HINDI na muling inungkat ni Dana kay Franco ang tungkol sa gusto niyang pag-a-apply sa trabaho noong nakaraang araw. Dahil kasi do'n ay nasayang ang effort niya para maging mabuting asawa dito. Kasi daig pa nila ang mag-asawang may LQ. Hindi kasi siya nito kinikibo, well, hindi naman talaga siya nito kinikibo noon pa pero mas worse ngayon. Para siyang hangin na hindi nito nakikita at dinadaanan lang siya nito. Wala yatang minuto na hindi ito nakakunot ang noo. Gayunman, kahit na ganoon ulit ang pinapakita nito sa kanya, ginampanan pa din niya ang obligasyon niya bilang asawa nito kahit na hindi siya nito tina-trato bilang asawa. Gumigising pa din siya ng maaga para ipagluto ito ng almusal, ni-re-ready na din niya ang mga susuotin nito pagpapasok sa trabaho. Pag-uwi naman nito ay handa na