CHAPTER 6

2878 Words
ISANG malakas na dighay ang pinakawalan ni Pipay matapos kainin ang huling slice ng Pancakes na inihain sa kaniya ng asawa. "Sorry! Excuse me." nahihiyang saad niya kay Hector `tsaka nag baba ng tingin dito. "You want more?" sa halip ay tanong nito. "Huh? A, busog na ako. Salamat!" aniya. "A—" biglang naputol sa pagsasalita si Hector nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Dahil na sa tapat niya lang ang asawa ay nakita ni Pipay kung sino ang tumatawag dito. Erneth? Babae ba `yon? Tanong niya sa isipan nang mapasilip siya sa asawa na abala naman sa pag nguya sa kinakain nito. Mabilis na kumilos ang kamay ni Hector at pinatay ang tawag sa kaniya. Pero mayamaya ay tumunog na naman iyon. "B-baka importante `yang tawag sa `yo." lakas loob na saad ni Pipay dito nang makailang ring na ang cellphone nito pero pinapatay lamang iyon ni Hector. Ang pagkakaalam niya kasi ay walang tawag ang asawa na hindi nito sinasagot. Kahit pa man na sa harap ito ng hapag kapag tumunog ang telepono nito ay sinasagot nito kaagad, mapa-text or tawag man iyon. Ngunit sa halip na magsalita ang Hector ay ipinagpatuloy lamang ang pagkain nito. Mayamaya ay tumunog na naman ang aparato. Naiinis na napabuntong-hininga ang lalake nang tapunan nito ng tingin ang cellphone. "Sagutin mo na." anang Pipay. Kahit pa sabihing kinikilig ang puso niya sa isiping kaya siguro ayaw sagutin ni Hector ang tawag sa kaniya dahil ayaw nitong masira ang moment nila. Oo na! Alam naman niyang siya lang at ang malikot na kaniyang isipan ang nag-iisip ng ganoon. Kahit alam naman niyang malayong-malayo iyon sa katotohanan. Inis namang dinampot ni Hector ang telepono `tsaka walang anu-ano'y sinagot ang tawag sa kaniya. "Hello?" inis na bungad nito sa kabilang linya. "I told you I'm busy right now. Don't call me." aniya at mabilis na pinatay nitong muli ang tawag sa kabilang linya. Napatanga naman si Pipay habang nanlalaki ang mga mata dahil sa mga tinuran ng kaniyang asawa. Busy? Si Hector ay busy daw kaya ayaw nitong magpaisturbo! Saan naman siya busy? E, kumakain lang naman sila. Halos mahulog na naman ang puso ni Pipay dahil sa sobrang kilig na nararamdaman niya. Sa isiping busy ang asawa sa kaniya. "Are you okay?" untag na tanong ni Hector na siyang nagpabalik sa ulirat ni Pipay. "Huh?" "I said if you're okay? Namumula ka kasi." Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman niya ang pag-iinit niyon. Oo nga parang namumula ngayon ang mukha niya dahil sobrang init niyon. Hindi niya tuloy alam kung saan ibabaling ang mukha para itago iyon sa asawa. Ano ba ang pakay ni Hector sa kaniya para maging ganoon ito sa kaniya? Kung bakit ito umaasta ngayon na mabait at maalaga sa kaniya? Kung bakit pakiramdam niya ay bigla itong nag bago sa kaniya? Wala siyang ideya kung bakit. Basta ang alam niya lang, naguguluhan siya sa mabilis na mga pangyayari sa kanila; lalo na sa puso niya. Parang ang bilis naman ata niyang magkagusto sa kaniyang asawa? Gayon'g dapat ay hindi niya nararamdaman iyon kay Hector dahil masama itong asawa sa kaniya. Marami na itong naging atraso sa kaniya. Ano ba'ng ginagawa mo sa `kin Hector? Totoo ba talaga itong ginagawa at ipinapakita mo sa `kin ngayon? Kasi parang imposible na ganoon lang kadali at magbabago na ang pakikitungo mo sa `kin. Mahirap paniwalaan. Anang isipan ni Pipay habang nakatitig siya sa mga mata nito. "Are you okay Peppa?" kunot ang noo na tanong nitong muli. "Huh? A, o-oo! Okay lang ako." nauutal na sagot niya rito `tsaka nag-iwas ng tingin. Mayamaya pa ay tumunog na naman ang cellphone ni Hector. Text message siguro iyon. "I need to go. I have an emergency meeting." saad nito mayamaya at tumayo na sa kaniyang puwesto. "Are you sure you're okay?" Isang mabilis na tango naman ang ibinigay na sagot ni Pipay sa asawa. "I'll take a shower first! Aalis ako. But make sure na hindi ka aalis ng bahay. Hindi ka lalabas sa pintuang `yan." anito sa medyo may diing boses. Napalunok na lang ng laway si Pipay dahil sa kabang biglang sumibol sa kaniyang dibdib. Ang akala niya kasi, dahil mabait naman ito sa kaniya kanina ay hindi na ito magagalit sa kaniya kapag lumabas siya ng bahay, pero mali pala siya. Huwag ka na kasing mangarap na babait pa ang asawa mo sa `yo Pipay. Ganiyan na talaga ang ugali niya. Saad ng kaniyang isipan. Naiwan siyang tulala nang umalis sa kaniyang harapan si Hector. "WHAT are you doing ba kasi babe? You're ignoring my phone calls." inis na saad ng babae nang makapasok ito sa opisina ni Hector. Kaagad itong lumapit sa lalake. Umupo sa kandungan nito at walang sabi-sabi na inilingkis ang mga braso sa leeg at sinakop ng halik ang mga labi nito. "What are you doing Erneth?" Gulat at nagtataka namang tumitig kay Hector ang babae na nagngangalang Erneth. "What kind of question is that babe?" balik na tanong nito. "And I'm calling my boyfriend because I missed him so much. Pero pinapatayan mo lang ako." magkahalong inis at paglalambing na saad nito. Nilaro-laro ng mga daliri nito sa kamay ang tapat ng dibdib ni Hector. "I told you I'm busy and—" "Busy? With whom?" putol nito sa iba pang nais sabihin ni Hector sa kaniya. "With that girl you just met at Kyle's birthday party? Duh! Hector I'm your girlfriend. Your real girlfriend. Pero mas priority mo pa ang babaeng `yon rather than me?" tanong pa nito. "Enough Erneth. This is not the issue right now." pigil niya rito. Tinanggal niya ang kamay nitong nakapulupot sa kaniyang leeg. Pinaalis niya ito sa kaniyang kandungan `tsaka tumayo sa kaniyang puwesto. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong niya. Ngumiti naman ng malapad ang babae at muling naglakad palapit sa kaniya. Pinaglandas ang kamay nito sa braso ni Hector bago unti-unting itinulak ang lalake pabalik sa swivel chair na iniwan nito. Nang makapuwesto na roon si Hector ay muling umupo sa kandungan niya ang babae. "I'm here because I need you babe! I missed you so much." nang-aakit na saad nito at biglang inangkin ang mga labi ni Hector. Hindi naman tumutol ang huli, sa halip ay tinugon pa ang halik nito sa kaniya. "Let's do it babe, okay." anito at walang paalam na ibinaba ang zipper ng pantalon ni Hector. "Sir—ahh! I-I'm s-sorry po." anang secretary ni Hector nang mabungaran ang ginagawa ng dalawa sa loob ng opisina nito. Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Erneth sa lalakeng kapapasok lamang doon. "Don't you know how to knock?" mataray na tanong nito at tila baliwala lang ang nakita ng secretary ni Hector na ginagawa nila roon. "S-sorry po ma'am!" anang lalakeng sekretary. "Um, sir your meeting is about to start." anito habang nakatingin sa kaniyang amo. "Go now Erneth! Ako na ang pupunta mamaya sa condo mo." anang Hector. Pinaalis ang babae sa kandungan niya at muling inayos ang sarili. "Hihintayin kita babe! I love you. I'll go ahead." anito matapos na muling hinalikan sa mga labi si Hector. "Tss! Isturbo." asik pa nito nang madaanan ang nakayokong serkretarya ni Hector. "PEPPA!" Dinig ni Pipay ang malakas na pagtawag ng asawa sa pangalan niya. Nagkukumahog naman siyang bumaba ng hagdan dahil sa biglang takot na sumibol sa dibdib niya. Halos mahulog pa siya sa hagdan nang muntik na siyang matisod doon. "Diyos ko naman! Sandali ito na." sigaw niya sa huling kataga na halos liparin na rin niya ang sala nila para lang marating agad ang malaking pinto ng bahay. "Peppa! Open this damn door." Muli niyang narinig ang sigaw ni Hector habang kinakalampag nito ang main door. Agad iyong binuksan ni Pipay nang makalapit siya roon. "Hector! Diyos ko!" aniya nang biglang tumumba sa kaniya ang mabigat na katawan ng asawa. Lasing pala ito! Ano pa nga ba ang bago roon? Lagi naman talaga itong lasing sa tuwing uuwi ng bahay nila. Halos pati siya ay matumba na rin nang saluhin niya ang buong lakas ng kaniyang asawa. "What took you so long huh?" pagalit na tanong nito sa namamaos na boses. Kahit lasing at hindi makagalaw ng maayos si Hector dahil sa panghihina ng katawan niya ay pilit pa rin itong tumingala para tingnan ang asawa. Hindi naman magawang makapagsalita agad ni Pipay dahil sa halo-halong nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Una. Dahil sa kaba at takot na baka masaktan na naman siya ng asawa dahil sa matagal niyang napagbuksan ito ng pinto. Madali pa namang uminit ang ulo nito. Nasa banyo kasi siya kanina at naliligo kung kaya't natagalan siya. Hindi na nga siya nakapag-banlaw ng maayos kakamadali. Basta niya na lang isinuot ang robe na nasa loob ng shower room niya. Sa isiping ni isang panloob na saplot ay wala rin siyang suot. Pangalawa. Ang bilis-bilis na naman ng kaba sa dibdib niya dahil ito na naman at magkadait na naman ang mga balat nila ni Hector. Kahit nakakailang at halos mapaso na siya sa klase ng mga titig nito sa kaniya ay pinilit niya pa ring salubungin ang mga titig nito. Ang lakas ng loob niyang gawin iyon ngayon dahil alam niyang lasing ang asawa at bukas ay wala itong maaalala sa mga pangyayari ngayon. Ang guwapo pala talaga nito. Hindi nakakasawa ang mukha niya. Ang mukha nitong mala Henry Cavill ang dating. Ang mapupungay nitong mga mata na siyang dahilan kung bakit kay bilis ng t***k ng kaniyang puso sa tuwing matititigan niya ito. "I said, what took you so long? I was calling your name for almost ten minutes." galit na tanong nitong muli sa nakatulalang si Pipay. Agad naman nabalik sa katinuan niya ang babae. Kahit nahihirapan siya dahil sa bigat ng asawa ay pinilit niya pa rin itong buhatin at alalayan. "A, e, k-kasi ano..." nauutal at hindi manalam kung ano ang isasagot dito. "Tss!" anito `tsaka ito umayos sa pagkakatayo na siyang ikinagulat naman ni Pipay. Lasing ba talaga `to? O naglalasing-lasingan lang? Kanina kasi halos mag lupasay na ito sa marmol na sahig dahil sa kalasingan. Pero ngayon naman ay hindi mo masasabing nakainom ito ng alak kung 'di mo maaamoy ang hininga nito. "K-kasi a-ano..." "Shhhh!" mabilis na inilagay ni Hector ang isang daliri sa tapat ng labi ni