“THIS IS IT!” malapad ang ngiti sa mga labi ni Shiloh habang nakatayo siya sa gilid, unahan ng yate. Nakadipa pa siya habang nakapikit na para bang sinasamyo niya ang preskong hangin.
Sabagay, sino ba ang hindi mapapangiti nang kagaya kay Shiloh kung ganito kaganda ang matatanaw mo hindi ka pa man nakakababa sa yate? Of course, masarap sa pakiramdam. Ngayon pa nga lang feeling ko nare-relax na ang buong katawan ko dahil sa fresh air na nalalanghap ko galing sa malawak na karagatan. Sobrang linaw ng dagat. Kahit nasa malayo ka pa, masasabi mo nang sobrang puti ng buhangin at pinung-pino. Hindi na tuloy ako makapaghintay na maligo ng dagat.
“Are you happy?”
Napalingon ako kay Kuya Sky nang tumabi siya sa ’kin. Nakatayo ako sa gilid ng yate at nakatanaw rin sa dalampasigan habang naghihintay kaming makadaong kami sa pantalan.
“Mabuti na lang at sumama ako rito.” Sagot ko sa kaniya.
“You need to relax kapatid. Huwag puro trabaho ang atupagin mo.”
“You’re right kuya,” aniya. “Sayang lang at hindi natuloy si Kuya Kidlat at Manay Salve na sumama sa atin.”
“Hayaan mo siya ang kuya mo. Hindi naman ’yon mahilig sa mga ganitong bakasyon e. Mas gugustohin pa n’on na magkulong sa office niya at magtrabaho buong araw. Wala siyang social life.”
Napahagikhik naman ako dahil sa sinabi ni kuya. Well, may pagkakapareho rin kami ni Kuya Giulio. Minsan kasi introvert ako. Mas gusto ko pang nasa bahay lang or gumagawa ng trabaho ko kaysa nasa labas ako nakikipag-bonding sa mga kaibigan. Madalas ko kasing marinig kay papa dati pa, mas importante sa kaniya ang trabaho at kumita ng pera kaysa magsayang ng oras. Hindi lang siya makahindi kay mama noon kapag gusto ni mama na magbakasyon kami. Pero sa oras ng bakasyon naman ay hawak niya pa rin ang laptop niya. Usual, he’s still working. Si Manay Salve naman ay hindi rin nakasama sa amin dahil sinumpong siya ng osteoporosis niya.
“By the way kuya I have question.” Mayamaya nang may maalala ako tungkol sa kanila ni Jule.
Lumingon naman siya sa ’kin. “What is it?”
“Nagkabalikan na ba kayo ni Jule?” tanong ko. Lately kasi, napapadalas na ang pagkikita nila. Hindi na rin ganoon ang pagsusungit ng kaibigan ko sa kuya ko.
Ngumiti naman siya sa ’kin. “Siya ang tanungin mo tungkol diyan. Ayokong sumagot kasi magagalit na naman sa ’kin ’yang kaibigan mo.”
Napabuntong-hininga ako. “Well, sa klase ng sagot mo ngayon parang sinabi mo ng nagkabalikan na nga kayo.”
Nagkibit lamang siya ng kaniyang mga balikat at tumawa ng pagak ’tsaka ako kinabig sa leeg. “How about you? Ang sabi ni Jule seryoso nga raw talaga ang secret admirer mo? Hindi pa ba nagpapakilala sa ’yo?”
Umismid naman ako sa kaniya. “Kuya, wala akong balak na makilala kung sinuman ang poncio pilatong ’yon.”
“Bakit tinatanggap mo pa rin ang mga delivery niya kung wala ka pa lang balak na makilala ang poncio pilatong ’yon? Per your word.” Tanong naman ni Kuya Cloud nang tumabi rin ito sa akin.
“Ayaw naman niyang tumigil sa pagpapadala e, so I don’t have a choice kun’di tanggapin ’yon.”
“Baka naman masanay ka na niyan kapatid, tapos kapag tumigil na ’yang secret admirer mo ay hahanap-hanapin mo na.” Saad pa ni Kuya Cloud. “Bakit hindi mo na lang siya sagutin? I mean, matagal naman ng tapos ang sa inyo ni... you know who I mean.”
I know nagbibiro lang siya dahil sa klase ng ngiti niya. Pero hindi ko pa rin napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay ko nang lingunin ko siya.
“I didn’t mentioned his name okay!”
“Guilherme is right, Ysolde.”
Muli akong napalingon kay Kuya Sky.
“It’s been a year since Hideo died. Bakit hindi mo subukan na mag-entertain ulit ng bagong manliligaw and—”
“Kuyas,” saad ko sa kanila at itinaas ko pa ang mga kamay ko. “You know I don’t want to talk about him and about those relationship thing.” Saad ko.
“I know. I’m just concern about you. You’re not getting any younger too Ysolde. Sooner or later kailangan mo na ring lumagay sa tahimik.”
“May mga kakilala akong single. Ipapakilala kita sa kanila. Hindi nga lang ako sure kung matino ba o hindi.”
Napaismid ako kay Kuya Cloud. Kalokohan talaga nito e.
I sighed deeply and removed Kuya Sky’s arm that was on my shoulder. Umalis ako sa pagitan nilang dalawa ’tsaka sila hinarap. “For now, wala pa ulit sa isipan ko ang pumasok sa isang relasyon okay? Just... do not interfer my relationship status mga kuya ko. Ang love life n’yo na lang ang pagkaabalahan ninyo. Lalo na ikaw kuya,” I pointed Kuya Cloud. “You are already thirty one pero single ka pa rin. Kailan ka ba magtitino sa isang babae?” tanong ko.
Tumawa naman si Kuya Sky nang bumusangot si Kuya Cloud dahil sa mga sinabi ko.
“Gurang ka na pero wala ka pa ring seryosong relasyon.”
“Grabe naman sa gurang kapatid.” Aniya. “Ang sarap mong ihulog sa dagat.”
“I’m just stating the fact kuya.” Nakangiting saad ko sa kaniya bago tumalikod at naglakad na palapit kina Shiloh at Jule.
“Oh my God bes, hindi na ako makapaghintay na mag-swimming mamaya. I’m so excited.” Anang Shiloh habang nakayakap ito kay Morgon. “Samahan mo ako mamaya buttercup huh!”
“Of course cupcake.” Malapad din ang ngiti sa mga labing sagot ni Morgon.
Si Jule naman ay napaismid. “Yuck talaga ’yang endearment ninyong dalawa.”
“Jule, naiingit ka lang ata! Kasi ’yang boyfriend mo walang asukal sa katawan.” Anang Morgon na binalingan pa ng tingin si Kuya Sky.
Ito namang isa ay biglang lumapit at tumabi kay Jule. “Baka magkaroon ka ng diabetes Morgon kapag marinig mo ang endearment namin ng mahal ko.”
Gusto kong pumalatak ng tawa dahil sa nakikita kong hitsura ni Jule. I’m sure maiinis na naman ito kay kuya.
“Try me Giuseppe.” Saad ni Morgon.
“I called her sugarpie, and she called me honeypie. Right sugarpie?”
Hindi ko na napigilan ang malakas na tawa ko. Pati si Kuya Cloud na lumapit sa ’kin ay tumatawa rin.
“Dapat talaga single na muna tayong dalawa kapatid. Let’s go at nakakadiri ang apat na ’yan.” Kinabig na niya ako papunta sa unahan ng yate nang marinig namin ang isang lalaki na sinabing puwede na kaming bumaba.
“Ewan ko sa ’yo Giuseppe.”
“Joke lang sweetheart. Ito naman hindi na mabiro.”
Dinig kong sabi ni kuya. At nang nilingon ko sila ay nakasunod na sila sa amin.
“Wala ka pala sa kay Jule Giuseppe e.” Anang Morgon. “Under ka pala sa kaniya. Hindi ka gumaya sa ’kin—”
“Na ano?” tanong naman ni Shiloh.
Mabilis na napakamot sa ulo nito si Morgon at ngumiti. “Under din sa ’yo cupcake.”
Napailing na lamang ako nang tuluyan na kaming makababa sa yate. Hanggang sa makarating kami sa nag-iisang hotel na naroon.
“Esrael!”
Saad ni Kuya Sky at lumapit sa isang lalaki na naroon sa front desk habang kausap nito ang empleyadong babae.
Matangkad siya and yeah he’s handsome. He’s wearing white long sleeve polo na nakatupi naman ang mga manggas hanggang sa ibaba ng kaniyang siko. Nakabukas din ang dalawang butones sa tapat ng dibdib niya. Oh holy lordy! Bakit ganito bigla ang naramdaman ko? Never in my whole life na na-attract agad ako sa isang lalaki sa unang tingin pa lang. Pero ngayon, mukhang na crush at first sight ata ako sa lalaking ito na parang isa sa mga Greek Goddess na nabuhay at nagpagala-gala sa loob ng hotel na ito. Kahit medyo may balbas ang mukha niya, hindi niyon ikakaila kung gaano ito kaguwapo.
Ang ngiti na biglang gumuhit sa mga labi ko kanina ay hindi na nawala hanggang sa makalapit kami sa lalaking ito.
“Hey bro, Giuseppe! How are you?”
Oh damn it! Mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko nang ngumiti siya pagkatingin kay kuya.
“Long time no see!”
Nakipagkamay rito si kuya pagkatapos ay nagyakap sila. Ganoon din ni Kuya Cloud at ni Morgon. Siguro at matalik silang magkakaibigan.
“Sup bro?” Kuya Cloud.
“Long time no see, Esra!” saad naman ni Morgon.
“Oh well, I’m just a little bit busy. Alam naman natin ’yon pareho.” Sagot nito.
“By the way bro, this is our little sister, Ysolde.”
Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin. Ewan, pero may kaunting hiya akong naramdaman sa kaniya.
“Hi Ysolde! Nice meeting you.”
Nag-alangan pa akong tanggapin ang kamay niya. Pero sa huli, ginawa ko na rin. “N-nice meeting you too—”
“Esrael. I’m Esrael Ildefonso.”
’Tsaka siya lumapit sa ’kin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko. Oh jeez! Sobrang bango niya. Pakiramdam ko dumikit bigla sa ilong ko ang male scent perfume niya.
“I didn’t know that you have a younger sister?” aniya.
“It’s a long story.” Anang Kuya Sky. “And this is Jule, my pair. And she’s Shiloh, Morgon’s pair.”
“And where’s your pair, Guilherme?” tanong nito kay Kuya Cloud.
Mabilis namang niyakap ni kuya ang kaniyang sarili at umiling. “I don’t need a pair Esra. I love myself.”
Tumawa naman ito at umiling din. “Kailangan mo ng maghanap ng girlfriend Ulap. Hindi ka na rin bumabata.” Anito. “Hi. Welcome to the island ladies.” Nang balingan na nito ng tingin sina Jule at Shiloh. Nakipagkamay at hinalikan din nito sa pisngi ang dalawa kong kaibigan.
“Thank you!” Jule.
“So you’re the owner of this island?” tanong naman ni Shiloh.
“Indeed.” Si Morgon ang mabilis na sumagot.
Saglit pa silang nag-usap bago nagpaalam sina kuya para makapagpahinga na kami sa cottage namin.
“Enjoy your vacation bro. If there’s a problem or if you need anything else, please don’t hesitate to inform my employee or call me.”
“Thank you bro.”
“Alright. I’m gotta go.”
“See you around bro.”
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng hotel.
“He’s already married.”
Gulat na napatingin ako kay Kuya Cloud na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Inakbayan niya ako.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “I... I didn’t ask—”
“I know. But I can see in your eyes you immediately crush on him.”
“Kuya—”
“Your eyes glistening and—”
“That’s not true.” Mabilis na saad ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Ganoon ba ako kahalata kanina habang nasa harap pa namin ang Esrael na ’yon? And oh, married na pala siya!
“Alright guys, magpahinga na muna tayo. Alam n’yo naman na ang cottages ninyo right?” tanong ni Kuya Sky.
“Let’s go cupcake.” Kaagad na iginiya ni Morgon si Shiloh at lumabas sila ng hotel upang tunguhin ang cottage nila.
“Sweetheart, let’s go.”
“I knew it. Nagkabalikan na nga kayo.” Saad ko kay Jule habang nakangiti ako sa kaniya ng nakakaloko. Umirap lang naman siya. “After our vacation, I want you to tell me the whole story.” Saad ko pa bago sila lumabas ni kuya.
“Alright. This is me, all alone. Let’s go self.”
Napahagikhik naman ako nang marinig ko si Kuya Cloud. Hila-hila ang maleta niya nang lumabas na siya ng Hotel.
“Come on kapatid.”
’Tsaka ako naglakad para sumunod sa kaniya palabas ng hotel.
“COME ON YSOLDE, let’s swim. Hindi na mainit ang araw.”
Saad sa ’kin ni Shiloh nang puntahan nila ako ni Jule sa cottage ko. Kagigising ko lang din. Hindi ko kasi namalayan kanina nang makapasok ako sa cottage ko ay bigla akong hinila ng antok habang nagpapahinga lang saglit.
“Sige na magbihis ka na. Masarap ang dagat. Hindi ganoon kalamig.” Saad pa ni Jule na galing na nga sa dagat dahil basa na ang two piece bikini na suot niya.
“Alright. Wait lang at magbibihis na ako.” ’Tsaka ko kinuha ang maleta ko at kumuha rin doon ng swimsuit ko. Pagkatapos ay nagbihis agad ako. Napangiwi pa ako nang makita ang sariling hitsura. “I can’t wear like this tapos lalabas ako para mag-swimming.” When I put on my blue two piece bikini. Ngayon ko lang na-realize.
Umirap naman sa ’kin ang dalawang butihin kong kaibigan.
“Please Ysolde, huwag ka ng nega riyan! Para namang hindi ka pa nakakaligo sa beach at bago sa ’yo ang magsuot ng two piece bikini.” Mabilis na saad sa ’kin ni Jule.
“True!” pagsang-ayon naman ni Shiloh. “Come on, let’s go outside na.”
“Wait—”
Pero wala na nga akong nagawa nang hilahin na ako ng dalawang ito palabas ng cottage ko kahit hindi pa ako prepared sa ayos ko. Lihim na lang akong napabuntong-hininga nang malalim. Hanggang sa makarating kami sa beach. Naroon na rin sina kuya pati si Morgon.
“Go on, mauna na kayo. Mamaya na ako maliligo.” Saad ko.
“Bahala ka na nga riyan! Let’s go Jule.”
Sabay pa silang tumakbo papunta sa dagat at sumunod naman sina kuya. Ako, naiwan akong nakatayo sa puwesto ko. Ewan ko, pero naiilang ako sa hitsura ko ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na maligo ako sa beach at magsuot ng ganito, pero feeling ko nakakailang at may mga matang nakatitig sa ’kin sa malayo. Alright, hindi naman ’yon maiiwasan. And I know simula pa kanina ay may mga mata ng nakatingin sa amin, but this moment... feeling ko may isang pares ng mga mata ang nakatitig sa ’kin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Maraming tao roon. Ang iba nasa dagat at nag-e-enjoy sa paglalangoy, ang iba naman ay nasa buhanginan at nakatambay pa. May mga grupo ng lalaki rin ang nakita kong nakatingin sa direksyon ko. Mga nakangiti pa. Hindi ko naman iyon pinansin at naglakad ako. Pero mayamaya lang ay bigla rin akong natigilan nang makita ko ang isang lalaki na naka-swim trunk at naglalakad palapit sa akin. Magkasalubong pa ang mga kilay ko.
“Hi ma’am Ysolde!”
“Arn?”
“Wow! What a coincidence ma’am Ysolde? Hindi ko po alam na dito rin po pala kayo magbabakasyon!”
Seryosong tingin ang ipinukol ko sa kaniya at lumipad sa ere ang isang kilay ko. Mayamaya ay ngumiti naman siya sa ’kin.
“Delivery po para sa inyo ma’am Ysolde!” aniya at iniabot sa ’kin ang isang box na bitbit niya.
“Seriously Arn? Hanggang dito ba naman?”
“Pasensya na po ma’am... e, napag-utusan lang po ulit.” Napakamot pa siya sa kaniyang ulo.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. “Is he here right now?” muli kong iginala ang paningin ko sa buong paligid.
Nagkibit lamang siya ng kaniyang mga balikat.
“Arn?” isang nagbabantang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.
Napakamot siyang muli sa kaniyang ulo. “Pasensya na po kayo ma’am Ysolde.”
“Please! I just want to know if he’s here too.”
Ilang saglit siyang natahimik habang nakatitig lang sa ’kin. Tila nag-iisip pa kung sasagutin ang tanong ko o hindi.
“Nandoon po siya sa may bar.”
Bigla naman akong napalingon sa kinaroroonan ng outdoor bar, maraming tao roon.
“Buksan po muna ninyo ’yan ma’am.” Saad niya sa ’kin.
Iyon nga ang ginawa ko. Oh what is it this time? Hindi talaga ako makapaniwalang hanggang dito ay susunod sa ’kin itong Arn, pati na rin ang poncio pilatong ’yon.
Nangunot ang noo ko nang pagkabukas ko sa box ay isang note ang kaagad nakita ko roon sa ibabaw. Kinuha ko ’yon.
Wear me!
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko at muling napatingin kay Arn.
“Kanina pa po siya nakatingin sa inyo ma’am.” Aniya. “Kapag po hindi ninyo isinuot ’yan baka po sapakin na niya ’yong mga lalaking ’yon.” Tumingin pa siya sa kinaroroonan ng mga lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
I let out a deep sigh. Kinuha ko naman ang laman ng box. Isang malaking plain white t-shirt ang naroon. Alright, kahit papaano ay napangiti naman ako. Walang sabi-sabi na isinuot ko iyon. At least, naging komportable ang pakiramdam ko ngayon.
“Thank you, Arn!”
“Gusto po ninyo ng drinks ma’am Ysolde?”
“Juice lang.” Saad ko.
“Sige po at ikukuha ko kayo—”
“Sasama na ako sa ’yo Arn.” Saad ko. I just want to see him. Sabi naman niya ay nasa may bar area raw ang boss niya.
“Sige po ma’am. Hali po kayo.”
’Tsaka ako umagapay kay Arn.