"WHO told you na puwede kang umalis ng bahay ko ng 'di nagpapaalam sa `kin huh?" galit na sigaw ni Hector habang nangigigil itong nakahawak sa baba nang kawawang asawa.
Hilam naman ng luha ang buong mukha ni Pipay habang takot na nagmamakaawa rito pero ayaw naman siyang pakinggan nito. "Sorry! Lumabas lang naman ako para magpahangin." aniya na panay ang hikbi. "Nasasaktan na ako!" nahihirapang pagsusumamo niya rito habang nakahawak sa kamay nang asawa. Napadaing pa siya nang sabunutan nito lalo ang kaniyang buhok kung kaya't napatingala siya rito.
"I own you! No one else can own you but me. Do you understand? Kapag nalaman kong nakikipag kita ka sa lalake mo, mapapatay kita." galit na banta nito sa asawa.
Dahil sa takot at sa galit na nakikita ni Pipay sa mga mata ng asawa ay napatango siya ng sunod-sunod dito bilang pag sang-ayon sa kagustuhan nito. Padabog pa siyang binitawan nito kaya napasubsob siya sa carpet ng sahig. Agad din siyang nilisan ng lalake at pumanhik sa kuwarto nito. Naiwan siyang durog at humihikbi habang yakap-yakap ang mga tuhod, habang nakahiga sa sahig.
Dalawang taon na silang kasal ng kaniyang asawa at dalawang taon na rin siyang nagtitiis sa pananakit nito sa kaniya. Wala naman siyang magawa, 'di siya makalaban dito dahil baka nga totohanin nito ang banta sa kaniya na papatayin siya nito. Kahit gustuhin man niyang tumakas pero 'di rin niya magawa. Siguro nga iyon na ang kapalaran niya. Ang makulong sa mga kamay ng isang Hector PenaVega. Ang habang-buhay na mag dusa sa pananakit nito sa kaniya.
"Wake up!"
Agad namang naalimpungatan si Pipay nang madinig niya ang boses ng asawa. Tinadyakan pa siya nito kaya napadaing siya nang tumama ang paa nito sa dibdib niya. Nakatulog na pala siya sa carpet habang masaganang umiiyak kagabi dahil sa pananakit ng asawa sa kaniya. Ayaw niya ng umiyak dahil sanay na siyang ganoon ang set up nilang mag-asawa sa loob ng dalawang taon na magkasama sila sa iisang bahay. Pero kahit ano'ng pigil niya sa mga luha niya ay ayaw din nitong paawat. Kaya nagmumukha siyang kawawa at mahina sa harap ni Hector dahil traydor din ang kaniyang mga luha.
Mahapdi at namamaga ang mga mata. Kahit matamlay ang buong katawan ay pinilit niya pa ring bumangon sa carpet dahil ayaw niyang magalit muli sa kaniya si Hector.
"Damn this life!"
Dinig niya ang sigaw nito mula sa kusina kasunod ang pag kalampag nang mga gamit at nabasag. Takot naman siyang nagmadaling pumasok sa kusina.
"What are you waiting for? Will you just stand there huh? Late na ako sa trabaho ko ni wala ka pang naluluto na pagkain ko. Buwesit na buhay `to." galit na sigaw nito `tsaka ito naglakad palapit sa asawa na nakatayo sa gilid ng may pintuan. Tiim-bagang at matalim na tingin ang ipinukol nito kay Pipay. Kaagad namang nag baba ng mukha ang babae dahil sa takot. "Buwesit!" saad pa nito at biglang itinulak ang babae dahilan upang mapasandal ito sa nakapinid na pinto.
Nadinig na lamang ni Pipay ang pag alis ng sasakyan ni Hector sa kanilang garahe. Mayamaya `tsaka lang niya naramdaman ang sakit ng kaniyang likod na tumama sa doorknob. Hawak-hawak ang balakang na nagsimula siyang naglakad paakyat sa sariling kuwarto. Umupo siya sa gilid ng kama habang patuloy na iniinda ang sakit ng likod niya.
Hanggang kailan kaya matatapos ang pagdudusa niya sa piling ng asawa? Hanggang kailan kaya ito mapapagod na saktan at sigawan siya? Hanggang kailan kaya ito mapapagod na parusahan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa? Kung alam niya lang sana noong una pa lang na magiging ganito ang buhay niya kasama si Hector, sana una pa lang ay 'di na siya pumayag na magpakasal sa lalake. Ngunit sadyang nasa huli nga talaga ang pagsisisi at ngayon ay sobra niya iyong dinadamdam sa sarili.
Tahimik siyang muling napaluha habang iniinda ang sakit at pigtahi sa puso niya. Ang bigat na nararandaman sa puso niya na parang wala ng katapusan.
"KUMUSTA kayo rito ng asawa mo anak?"
Tanong kay Pipay ng ama ni Hector nang minsan ay dumalaw ito sa bahay nilang mag-asawa.
"Okay naman po kami rito dad." kampanting sagot niya rito habang nakangiti ng malapad at hindi manlang kakikitaan sa hitsura na nagsisinungaling lamang siya sa matanda.
"Mabuti naman kung ganoon." saad nito at ngumiti rin. "Ang akala ko kasi ay ganoon pa rin si Hector kung makitungo sa `yo. Basta kung may problema rito sa inyo huwag kang mahihiya na lumapit sa `kin okay?" turan pa nito.
Tumango naman si Pipay bilang tugon dito. Gusto niyang sabihin dito ang totoo tutal at ramdam naman niya ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kaniya bilang asawa ng anak nito. Pero tuwing maaalala niya ang banta ng asawa sa kaniya ay napanghihinaan siya ng loob na mag sumbong dito.
Subukan mong mag sumbong kahit kanino o lalo na sa papa ko. Malilintikan ka talaga sa `kin.
Ang laging binibitawan na banta sa kaniya ni Hector tuwing dadating ang mga ama nito para bisitahin silang mag-asawa.
"Huwag po kayong mag-alala dad, wala naman po kaming problema rito ni Hector. Masaya po kami." kahit labag sa kalooban niya ang magsinungaling at lalo na ang bigkasin ang mga katagang iyon.
"Good to hear that Peppa!" anito at masuyo pang hinaplos ang balikat ng babae. "So, by the way mauuna na rin ako at may kailangan pa akong asikasuhin sa opisina. Like what I have said don't hesitate to call me if you have a problem, okay." saad pa nito bago tuluyang nag paalam.
Inihatid pa ito ni Pipay sa labas ng gate nila bago siya bumalik sa loob ng bahay at ipinagpatuloy ang paglilinis. Ganoon naman talaga ang set up ng araw-araw na buhay niya mag mula nang ikasal sila ni Hector. Bawal siyang lumabas ng bahay kung kaya't ang paglilinis na lang ng bahay ang pinagkakaabalahan niya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkabagot niya.
Lumaki siya sa bahay-amponan. Tanging mga madre lamang ang nagpalaki sa kaniya mula't sapol. Ni hindi alam ng mga ito kung sino ang totoo niyang mga magulang. Basta na lang daw siya nakita ng isa sa mga madre ng bahay-amponan na nakahiga sa labas ng gate. Pinag-aral at ibinigay ang pangangailangan niya. Minahal na parang isang tunay na anak at napuno ng pagmamahal ang buong pagkatao niya mula sa mga madreng umaroga sa kaniya.
Isang araw ay may isang matandang lalake ang dumating sa bahay-amponan para sana mag ampon ng batang babae. Siya ang natipuhan ng matanda. Ayaw man niyang sumama rito pero napilitan din siya alang-alang sa malaking pera na maitutulong para sa bahay-amponan na naging tirahan niya na. Ipinagkasunod siya sa anak nitong binata upang maging asawa. Noong una ay tutol siya lalo pa at wala sa usapan ang mag-aasawa agad siya. Hanggang sa isang umaga ay napapayag din siya ng matanda dahil na rin sa pagiging mabait nito sa kaniya at itinuring na rin siyang anak nito.
At iyon nga ang nangyari, naganap ang kasal nila ni Hector two years ago na lalong ikinagalit ng lalake sa kaniya pati sa sariling ama nito.
"DAMN! Where are you woman? Ba't ang dilim dito?"
Nagmamadali namang bumaba ng kuwarto niya si Pipay nang madinig niya ang boses ng asawa. Galit na naman ito, karaniwan na sa araw-araw na ginagawa nito sa kaniya.
"S-sorry! Nakalimutan ko lang. Nakaidlip kasi ako." utal at kinakabahan pang saad niya rito nang makababa na siya sa sala at hinarap ang asawa. Amoy niya ang amoy alak na hininga nito kahit nasa 'di kalayuan siyang nakatayo mula rito. Ang amoy babaeng pabango na dumikit sa katawan at damit nito. Ang lip stick na naiwan pa sa leeg nito.
Matalim na titig ang ipinukol ni Hector sa asawa. Dahil sa kaba at takot nang magsalubong ang kanilang paningin, kaagad na nag-iwas ng tingin si Pipay dito.
Naglakad si Hector palapit sa asawa. Walang paalam at nanggigigil na hinawakan nito ang baba ni Pipay. "I want to kill you right now, you know that?" tiim-bagang na tanong nito. "But I can't dahil hindi ko makukuha ang mana ko sa ama kong inakit mo noon bago mo ako naging asawa." anito. Mayamaya ay bigla itong tumawa ng pagak pagkuwa'y padaskal na binitawan ang asawa. "Funny right? Naging kaniya ka muna tapos ngayon akin ka na." dagdag pa nito. "Ganoon ka ba talaga kababang babae huh?" may pang-uuyam at panlalait na tanong pa nito.
Hindi naman magawang sumagot ni Pipay dito dahil alam niyang oras na sumagot siya rito'y mas lalo lamang siyang masasaktan. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mag baba ng mukha at kinagat ang pang ibabang labi upang pigilan ang kaniyang mga luha na nagbabanta na naman sa sulok ng kaniyang mga mata.
"Slut! Gold digger! Ikaw `yon! Nakakadiri ka. Walang sinumang lalake ang magugustuhan ka tandaan mo `yan."
Oo parati siyang nakakatikim ng panglalait mula sa asawa, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na hindi masaktan sa mga binibitawan nitong salita para sa kaniya. Kahit masakit ay tinitiis niya na lang at umaasa na balang araw ay matatapos din itong paghihirap niya sa piling ni Hector. Magwawakas din ang pighati ng kaniyang puso at kalooban.
"Are you out of your mind Peppa? Matagal na kitang sinasabihang hiwalayan mo na `yang asawa mo. Look what happened to you? Kaunti na lang ay mapapatay ka na niya. Ano hihintayin mo pa ba ang pagdating ng araw na `yon? Na madadatnan na lang kita rito na wala ng buhay? God! Bakit 'di mo na lang isumbong sa Papa niya `yang demonyo mong asawa? Or kay Sister Venice." lintaya ng kaniyang kaibigan nang minsan ay dumalaw ito sa bahay nila ni Hector.
Tutal at siya lang naman mag-isa ang tao sa bahay at nasa out of town meeting ang asawa niya ilang araw na ang nakakaraan.
"Helga, alam mo naman na hindi ako puwedeng mag sum—"
"At bakit hindi ka puwedeng mag sumbong, Peppa? Kasi papatayin ka ng lalakeng `yon kapag nagsabi ka ng totoo na inaagrabyado ka niya ng husto? Na hindi lang puro masasakit na salita ang binibitawan niya sa `yo kundi pati ang mga ito!" muling lintaya ng dalaga sa kaibigan habang ginagamot nito ang malaking pasa sa tapat ng dibdib at mukha ni Pipay.
Natahimik na lamang siya at 'di na nakuhang sumagot sa kaibigan. Tama naman kasi ito sa mga sinabi sa kaniya e! Bakit siya natatakot na magsumbong sa mga magulang nila, e kung ikamamatay niya naman ang mga ginagawa sa kaniya ng walang kuwenta niyang asawa? Hahayaan niya na lang ba talaga na gawin sa kaniya iyon ni Hector? May karapatan siyang umayaw gayo'ng pagod na rin siyang masaktan. Physically and emotionally.
"Please, Peppa! Maawa ka naman sa sarili mo." muling saad nito. "Parang kapatid na kita kaya 'di ko matatanggap itong kalagayan mo. Hanggat nasa poder ka ng asawa mo 'di ako mapapakali." anito matapos gamutin ang mga pasa ni Pipay.
"Salamat Helga!"
"Ehemmm!"
Pareho pang napalingon sa may pintuan ang dalawa nang marinig nila ang isang boses na tumikhim doon. Awtomatiko namang napatayo sa kinauupuan niya si Peppa nang makita roon ang asawa. Mababakas ang takot sa mukha nito nang makita ang nandidilim na naman hitsura ni Hector. Ang akala niya ay hindi pa ito uuwi sa ngayon. Kanina pa ba ito roon? Baka nadinig nito ang mga pinag-usapan nilang dalawa ni Helga!
Paniguradong mananagot na naman siya rito mamaya.
"Time is up Cinderella! Go back to your room now." may diing saad nito `tsaka tinapunan ng masamang tingin ang kaibigan ng kaniyang asawa.
"Go now Peppa! Magpahinga ka na okay." anang Helga sa kaibigan bago nito dinampot ang hand bag na nasa sofa at tumayo na. "We're not done yet Mr. PenaVega. Once na malaman kong sinaktan mo ulit ang kaibigan ko, ako na mismo ang kakalaban sa `yo." pagbabantang saad ni Helga kay Hector nang madaanan niya ito.
"As if I'm scared." seryoso at baliwalang tugon naman ni Hector kay Helga.
Napatiim-bagang na lamang ang dalaga dahil sa tinuran ng lalake sa kaniya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago muling humarap sa kaibigan. "Take care okay! Babalik ako rito. Bye!"
Pagkaalis ni Helga ay siya rin agad ang hinarap ng galit niyang asawa. Agad siya nitong hinila sa kamay at kinaladkad paakyat sa hagdan.
"H-Hector nasasaktan ako!" habang hila-hila siya nito sa hagdan. Halos magkanda hulog-hulog pa ang mga paa niya sa bawat paghakbang niya pataas dahil sa bilis ng mga hakbang ng kaniyang asawa.
"Masasaktan ka talaga lalo sa `kin punyeta ka!"
Galit na saad ni Hector kay Pipay nang tuluyan na nilang marating ang tapat ng kaniyang kuwarto. Agad na itinulak ng lalake ang asawa na naging dahilan ng malakas na pagtama ng katawan nito sa labas ng pintuan ng kuwarto. Mayamaya pa'y nanghihina ang kalamnan at mga tuhod ng kawawang si Pipay na napaupo sa malamig na sahig.
"What did I told you?" bulyaw na tanong nito sa asawa. "Ang sabi ko huwag kang magpapapasok ng ibang tao rito sa pamamahay ko! Binabaliwala mo ang mga utos ko sa `yo huh!"
"S-sorry! Hindi na mauulit pa." paghingi ni Pipay ng paumanhin sa asawa. Pero lalo lang tuloy nag igting ang mga panga ng lalake at yumuko ito sa kaniya at walang anu-ano'y sinabunutan siyang muli.
"Ahhh! Aray! Please tama na. Nasasaktan na ako Hector." pagsusumamo niya.
"If you do not want to be hurt, then sundin mo ang mga utos ko sa `yo. Huwag mo akong gagalitin." anito `tsaka siya padabog na binitawan. "Out of my sight NOW."
Kahit nanghihina ang buong katawan ay dali-daling tumayo si Pipay mula sa pagkakalugmok sa sahig at patakbong tinungo ang sarili niyang kuwarto.