HALOS wala silang imikan ni Franco habang sakay silang dalawa ng kotse. Hindi naman niya alam kung saan siya nito dadalhin basta sumama lang siya dito pagkatapos ng seremonya ng kasal nila. Niyaya na kasi siya ni Franco pagkatapos niyang pumirma sa marriage contract nila, pinagpirma din siya nito ng prenuptial aggreement. Niyaya na siya nitong umalis dahil may importante pa daw itong pupuntahan. May inutusan din si Franco na tauhan nito na maghahatid pauwi sa kaibigan niya na si Nadine. At kahit na labag sa loob niya ang pagpapakasal niya ay hindi pa din niya maiwasan ang masaktan sa isiping na mas importante pa ang pupuntahan nito kaysa araw ng kasal nila. Para kasing walang kasal na naganap, para ngang nakipag-business deal lang ito sa kanya. Wala nga ding nangyaring reception pagkat