CHAPTER 12

2457 Words
“I’M SORRY KAPATID!” Hindi ako nag-abalang lingunin si Kuya Cloud nang lapitan niya ako. Nakatayo ako sa gilid ng dalampasigan habang nakatanaw sa malayo, sa madilim na karagatan. Tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa parteng iyon ng isla. Dahil sa inis ko kanina habang naglalakad-lakad sa beach, hindi ko namalayan na nakarating na ako rito sa dulo. Kahit madilim at wala ng masiyadong tao sa parteng ito, hindi na ako nag-isip o nag-alala na baka mapahamak na naman ako kagaya sa nangyari kanina. Lalo pa at ako lang ang mag-isa ang narito kanina. “Huwag ka ng magalit sa ’min ng Kuya Sky mo. Ginawa lang naman namin ’yon kasi gusto namin na kahit papaano ay hindi na maging mabigat ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa papa mo.” “Wala kayong balak na sabihin sa ’kin ang totoo?” seryoso pa rin ang mukha at boses ko. I heard him let out a deep breath. Mayamaya ay nilingon ko siya. Seryoso pa rin ang tingin ko sa kaniya. “Kung hindi ko pa nakita si Hideo kanina, hindi ko malalaman na buhay pa pala siya kuya. Nagmukha akong tanga. Nagmukha akong katawa-tawa. All these time umiiyak ako, nasasaktan ako kasi wala na siya. Oo galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kay papa, pero kuya... asawa ko pa rin siya. Karapatan ko pa ring malaman ang totoo. But you lied to me.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaluha na naman ako. “That is why we’re sorry kasi nagsinungaling kami sa ’yo.” Mabilis na pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. Oh well, ano pa ang magagawa ko? Nangyari na ang mga nangyari. Wala na akong magagawa. “Huwag ka ng magalit.” Naramdaman ko ang palad ni kuya sa likod ko. Masuyo iyong humaplos doon pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ko at kinabig niya ako papunta sa kaniya. Wala na akong nagawa kun’di ipilig sa braso niya ang ulo ko. “Don’t cry.” “Hindi ko mapigilan e.” Sabi ko. Isang malalim na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan sa ere ’tsaka bahagyang ginulo ang buhok ko sa likod. “Let’s go back to your cottage. Malamig na masiyado ang hangin. And you need to rest. Parang mainit din ang pakiramadam mo.” Yeah right. Kanina ko pa nararamdaman na medyo mainit ang pakiramdam ko. Parang lalagnatin pa ata ako. Oh jeez! Kung kailan nasa bakasyon tuloy kami ’tsaka pa ata ako magkakasakit. Nang akayin na ako ni kuya pabalik sa cottage ay hindi na ako umangal sa kaniya. Hinayaan ko lang siya na nakaakbay sa ’kin at inaalalayan ako sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa cottage ko. “Magpahinga ka na okay?” “Thank you kuya.” Saad ko ’tsaka ako humiga sa kama. Nang lumabas naman si kuya ay ini-lock na rin niya ang pinto. Dala siguro sa medyo masama ang pakiramdam ko kaya bigla akong nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng katok mula sa labas ng cottage ko. Dinig na dinig ko ang boses ni Shiloh. “Sissy, open the door. We’re here. We have soup for you.” Nakakairita naman ang ingay ng babaeng ito! Gusto ko pang matulog dahil inaantok pa ako pero kung makakatok naman dinaig pa ang may sunog sa pabas. Kahit natatamad pa akong bumangon ay wala na rin akong nagawa kun’di ang kumilos sa puwesto ko. Saglit akong umupo sa gilid ng kama bago tumayo at naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko iyon. “Good morning sissy!” nakangiting bati niya sa akin. Nakasimangot naman ako nang bumungad sila ni Jule sa ’kin. “What’s good in the morning if you disturb my precious sleep?” naiinis na tanong ko sa kaniya. Ngumiti lamang nang malapad si Shiloh at hinawakan ang noo at leeg ko. “Ulap told us that you are sick that’s why we came here and brought you a soup.” Aniya. “May sakit ka ba talaga bes?” tanong din ni Jule bago ako tumalikod at muling bumalik sa kama. Pumasok din naman silang dalawa. Inilapag ni Shiloh sa bedside table ang bowl na dala niya. “I’m fine. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kagabi. But I’m okay now.” Saad ko. Muling lumapit sa ’kin si Shiloh at kinapa niya ulit ang noo ko. “Yeah I think you’re right. Hindi ka naman na mainit e.” “Inisturbo n’yo lang ang tulog ko. Kay aga-aga e.” “FYI bes, alas onse na ng umaga.” Saad naman ni Jule sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko at kinuha ang cellphone ko na nasa kama. Tiningnan ko ang oras. Oo nga! It’s almost twelve noon. Ang haba pala ng naging tulog ko. Hay! Parang ang ginawa ko lang dito sa bakasyon na ito ay matulog. Hindi na ata ako makakapag-enjoy rito. “Kainin mo na lang din ang soup na ’to sissy, sayang naman kasi kung itatapon lang. We thought kasi you were really sick so nagpaluto ako ng soup sa resto. Nakiusap lang kami kay Esrael.” “Alright. Just leave it there.” Sabi ko at muling humiga. “Come on para lumabas din tayo.” “Isasama pa ba natin si Ysolde, e medyo masama nga ang pakiramdam niya?” “Oo naman Jule, para mapreskohan ang buong katawan niya. And she’s fine sabi niya.” “Where are you going?” tanong ko. “Sabi kasi ni buttercup may falls daw dito, so sabi ko sa kaniya pumunta tayo para doon maligo.” “Ayoko na munang sumama. Kayo na muna. Tinatamad ako e.” Bumuntong-hininga naman si Shiloh at napaismid sa ’kin. “Ano ba ’yan sissy. We came here nga to relax tapos magkukulong ka lang pala rito sa cottage mo.” “Huwag mo ng pilitin Shiloh. Baka sumama tuloy ang pakiramdam niya.” Tipid akong ngumiti kay Jule and mouthed her thank you! Mabuti pa kasi itong isa madali akong maintindihan minsan. Itong si Shiloh talaga ang makulit. “Okay fine.” Saad na lamang nito. “Sige na umalis na kayo. Gusto kong bumalik sa pagtulog.” Pagtataboy ko sa kanilang dalawa. “And thank you sa soup sissy.” “Yeah, no worries.” Kaagad din silang lumabas ni Jule sa cottage ko. Pero wala pang five minutes, hito at nakarinig na naman ako ng katok sa labas. Ah, nakakainis naman itong mga isturbong ’to! Hindi ko na sana papansinin at hahayaan ko na lang, pero ang kulit naman at panay pa rin ang katok. Kaya napilitan ulit akong bumangon para pagbuksan ng pinto ang pangalawang isturbong ito. “Ano ba ang isturbo—” bigla akong natigilan nang bumungad sa akin si Hideo. He was standing in front of my door. Seryoso ang mukha niya although he was wearing black ray ban shades at hindi ko nakikita ang mga mata niya, imbes ay sarili ko ang nakikita ko roon. Medyo magulo rin ang buhok niyang may kahabaan pa rin, pero hindi na kagaya noon na hanggang sa may balikat niya ang haba. He was wearing a black long sleeve polo, its sleeve was folded to below his elbow. Nakabukas ang dalawang butones sa tapat ng kaniyang dibdib, so I could barely see his tattoo. He was wearing stripes walking shorts and flip flops. Oh my holy lordy! Why is he handsome in that look? Kung hindi pa ako nakahupa sa biglang pagtibok ng puso ko nang masilayan ko ulit ang mukha niya, baka bigla akong bumigay sa kaniya kahit wala pa man siyang ginagawa. He was just standing in front of me, but my heart was beating so fast. Ramdam ko rin ang panlalambot ng mga tuhod ko. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin pero ganoon na ang pakiramdam ko. Ano pa kaya kung may gawin siya sa harapan ko? Malamang na bigla akong maglupasay sa sahig dahil sa pagtakas ng lakas sa buong katawan ko. Oh God! Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? I know iba ito sa pakiramdam ko dati tuwing nasa harapan ko lang siya o nasa malapit ko lang siya. Why? Bakit feeling ko sobrang saya ko ngayon? Hindi ba dapat galit ang nararamdaman ko ngayon? Dahil unang-una, malaki ang kasalanan niya sa ’kin. Dahil sa ginawa niya kay papa. Pangalawa, he lied to me. Pinaniwala niya akong wala na siya. Pero bakit ganito ang t***k ng puso ko? Parang nagsasaya siya! “Done checking me, baby?” Nahigit ko ang paghinga ko nang marinig ko ang husky, yet sexy voice niya. God! Mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko. Kung hindi pa ako napahawak agad sa doorknob ng pinto, baka bigla akong natumba. “W-what... what are you doing here?” pinilit kong magsalita at tumitig pa rin sa kaniya. He sighed and removed his ray ban. The moment our eyes met, I felt my heart stop beating for a moment. Oh God! “I want to talk to you.” Aniya. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kaniya. Nang bumalik sa matino ang utak ko, sunod-sunod akong napakurap. Napalunok pa ako ng laway ko kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga upang pakalmahin ang puso ko. “Really Hideo?” tanong ko. “After what happened... now you suddenly showed up in front of me and you want to talk to me as if wala kang malaking kasalanan sa akin?” mapanuya ang boses ko pagkatapos ay tumawa ako ng pagak. “Ang galing mo naman!” saad ko pa. Kitang-kita ko namang umigting ang panga niya dahil sa mga sinabi ko. Oh the hell I care! Muli ko siyang tinitigan ng masama. “Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita ulit sa ’kin baka—” “Baka ano, Ysolde?” mabilis na saad niya at humakbang palapit sa ’kin. Pero mabilis akong umatras at akma na sanang isasarado ang pinto, pero naiharang naman niya ang kaniyang paa sa gilid niyon. Saglit akong tumungo para tingnan ang paa niya. Alam kong nasaktan siya nang pinilit kong ipitin ang paa niya roon, pero hindi niya iyon tinanggal. Sa halip ay gamit ang kanang kamay niya ay itinulak niya ang pinto. Ano ba naman ang kakarampot kong lakas kumpara sa kaniya? “Ano ba Hideo?” galit na saad ko. Pilitin ko mang huwag siyang papasukin sa cottage ko, but in the end, wala rin akong nagawa. Naitulak niya nang tuluyan ang pinto at naglakad papasok. “Get out of my room now Hideo.” Humarap siya sa akin. “What if I don’t want to, baby?” Ako naman ang napatiim-bagang dahil sa mga sinabi niya. “I will call security—” “Oh go ahead baby.” Aniya at namulsa pa. Hindi ko manlang nakitaan ng pag-aalala ang mukha niya kung sakali mang tumawag nga ako ng security. Argh nakakainis! Nakakainis ang guwapong lalaking ito! Oh jeez! Did I say that? Naiinis ako sa kaniya yet I’m praising the way he looks. Alright. Calm down Ysolde! Just calm yourself down. Humugot ako nang malalim na paghinga, saglit ko iyong inipon sa dibdib ko bago pinakawalan sa ere. “I’m not... feeling well and I want to rest. So kung puwede, leave now, Hideo.” Sabi ko sa kaniya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya ’tsaka walang sabi-sabi na lumapit siya sa ’kin. Akma na sana niyang hahawakan ang noo ko pero mabilis akong umilag. “Dont... touch me.” Mariing saad ko at matalim na titig pa rin ang ipinukol sa kaniya. Ikinuyom naman niya ang kaniyang kamay na nabitin sa ere. Pagkatapos ay ibinalik niya iyon sa tabi ng kaniyang hita. “Leave now, Hideo.” “Alright. I will leave, but...” pinutol niya ang kaniyang pagsasalita at tinitigan ako. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. And it was only in those moments that I realized how I looked. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng aking buong mukha at bigla kong nayakap ang sarili ko. Oh God! I was wearing silk spaghetti strap nighties na hanggang sa kalahati lang ng hita ko ang haba. May kaunting lace sa itaas ng dibdib ko. And the worse is, bumabakat ang n*****s ko which Hideo has been staring at simula pa kanina. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit panay ang tingin niya kanina sa dibdib ko. “Argh! Bastos!” singhal ko sa kaniya at mas lalong matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Lumabas ka na kun’di sisigaw ako rito.” I saw him smile. Oh! Ayokong itanggi sa sarili ko na sobra kong namiss ang ngiting iyon. “Ba’t parang naging masungit ka ata ngayon my wife?” sa halip ay tanong niya sa akin. My wife? Oh holy lordy! “Hideo, get out.” “Alright. But after this.” Ang bilis ng mga sumunod na nangyari. Sa isang iglap lang kasi, bigla niyang natawid ang pagitan namin. Kinabig niya ang baywang at batok ko at biglang siniil ng halik ang mga labi ko. Pakiramdam ko bigla akong natuod sa kinatatayuan ko at hindi agad ako nakakibo. Ilang segundo ang lumipas bago ako bumalik sa sarili ko. Bago ko na-realized na hinahalikan na pala ako ni Hideo. Biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay niyon ang mabilis na pag-angat ng mga palad ko at itinulak siya sa kaniyang dibdib. Pero hindi naman siya nagpatinang. Sa halip ay mas lalo pa niyang kinabig ang baywang at batok ko. Mas lalo niyang diniinan ang paghalik sa mga labi ko. “Mmm!” I protest and tried to push him again, pero walang may nangyari. Hanggang sa napagod na lang ako sa panunulak sa dibdib niya, huminto ako at parang may sariling isip ang mga mata ko na kusa iyong pumikit at tumugon ako sa mga halik niya. Naramdaman kong saglit siyang tumigil, siguro ay nagulat siya dahil sa ginawa ko. Pero mayamaya ay sinibasib niya ulit ng halik ang mga labi ko. Tumagal ng ilang minuto na magkahinang ang mga labi namin bago niya ako pinakawalan. Dahan-dahan akong nagmulat, only to see him smiling at me. “I missed kissing you like this. Hindi ’yong panakaw lang na halik.” Biglang nangunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Umawang ang bibig ko para sana magsalita, pero wala akong maapuhap na salita. Parang nalunok ko ata bigla ang dila ko. Ngumiti siya ulit sa ’kin at binitawan ang baywang at batok ko. Hinaplos pa niya ang pisngi ko. “We’ll talk later baby.” Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya at naiwan akong tigagal habang nakatitig sa nakasaradong pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD