CHAPTER 8

2142 Words
ISINANDAL ko ang likod ko sa swivel chair nang matapos ang trabaho ko. Tinanggal ko ang suot kong salamin at minasahe ang sentido ko. Even my neck. Ramdam ko kasi talaga ang pananakit sa leeg at likod ko dahil sa maghapon at dire-diretsong trabaho ko. It’s been three days na masiyado akong naging busy. And finally, natapos ko na rin ang nakatambak na trabaho ko. Sa isang taong pagtatrabaho ko rito sa Latorre Vino, ni isang beses ay hindi pa ako nakakapag-relax or unwind. Dahil kagaya sa pangako ko kay papa dati, ibinuhos ko rito ang buong oras at atensyon ko para makabangon ulit ang kompanya. And sa tulong ng mga kuya ko, awa ng Diyos ay nakikita ko naman na ngayon ang magandang resulta sa lahat ng pinagpaguran ko. And maybe Shiloh and Jule are right. Kailangan ko na ngang mag-relax saglit para ma-freshen up ang utak at katawan ko. Besides, reward ko na ’yon sa sarili ko dahil sa pagiging masipag ko sa trabaho. Hindi na dapat ako manghinayang sa mga araw na nasa bakasyon ako instead na nasa office ako and doing my job. Deserve ko rin naman siguro ’yon. Ako lang itong ayaw na payagan ang sarili na mag-relax. And mabuti na lang at hindi ako tinigilan nina Shiloh at Jule na sumama sa bakasyon nila bukas. Dahil kung hindi, for sure, buong maghapon lang akong hihilata sa bahay while nasa beach sila. “Good afternoon po ma’am.” Napatingin ako sa bumukas na pinto at pumasok doon si Arn. Yeah, he’s here again. Simula nang araw na nagdala siya rito ng sandamakmak na mga bulaklak, araw-araw na ay lagi siyang dumadating sa office ko na kung anu-ano lang ang dala. Like foods. Nakakapagtaka lang na lahat ng dinadala niyang pagkain ay paborito ko. I asked him once kung sino ang boss niya, pero hindi pa rin siya nagsasabi sa ’kin. And of course, the flowers. Hindi na nawala ’yon. Pero mabuti at isang bouquet na lang ang dala niya araw-araw. Dahil kung isang truck na naman ’yon I’m sure ipapa-ban ko na siya sa buong building para sa entrance pa lang ay hindi na siya makakapasok. And mukhang nakakasanayan ko na nga rin itong nangyayari sa akin. Everyday ay lagi na akong naghihintay sa pagdating ni Arn. I hate to say this but, nakakaramdam na ako ng excitement sa puso ko kung ano na naman ang dadalhin ni Arn sa office ko. Kagaya na lang ngayon, it’s already five in the afternoon, pero bumalik na naman siya. Samantalang kaninang umaga ay nandito rin siya at naghatid ng bulaklak at pagkain para sa lunch ko. “What is that, Arn?” tanong ko nang makita ko ang itim na box na bitbit niya. May pink ribbon pa sa ibabaw. “Snack n’yo po ma’am. Hindi pa raw po kasi kayo nag-e-snack sabi ni boss.” I frowned. Huh? How did he know? Malakas ba ang radar ng boss niya para malaman nitong hindi pa siya nagme-meryenda? Inilapag ni Arn sa ibabaw ng mesa ko ang box na dala niya. “How did he know?” tanong ko. Pero nagkibit naman siya ng kaniyang mga balikat. “Ewan ko po kay boss ma’am Ysolde. Basta inutusan niya lang po ako na maghatid niyan dito sa inyo.” I let out a deep breath then straightened up in my seat and opened the box he laid on my table. Cookies pala ang laman niyon. “I’m still wondering kung paano nalalaman ng boss mo kung ano ang mga gusto kong pagkain, Arn.” Saad ko nang kumuha ako ng isang cookies at kumain na. I really love cookies. Kaya nga no’ng nasa college pa ako, nag-aral din akong mag-bake. “Baka po magkakilala kayo ni boss dati ma’am Ysolde kaya po alam niya ang mga gusto ninyo.” Anito. “Hindi po kaya isa po siya sa manliligaw ninyo dati tapos binasted po ninyo, tapos ngayon po ulit sumusubok na manligaw sa inyo?” Napaisip naman ako dahil sa mga sinabi ni Arn. Inalala ko ang mga lalaking nagpalipad hangin sa ’kin simula nang high school ako hanggang sa mag college. Well, I’m not ugly, and I’m not that pretty too. Sakto lang. Pero confident naman ako sa hitsura ko. And simula nang high school ako until college, hindi ko na rin mabilang kung ilan na ang nagtangkang manligaw sa ’kin. Tanging si Zakh lang ang pinayagan kong manligaw at sinagot ko after. And then, si Hideo. Bigla akong natahimik at napatitig sa kawalan nang sumagi na naman sa isipan ko si Hideo. Ewan ko ba, pero lately talaga ay napapadalas na ang pagbisita niya sa panaginip ko. I mean, hindi lang basta panaginip. But a weird dream. Nagiging routine ko na rin ata na magising ng hating gabi. Pinagpapawisan ako kapag naaalimpungatan ako. At hindi lang din iisang beses na nagising ako na sobrang init ng katawan at pakiramdam ko and... I’m wet down there. Hindi ko maintindihan kung panaginip ba talaga ’yon o totoong nangyayari. Pero ayoko naman maniwala kung sakaling totoo. Hell no! Paano naman ’yon mangyayari e, wala na nga siya? “Ma’am Ysolde?” Bigla akong nabalik sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Arn. Napatingin ako sa kaniya. “Okay lang po ba kayo ma’am?” tanong niya sa ’kin. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ko sa ere at muling kinagat ang cookies na hawak ko. “It taste good by the way.” Sa halip ay saad ko sa kaniya at tipid na ngumiti. Ngumiti rin naman siya sa akin. “Alam n’yo po bang si boss mismo ang gumawa niyan kagabi ma’am Ysolde?” aniya. Kunot ang noo na napatingin ulit ako sa kaniya. Ano raw? “Kahapon nang umaga po ay nagpaturo siya sa pastry chef niya kung paano gumawa niyan. Pinag-aralan niya po talagang mag-bake kasi ang sabi po ni boss na hindi raw po kayo mahilig sa matatamis kaya siya na po mismo ang gumawa niyan para sa inyo.” Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko habang nakatitig ako sa kaniya. Ewan, pero bigla akong nakaramdam ng kiliti sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Arn. Kinikilig ba ako? Maybe! Napaka-effort naman pala ng... puncio pilatong ’yon. I can’t help myself but to smile. “Perfect po ma’am.” Napakurap pa ako nang mag-flash ang camera ng cellphone ni Arn. Kinunan niya pala ako ng picture habang nakangiti ako. “Why did you do that?” tanong ko. “Sabi po kasi ni boss, gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon n’yo kapag natikman ninyo ang gawa niya.” Wala na lang akong nagawa kun’di ang mapatango. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. “Tubig po ma’am.” Iniabot sa ’kin ni Arn ang isang bote ng tubig na kinuha niya mula sa mini refrigerator na nasa sulok ng office ko. “Thank you, Arn.” “Bes, hindi ka pa ba uuwi?” nang biglang pumasok si Jule. Nangunot pa ang noo nito nang makita si Arn. “Nandito ka na naman Arn?” “Magandang hapon po ma’am Jule.” Malapad ang ngiti sa mga labing bati nito sa kaibigan ko. “Nako, mukhang seryoso talaga ’yang secret admirer mo bes a!” nanunudyo pa ang ngiti niya sa ’kin. “Wow! May pa cookies pa ngayon?” nang makalapit siya sa mesa ko at makita niya kung ano ang laman ng box na nasa tapat ko. Kukuha na sana siya para tikman ’yon... pero mabilis namang kinuha ni Arn ang box at inilayo sa kaniya. “Sorry po ma’am Jule, pero ang sabi ni boss para kay ma’am Ysolde lang daw po ito.” Napasimangot naman bigla si Jule at mabilis na nagpakawala nang malalim na paghinga. “Ang damot naman ng boss mo. Titikim nga lang e!” Napangiti na lamang ako nang ibigay sa ’kin ni Arn ang box. “Sumusunod lang po ako sa utos ni boss ma’am Jule.” “Ewan ko sa ’yo Arnulfo!” umismid pa ito. “Tara na nga bes umuwi na tayo.” Aniya. “Mabuti na lang at magbabakasyon tayo bukas, kahit papaano ay ilang araw na hindi ko makikita ang mukha nitong si Arn.” “Alright.” Pagkatayo ko pa lang sa swivel chair ko ay kaagad na kinuha ni Arn sa akin ang box ng cookies pati na ang bag ko. “Ako na po ang magdadala ma’am Ysolde.” “Thank you, Arn.” “Ang bag ko Arn hindi mo rin dadalhin?” tanong pa ni Jule. “Kaya mo na po ’yan ma’am Jule. Malaki naman po ang muscles mo e.” “Ang sama mo.” Napahagikhik na lang ako dahil sa dalawang ito. “Magbabakasyon po pala kayo bukas ma’am?” Tumango naman ako nang magtanong si Arn. “Yeah! It’s a short vacation. Kailangan lang namin mag-unwind.” “Wow! Siguro masaya ang ganoon ano po ma’am?” “Ang dami mo namang tanong Arn. Baka bukas hindi na ako magtataka kung nandoon ka rin sa bakasyon para magdala ng delivery para kay Ysolde.” “Malay n’yo po ma’am Jule.” Nakangiti pa ito ng malapad. Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Kung ganoon, kakaiba pa lang secret admirer ’yang boss mo. Kahit saang lupalop ng mundo ata mapunta si Ysolde ay susundan niya.” “Sa tingin ko po ma’am Jule ganoon nga po. Kasi mukhang malakas po ang tama niya kay ma’am Ysolde.” “Oh no! Hindi naman siguro Arn!” saad ko na medyo may pag-aalala rin dahil sa mga sinabi niya. Hanggang sa makalabas kami sa building ay inihatid pa kami ni Arn hanggang sa sasakyan ko na naghihintay sa labas ng entrance. “Thank you again, Arn!” “Mag-iingat po kayo ma’am Ysolde, ma’am Jule. Good night po.” “And weirdo talaga ni Arn.” Saad ni Jule nang maisarado na ang pinto sa tabi niya. “But he’s mabait naman.” Saad ko sa kaniya at umayos na sa puwesto ko. “BOSS, MUKHANG aburido po kayo ngayon?” Nang pumasok si Arn sa opisina ni Hideo. Nadatnan nito ang binata na nakasalubong ang mga kilay at mukhang hindi maipinta ang hitsura. Hideo let out a deep breath and sat in his swivel chair while holding a rock glass. “Alam ko na po boss kung ano po ang magpapagaan sa pakiramdam n’yo ngayon.” Saad pa nito at umupo sa visitor’s chair. “Ayusin mo lang Arn na hindi mag-iinit lalo ang ulo ko dahil sa sasabihin mo ngayon.” “Promise po boss. Sigurado pong matutuwa kayo sa ipapakita ko sa inyo.” Saad pa nito at inilabas ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon nito. Saglit na hinanap sa gallery nito ang picture ni Ysolde kanina. “Ito po boss.” Kunot pa rin ang noo ni Hideo nang tanggapin niya ang cellphone ni Arn. But when the moment he saw his wife’s smiling face, bigla siyang napangiti at parang bulang naglaho ang galit na nararamdaman niya kanina dahil sa isang empleyado niya. Nakangiting tinitigan niya ang magandang mukha ni Ysolde. Damn it! Why are you so beautiful my wife? “Ayan po ang reaksyon ni ma’am Ysolde kanina nang matikman po niya ang cookies na ginawa ninyo para sa kaniya boss.” Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya dahil sa mga sinabi ni Arn. “Alright. Send this to me.” Aniya at ibinalik kay Arn ang cellphone nito. “At isa pa po boss, ilang araw po pala kayong hindi makakapagpadala kay ma’am Ysolde ng kung anu-anong ipapadala ninyo sa kaniya.” “What do you mean?” kunot ang noo na tanong niya. “E, ang sabi po ma’am Ysolde kanina magbabakasyon po sila bukas. Short vacation daw po.” Biglang napaangat ang likod niya mula sa pagkakasandal sa kaniyang swivel chair. “Where?” “Alam ko pong itatanong ninyo ’yan sa ’kin kaya po naghanap na po ako ng sagot kanina bago ako tumuloy rito.” Saad nito. “Pinakialaman ko na po ang computer ni ma’am Jule roon sa opisina nila. At nalaman ko pong sa Isla Ildefonso po sila pupunta para magbakasyon. Kasama po nila ang trio pati po si Sir Morgon at ang girlfriend niyang si ma’am Shiloh. Pati po Nanay Salve.” “Alright. We will go there too.” Saad niya at inisang lagok ang natitirang laman ng kaniyang rock glass pagkuwa’y tumayo sa kaniyang puwesto. Naglakad na siya palabas ng kaniyang opisina. “Come on Arn, we need to prepare for a short vacation tomorrow.” “Sabi ko na nga ba e!” nakangiting sambit ni Arn ’tsaka tumayo na rin sa puwesto nito at sumunod kay Hideo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD