Chapter 38

2030 Words

Seraphine Rose "She's fine, Lo." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang likod ni Zachary habang nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakadikit ang phone niya sa tenga niya. Tahimik ang buong kwarto at ramdam na ramdam ko ang lamig dahil sa aircon. O baka dahil gabi na rin dito sa Tagaytay kaya mas lumamig. “I'm with her. I can't let her stay here without me.” Ipinikit ko na muli ang mga mata ko pero ang mga tenga ko ay rinig na rinig pa rin ang usapan nila lalo na ang sagot ni Lolo na mukhang malakas ang boses dahil lumagpas ‘yon sa tenga ni Zachary. “Zachary, masyado kang dikit nang dikit kay Seraphine! Alam mong mapapahamak siya kapag nagkataon na nalaman nila ang totoo!” Yeah, I know… Naiintindihan ko na ngayon pero bakit kasi siya pa ang naisip na pagbintangan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD