CHAPTER 5

2181 Words
HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon. Mayamaya ay bigla itong napailing kasabay ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. "Peppa, wake up!" muli niya itong sinubukan na gisingin. Sa pagkakataong iyon ay nagising naman ito. Nagulat pa ang Pipay nang makitang hawak-hawak niya ang kamay ni Hector. Napabalikwas ito ng bangon. Mabilis pa sa alas kuwatrong binitiwan niya ang kamay nito at umupo sa gilid ng kama. "A, s-sorry!" aniya. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" nauutal at kinakabahang tanong niya. "We need to clean your wound. Come here at ako na ang mag gagamot sa `yo." anito `tsaka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila ito. Wala namang nagawa si Pipay kundi ang lumapit sa kinauupuan nito. "Turn around." utos niya rito. "Turn around at itaas mo ang damit mo." aniya nang hindi manlang tumalima ang asawa. "H-huh? B-bakit?" kunot ang noo at nauutal na tanong ni Pipay. "Don't ask too much, Peppa. Tumalikod ka na lang at itaas mo ang damit mo." naiinis na saad ni Hector. Umigting pa ang panga nito. Dahil sa takot na baka biglang magalit na naman sa kaniya ang asawa ay nagmamadali ngang tumalikod si Pipay at wala sa sariling itinaas ang kaniyang damit gaya ng utos ni Hector sa kaniya. Kahit naiilang at nahihiya dahil ito ang unang beses na gagawin iyon sa kaniya ni Hector; iyon ang unang beses na makikita ng kaniyang asawa ang katawan niya. Katawan na minsan ay hindi naman nito pinagkainteresan, katawan na puro sugat at pasa lamang ang natatamo mula rito, wala ng ibang nagawa si Pipay kundi pabayaan ito na gamutin ang kaniyang sugat. Hindi niya rin naman iyon magagawa sa kaniyang sarili. "A-aray!" daing niya nang makaramdam ng hapdi nang umpisahang linisin ni Hector ang kaniyang sugat. "P-puwedeng dahan-dahan lang? Masakit kasi e! Ang hapdi." aniya. Mayamaya ay naramdaman niyang hinipan nito ang kaniyang sugat. Kahit papaano ay nawala ang hapdi roon. Ano nga kaya ang nangyari rito at ganoon na lamang kung alagaan siya ngayon? Nakapagtataka lang kasi. Naninibago siya sa mga ikinikilos nito ngayon. Samantalang kagabi lang ay halos parusahan siya nito. "Are you hungry?" tanong ni Hector mayamaya. "Gusto mo bang mag meryenda?" dagdag pa nito. Bahagya itong nilingon ni Pipay para tingnan. Nang makita niyang nakatingin din ito sa kaniya'y siya na ang biglang nag iwas ng paningin dito. "A, m-medyo!" aniya. "Pero kaya ko naman na ang sarili ko. Ako na ang bahala sa pagkain ko. Salamat!" Hindi na sumagot si Hector, sa halip ay muling itinuloy nito ang ginagawa. Habang si Pipay naman ay hindi pa rin mapakali at naiilang pa rin sa isiping ang asawa niya ngayon ang nag gagamot sa sugat niya at nag-aalaga sa kaniya. Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Mayamaya ay tumayo na si Hector sa kaniyang puwesto. "Okay na `yan! Huwag ka lang gumalaw-galaw masiyado para hindi na dumugo `yan." anito. "Salamat!" medyo nahihiya pang saad niya rito. "Ano ba'ng gusto mong kainin?" tanong nito. Muling nag taas ng mukha si Pipay para tingnan ang asawa. "H-huwag na! Kaya ko naman ang—" "I insist." "Hindi na!" giit niya. Pero isang matalim na tingin naman ang nakuha niya mula rito. Kinakabahang tumungo na lamang si Pipay. "I-ikaw ang bahala." "Let's go." Nagulat pa siya nang biglang kumilos si Hector at hawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa kandungan niya. Kinakabahan na napatitig siyang muli rito. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon. Malinga-lingang bawiin niya ang kamay mula rito, pero hindi niya naman magawa. "A, e..." "Teach me how to cook. Wala naman ako alam pagdating sa kusina." seryosong saad ni Hector at walang pag-aalinlangan na inalalayan ang asawa na makatayo mula sa kamang inuupuan at iginiya ito palabas ng kuwarto. Wala sa sariling nagpatianod na lamang si Pipay sa asawa. Gusto niyang umalma at pagbawalan ito na hawakan siya, ngunit sa hindi malamang dahilan ay tutol ang kaniyang katawan maging ang kaniyang isipan. May munting pakiramdam sa kaibuturan niya ang nagsasaya habang akay-akay siya ni Hector sa kaniyang baywang. Hanggang sa kamarating sila sa kusina ay inalalayan pa siya nitong makaupo sa isang silya. "Just sit there. Ako na ang bahalang mag luto. What do you want by the way?" tanong nito habang nakapamaywang sa harap ni Pipay. "Mmm! Pancake. How's that? It's your favorite, right?" Gulat na napatitig si Pipay sa mukha ng kaniyang asawa matapos niyang marinig ang sinabi nito. Paanong nalaman ng kaniyang asawa na `yon ang paborito niyang meryenda? Sa pagkakaalam niya kasi mula nang magsama sila ni Hector sa iisang bahay ay hindi naman nito nakita na nagluluto siya ng gano'ng meryenda. At kung magluluto man siya ng pagkain para dito ay madalas itinatapon nito sa kadahilanang hindi raw masarap o madalas ay galit ito sa kaniya kung kaya't nawawala ang gana nito na kainin ang mga luto niya. "Are you okay?" untag na tanong ni Hector nang hindi sumagot ang kaniyang asawa. "A, o-okay lang." aniya. "Okay! Just tell me what should I do first." kaagad din itong tumalima para asikasuhin ang mga gagamitin sa pagluto. Ewan kay Pipay kung bakit lihim na nagsasaya ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon base sa mga nakikita niyang ginagawa ng asawa niya ngayon para sa kaniya. Ayaw niya mang aminin pero ang totoo ay masaya siya ngayon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang tinatanaw ang mga kilos nito. "Why are you smiling? May dumi ba sa mukha ko?" kunot ang noo na tanong ni Hector. Halos mahulog pa sa kinauupuan niya si Pipay nang marinig niya ang boses nito. Dahil busy siya kaka-ngiti sa asawa ay hindi niya na namalayan na nakatingin na rin pala ito sa kaniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong naglaho ang ngiti sa mga labi ni Pipay at napapahiyang yumuko para itago ang namumula niyang mga pisngi. "Tss!" HINDI na niya matantiya kung ilang minuto na ba siyang nakayoko roon dahil sa pagkapahiya sa asawa. Wala pa siyang lakas ng loob na muling tingnan ito. Kahit ang mag angat ng mukha sa tuwing may itatanong sa kaniya si Hector ay hindi niya magawa. "s**t! Does it look like Pancake? Or should I call this toasted Pancake?" inis na saad ni Hector na siyang nagpataas ng mukha ni Pipay. Naamoy niya kasi ang sunog na niluluto nito. Gusto niya pang matawa nang makita niya ang hitsura ng kaniyang asawa. Bukod sa puro sunog ang niluto nito ay puno pa ng flour ang mukha nito. Maging ang apron na suot nito. "I would rather lock myself in my office all day while holding my pen rather than holding this damn pan and spatula." magkasalubong ang mga kilay na saad nito. "What?" inis na tanong nito nang mahuli niyang nakatingin sa kaniya si Pipay. Halatang nagpipigil na mapangiti o pagtawanan siya. Napailing ito kasabay ng pag igting ng panga. Inis na itinapon nito sa kitchen counter ang hawak na Pot Holder. "Mag papa-deliver na lang ako—" "Hindi." agap niya rito `tsaka bumaba sa kinauupuan at lumapit sa asawa. Kinuha niya ang plato na may lamang sunog na Pancakes at dinala iyon sa lamesa. "Kaya ng pagtiisan `to." aniya. "Sayang naman." Sayang naman at ngayon niya lang ako ipinagluto e! Sa isip isip niya. "Kung ayaw mong kumain sa niluto mo, ako na lang ang uubos." dagdag pa niya. Isusubo na sana ni Pipay ang Pancake nang bigla iyong agawin sa kaniya ni Hector. "Baka sumakit pa ang tiyan mo, huwag na `yan." saad nito `tsaka hinila ang plato na nasa tapat ni Pipay at dinala iyong muli sa lababo. "Sayang ang pagkain." malungkot na bulong ni Pipay. Ngunit hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng kaniyang asawa. "Mukha pa bang pagkain `yon? E, sunog nga! Mag order na lang tayo." anito at dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot niyang walking short para mag order ng kanilang pagkain. "Huwag na! Ako na lang ang magluluto kaya ko naman e!" mabilis na turan ni Pipay "Tiyaka hindi naman mahirap gawin `yon." dagdag pa niya at muling umalis sa kinauupuan niya. Naglakad siya palapit sa cabinet kung saan naka-stock ang flour na gagawin niyang Pancake. Dahil may kataasan iyon kumpara sa height niya ay medyo nahirapan siyang abutin iyon. Tumingkayad siya para sana abutin iyon pero hindi niya pa rin makuha. Mayamaya ay nagulat na lamang siya nang biglang may isang kamay na humawak sa baywang niya habang ang isang kamay naman ay umangat papunta sa tapat ng kamay niya na nasa itaas ng cabinet. Inabot nito ang karton na kanina niya pang pinipilit abutin. Tameme at kinakabahan na unti-unting lumingon sa asawa niya si Pipay. Tinatraydor siya ng kalamnan niya ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina ng katawan at nanginig ang kaniyang mga tuhod. Kung hindi nga lang nakahawak ang isang kamay ni Hector sa baywang niya at nakasandal ang likod niya sa malapad at matigas na katawan nito ay malamang kanina pa siyang natumba sa marmol na sahig. Halos lumundag na ang kaniyang puso na ngayo'y nagreregodon na naman. Bakit ganoon ang dating at epekto sa kaniya ng kaniyang asawa? Kahit sa mumunting galaw at kilos lang nito; ang saglit na pagkakadaiti ng mga balat nila ay nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matukoy kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig sa kaniya. "I'll help you!" anang Hector. Pakiramdam ni Pipay ay nagtayuan ang lahat ng balahibo sa batok niya nang maramdaman niya ang pag tama ng mainit na hininga nito roon. Napalunok siya ng laway nang pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kaniyang lalamunan at hindi niya magawang sumagot dito. Naramdaman pa niya ang masuyong pag galaw ng kamay ni Hector na nasa kaliwang bahagi ng kaniyang baywang. Ang masuyong pagpisil nito roon na naging dahilan para mapaiktad siya. "I said I'll help you. Is it okay with you?" muling saad nito sa asawa. Wala sa sariling napatango naman si Pipay bilang tugon sa asawa. Pakiramdam nga rin niya ay kaunti na lang madidinig na ni Hector ang malakas na pagtibok ng kaniyang dibdib sa mga sandaling iyon. Kahit sunod-sunod na ang pagpapakawala niya ng lihim na buntong-hininga ay hindi niya pa rin mapakalma ang sarili. "O-okay lang." "Let's start then, nagugutom na ako." anito at iginiya ang asawa pabalik sa lamesa. Kahit hindi makapag-concentrate dahil nasa tabi niya ang asawa at pakiramdam niya ay tinitingnan at inaabangan ang bawat galaw niya na sa totoo lang ay nakakailang para sa kaniya, pinilit pa rin ni Pipay na kumilos na parang normal. Iwinaglit sa isipan na nasa tabi niya ngayon ang asawa. "Tama ba `tong ginagawa ko?" tanong ni Hector mayamaya. "H-huh? A, oo. Pero medyo haluin mo pa ng kaunti para mawala ang maliliit na buo diyan." "Okay!" Ilang saglit pa ay nag presenta ulit si Hector na siya ang magluluto. Pinagbigyan naman ito ni Pipay at ayaw niya na nang maraming usapin dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib niya. "Look! I did it." Nagulat si Pipay nang bigla itong magsalita. Naglalakbay na naman kasi ang kaniyang utak habang pinagmamasdan si Hector. "I did it." nakangiting saad pa nito. Tila nagmamalaki sa kaniyang nagawa. Hindi nasunog ang niluto nito ngayon kumpara kanina. Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Pipay nang makita niya kung paanong sumilay ang isang matamis at malapad na ngiti sa mga labi ng kaniyang asawa. For the first time in the History of Hector PenaVega, ngayon lamang niya nakita na ngumiti ang kaniyang asawa. Ngiti na noon pa man ay kaniya ng ipinapanalangin na sana ay masilayan niya. Ang guwapo pala nito sobra kapag nakangiti. Ibang-iba sa Hector na nakilala niyang laging nakasigaw at nakakunot ang noo. Tila ay nanalo sa lotto ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon ng sa wakas ay natupad din ang isang hiling niya noon pa man. Ang makitang nakangiti si Hector. Mayamaya ay natigilan din bigla ang lalake nang mapansing nakatitig na sa kaniya ang asawa. Mabilis pa sa alas kuwatrong nawala ang matamis niyang ngiti sa mga labi. Kahit si Hector man ay natigilan din at hindi makapaniwala kung bakit bigla siyang napangiti. Simpleng bagay lang ang nagawa niya ngayon kumpara sa mga achievements na natatanggap at nagagawa niya sa trabaho, pero ito at napangiti siyang bigla. Tila ay kay gaan ng kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Lalo na at kasama niya ang asawa. Na kung minsan sa mga sandaling magkasama sila ay nahuhuli niya itong nakangiti habang nakatingin sa kaniya. Nahawa nga ata siya sa ngiti ni Pipay kung kaya't ganoon na lang ang naging epekto nito sa kaniya. "Nagawa mo nga!" medyo nahihiya pang saad ni Pipay dito. "Thanks!" tipid na saad niya `tsaka mabilis na nag iwas ng tingin dito. Baka mahuli pa nito ang muli niyang pag ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD