CHAPTER 4

1771 Words
“ANAK YSOLDE!” Nang pagkapasok ko sa sala ay sakto namang lumabas sa kusina si Manay Salve. Nagmano ako sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya. “Nasaan si Jule, bakit hindi kayo sabay na umuwi?” tanong niya. “May pinuntahan po kasi siyang importante. Mamaya pa po siguro ’yon uuwi.” “Ganoon ba? E, kakain ka na ba agad? Maghahain ako ng pagkain mo.” “Mamaya na po ako kakain Manay. And don’t worry... ako na lang po ang bahala sa pagkain ko. Magpahinga na po kayo.” Saad ko sa kaniya ’tsaka nagsimula na ring pumanhik sa hagdan. “Siya sige. Initin mo na lang ang pagkain mamaya huh!” “Opo! Salamat po Manay.” ’Tsaka ako nagtuloy ng pag-akyat ko hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko. Pagkalapag ko ng bag ko sa ibabaw ng kama ay pabagsak din akong humiga roon. Tahimik at tulala akong napatitig sa kisame. I still think about what happened earlier. About the box that was sent to me, the man I bumped into earlier, then the man I saw outside the building before I went home. Hindi kaya... si Hideo nga ’yon? I mean, parang siya ’yong lalaking nakabangga ko. Pareho sila ng tangkad. Ang postura ng katawan nila habang sinusundan ko ng tingin ’yong lalaki kanina. And his smell. Iyon din ang pabango ni Hideo. Oh God! Bakit ko naman iniisip ’yon? E, hindi lang naman si Hideo ang taong gumagamit ng perfume na ’yon. Maybe, nagkataon lang din na pareho sila ng height at posture. Pero ’yong boses... I’m sorry! Muli akong napabuntong-hininga nang malalim at ipinilig ang ulo ko nang muling sumagi sa isipan ko ang boses na ’yon. Malabong si Hideo ’yon. He was dead kaya nakapa-imposibleng mangyari na siya iyon. Dahil lang siguro ’to sa ilang gabi ko na naman siyang napapanaginipan. Hindi na naman matatahimik ang isipan ko. I let a out another deep sigh pagkatapos ay bumangon na ako. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo na. Gusto kong magpahinga ng maaga dahil kulang pa rin ako ng tulog. Ilang gabi ng laging naaabala ang tulog ko tapos matagal bago ulit ako dalawin ng antok kaya pagkakagising ko sa umaga, laging mabigat ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo, bumaba na rin ako sa kusina para kumain. Hindi ko na rin hinintay na dumating si Jule. I just sent her a text na bukas na lang kami magkikita. Dala sa pagod pa rin, pagkahiga ko sa kama ko... hindi ko namalayan at bigla akong nakatulog. Naalimpungatan lang ako nang pakiramdam ko may kamay na humahaplos sa pisngi ko. I want to open my eyes, but I can’t. Ang bigat ng pakiramdam ko. “Mmm! H-hideo!” I can still feel the hand caressing my cheek. Until I felt like someone kissed my lips. Bigla akong napamulat at napabangon habang habol ko ang paghinga ko. Napatutop din ako sa mga labi ko. Mayamaya ay napalingon naman ako sa may sliding door ng veranda nang makita kong hinangin ang kurtina roon at narinig ko ang malakas na buhos ng ulan at malakas na kulog. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit nakabukas ’yon? Sa pagkakaalala ko, kanina bago ako matulog, sinigurado kong naka-lock ’yon. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang umilaw at mag-vibrate iyon. Nasa ibabaw iyon ng bedside table ko. Kinuha ko ’yon at tiningnan kung sino ang nag-text sa ’kin. It was Kuya Giuseppe. Sinabi niya lang sa ’kin na kasama niya raw si Jule. Hindi na niya inihatid pauwi kasi malakas ang ulan. Hindi ko na masiyadong pinansin ang text niya nang muling kumulog ng malakas. Nagmamadali akong bumaba sa kama ko at patakbong lumapit sa sliding door para isarado ’yon. Pero hindi ko pa man nahahawakan ang salamin ay napakunot agad ang noo ko nang makita ko ang isang bouquet ng tulips na nasa upuan, sa labas ng sliding door. “H-how... how did it get here?” nagtatakang tanong ko sa sarili at nagsimula na ring humakbang palabas. Bigla pa akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Dinampot ko ’yon at tiningnan ang note na nakalagay roon. You’re still beautiful! Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko pagkatapos ay nagmamadali akong lumapit sa gilid ng veranda. Kahit medyo nababasa na ako dahil sa ulan na pumapasok doon, kahit madilim ang buong paligid... pinilit kong aninagin ang labas ng bahay ko para lang tingnan kung may tao ba roon! But I saw nothing. No one was there. Muli akong napatitig sa bulaklak na hawak ko. Paano ’to napunta rito sa veranda ko? That means, someone stalking me? Ewan, pero bigla akong kinilabotan at nabitawan ko ang bulaklak. Nahulog iyon sa tiles at napaatras ako. Mayamaya ay nagmamadali na rin akong pumasok sa kuwarto ko at isinarado ang pinto. Nanghihina ang mga tuhod kong napaupo ako sa gilid ng kama ko. I took a deep breath and released it into the air. KINABUKASAN, routine ko na ata itong gigising ako sa umaga na masakit ang sentido ko dahil kulang pa rin ako ng tulog. Dahil sa nangyari kagabi, hindi agad ako nakatulog. Natatakot kasi na baka magising na naman ako na nakabukas ang sliding door sa veranda ko. Kaya ang nangyari, halos bukangliwayway na nang makatulog ako. “Hey madam, it’s already eight in the morning. Wala kang balak bumangon diyan?” Si Jule nang pumasok siya sa kuwarto ko. Kahit masakit ang ulo ko at tinatamad akong bumangon, pinilit ko na rin ang sarili ko na kumilos. Para akong lantang gulay na sumandal sa headboard ng kama ko. “Okay ka lang?” kunot ang noo na tanong sa ’kin ni Jule habang nakapamaywang siyang nakatayo sa paanan ng kama ko. Nakasimangot na umiling naman ako. “Bakit? Hindi ka na naman nakatulog kagabi?” naglakad siya papunta sa may sliding door at binuksan niya iyon. “Oh? Ano ’yon?” kunot ang noo na tanong niya at may itinuro sa labas habang nakatingin naman siya sa ’kin. Mayamaya ay lumabas siya, pagkapasok niya dala na niya ang bulaklak. “Bakit may bulaklak dito?” tanong pa niyang muli. I don’t know what to say to her. Ayokong sabihin sa kaniya na parang may taong pumapasok dito sa bahay ko—dito sa kuwarto ko. Because I know magiging oa na naman siya. I closed my eyes and let out a deep breath. “May nagbigay sa ’kin kagabi.” Sabi ko na lang sa kaniya. Bigla naman siyang ngumiti at naglakad palapit sa ’kin. “May manliligaw ka na?” tanong niya. I frowned. “Anong manliligaw ka riyan?” “E bakit may pabulaklak? Kanino galing ’to?” “I don’t know. Ibinigay lang ’yan sa ’kin ng guard at sabi may nagpapabigay raw.” Kumilos na ako sa puwesto ko para bumangon at pumasok sa banyo. “So, may secret admirer ka?” nakangiti pa siya. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy ako sa banyo. “You’re still beautiful. Ay wow! Taray!” Dinig ko ang boses niya mula sa labas ng banyo. “Hindi manlang nagpakilala. Pa-suspense pa itong admirer mo amiga.” Pagkatapos kong umihi, muli akong lumabas. “Itapon mo na ’yan sa basurahan.” Saad ko. “Ay huwag! Sayang naman ’to. Ang mahal mahal ng tulips tapos itatapon mo lang. ’Tsaka hindi ba’t favorite mo naman ’to?” “Hindi ko kilala kung kanino galing ’yan kaya itapon mo na ’yan.” “Inuwi mo rito sa bahay tapos itatapon mo lang naman pala!” aniya. God! Hindi ko inuwi ’yan dito. Someone brought it here. Gusto kong sabihin ’yon sa kaniya. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. At nangingilabot pa rin ako sa isiping may ibang tao na nakakapasok dito sa kuwarto ko. Maybe... iyon din ang taong ilang gabi ko ng nararamdaman na humahaplos sa pisngi ko, humahalik sa ’kin. I don’t know. Hindi ko masabi kung nananaginip lang ba ako o totoo ’yon. Naguguluhan ako. “Siya nga pala... saan ka galing kagabi?” pag-iiba ko na lang tanong sa kaniya. Napatingin naman siya sa ’kin. Hayon at namula bigla ang mukha niya. “Um, m-may pinuntahan nga lang ako.” Saad niya. Mula sa repleksyon ng full size mirror ko, nakikita ko ang hitsura niya. Napangiti naman ako. “Saan? Sa bahay ni Kuya Sky?” nanunudyong tanong ko pa sa kaniya. “H-hindi a!” pagtanggi naman niya. Humarap ako sa kaniya matapos kong suklayin ang buhok ko. Inirapan ko siya. “Liar! Nag-text sa ’kin kagabi si kuya, ang sabi niya magkasama kayo. Hindi ka rin umuwi rito kagabi. Hindi ka niya naihatid kasi malakas ang ulan.” “Hindi kaya—” “I have evidence Julemie Andrejas Capara. Kaya huwag ka ng mag-deny.” Napayuko na lang siya. “Oo na. Nagkita kami kagabi.” “E ’di inamin mo rin.” Nakangiting saad ko sa kaniya. “Pinagbigyan ko lang naman ang pangungulit niya sa ’kin,” sabi niya. “Gusto niyang mag-date kami. Pero ang loko mong kapatid, sa condo niya ako dinala.” “Oh my God! So, something happened?” kunwari ay gulat na tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot. And her face blushed even more dahil sa naging tanong ko. Tumawa ako. “Come on Jule, you’re not a kid anymore. And pareho n’yo namang mahal ang isa’t isa kaya huwag n’yo ng sayangin ang mga araw na dapat ay in a relationship na talaga ulit kayo. Boto naman ako sa ’yo para sa kuya ko. So, wala ng problema.” Saad ko sa kaniya. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan niya sa ere. Nanahimik siya ng ilang segundo. “Mahal ka ni kuya... kaya kung nag-aalangan ka na baka masaktan ka ulit dahil sa kaniya, don’t worry. Kapag ginawa niya ulit ’yon sa ’yo... ako mismo ang gugulpi sa kaniya.” Nakangiting saad ko sa kaniya. Nang mag-angat siya ng mukha at tumingin sa ’kin... ngumiti siya. “SIR, YOUR MEETING is about to start. Nasa conference room na po sina Mr. Lee at Mr. Laxamana.” Anang babae nang pumasok ito sa isang malawak na opisina. Mula sa pagkakasandal sa swivel chair, pinaikot iyon ni Hideo upang tingnan ang kaniyang secretary. “Thank you!” saad niya. Ngumiti naman ng sexy ang babae at inipit sa likod ng tainga nito ang buhok. “Anything else sir?” “Nothing Ana. Thank you!” seryoso pa rin ang mukha ni Hideo pagkuwa’y tumayo na sa kaniyang swivel chair at inayos ang suot niyang amerikana ’tsaka naglakad na palabas sa kaniyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD