HUMINTO si Dana sa paglalakad para tingnan ang dala niyang listahan na ibinigay sa kanya ni Manang Luming kanina kung nabili na ba nila lahat ng nakalista do'n na kailangan sa mansion. Isa-isa niya iyong tiningnan. At nang matapos ay binalingan niya si Joan na kasama niyang nag-go-grocery sa sandaling iyon. "Sa Meat Section tayo, Joan," wika niya dito, hindi pa kasi sila nakakabili ng mga karne. Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay itinulak nito ang pushcart na naglalaman ng grocery at naglakad na silang dalawa patungo sa Meat Section ng grocery store. Nasa grocery store silang dalawa ni Joan sa sandaling iyon. Inutos kasi ni Franco na samahan niya si Joan sa paggo-grocery ng mga kailangan sa mansion. Hindi nito derektang sinabi sa kanya, si Manang L