MAAGANG pumasok si Franco sa trabaho. Sa sobrang aga nga niya ay tanging security guard lang ang nakita niyang empleyado sa kompanya niya. At noong makapasok agad siya sa opisina ay agad niyang isinubsob ang atensiyon sa trabaho. Mayamaya ay nakarinig ng mahinang katok si Franco mula sa labas ng pinto ng opisina niya. Naramdaman niyang bumukas iyon, hindi naman siya nag-abalang nag-angat ng tingin patungo sa pumasok sa opisina niya. "Sir, ito na po ang kape niyo," wika ng secretary niya. "Leave it here," wika naman niya sa seryosong boses habang ang mata ay nanatiling nakatutok sa harap ng laptop. Naramdaman naman niya ang paghakbang nito palapit sa kanya. Pagkatapos niyon ay inilapag nito ang mug na naglalaman ng pinatimpla niyang kape sa ibabaw ng executive table niya. "Sir,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books