MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatayo ako sa maliit na balkunahe ng cottage ko. Nakatanaw lang ako sa mga taong naliligo sa dagat. May kalahating oras na ata akong nakatayo rito at hindi ko alam kung bakit nandito ako at nagtitiyaga sa pangangawit ng mga paa at binti ko. Wala pa rin sina kuya. Malamang na nag-enjoy sila sa pagpaligo roon sa falls na sinasabi sa akin ni Shiloh kanina.
I sighed again at iginala ko ang paningin ko sa buong beach. Ewan ko ba sa sarili ko, sa ginagawa ko ngayon para akong may hinihintay na dumating. Parang kanina pa ako naiinip habang pamasid-masid sa paligid. Well, alright. Hanggang ngayon kasi ay nasa isipan ko pa rin ang mga nangyari kanina sa amin ni Hideo. Ramdam ko pa ring nakadikit sa mga labi ko ang mga labi niya. The way he kissed me earlier. The way he stared at me. The way he touched my face... everything. Ramdam kong hanggang ngayon ay bahagya pa ring nangangatog ang mga tuhod ko. And it’s his fault dahil sa sinabi niya kanina na mag-uusap pa raw kami ngayon, heto ako at parang tanga na naghihintay sa kaniya. Umaasa ako na babalik siya rito sa cottage ko para magkausap kami, although hindi naman iyon ang gusto kong mangyari. I don’t want to see him again. I don’t want to talk to him again. Iyon ang sinasabi ng isipan ko, pero ang puso ko kontra naman sa ideyang iyon.
Argh! Nababaliw na ba ako? Simula nang masilayan ko ulit ang mukha niya kagabi sa beach, nagulo na ang isipan ko, ang buong sistema ko. Nagsimula na ring magtalo ang utak at puso ko. Kanina ko pa rin pinapagalitan ang sarili ko. Why did I let him kiss me earlier? Why did I let myself respond to his kiss? Dapat ay hindi iyon ang ginawa ko. I should be angry with him dahil malaki ang kasalanan niya sa ’kin. Pero hindi naman iyon ang nangyayari at hindi iyon ang nararamdaman ko simula nang makita ko ulit ang mukha niya. Instead, I felt so much loneliness when I saw him last night. Bumalik sa alaala ko kung gaano ako nasaktan nang malaman kong wala na siya. Na iniwanan na niya ako ng tuluyan. Last night when I saw him, gusto kong tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit, damhin ulit ang init ng katawan niya ang higpit ng yakap niya, halikan siya, tanungin siya kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa ’kin?
Then the next thing happened, galit ako sa kaniya at gusto ko siyang umalis at huwag na siyang magpapakita sa akin.
I don’t know. Hindi ko maintindihan ang sarili. Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Nagagalit ba ako sa kaniya dahil sa nagawa niyang kasalanan sa ’kin? O baka nagagalit lang ako sa kaniya kasi ’yon ang gusto kong maramdaman... ang magalit sa kaniya?
Pumikit ako nang mariin at humugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa dibdib ko bago ’yon pinakawalan sa ere.
“What are you thinking?”
Gulat na napamulat ako at napahawak sa tapat ng dibdib ko nang marinig ko ang na iyon. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay nang lumingon ako sa kaniya.
Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa ’kin.
“Jesus! You startled me.” Inis na saad ko sa kaniya at inirapan ko siya.
“Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo naramdaman ang paglapit ko rito sa tabi mo.”
“At kasalanan ko pa ngayon? Hindi ko naman sinabi na pumunta ka rito a!” saad ko pa bago itinapon ang paningin ko sa dagat.
I heard him chuckled. “I thought you we’re waiting for me.”
Muli akong napalingon sa kaniya. “At bakit naman kita hihintayin?” patuyang tanong ko sa kaniya.
“Because I told you earlier that we’re going to talk.”
Alright. That’s it. Tama naman siya. I was waiting for him, in denial lang ako.
Hindi ako umimik, sa halip ay inabala ko ulit ang paningin ko sa mga taong naglalangoy sa dagat.
“How are you Ysolde?” I heard him ask.
Ano ba ang isasagot ko sa kaniya? Fine? Good? I’m okay? O dapat ko pa bang sagutin ang tanong niyang ’yon?
Katahimikan ang saglit na namayani sa pagitan namin. Mayamaya ay muli akong lumingon sa kaniya. He was also looking into the distance. Saglit akong nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ang mga mata niya. Mga matang minsan na ring nagningning noon sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. But now, may lungkot na naman doon, kagaya noong unang beses na makita ko siya sa loob ng elevator.
“Where have you been, Hideo?” iyon ang nanulas na tanong sa bibig ko habang nakatitig pa rin ako sa kaniya.
Nagbaling din siya ng tingin sa akin. Ewan, pero pakiramdam ko hinihigop ng mga mata niya ang paningin ko kaya hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya. May tinig sa likod ng ulo ko ang nagsasabing titigan ko lang siya. Titigan ko lang ang mga matang iyon na puno na naman ng dilim at kalungkutan. Titigan ko lang ang guwapo niyang mukha na labis kong namiss.
“Why have you been gone for so long? Why didn’t you show up to me after what happened, Hideo?” tanong ko ulit.
“Why are you asking me that question, Ysolde?” balik na tanong niya habang seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. “Interesado ka ba talaga na malaman kung bakit hindi agad ako nagpakita sa ’yo matapos akong barilin ni Zakh?” tanong niya.
I wanted to speak, pero bakit wala akong makapang kataga sa dila ko? Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kaniya. I ran out of words to say.
“Kung nagpakita ba agad ako sa ’yo... hindi ka ba magagalit sa ’kin dahil sa kasalanan ko sa ’yo?” tanong niya ulit.
But I still couldn’t find a word to say to him. Nanatili lamang akong tahimik habang nakatitig sa kaniya. Mayamaya ay nakita ko siyang ngumiti ng mapakla at napailing kasabay niyon ang pagpapakawala niya nang malalim na buntong-hininga.
“Presumable,” anito. “Ngayon pa nga lang nakikita ko na sa mga mata mo ang galit mo sa ’kin.”
Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko ay mabilis akong nagbawi ng tingin sa kaniya at yumuko. Muli akong bumuntong-hininga nang malalim upang paluwagin ang dibdib ko.
“I understand you, Ysolde. Kaya kung ipapakulong mo man ako dahil sa kasalanan ko sa ’yo... kay Bernard—”
“I don’t want to talk about it.” Mariing saad ko sa kaniya.
“Why not Ysolde?”
Bakit nga ba? Dahil ayoko ko siyang makulong? Dahil ayoko siyang ipakulong?
Muli akong nag-angat ng mukha at tiningnan siya. Ilang segundong magkahinang ang mga mata namin bago ako muling nag-iwas ng tingin at dali-daling pumasok sa cottage ko. Iniwanan ko siya sa labas bago pa man tumulo ang mga luha na nagbabanta sa sulok ng mga mata ko. Ang lakas din nang t***k ng puso ko nang sumandal ako sa likod ng pinto. I don’t know what’s happening to me right. Bakit lahat ng mga sinabi ko sa kaniya dati ay hindi naman nangyari ngayong nakita ko na ulit siya?
“Please! I love you—”
“No! No! No Hideo!”
“Kinamumuhian kita dahil sa ginawa mo sa papa ko. He’s the only one I have, but you still killed him. Hinding-hindi kita mapapatawad, Hideo.”
“Kung kailangang mawala ang buhay ko para lang mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan sa ’yo... I’m willing to die Ysolde. Patawarin mo lang ako.”
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mata ko nang maalala ko na naman ang mga nangyari noon. Napatutop ako sa bibig ko upang pigilan ang sarili ko na mapahagulhol.
Bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng ito sa ’kin? Sa ’min ni Hideo? Bakit hindi na lang nagkaroon ng magandang wakas ang pagmamahalan namin?
“I love you!”
