CHAPTER 7

1967 Words
“GOOD MORNING SIR!” malambing na bati kay Hideo ng kaniyang secretary habang naglalakad na siya papunta sa kaniyang opisina. Tumango naman siya rito habang seryoso pa rin ang kaniyang mukha. “What’s my schedule for today, Ana?” tanong niya na hindi manlang tumigil sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa kaniyang opisina. Kaagad namang napasunod sa kaniya ang babae habang binubuksan nito ang notepad na yakap-yakap nito kanina. “Um, signing contract po this morning and before lunch you have a meeting with Mr. Honduras and Mr. Octavio Ildefonso. This afternoon naman po is may meeting din po kayo with Señor Antonio—” “Didn’t I tell you to cancel that meeting with Antonio?” magkasalubong ang mga kilay na saad niya rito at umupo siya sa kaniyang swivel chair. Señor Antonio Colombo is his father. He was twelve years old nang umalis siya sa poder nito para sumama sa kaniyang mama na hiniwalayan ng kaniyang papa para makipagbalikan sa dati nitong asawa. Yes. Second family lang sila ng papa niya. Ayaw niya kasing tumira sa bahay nito kasama ang anak nito sa unang asawa, kaya nagdesisyon siyang umalis na lamang at sumama sa kaniyang ina. He was fiften years old when his mother died because of a car accident. And that’s because of Bernard. Bukod sa nagkaroon ng malaking utang na salapi sa kaniya ang ama ni Ysolde... isa sa kaniyang dahilan kung bakit malaki ang galit niya sa namayapang si Bernard, dahil ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang kaniyang mama. Simula noon, ang kaniyang abuelo na ang kumupkop sa kaniya. Ang kaniyang lolo Matias ang nagpa-aral sa kaniya hanggang sa makatapos siya sa kolehiyo. Kung anuman ang mga natutunan niya sa buhay, iyon ay dahil sa kaniyang lolo. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano magpatakbo ng negosyo. Kung paano humawak ng salapi. Kung paano makihalubilo sa mga taong tinitingala sa industriya ng negosyo. Nang pumanaw ang kaniyang abuelo ay sa kaniya ipinamana ang lahat ng ari-arian at negosyo ng matanda. Well, he’s the only grandchild. “I’m sorry po sir, pero... sinabi ko na po kay Señor Antonio no’ng nakaraan na ayaw n’yo pong makipagkita sa kaniya, pero nagalit lang po ang papa ninyo. He wanted to talk to you raw po.” Saad nito. Malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan sa ere ’tsaka isinuot ang kaniyang salamin at binuksan ang kaniyang laptop. “Cancel that meeting, Ana. And next time, don’t even accept his appointment with me.” Seryosong saad niya rito. “Okay po sir.” Sagot nito. “Um, do you need anything else sir?” tanong pa nito bago tumalikod. “Give me a cup of coffee.” “Alright sir Hideo.” At saka ito lumabas sa kaniyang opisina. “Hideo!” Kunot ang noo na bigla siyang nag-angat ng mukha nang mayamaya ay muling bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at may babaeng pumasok doon. “Hi!” malapad pa ang ngiti sa mga labi ng babae nang maglakad ito palapit sa kaniya. “Marga! What are you doing here?” kunot ang noo na tanong niya sa babae. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito ngayon sa kaniyang opisina. Ang pagdating nito sa Pilipinas. “What kind of question is that babe?” sa halip ay balik na tanong ng babae habang may malapad pa ring ngiti sa mga labi nito. “Aren’t you happy to see me now? I mean, it’s been two weeks simula nang umalis ka sa Cuba at hindi na tayo nagkikita. Two weeks mo na ring ini-ignore ang mga calls and texts ko sa ’yo.” Dagdag na saad pa nito. Marga is not his girlfriend. Pero kung umasta ito sa kaniya simula nang may mangyari sa kanilang dalawa, para na itong girlfriend niya. Alright! Simula nang maging okay na ang kondisyon niya pagkagising niya mula sa limang buwan na pagkaka-comatose niya, he do one night stand again with random girls he met in bars. Oh God! He’s just a human. Nakakaramdam din siya ng init sa katawan. Alam niyang kasalanan kasi may asawa na siya, pero para maibsan ang init na kaniyang nararamdaman... he had to find a woman he could take to his bed. And Marga was one of them. He met her at a bar in Cuba, two months ago. She’s just a fling alam nito umpisa pa lamang. Dahil lagi niyang nililinaw sa mga babaeng ikinakama niya na wala itong hahabulin sa kaniya dahil kasal na siya. Pero lately, bago siya umuwi sa Pilipinas, lagi na itong nagde-demand sa kaniya. That’s why he ignores her calls and text messages to him. At ngayon, hindi niya inaasahan na uuwi rin ito ng Pilipinas para sundan siya?! “I missed you babe.” Walang sabi-sabi ay umupo ito sa kaniyang kandungan at mabilis na inilingkis ang mga braso sa kaniyang leeg at akma na sana siyang hahalikan sa kaniyang mga labi, pero umilag siya. “Margareth, get off me.” Seryoso at tiim-bagang na saad niya at kaagad na tinanggal ang mga braso nito sa kaniyang leeg. Pilit niya rin itong pinatayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang kandungan. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ng babae. “Hideo!” “What are you doing here?” tanong niya ulit. “To follow you. To see you. Isn’t it obvious babe?” nagbuntong-hininga pa ito at lumipad sa ere ang isang kilay. Namaywang pa sa kaniyang harapan. “Look Marga, I told you already that—” “Na walang tayo, yeah I know that Hideo.” Mabilis na saad nito dahilan upang maputol ang kaniyang pagsasalita. “But I also told you before you left Cuba Hideo, that I would follow you.” “Marga—” “You know that I love you, Hideo. So please stop avoiding me.” Malalim na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan sa ere ’tsaka walang emosyon na tumitig siya rito. “Alright! How about, we’ll talk next time? Not today because I’m busy.” “No! I won’t leave here if you don’t talk to me right now, Hideo. Kung hindi mo ako kakausapin ng maayos.” Saad pa nito ’tsaka umupo sa visitor’s chair na naroon sa gilid ng lamesa niya. “Sir, here’s your coffee.” Nang muling makabalik si Ana. Nagtataka pa itong tumingin kay Marga na masama ang tingin dito. “Go on, Margareth. We’ll talk next time, not today because I’m busy.” Saad pa niya sa dalaga. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nitong muli sa ere ’tsaka nagdadabog na tumayo sa puwesto nito. “Accompany her out Ana.” “Ok—” “No need.” Mataray na saad nito. “Just make sure na kakausapin mo ako after this, Hideo.” Pagkasabi niyon ay kaagad din itong tumalikod at lumabas na sa kaniyang office. Napapabuntong-hininga na lamang siya nang malalim. “Thank you, Ana.” Saad na lamang niya ’tsaka kinuha ang tasa ng kape at humigop doon. “WHAT?” naiinis na saad niya nang may kumatok na naman sa labas ng opisina niya. Naiinis na siya kasi kanina pa siya hindi makapag-concentrate sa kaniyang trabaho sa dami ng nang-iisturbo sa kaniya. Bumukas ang pinto at sumilip sa siwang niyon ang isang tauhan niya. Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere ’tsaka umayos sa kaniyang pagkakaupo. “What is it this time Arn?” walang buhay na tanong niya sa kaniyang tauhan. Ngumiti naman ang lalaki at naglakad na papasok. “Pasensya na po sa isturbo boss, pero nandito na po ang pinabili ninyo sa ’kin.” Anito at nang makalapit sa kaniyang lamesa ay inilapag nito roon ang bitbit na malaking paper bag. “Medyo inagahan ko na po ang pagpunta ko rito kasi po may lakad ako mamaya.” Dagdag pang saad nito at napakamot sa ulo nito. “Alright. Thank you!” aniya at muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa ginagawang trabaho. Pero nang hindi naman kumilos sa kinatatayuan nito ang kaniyang tauhan ay muli siyang nag-angat ng mukha. “What are you still doing here? You can leave!” Pilit na ngumiti naman ang lalaki. “E, boss... puwede pong humingi ng favor sa inyo?” tanong nito. Bigla namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatitig pa rin siya rito. Alright. Matagal na niyang tauhan itong si Arnulfo... at masasabi niyang mabait at maayos naman ito sa trabaho nito. Ito rin ang dalawang beses na niyang inuutusan na magpadala ng mga bulaklak sa kaniyang asawa. “Spell it, Arnulfo!” aniya at muling itinuon ang kaniyang paningin sa monitor ng kaniyang laptop. “E, boss... puwede po bang bumali sa inyo? Ano lang po kasi e... anniversary namin ng jowa ko. Aayain ko po sana siyang mag date at kumain sa labas.” Anito. “Kung okay lang po boss.” Muli siyang nag-angat ng mukha upang tingnan ito. Mayamaya ay dinukot niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang wallet. Naglabas siya ng pera doon at ibinigay iyon kay Arn. “Here,” “Boss, malaki naman po ito. Puwede po—” “Just take it and leave, Arn. Iniisturbo mo ang trabaho ko.” Ngumiti naman ang lalaki. “Salamat po boss.” Anito. “Wala na po ba kayong ipag-uutos sa akin?” “Nothing. Just leave... and lock the door.” “Okay po boss. Salamat po ulit.” ’Tsaka ito tumalikod na at lumabas sa kaniyang opisina. Mayamaya ay tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Isinarado niya ang kaniyang laptop at tinanggal ang suot niyang salamin. Kinuha niya ang paper bag na dala ni Arnulfo at inilabas niya ang laman niyong malaking picture frame. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kaniyang lamesa at may kinuha mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Napangiti pa siya nang titigan niya ang underwear ng kaniyang asawa na kinuha niya kagabi nang magtungo siya sa bahay nito. “Oh damn it!” tanging nasambit niya nang maalala ang hitsura ng kaniyang asawa sa nagdaang gabi. “I missed you so bad baby.” Aniya at saglit pang inamoy iyon. Pagkuwa’y inilagay na niya iyon sa picture frame. Nang matapos ay muli niyang pinakatitigan ang underwear na ngayon ay nasa loob na niyon. Napangiti pa siya ng malapad. “It’s a... beautiful art!” aniya sa sarili. God! Nagmumukha na talaga siyang baliw o obsessed kay Ysolde dahil sa ginagawa niya ngayon. Pati ba naman ang underwear ng kaniyang asawa ay pinagkaintiresan pa niyang kunin! “Oh damn it wife. You’re driving me crazy!” tila nahihirapan pang usal niya at pabagsak na sumandal sa kaniyang swivel chair habang nakatitig pa rin siya sa picture frame. Mayamaya ay inabot niya ang kaniyang cellphone na nasa mesa niya. Binuksan niya ang screen niyon. Kaagad na bumungad sa kaniya ang picture nilang mag-asawa nang mag-over night sila sa kaniyang Yate dati. Mahimbing itong natutulog nang mag-picture siya kasama ito. Iyon lamang ang natatanging picture na mayroon siya kasama ang kaniyang mahal na asawa. At sa loob ng ilang buwang hindi ito nakikita, iyon lamang ang kaniyang pinapakatitigan para kahit papaano ay maibsan ang kaniyang pangungulila rito. He really misses his wife. Nakikita at nahahawakan na nga niya ito ng panakaw, pero ang hirap pa rin nitong abutin. Gustong-gusto na niya itong makausap, mayakap nang mahigpit at matagal, mahalikan ng alam nito na hinahalikan niya ito, hindi habang natutulog ito ay ’tsaka lamang siya nagkakaroon ng pagkakataon na mahagkan at matikan ang mga labi nito. He wanted to own her again. Pero hindi pa puwede. “I love you so much baby!” sambit niya habang pinagmamasdan pa rin ang picture nilang dalawa. “Sana lang, kapag nagpakita na ako sa ’yo... matanggap mo pa rin ako sa kabila nang mga nangyari noon. I love you my Ysolde!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD