"DANA." Napatayo si Dana mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama ng marinig niya ang pagtawag ni Franco sa pangalan niya mula sa labas ng kwarto. Naglakad naman siya palabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay ang akmang pagpasok din nito, muntik pa silang magbanggan na dalawa kung hindi lang nahing mabilis ang reflexes nito. At nagulat din sila sa isa't isa. Napaatras siya ng isang hakbang dito dahil ang lapit-lapit niya sa lalaki. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Hindi naman na niya iyon pinansin dahil sanay naman na siyang kunutan siya nito ng noo. Akala ni Dana ay nakaalis na si Franco ng condo para pumasok sa opisina kanina. Mukhang may nakalimutan ito at bumalik ito sa condo. "Bakit?" tanong niya. "May nakalimutan ka?" dagdag pa niya. Sa halip naman