“You’re right Hideo, I can’t love you. I can’t stay by your side because I will only get hurt. Mali na minahal kita. Mali na pinagkatiwalaan kita.”
“Please don’t say that Ysolde!”
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama at umupo ako sa gilid niyon. God! I still love him, kahit kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. Para sa asawa ko. Pero makakaya ko bang mahalin at makasama habang-buhay ang taong dahilan kung bakit nawala ang papa ko? Kaya ko bang gawin ’yon?
TWO DAYS pagkatapos ng pag-uusap namin ni Hideo sa labas ng cottage ko, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi ko alam kung nanatili pa siya sa isla o kung umalis na.
Sa loob ng dalawang araw na iyon ay laman pa rin ng isipan ko ang saglit na pag-uusap namin. Hindi na ako nakapag-enjoy sa bakasyon namin dahil mas lalo lamang naguluhan ang utak ko. Hanggang sa makabalik na kami sa Maynila.
Normal days na naman pagkabalik namin sa trabaho. And usual, inabala ko na naman ang sarili ko sa maghapong trabaho. Lalo na ngayon na mas marami akong iniisip. Isa na roon si Hideo.
“Okay ka lang ba talaga Ysolde?” tanong sa akin ni Jule nang makaupo siya sa visitor’s chair ko.
Mula sa pagkakasandal sa swivel chair ko at sa pagkakatitig sa kawalan, humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere.
“I don’t know if I should be okay, Jule.” Saad ko.
“Bakit? Dahil pa rin ba sa nalaman mong buhay pa si Hideo?” tanong niya ulit sa ’kin.
Hindi naman ako sumagot sa kaniya. Ang alam lang kasi nila, nagkita lang kami ni Hideo no’ng gabing kinumpronta ko sina kuya tungkol sa nalaman ko. Hindi ko sinabi sa kanila na nagkita na ulit kami ng dalawang beses.
“Ayaw mo ba siyang kausapin, Ysolde? I mean, para lang magkausap kayo nang maayos. Magkalinawan kayo tungkol sa mga nangyari noon. After all, asawa mo pa rin naman siya. Legal ang kasal ninyo dati sa isla.”
“I know that Jule. Pero... I, I don’t know kung gusto ko ba siyang makausap tungkol kay papa. Kasi aaminin kong... until now kapag sumasagi sa isip ko na si Hideo ang may kasalanan sa pagkawala niya, kumikirot ang puso ko. Hindi ko pa rin matanggap ang katotohan.”
“Baka kasi mawawala lang ang kirot at sakit diyan sa puso mo kung kakausapin mo siya at pakikinggan ang paliwanag niya. Kung tatanggapin mo ang katotohanan at kung patatawarin mo siya.”
“I don’t think I can do that, Jule. Hindi ko kayang isantabi na lang si papa.”
“Pero Ysolde, matagal ng wala ang papa mo. At sa tingin ko, hindi siya matutuwa kung malalaman niyang kinikimkim mo pa rin sa puso mo ang pagkawala niya. Hindi ka mabubuhay ng payapa kung puro galit ang nararamdaman ng puso mo. At alam ko, hanggang ngayon mahal mo pa rin si Hideo.” Aniya at tumitig sa kamay ko kung saan suot ko pa rin sa daliri ko ang wedding ring namin.
Wala sa sariling napahawak ako sa kaliwang kamay ko at nilaru-laro ko ang singsing na suot ko.
Yeah right! Simula nang araw na pilit akong ikinasal kay Hideo, hanggang ngayon ay never kong tinanggal ang wedding ring na ibinigay niya sa ’kin. Never sumagi sa isip ko na tanggalin iyon at itapon o itago sa kabila ng naramdaman kong sakit sa puso ko dahil sa ginawa niya kay papa.
“Baka nagagalit ka lang sa kaniya dahil iyon ang gusto mong maramdaman mo para sa kaniya. Dahil sa ginawa niya sa papa mo. Pero ang totoo, sa puso mo, hindi ka galit kay Hideo. Nilamon lang ng lungkot at sakit ang puso mo kaya iniisip mong galit ka sa kaniya.”
Iyon din ang sinabi ko sa sarili ko no’ng isang araw.
“I want you to be happy Ysolde. At sa tingin ko, magiging masaya ka lang ulit, babalik lang ulit ang ningning sa mga mata mo oras na naging okay na kayo ni Hideo.” Aniya. “Mahal na mahal ka niya.” Saad pa niya ’tsaka siya tipid na ngumiti sa akin.
Mayamaya ay naagaw ang pag-uusap namin ni Jule nang may kumatok sa labas ng pinto. Bumukas iyon at pumasok si Maya.
“Sorry po sa isturbo ma’am Ysolde.”
Umayos ako sa pagkakaupo ko. “Come here Maya. What is it?” tanong ko.
“Um, remind ko lang po kayo ma’am about sa meeting na gustong mangyari ng Del Campo Company. Nag-email na naman po kasi ang secretary nila at tinatanong kung available na po kayo tomorrow para sa meeting.”
“Um, alright yeah! I-accept mo na ang appointment.”
“Okay po ma’am.”
“And, paki-send mo na rin sa email ko ang files about Del Campo, babasahin ko lang ulit.”
“Okay po ma’am. Wala na po ba kayong kailangan?”
“Just a cup of coffee, Maya. Thank you.”
Tumango naman siya bago lumabas ng opisina ko.
“So,” tumayo na rin sa puwesto niya si Jule. “Hindi ka pa ba magla-lunch?”
“Mamaya na lang siguro ako, Jule. Hindi pa naman ako nagugutom e.”
“Or baka naman hinihintay mo lang na dumating si Arnulfo?”
Nangunot ang noo ko nang mapatitig ako sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang may kumatok ulit sa labas ng office ko at bumukas iyon.
“Delivery for ma’am Ysolde po!”
“Speaking of your delivery boy.” Saad ni Jule at nagbuntong-hininga pa.
“Good afternoon po ma’am Ysolde, ma’am Jule.” Nakangiting bati ni Arn sa amin.
“Ano na naman ’yang dala mo Arnulfo?”
“Lunch po ni ma’am Ysolde,” sagot nito at inilapag sa mesa ko ang dala nitong paper bag.
“Kaya naman hindi na ito lumalabas ng office niya kasi nasanay ng may tagahatid ng pagkain niya. Nako, sino ba kasi ’yang boss mo? Baka puwede mong sabihin sa kaniya na pati na kaming empleyado ni Ysolde ay ilibre na rin ng pagkain para hindi na kami lumalabas.”
“Jule!” pinanlakihan ko siya ng mga mata.
“Joke lang ito naman. Sige na nga, lalabas na ako. Enjoy your lunch.”
Napailing na lamang ako.
“Thank you, Arn!” saad ko nang tingnan ko siya. “Ayaw pa rin bang ipasabi ng boss mo kung sino siya?” tanong ko at nagsimula ng buksan ang paper bag na dala niya para tingnan kung anong pagkain ang laman niyon. Well, simula naman nang magdala ng pagkain dito si Arn, lahat ay paborito ko kaya walang nasayang. Alam na alam talaga ng boss niya kung ano ang mga gusto kong pagkain.
Umiling lamang si Arn.
Haynako! Sino ba ang poncio pilatong ’yon? Nagpapa-suspense pa. Bakit hindi na lang sabihin kung sino siya? Para naman makapagpasalamat na rin ako sa kaniya. Nasasanay na ako sa mga delivery niya araw-araw.
“Sige po ma’am Ysolde, enjoy your lunch po.”
“Thank you ulit, Arn.” Nakangiti pang sabi ko sa kaniya bago siya lumabas ng office ko.
Nang mabuksan ko ang lunch pack at makita ko kung anong pagkain ang dala niya, bigla akong natakam. Isama pa ang mabagong amoy ng beef steak, kahit busog pa ako kaagad na rin akong kumain.