NAPAHINTO si Dana mula sa pagsasalita nang tumunog ang ringtone ng cellohone niya. Kinuha niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng dining table para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Nakita at nabasa niya na ang bestfriend na si Nadine ang tumatawag sa sandaling iyon. Inalis niya ang tingin do'n at inilipat niya kay Joan na kasama niya sa kusina at ka-kwentuhan. "Hmm... Joan, excuse lang, ha. Sagutin ko lang itong tawag ng bestfriend ko," pag-e-excuse niya dito. Nakangiting tumango naman ito. "Okay," sabi nito. Tumayo naman na siya mula sa pagkakaupo niya sa silya. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya palabas ng kusina. Pagkalabas ay agad niyang sinagot ang tawag. "Hello?" wika niya. "Dana," narinig naman niyang banggit ng kaibigan sa pangalan niya mula sa kabilang li