CHAPTER 10

2218 Words
WHEN Arn and I got to the Bar, kaagad kong inilibot sa buong paligid ang aking paningin. Wala naman akong makita na familiar na mukha na naroon. At lahat ng tao roon ay busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila, sa mga partners nila. I let out a deep sigh at nagpasya na ring maglakad palapit sa nag-iisang available na high chair na naroon sa gilid ng bar counter. Pero hindi pa man ako nakakarating doon ay may nakabangga akong lalaki na nakasuot ng dark blue swim trunk at may suot na itim na ray-ban. May nahulog na kung ano sa buhangin na siyang dahilan ng pagyuko niya. “Oh I’m sorry," saad ko sa kaniya. “I’m sorry baby.” Anito at kaagad na naglakad palayo sa ’kin. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napatitig ako sa lalaking ngayon ay papalayo na sa kinatatayuan ko. “H-hideo?” mahinang sambit ko. Oh God! I can’t be wrong. It’s... it’s him. “H-hideo—” “Ma’am Ysolde!” Bigla namang sumulpot sa harapan ko si Arn habang dala niya ang isang baso ng fresh pineapple juice. “Ito na po ang juice ninyo ma’am.” Nakangiting saad pa niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at muli akong napatingin sa unahan ko kung saan naglalakad kanina si Hideo. But he wasn’t there anymore. He wasn’t there? O baka naman wala talaga roon si Hideo at nag-hallucinate lang ako kanina? Baka inakala ko lang na siya iyon? “Sino... sino po ang tinitingnan ninyo ma’am Ysolde?” tanong ni Arn na sinundan na rin ang tingin ko. Banayad ngunit malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang tumingin ako kay Arn. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “N-nothing.” Saad ko. “That’s my juice?” tanong ko na lang sa kaniya. Muli siyang ngumiti sa ’kin. “Yes po ma’am Ysolde. Fresh pineapple juice po kagaya sa gusto ninyo.” “Thank you, Arn.” ’Tsaka ako naglakad na palayo sa bar na iyon. Hindi na ako nagtuloy na umupo roon. Sumunod naman sa akin si Arn. “Where are you going?” tanong ko sa kaniya. “Sasamahan ko na po muna kayo ma’am Ysolde.” “Why?” kunot ang noo na tanong ko sa kaniya nang balingan ko siya ng tingin. Nakangiting nagkamot naman siya sa kaniyang ulo. “Gusto ko lang po ma’am.” Anito. “E, wala naman po akong gagawin ngayon. ’Tsaka para po mabantayan ko po kayo.” “From who?” Tumingin naman siya sa malayo. Sinundan ko rin ang tingin niya. Nasa direksyon ko na naman nakatingin ang apat na lalaking kanina lang ay nakatingin din sa akin. “Baka po mabastos kayo ng apat na kotong lupa na ’yon ma’am Ysolde. Kaya po sasamahan na muna kita habang busy po sina ma’am Jule sa dagat.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa mga sinabi ni Arn. “Oh, you’re so sweet Arn!” “Nako po, sana lang huwag marinig ni sir Hideo ang sinabi ninyo. Baka po tamaan ako ng kamao n’on.” My forehead furrowed when I heard him whisper and I could not understand what he was saying. “What did you say, Arn?” tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya at ngumiti ulit ng mas malapad. “Wala po ma’am. Ang sabi ko po, tara doon po tayo sa malapit sa dagat. Mas maganda po roon.” Wala naman akong nagawa kun’di ang mapasunod sa kaniya at nagtungo nga kami malapit sa dagat. “Arnulfo, nandito ka rin?” gulat na tanong ni Jule nang umahon ito sa dagat at maglakad palapit sa amin. “Hi po ma’am Jule,” bati nito sa kaibigan ko. “Ang liit po talaga ng mundo ano po? Akalain n’yo pong magkikita rin po tayo rito?” Umismid naman si Jule dahil sa mga sinabi ni Arn. “Ako huwag mong pinaglololoko Arnulfo huh!” halata sa mukha nito ang pagkainis. “Huwag mong sabihin na pinadala rito ng boss mo itong t-shirt na suot ni Ysolde ngayon?” nang tingnan niya ang hitsura ko. “Ang galing n’yo naman pong manghula ma’am Jule!” pumalakpak pa ito. “Seriously?” Nagkibit naman ako ng mga balikat ko nang magtama ang paningin namin ni Jule. “Oh God! Grabe na talaga ’yang secret admirer mo bes.” Aniya. “Bakit nandito ka pa, Arnulfo?” tanong niya ulit kay Arn matapos niyang sumimsin sa juice na iniinom ko. “E, may free vacation po kasi ako galing kay boss pagkatapos ng delivery ko kanina kay ma’am Ysolde. Susulitin ko na lang po muna.” “Ang syala naman ng boss mo.” “Mayaman po kasi siya e.” Nakangiti pang saad nito. Bumuntong-hininga na lamang si Jule pagkuwa’y umupo sa telang nakalatag sa buhanginan. “Hindi ka pa ba maliligo kapatid?” nang dumating din si Kuya Sky. “Mamaya na ako kuya.” Sagot ko. “Magandang hapon po sir Giuseppe.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin kay Arn. “You know my kuya?” tanong ko. E, sa pagkakaalam ko, hindi pa naman nakikita ni kuya na nagpunta sa office ko si Arn. So, paano sila nagkakilala? “Yeah he knows me,” si kuya ang mabilis na sumagot. “Matagal na po kaming magkakilala ni sir Giuseppe ma’am Ysolde.” Napatango na lamang ako. Nang umupo si kuya sa tabi ni Jule ay naglakad akong muli palayo sa kanila at sumunod pa rin sa akin si Arn. Sunod lang siya nang sunod kahit saan ako magpunta. Well, at least kahit papaano ay may nakakausap ako the whole time. Busy kasi sina Kuya Sky at Jule, si Shiloh at Morgon. Si Kuya Ulap naman ay busy na naman sa panlalandi ng ibang babae. Wala pa ring nagbago sa isang ’yon. KINAGABIHAN, pinuntahan ulit ako nina Shiloh at Jule sa cottage ko para sabay na kaming magpunta sa restaurant para sa diner namin. Isang off shoulder bohomian nude dress ang isinuot ko. Hanggang sa may ankle ko ang haba niyon at pinarisan ko naman ng flat sandals. Hinayaan ko lang na nakalugay ang medyo kulot at brown hair ko dahil medyo basa pa naman ’yon. “Bakit hindi ko nag-enjoy kanina sissy?” tanong sa ’kin ni Shiloh habang naglalakad na kami sa beach upang tunguhin ang restaurant na naroon lang din sa gilid ng dagat. “I don’t know. Medyo wala ako sa mood kanina.” Sagot ko na lang sa kaniya. But the truth is... laman pa rin ng isipan ko ang lalaking nakabungguan ko kanina roon sa may bar. Iniisip ko pa rin na siya si Hideo. Ewan ko, pero dalawang beses ng nangyari ito. At iisa lang ang kabog ng puso ko. My heart telling me that it was Hideo. But I don’t want to believe it because it’s so impossible. “Ysolde, nagpunta nga tayo rito para magbakasyon at mag-relax. Hindi para dagdagan lalo ang iniisip mo.” Anang Jule. I just sighed at napatitig sa dinadaanan namin. “Sissy, do you have a problem?” tanong ulit sa ’kin ni Shiloh at yumakap pa siya sa braso ko. “Lately kasi, it’s like you’re thinking deep.” “Napapansin ko rin ’yon.” Saad naman ni Jule. “Wala. Wala akong problema.” Sagot ko kanila. “May iniisip lang ako. Pero... it’s not that important.” Dagdag ko pa. “Basta, kung may problem ka, just let us know huh? Hindi maganda na nagke-keep ka ng problema mo.” Ngumiti na lamang ako kay Shiloh. Hanggang sa makarating na kami sa restaurant. Naroon na nga sina kuya at kasama pa nila si Arn. Tahimik lang ako habang kumakain, samantalang sila ay masayang nag-uusap. Ewan ko ba sa sarili ko, hindi ko talaga feel ang mood ko ngayon. I just want to enjoy the night just like them... pero hindi ko naman magawa. Parang feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hanggang sa matapos kaming kumain, nagpaalam ako sa kanila na mauuna na akong bumalik sa cottage ko dahil gusto kong magpahinga ng maaga. Magpupunta pa naman sila sa bar kaya hindi na ako sumama. “Ma’am Ysolde, ihahatid ko na po kayo—” “Hindi na Arn. Sige na sumama ka na sa kanila.” Putol ko sa pagsasalita niya. “Pero—” “I’m okay. Malapit na lang naman ang cottage ko e. I can walk alone.” Sabi ko pa sa kaniya. “Sigurado po kayo ma’am?” Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango pagkatapos ay tumalikod na rin ako at nag-umpisang maglakad. Marami namang tao sa beach at sobrang ingay dahil sa party. Malamlam din ang ilaw sa dalampasigan na nagmumula sa mga poste na nasa ’di kalayuan. Habang naglalakad ay napayakap pa ako sa sarili ko nang dumampi sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. It’s passed nine in the evening kaya medyo malamig na talaga ang hangin. “There you are beautiful lady.” Gulat akong napahinto sa paglalakad ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang dalawang lalaki. Medyo dim man ang ilaw pero namumukhaan ko ang mga ito. Sila ang dalawa roon sa apat na lalaking nakatingin sa akin kanina. At sa hitsura nila ngayon, they seem to be drunk. Nang makabawi ako sa pagkagulat ko ay nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagsimula ulit na humakbang para sana lagpasan sila, pero hinarangan naman ako ng isang lalaki. “Opps! Aalis ka agad miss? Hindi pa nga kami nakakapagpakilala sa ’yo e.” Hinawakan pa ako nito sa braso. “Don’t touch me!” mariing saad ko at umatras upang mabitawan niya ako. Tumawa naman ang dalawang ito. “Oh! Palaban pare!” “Pare, ayan ang gusto ko sa babae. Hindi ’yong pabebe at maarte.” Matalim na titig ang ipinukol ko sa kanila ’tsaka ako tumalikod para sana bumalik na lang sa kinaroroonan nina kuya, pero mabilis na humarang ulit sa daranan ko ang dalawang ito. “Ano ba! Sabing huwag mo akong hawakan e.” Nagtaas na ako ng boses nang pilit na iwinaksi ko ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ko. God! I need help. Pero mukhang hindi ata ako mapapansin ng mga taong nagkakasiyahan sa bar dahil sa sobrang ingay ng sigawan at tugtogan. Ang ibang tao na naroon ay wala namang pakialam kahit nakita na nilang binabastos ako ng dalawang ito. “Sige na miss, huwag ka ng pumalag! Sumama ka na muna sa amin.” Naaamoy ko na ang amoy alak na hininga ng lalaking nakahawak sa braso ko nang tangkain nitong halikan ako sa mga labi ko. “Ahhh! Please, let go off me!” pinilit kong umatras at napapikit nang mariin habang pilit na itinutulak ang lalaking ito palayo sa akin. Pero mas malakas naman siya kaysa sa ’kin. Tapos hinahawakan pa ako no’ng isang lalaki sa kabilang kamay ko. “Halika na miss, isang gabi lang naman—ahhh!” Bigla akong nabitawan ng isang lalaki at tumumba ito sa buhanginan nang tadyakan ito ng lalaking nakaitim na biglang lumapit sa ’min. Gulat pa ako dahil sa biglang nangyari. Mayamaya ay nabitawan din ako ng isa pang lalaki nang ito naman ang tadyakan ng lalaking nakaitim. Mabilis na tumayo ang unang lalaki at sinubukan nitong gumanti ng suntok, pero hindi naman nito nagawa. Sunod-sunod na suntok ang ibinigay rito ng lalaking nakaitim na tumulong sa akin. Nang muling tumumba ang lalaki ay ang isa na naman ang sumugod, ngunit kagaya sa kasama nito, hindi rin nito nagawang makasuntok sa lalaki. Pareho na itong napatumba sa buhanginan. “Gago ka ba pare? Bakit ka nangingialam sa—” Bigla itong natigilan sa pagsasalita nang humugot ng baril ang nakaitim na lalaki. Tinutukan nito ang dalawang lalaki. “Run if you don’t want me to kill you right now!” Dinig ko ang mariing boses na iyon ng lalaking ito. Kahit naka-side view siya sa ’kin, kahit medyo dim ang ilaw sa parteng iyon ng beach, pero kitang-kita ang pag-igting ng kaniyang panga maging ang mariing paghawak niya sa kaniyang baril. Parang anumang sandali ay handa siyang pagbabarilin ang dalawang lalaking ito na nambastos sa akin. “P-pare... n-nagbibiro lang naman kami.” Nauutal at nahihintatakutang saad ng lalaki na ngayon ay hindi malaman kung tatayo ba ito o gagapang na palayo. “Then you approached the wrong person.” “P-p-pasensya na p-pare!” saad pa ng isang lalaki at nagmamadali na itong tumayo at tumakbo palayo. Nakatayo pa rin ako sa puwesto ko habang nakatitig sa lalaking naka-side view sa ’kin. Habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya, ramdam kong lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa humarap siya sa ’kin at nagtama ang paningin namin. Gulat na napasinghap ako. Nahigit ko ang aking paghinga. Is this true? Si... si Hideo ba talaga ang nasa harapan ko ngayon? I blinked twice para lang masigurong hindi ako nagha-hallucinate sa mga sandaling ito. But still he was standing in front of me. “H-hideo!” sambit ko sa pangalan niya kasabay niyon ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD