BIGLANG napabalikwas ng bangon si Pipay nang maalimpungatan siya dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock na nasa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at pinatay. Isturbo sa masarap niyang tulog. Pero ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang mapagtanto ang oras. "Huh? Alas nuebe y medya na?" sambit niya. "Hala! Lagot ako nito." kinakabahan at nagmamadali siyang bumangon sa higaan at pumasok sa banyo. Matapos mag hilamos at mag toothbrush ay nagmamadali rin siyang nanaog sa hagdan para tunguhin ang kusina. "Lagot ako nito e! Bakit kasi 9:30 na ako nagising? Haynako! Tanga mo Pipay! Tanga!" panenermon nito sa sarili habang binabatukan ang ulo.
Malamang na abot-abot na galit na naman ang makukuha niya mula sa asawa. Ilang oras na siyang late ng gising. Dapat ala-sais palang ng umaga ay naka-ready na ang almusal nito. Paano, kagabi ay inabot na siya ng alas tres ng madaling araw bago dinalaw ng antok kakaisip sa mga bagay-bagay.
Pero teka! Kung late siyang nagising, bakit 'di siya pinuntahan ni Hector sa kuwarto niya para gisingin at pagalitan kagaya ng parating ginagawa nito sa kaniya dati? Kahit ilang minuto palang siyang late magising ay nagagalit na agad ito. Mayamaya ay natigilan din siyang bigla sa pagpasok sa pinto ng kusina nang pag angat ng mukha niya ay nabungaran niya ang nakangiting mukha ng kaniyang asawa.
Teka nga ulit! Namamalik mata lang ba siya? O hindi kaya inaantok pa siya? Ilang beses siyang napakurap ng mga mata para siguraduhing gising na nga siya at totoo ang nakikita niya.
"Hi! Good morning." nakangiti bati ni Hector sa kaniya.
Hindi naman makapaniwala si Pipay dahil sa kaniyang narinig. Hindi niya magawang makapagsalita. Pakiramdam niya ay nalunok niya ata ang kaniyang dila.
"Come here! Nag try akong magluto ng almusal natin. Let's eat." aniya sa asawa `tsaka inilapag sa plato ang kubyertos na hawak nito.
Tila may sariling isip ang mga paa ni Pipay at kusa iyong naglakad palapit sa asawa.
"Come on! I'm already hungry." saad pa ni Hector at mabilis na inilang hakbang ang pagitan nila. Kinuha nito ang kamay ni Pipay at iginiya palapit sa hapag. Pinaghila niya ito ng upuan bago siya umupo sa silyang nasa kabisera.
Tameme pa rin si Pipay. Hindi makapaniwala. Nagtataka at hindi pa rin makapagsalita. Totoo nga! Si Hector na asawa niya ay ipinagluto siya ng almusal ngayon at magkasabay silang kakain.
"Are you okay?" tanong ni Hector nang mapansin niyang nakatitig lamang si Pipay sa mga pagkaing hinain niya.
"A, o-oo. Okay lang ako." sagot nito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa plato niya.
"Let's eat."
Matapos mag lagay ni Hector ng pagkain sa sariling plato ay sumunod din agad si Pipay. Tahimik na kumain ito.
"So, how's the taste? Okay lang ba?" tanong muli ni Hector matapos ang ilang subo na ginawa ni Pipay.
"O-okay lang naman!" aniya. "S-sorry kung late akong nagising." hinging paumanhin niya sa asawa habang kinakabahan pa rin. Baka kasi bigla na naman itong magalit sa kaniya.
Meyerkules palang ngayon kaya alam niyang dapat kanina pang alas syete ito umalis ng bahay para pumasok sa trabaho. Pero dahil sa kaniya na-late ito. Teka... dati naman madalas itong umalis ng bahay kahit hindi pa ito nakakapag-almusal lalo na kung hindi nito gusto ang niluto niya. Pero bakit ganito ito ngayon? Hinayaan na nga siya nitong hindi magising ng maaga, tapos ito, nagluto pa ng almusal nilang dalawa.
"No. It's okay! Hindi naman ako papasok ngayon sa trabaho ko. So I just thought na magluto na lang ng pagkain. Medyo nagugutom na rin kasi ako. I don't know how to cook, but I hope you like it." ngumiti itong muli sa asawa bago inabot ang baso ng tubig `tsaka uminom doon.
Ewan ba ni Pipay kung ano ang nangyayari ngayon sa asawa niya. Nasapian nga ata ito ng anghel kung kaya't ganito itong umasta ngayon sa kaniya. Naguguluhan. Naninibago. Nagtataka siya kung bakit ganito ang ikinikilos ni Hector sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay natatakot siya sa biglang pagbabago nito ng pakikitungo sa kaniya.
"Um, about last night." basag nito sa katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa.
Wala sa sariling napaangat ang mukha si Pipay para sulyapan ang asawa. Ito na naman ang pag kabog ng dibdib niya nang magtama ang mga mata nila ni Hector. Ano'ng tungkol kagabi? Ang tungkol sa halik ba? Akala niya ba ay lasing ito kagabi? Na hindi nito maaalala ang mga nangyari? Pero ito at nabanggit nito sa kaniya ang tungkol sa nangyari kagabi.
Pakiramdam ni Pipay ay umakyat sa mukha niya ang lahat ng dugo sa katawan niya. Ramdam na ramdam niya kasi ang init sa mukha niya. Pulang-pula siguro siya ngayon dahil sa hiya. Napapalunok ng sunod-sunod sa kaniyang laway si Pipay dahil sa kaba. Wala sa sariling napatungo na naman siya at hindi na nag abalang umimik. Hinintay niyang magsalita itong muli.
"I'm sorry." mahinang saad ni Hector ngunit sapat na iyon para hindi iyon makaligtas sa pandinig ni Pipay.
Tama siya nang dinig hindi ba? Kakalinis niya pa lang kasi ng tainga niya kanina e! "Huh?" nauutal na tanong muli ni Pipay sa asawa nang mabilis siyang nag angat ng mukha rito.
"I said I'm sorry." malumanay na ulit ni Hector.
Tila biglang nagpalakpakan ang mga tainga ni Pipay nang madinig niyang muli ang sinabi ng kaniyang asawa. Bakit nag s-sorry ito sa kaniya? Tiyaka, sa mahigit dalawang taon na pagsasama nila ni Hector sa bahay nila. Sa ilang beses na pinagbuhatan siya nito ng kamay, ni minsan ay hindi niya ito narinig na humingi ng sorry sa kaniya. Maliban lang din no'ng isang araw nang linisan nito ang sugat sa likod niya.
"B-bakit?" nauutal na tanong niya.
"I don't know. I-I just thought that I need to say sorry to you." seryosong saad nito habang pinipilit na hulihin ang mailap na mga mata ni Pipay. Ayaw nitong tumingin sa kaniya ng diretso.
"O-okay lang." hindi alam ni Pipay kung tama ba ang naging sagot niya rito. Well, hindi niya rin naman kasi alam kung para saan ang sinasabi nitong sorry sa kaniya. Kung para ba sa paghalik nito sa kaniya kagabi na naging dahilan ng pagka-late niya ng gising kanina? O sa mga pasakit nito sa kaniya mula noon pa man? Hindi siya sigurado! Basta alam niya lang sa puso niya na masaya siya sa mga sandaling iyon. Dahil sa unang pagkakataon ay narinig niyang senserong nag sorry sa kaniya si Hector.
Nagulat na lamang si Pipay nang biglang tumayo sa kinauupuan niya si Hector kung kaya't muli siyang napatingin dito. Napapitlag pa siya nang kunin nito ang kaniyang kamay na nakapatong sa gilid ng lamesa. Inalalayan siya nitong makatayo.
"B-bakit?" kinakabahan at nauutal na tanong niya rito. Mayamaya ay naramdaman niya ang masuyong pagpisil ni Hector sa kaniyang palad na hindi pa rin nito pinakakawalan.
"Peppa..." tila nahihirapang sambit nito sa pangalan ng asawa.
Bahala na! Kahit halos lumabas na ang kaniyang puso sa dibdib niya dahil sa tindi ng kabog niyon ay pipilitin niyang labanan ang nakakatunaw tuhod nitong mga titig.
"I meant it. I'm sorry for everything, Peppa." saad nito. "Hindi pa naman siguro ako huli hindi ba?" tanong nito.
Natulala si Pipay matapos marinig ang mga sinabi ni Hector sa kaniya. Hindi niya iyon inaasahan. Mayamaya ay nag baba siya ng mukha nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak siya dahil sa mga nangyayari ngayon sa asawa niya. Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay dininig na ng Diyos ang mga panalangin niya na sana isang araw, magiging mabait din sa kaniya si Hector. Na darating ang araw na hindi na siya makakayanang pagbuhatan nito ng kamay. Na darating ang araw na matototo ring humingi ng sorry sa kaniya ang asawa.
"I don't know what happened to me. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa `kin para magkaganito ako bigla. Pero isa lang ang alam ko..." anang Hector nang masuyong lumapat ang kamay nito sa baba ni Pipay upang iangat ang mukha nito at mag salubong ang kanilang mga paningin. "...I just want to make things right."
Hindi alam ni Pipay kung ano ang isasagot dito. Dahil kagaya nito, hindi niya rin alam kung ano ba `tong nararamdaman niya ngayon. Mas lalo lang siyang nalito at naguluhan sa nararamdaman ng kaniyang puso. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Nang isang araw lang ay galit ito sa kaniya at sinaktan siya, tapos ngayon... heto't humihingi ito ng sorry sa kaniya at gusto raw nitong itama ang mga pagkakamaling nagawa nito sa kaniya.
"Gusto kong subukan natin Peppa." mahinang saad muli ni Hector kasabay ng pagpunas ng mga luhang naglandas sa pisngi nito. "Maybe we should forget about the past. You with my dad. I mean, I should forget about your past with my dad."
"P-pero—"
"Shhh! I know. I understand. I'm sorry again." aniya nang bigla nitong putulin ang iba pang sasabihin ni Pipay sa kaniya.
Ano'ng past nila ng daddy nito ang tinutukoy ni Hector? Kahit kailanman ay wala silang naging relasyon ng ama nito kagaya nang madalas na ipamukha at ibintang nito sa kaniya sa tuwing sasaktan siya nito. Pero wala naman siyang magagawa kung iyon na talaga ang tumatak sa isipan ng kaniyang asawa. Basta alam naman niya sa sarili niya na malinis siya at wala siyang ginagawang mali noon kasama ang ama nito.
"B-BAKIT?" nag-aalangang tanong ni Pipay. Naiilang na kasi siya rito. Paano, mula kaninang matapos sila kumain ng agahan, nag aya ang asawa sa kaniya na manuod sila ng palabas sa sala. Pero parang hindi naman nanunuod ng palabas si Hector kundi sa kaniya lang ito nakatitig. Titig na sadyang kakaiba para sa kaniya. Titig na ngayon lamang niya nakita mula sa mga mata ng kaniyang asawa. Naiilang siya na parang ewan. Kanina niya pa ito gustong sitahin at tanungin, baka kasi may dumi lang siya sa mukha kung kaya't panay ang titig nito sa kanya.
Ngumiti lamang si Hector kay Pipay. Ngiti na sobrang nagpapatunaw sa mga tuhod at lalo na sa inosente niyang puso. Ngiti na sobrang kay tamis. Kung sana noon pa sila naging ganito ng asawa; wala sanang problema o away na nabuo sa pagitan nila. Sana noon pa man ay masaya na ang pamilya nila.
"Nothing." nakangiti pa ring saad ng lalake sa kaniya.
Nothing daw, pero hindi naman nito maialis-alis ang paningin sa nahihiyang asawa. Pakiramdam tuloy ni Pipay kaya panay ngiti sa kaniya ni Hector ay dahil nahahalata nitong kinikilig siya rito lalo na rin at ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya. Haynako! Pipay, puwedeng kiligin pero bawal ma-in love. Huh? Paano? E, ito nga ang pinoproblema niya ilang gabi na. Dahil mula nang maging mabait ito sa paningin niya. Mas lalo lang nalito at naguluhan ang kaniyang isipan at damdamin. Pakiramdam nga niya isang hakbang na lang ni Hector ay aamin na siya rito na may pagtingin na siya rito. Ano'ng masama at mali roon? E, ito nga ang nag sabi sa kaniya kanina, that He wants to make things right. Na gusto nitong subukan nila ang relasyong mayroon sila ngayon.
Pero paano kung isang pagpapanggap lamang ito ni Hector? Paano kung isang patibong lamang ito sa kaniya ng asawa at kapag nahulog na siya ng tuluyan at umamin siya rito na mahal na nga niya ito ay `tsaka naman siya masasaktan ng sobra?
Pipay, kaakibat ng pagmamahal ay ang masaktan. Hindi mo masasabing mahal mo na nga ang isang tao kung hindi ka masasaktan. Anang kaniyang isipan. Pero iba si Hector! Ibang-iba ito.
"Um, a-ano gusto mo ba ng maiinom?" alok na lamang ni Pipay para makaiwas sa asawa.
"Yeah! Pero ako na ang kukuha sa kusina. Ano ba ang gusto mo?" balik na tanong nito `tsaka tumayo mula sa inuupuang sofa. Nasa parehong dulo kasi sila nakaupo.
"H-hindi. Kaya ko naman, ako na lang. Ano ba ang gusto mo?" nauutal na saad niya sa asawa.
"No. I insist."
"Hindi. Ako na lang." anang Pipay at tumayo na rin sa kaniyang puwesto. Maglalakad na sana siya para unahan ang asawa na mag tungo sa kusina ngunit sa kasamaang palad ay parang nananadya ata ang mga tuhod at paa niya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang siyang nawalan ng balanse. "Ahhh!" sigaw niya.
Mabuti na lamang at mabilis na nakakilos si Hector at nasalo siya nito. Kaagad na pumulupot ang isang braso nito sa baywang ng asawa. Samantalang naipulupot naman ni Pipay ang mga braso niya sa leeg nito. Nakaliyad siya habang nakayoko naman sa kaniya si Hector at nakaalalay sa baywang niya.
Halos magkandaduling pa si Pipay sa pagtitig sa asawa dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Amoy na amoy niya at ramdam niya ang mainit at mabangong hininga nitong tumatama sa kaniyang ilong. Kasabay ng sobrang bilis na pagkabog ng kaniyang dibdib ay ang pag lunok niya ng sunod-sunod sa sariling laway. Ramdam niya kasi ang panunuyo ng kaniyang lalamunan sa mga sandaling iyon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Hector sa asawa.
Amoy mint talaga ang hininga nito. Parang hindi ata siya magsasawang amoyin iyon sa tuwing dadampi sa ilong niya ang hininga nito.
"O—" nag hugis bilog na rin ang bibig ni Pipay ngunit wala naman siyang mahagilap na salita dahil sa sobrang kaba ng kaniyang dibdib.
"Hey! Are you okay? May masakit ba sa `yo baby?" kunot ang noo na tanong pa nitong muli.
Ano raw? Baby? Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito? Tinawag siya nitong baby? Mamamatay ata siya ng maaga dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ng kaniyang puso. Grabe naman kasi itong si Hector! Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ganito mag pakilig ng damdamin ang taong buong akala niya ay wala ng ibang alam na gawin sa kaniya kundi ang saktan at parusahan siya. Physically and Emotionally.
"B-baby?" sa halip ay wala sa sariling balik na tanong ni Pipay dito.
Imbes na sagutin siya ni Hector; inalalayan siya nitong makatayo ng maayos at pinaupo ulit sa sofa.
"Sabi ko naman kasi sa `yo, ako na ang bahala. Ayan tuloy." may panenermong saad nito. "May masakit ba sa `yo? Ang paa mo patingin." anito `tsaka hindi na hinintay ang sagot ni Pipay. Basta na lang itong yumuko para iangat ang isang binti ng asawa. "Your ankle, is it hurt?" tanong nito habang masuyong hinihimas ang paa ng asawa sa pag-aakalang nasaktan ito roon.
Mabilis namang umiling ng sunod-sunod si Pipay bilang tugon dito.
"Be careful. Baka sa susunod hindi lang ito ang mangyari sa `yo." saad pa nito.
Nakakapanibago talaga ang ikinikilos at mga sinasabi ni Hector sa kaniya. Hindi pa rin lubusang nag s-sink in sa utak niya ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa kanila.
"S-slamat." tipid na saad niya rito.
Ngumiti naman ito. "Kaya mo bang mag lakad?"
"Kaya naman." sagot niya rito nang pinakiramdaman niya ang kaniyang paa pero wala namang masakit doon.
"Mind if you join me? Gusto ko sanang mag pahangin sa labas."
May kung ano'ng kilig at tuwa na namang naramdaman si Pipay sa puso niya dahil sa pag-aaya sa kaniya ng asawa. Bukod sa makakalabas na naman siya ng bahay, masaya rin siya na ang asawa niya ang kasama niya mamasyal sa paligid.
Hindi pa man nakakasagot si Pipay sa tanong ng asawa ay agad na kinuha ni Hector ang kamay nito para alalayan itong makatayo at mag lakad. Hanggang sa makalabas sila ng bahay. Ang buong akala pa ni Pipay ay bibitawan din nito ang kaniyang kamay nang makalabas na sila sa malaking gate. Ngunit nagulat na lamang siya nang biglang pinagsalikop ni Hector ang kanilang mga palad at magkaagapay na naglakad.
Natutulala na lamang si Pipay sa asawa habang akay-akay siya nito.
"Hector! Babe."
Pareho pang natigilan sa paglalakad ang dalawa nang may madinig silang boses 'di kalayuan mula sa kanila. Napalingon si Pipay doon sa babae. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. A, naaalala na niya. Ito pala `yong babae na humalik sa asawa niya noong isinama siya nito sa isang birthday party.
"Hi babe!" malanding bati nito kay Hector `tsaka walang pag-aalinlangan na hinablot ang isang kamay nito para makalapit ang lalake sa kaniya.