Pipay na sobrang ikinagulat nito. Pinakatitigan siya nito sa mga mata. Pakiramdam ni Pipay ay natutunaw siya ng dahan-dahan dahil sa ginagawa ng kaniyang asawa. Mayamaya pa ay bigla siya nitong hinapit sa baywang at kinabig palapit sa katawan nito. Ramdam na ramdam ni Pipay ang malapad at matigas na katawan ni Hector. Ang abs nito. Ang mga muscles sa braso nito. Lalo na ang—ang, basta! May nararamdaman kasi siyang bagay na matigas na nakadikit sa kaniyang puson. Nakakakaba ang mga titig ni Hector sa kaniya sa mga sandaling iyon. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon? Kung bakit ganito ang inaasal nito ngayon? At higit sa lahat, kung bakit pakiramdam ng puso niya ay umaasa siyang hahalikan siya nito? Halik? Bakit naman iyon ang gusto niyang mangyari? Kasi, dahil sa loob ng dalawang taon na mag-asawa sila ni Hector ay hindi niya pa natitikman ang mga labi nito. "H-hector!" kinakabahang sambit niya sa pangalan nito. Ramdam niya ang mas lalong paghigpit ng yakap ni Hector sa baywang niya. Ang mainit at mabangong hininga nito na tumatama sa ilong at mukha niya. Unti-unti na palang bumababa ang mukha ng asawa sa mukha niya nang hindi niya manlang namamalayan dahil busy siya kakatitig sa mapang-akit na mga mata nito. "H-hector! A, um..." Agad siyang natigil sa pagsasalita. Pakiramdam ni Pipay ay biglang tumigil sa pag inog ang mundo niya. Natuod siya sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ang mainit at malambot na mga labi nitong lumapat sa mga labi niya. Oh my god! Hinalikan siya ni Hector? Hinahalikan siya ng asawa niya? Magkahinang ang kanilang mga labi ngayon? Ano ang gagawin niya? Itutulak niya ba ang asawa para maputol ang halikan nila? O pipikit na lang siya at nanamnamin ang mga pangyayari ngayon? E-enjoy niya na lang ang moment nila ni Hector? Hindi niya man alam kung paano ang tumugon sa halik na iyon dahil iyon ang unang beses niyang makatikim ng halik; kusang gumalaw ang mga labi ni Pipay nang pumakit na ang kaniyang mga mata. Parang nakakalasing ang halik na iyon dahil sadyang nawawala siya sa isipan niya ngayon. Nakakabaliw! Nakakawala sa sarili ang halik ni Hector sa kaniya. Hindi tama ito. Mali itong ginagawa ni Hector sa kaniya. Mali na pumayag siyang halikan siya ng asawa niya dahil baka bigyan niya ng maling meaning ang mga iyon. Baka isang araw magising na lamang siya na umaasa na siya na puwede pala siyang mahalin ni Hector PenaVega. Nang mag mulat ng kaniyang mga mata, kitang-kita ni Pipay na nakapikit si Hector habang sakop-sakop nito ang kaniyang mga labi. Gumalaw ito para mas lalo pang laliman ang paghalik sa kaniya. Umangat ang kamay ni Pipay para sana itulak ito sa dibdib at putulin ang halik na pinagsasaluhan nila, pero sa gulat niya ay mabilis ding hinawakan ni Hector ang mga kamay niya upang pigilin sa balak niya. Mabilis na lumipat sa magkabilang pisngi niya ang mga palad nito upang hindi na siya makatakas sa halik nito. Wala na ngang nagawa si Pipay kundi ang sundin ang gusto at hinihiling ng kaniyang puso. Napapikit na rin siya ng kusa at hinayaan ang kaniyang asawa na angkinin ang kaniyang mga labi. "ANO ba Pipay? Hindi ka ba talaga nag-iisip huh? Bakit pumayag kang pahalik sa kaniya? Bakit hindi mo siya pinigilan o hindi kaya ay itinulak mo siya palayo sa `yo? Sinampal mo siya at pinagalitan." inis at panenermon ni Pipay sa sarili habang paroo't parito ang lakad niya sa loob ng sariling kuwarto. Kanina pa siya hindi mapakali. Ano'ng oras na rin pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Matapos kasi ang mga pangyayari kanina sa kanila ng asawa sa sala, hindi na siya makapag-isip ng matino. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng utak. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang malambot at mainit na mga labi nitong nakalapat sa kaniyang mga labi. Makailang beses na ba siyang napapabuntong-hininga ng malalim? Madami na. Para na nga rin siyang tanga na hindi mapakali. Uupo sa kama at tatayo. Maglalakad muli. Siguro kung may ibang tao na makakakita sa kaniya ngayon mapagkakamalan siyang nasisiraan na. "Argh! Pipay ano ba? Tigilan mo na kakaisip sa mga nangyari kanina." naiinis na muling sermon niya sa sarili. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan at naglakad sa harap ng malaking salamin. Seryosong napatitig sa sariling repleksiyon sa full size mirror. "Paano ko makakalimutan `yon? E, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nahalikan. Tapos s-si Hector pa!" mahinang sambit niya sa sarili. Wala sa sarili at kusang umangat ang kaniyang isang kamay at dumapo iyon sa kaniyang mga labi. Muling sinariwa ang matamis at nakakalasing na mga halik ng kaniyang asawa. "Kiss me back, Peppa. Please!" Muling pumasok sa isipan ni Pipay ang boses ng asawa habang nakatitig ito sa kaniya ng mataman. Wala nga siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito. Kahit naman hindi makiusap sa kaniya si Hector, may pakiramdam siya na tutugunin niya ang halik nito. Hindi dahil sa gusto niya lang matikman ang halik ng asawa, kundi dahil iyon ang nais ng kaniyang puso. "Pero mali pa rin iyon Pipay." muling panghihimotok ng kaniyang konsensiya. "Ano'ng mali roon? Mag-asawa naman kami! Normal lang naman na halikan niya ako at halikan ko siya dahil kasal kami. Asawa ko siya! Asawa niya rin ako! Ano'ng mali roon?" ganting tanong ng kabilang utak niya. Oo nga! Nasisiraan na talaga siya. Kanina niya pa kinakausap ang sarili. Kanina pa rin nag-aaway at nagdedeskosiyon ang kaniyang utak. "Mali Pipay, dahil unang-una alam mo sa sarili mo na hindi ka niya gusto at hindi ka rin niya mahal. Ginagamit ka lang niya dahil sa ispirito ng alak. Tingnan mo bukas ng umaga kapag nagising `yan wala siyang maaalala sa mga nangyari kanina sa pagitan ninyong dalawa. At alam mo rin iyon sa sarili mo bukas ng umaga paniguradong babalik na naman kayo sa totoong isturya ng buhay ninyo. Siya na demonyong asawa mo, at ikaw namang sunod-sunuran sa kaniya." Napabuntong-hininga na lamang si Pipay dahil sa mga nangyayari ngayon sa kaniya. Hindi niya naman din kasi lubos akalain na dahil sa isang halik lang ng kaniyang asawa ay magiging ganito na ang epekto sa buong sistema niya. Nagulo na ang buong isipan niya. Ano pa kung higit pa sa halik ang kinuha sa kaniya ni Hector. Malamang na mas mababaliw pa siya. Hala! Bakit naman iyon ang pumasok sa isip niya? Talaga ngang nasisiraan na siya ng utak. "Haist Pipay! Matulog ka na lang. Baka bukas paggising mo sa mental na ang bagsak mo." aniya sa sarili `tsaka tamad na tamad na naglakad papunta sa kaniyang higaan. Pumikit ang mga mata at pilit na natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD