sa babaeng naging kabit muna ng kaniyang ama bago ipasa sa kaniya.
"Umaasa kami." anang Madre. "Pero isa lang din ang pakiusap ko sa `yo Hector, kung darating man ang araw na sasaktan mo si Pipay... nakikiusap ako sa `yo na ibalik mo na lang siya sa `min kaysa ipadanas mo sa kaniya ang sakit at hirap na kailanman ay hindi niya pa nararanasan sa iba." muling saad ni Sister Venice kay Hector.
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Hector matapos mag balik tanaw noong gabing matapos ang kasal nila ng asawa. Ang araw na noon pa man ay kaniya ng isinumpa. Ang araw na kung saan nagsimulang masira ang kaniyang buhay at ang relasyon nilang mag-ama.
Paano niyang hindi sasaktan at parurusahan ang asawa kung ito nga ang gusto niyang mangyari? Ang pagbayaran ng babae ang lahat ng kasalanan nito sa kaniya.