CHAPTER 11

1838 Words
“HIDEO!” muling sambit ko sa pangalan niya habang nag-uumpisa ng manlabo ang panigin ko dahil sa nag-babadyang mga luha sa mata ko. Ewan, pero hindi na ako nakakilos sa puwesto ko. Nakatitig lamang ako sa mukha niya. Hindi ko rin magawang kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Is this real? Totoo nga bang nasa harapan ko siya ngayon? How come? Paanong nangyari na nasa harapan ko siya ngayon? Hideo was died. Imposibleng nasa harapan ko siya ngayon at iniligtas niya ako sa mga lalaking nambastos sa ’kin. I wanted to walk closer to him to make sure if he was real. Pero hindi ko naman magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Feeling ko isang galaw ko lang ay matutumba ako sa buhanginan. Mayamaya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Bigla ring umikot ang paningin ko. Hanggang sa unti-unti ng nanlabo ang paningin ko, nanlamig lalo ang mga palad ko. Ramdam kong babagsak ako anumang sandaling. “H-hideo!” “Ysolde. Baby!” Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng lakas. Pero bago pa man ako bumagsak sa buhanginan, bago pa ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman ko ang matigas na mga brasong biglang sumalo sa kaniya. “Ysolde! Ysolde!” Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mga matang nakatitig sa ’kin. Bahagya akong kumilos sa puwesto ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa paningin ko ay ang kulay puting kisame at malaking ceiling fan na may chandelier sa gitna. Nangunot pa ang noo ko nang ma-realize kong wala ako sa cottage ko sa mga sandaling ito. Dahil sa kabang biglang sumibol sa puso ko nang maalala ko ang dalawang lalaki na nambastos sa ’kin... bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko sa malambot na kama. “You’re awake.” Napalingon naman ako sa gawing kanan ko nang marinig ko roon ang pamilyar na boses. Nang una ay magkasalubong ang mga kilay ko nang makita kong naroon si Hideo at prenteng nakaupo sa single couch habang nakadikuwatro pa siya at may hawak na rock glass at may lamang alak. Pero habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya, unti-unti ring nanlalaki ang mga mata ko habang nare-realize kong naroon nga siya at hindi ako nagha-hallucinate lamang. Oh God! He’s real? Napatutop ako sa bibig ko habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Para ka namang nakakita ng multo dahil sa hitsura mo.” “M-multo ka?” tanging lumabas sa bibig ko. I saw him smile then chuckled. “May multo bang kaya kang buhatin para dalhin dito sa silid ko, Ysolde?” tanong niya. Mabilis na muli kong inilibot sa buong silid ang aking paningin. Kuwarto niya ito? Nasaan na ako ngayon? Nasa Isla Ildefonso pa ba o baka— “Are you kay now?” Muli akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. Hindi ko naman siya sinagot sa halip ay muli akong napatitig sa kaniya. I still can’t believe he’s here and I can talk to him. Tumagal ata ng halos limang minuto na nakatitig lamang ako sa kaniya, even him. Hindi siya kumukurap. “I... I thought you were dead?” sambit ko at biglang naalala ang mga nangyari noon. I know, kitang-kita ko ang buong nangyari noon. Zakh shot him, at nasa mga bisig ko siya nang bawian siya ng kaniyang buhay. And my kuyas told me that he was dead. Pero paano ang nangyari at nandito siya ngayon sa harapan ko? Buhay na buhay siya. Nagpakawala naman siya nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang baso at sumimsim doon. “What happened to you Hideo? Ang buong akala ko ay wala ka na.” Ewan ko, pero bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Gusto kong umalis sa puwesto ko para lapitan siya, para yakapin siya nang mahigpit. Dahil sa totoo lang ay kumakabog nang husto ang puso ko ngayon dahil sa kaligayahan. Dahil sa kaalamang buhay pa pala siya. I’m happy, that’s the truth. Pero sa kabilang banda ng puso ko, may lungkot at kirot akong naramdaman doon nang maalala ko na naman ang papa ko. Ang kasalanan sa akin ni Hideo. Parang pakiramdam ko bumalik ulit ang sakit at galit na naramdaman ko dati nang malaman kong si Hideo pala ang pumatay sa tatay ko. Biglang nahati sa dalawa ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Happiness and anger. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata. Alam ba nina kuya na buhay pa si Hideo? Oh well, malamang na alam nila ang totoo kasi magkakaibigan naman sila. Maybe sinabi lang nina kuya sa ’kin na patay na siya para kahit papaano ay mabawasan ang galit na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon. “Ysolde,” “Please don’t.” Mariing saad ko para putulin ang pagsasalita niya. I don’t want to talk to him. I don’t want to hear anything from him. Kahit medyo nahihilo ako dahil sa mga biglang pangyayari ngayon, dahan-dahan akong kumilos sa puwesto ko. Tumayo ako at ganoon din ang ginawa niya. Akma na sana siyang lalapit sa ’kin pero iminuwestra ko naman ang aking kamay na ayokong lumapit siya sa ’kin. “You’re not okay Ysolde.” “I’m fine. I... I can’t walk.” Saad ko at tumalikod agad. Kahit nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko, pinilit kong makalapit sa pinto at binuksan iyon. Bago ako tuluyang lumabas doon ay nilingon ko pa siya. Saglit na tinitigan siya bago muling tumalikod at naglakad na palayo. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nagsusulputan sa utak ko ang maraming katanungan. Kagaya na lamang kung paano siya nakaligtas sa nangyari noon? Saan siya nagpunta bakit matagal siyang hindi nagpakita sa ’kin? Oh really Ysolde? Pagkatapos ng mga nangyari, pagkatapos mong malaman na si Hideo ang pumatay sa tatay mo, sa tingin mo hahayaan mo pang makalapit at magpakita sa ’yo si Hideo kung hindi siya nabaril ni Zakh? Hindi ba’t abot langit nga ang galit mo sa kaniya nang malaman mo ang katotohanan? Nalilito, naguguluhan ako sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung ano ang iisipin ko. Lutang ang isipan ko habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng hotel hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng elevator. Nasa lobby na ako ng Hotel ay hindi pa rin nagpa-function nang mabuti ang utak ko. “Ma’am Ysolde!” Nakasalubong ko si Arn. “Kanina pa po kami naghahanap sa inyo. Ano po ang nangyari? Saan po kayo galing? Kanina pa po nag-aalala para sa inyo sina Sir Giuseppe.” Sunod-sunod na saad niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng seryoso pagkuwa’y nilagpasan ko siya. Hanggang sa makalabas ako ng Hotel, nakasunod pa rin siya sa ’kin. Isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong at yumakap sa buong katawan ko nang tinatahak ko na ang beach para bumalik sa cottage ko. Ewan ko kung ano’ng oras na. Pero marami pa rin ang mga taong nagkakasiyahan sa bar. “Ysolde!” Nadinig ko ang boses ni Kuya Sky. Nagmamadali siyang naglalakad palapit sa ’kin habang kasama niya sina Kuya Cloud, si Morgon, si Jule at Shiloh. “Sissy, where have you been? We are looking for you kanina pa.” Saad ni Shiloh na mababakas pa sa mukha niya ang pag-aalala para sa akin. “Saan ka galing bes? Ano ang nangyari sa ’yo?” tanong din ni Jule sa ’kin. Pero hindi ko pinansin ang mga tanong nila, sa halip ay diretso ang seryosong tingin ko sa mga kuya ko. “Why did you lied to me?” tanong ko sa kanila. Halos sabay-sabay namang nagsalubong ang mga kilay nila dahil sa naging tanong ko. “What do you mean sissy?” tanong ulit ni Shiloh. “Why did you lied to me kuya?” muling tanong ko at ipinagpalipat-lipat ko pa sa kanilang dalawa ang paningin ko. “You told me before na patay na si Hideo. But the truth is, he is still alive.” Biglang nanlaki ang mga mata ni Shiloh at Jule dahil sa mga sinabi ko. Pero sina kuya, wala manlang reaction. Even Morgon. Nagkatinginan lang silang tatlo. “Kuya—” “Let’s talk, but not here.” Saad ni Kuya Sky at tumalikod kaagad at naglakad. Kaagad akong sumunod sa kaniya. “Is it true buttercup?” tanong naman ni Shiloh kay Morgon. “Paanong nangyari na buhay pa si Hideo?” nagtatakang tanong din ni Jule. Hanggang sa makarating kami sa cottage nina Kuya Sky at Jule. Seryoso pa rin ang hitsura ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kaming tatlo lamang ang nasa loob. “Please tell me, why did you lied to me?” tanong ko ulit. “All these time, I know na alam n’yong buhay pa si Hideo. Nagsinungaling lang kayo sa akin na wala na siya. For what reason?” tanong ko ulit. Nagbuntong-hininga naman si Kuya Cloud at tumingin kay Kuya Sky. “We lied, kasi gusto lang namin na hindi na mapuno ng galit ang puso mo.” Saad ni Kuya Cloud. Napatawa naman ako ng pagak dahil sa sinabi niya. “Really kuya?” patuyang tanong ko sa kaniya. “E sa tingin mo Kuya Guilherme ngayong nalaman ko ng buhay pa pala siya, hindi ba mapupuno ulit ng galit ang puso ko dahil sa ginawa niya kay papa?” tanong ko. “Hindi kuya.” Muli kong naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Napailing pa ako nang sunod-sunod. “Ysolde, huwag ka ng magalit. Ginawa lang naman namin ’yon para kahit papaano ay hindi mo na ganoong isipin ang nangyari sa papa mo. I mean, naisip namin na kung sasabihin namin sa ’yo na wala na si Hideo ay hindi ka na malulungkot sa nangyari kay Bernard. In that way, maybe iisipin mong nagkaroon ng hustisya ang pagkatamay ng papa mo dahil wala na rin si Hideo.” “Pero hindi ganoon ang nangyari kuya. Dahil kahit no’ng araw na sinabi ninyo sa akin na wala na si Hideo ay hindi sumagi sa isipan ko na nagkaroon na ng hustisya ang pagkawala ng papa ko.” Tuluyang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. “You lied to me. Ang akala ko pa naman ay may kakampi na ako dahil may mga kapatid na ako. But you lied to me.” Muli akong umiling nang sunod-sunod pagkatapos ay bigla akong tumalikod at nagmamadaling binuksan ang pinto at patakbong lumabas doon sa cottage nila. “Ysolde,” “Hayaan mo na muna siya Guilherme.” Anang Giuseppe sa kakambal. “But she needs an explanation para hindi na siya magalit o magtampo sa atin dahil sa pagsisinungaling natin sa kaniya.” Anito at hindi na rin nagpapigil na sundan ang kapatid. Napabuntong-hininga na lamang nang malalim si Giuseppe pagkuwa’y napaupo sa gilid ng kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD