Seraphine Rose “So, okay na kayo?!” Nakangiting lumingon ako kay Avreet at mabilis na tumango sa kanya. Ito na ang huling class namin at ngayon lang kami halos nakapag-kwentuhan dahil sa dami ng ginagawa. Masyado pang mahalaga ang topic namin dahil magsisimula na kaming gumawa ng thesis pagkabalik namin galing sa sembreak. “Anong nangyari? Nakipag-break ka ba?” usisa niya pa habang naglalakad kaming dalawa palabas ng lecture room. “Oo pero nagalit agad siya at hindi pumayag. Tapos ayon sabi niya, sasama na lang siya sa akin sa Tagaytay. Tsaka nagpaliwanag na siya sa akin.” Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa kay Avreet ang tungkol sa bagay na ‘yon o h’wag na. Pero sa tingin ko, hindi ko na dapat pang ipaalam sa kanya dahil masyado naman ng personal lalo na kay Zachary.