CHAPTER 3

2155 Words
“ARE YOU OKAY?” Bigla akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Jule na pumasok sa opisina ko. Kaagad ko ring itinago sa drawer ko ang box na ibinigay sa ’kin ng kung sinuman iyon. I cleared my thoart. “Um, y-yeah!” sagot ko at muling nagpakawala nang malalim na paghinga. Kunot ang noo na tinitigan naman ako ni Jule. Parang binabasa niya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Alright! Sa tagal ba naming everyday na magkasama, nakilala na rin namin ni Jule ang isa’t isa. Naglakad siya palapit sa mesa ko. Umupo siya sa visitor’s chair. “May problema ba?” she asked me. I shook my head. “Nothing,” sagot ko. “Um, may iniisip lang ako.” Dagdag ko pa. “Are you sure?” Pilit naman akong ngumiti sa kaniya ng malapad. “Are you hungry? I think I want to eat something sweet.” Saad ko na lang sa kaniya ’tsaka tumayo sa puwesto ko. “Let’s go. Samahan mo na lang akong kumain. Tutal naman at magtatanghali na.” Kinuha ko ang bag ko. “Ysolde—” “I’m fine Jule.” Pinutol ko na agad ang pagsasalita niya. I know, hindi niya na naman ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kaniya ang problema ko. Mas makulit pa ’to kaysa kay Shiloh e. “Come on. Or, coffee tayo?” “Alright! Hindi pa naman ako nagugutom. Coffee na lang muna.” Saad niya at sumunod na rin siya sa ’kin palabas ng opisina ko. Hanggang sa makasakay kami sa elevator. I let out a deep sigh again. Nasa isipan ko pa rin ang laman ng box na ipinadala sa ’kin. It was a necklace. Hugis kalahating puso. I don’t know and I have no idea who it came from. Sino naman ang magbibigay niyon sa akin? “Hoy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” Bigla akong napalingon kay Jule nang marinig ko ang boses niya. “H-huh?” Bumuntong-hininga naman siya at inirapan ako. “Kanina pa ako panay salita rito, pero nasa ibang mundo ka na naman pala.” Aniya at ipinag-ikes pa sa tapat ng dibdib niya ang mga braso niya. “Okay ka lang ba talaga? O baka may problema ka?” tanong niya ulit sa ’kin. I couldn’t help myself from sighing again and leaning on the side of the elevator. “Someone sent me a box earlier.” Saad ko sa kaniya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya at napatitig sa ’kin. “Box? Ano’ng box? Kanino galing?” I shrugged my shoulders. “I don’t know kung kanino galing. Walang nakalagay na pangalan e.” “Ano ang laman?” “A necklace.” “Necklace?” I nodded and sighed again. “Sino naman ang magpapadala n’on sa ’yo?” “Wala akong ideya.” Nang bumukas ang pinto ng elevator, sabay na rin kaming lumabas doon. Dahil walking distance lang naman ang coffee shop na lagi naming pinupuntahan ni Jule, naglakad na lang kami papunta roon. “Hindi mo ba tinanong ang nagdala n’on sa office mo kung kanino galing?” tanong ulit ni Jule sa ’kin habang naglalakad na kami sa gilid ng kalsada. “Hindi na.” “Dapat tinanong mo kung sino ang nag-utos sa kaniya. ’Tsaka... dapat itinapon mo na lang. Baka mamaya niyan, delikado pala ’yon. Or, galing sa masamang tao na nang-i-stalk sa ’yo. Nako, alam naman natin ang mundo ngayon masiyado ng delikado. Hindi natin alam kung sino ang mabuti at masamang tao. Ano’ng malay natin!” “Oh I’m sorry!” saad ko nang may makabangga akong lalaki na nakasuot ng black leather jacket. “Sorry!” Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ko kasabay niyon ang pagsasalubong ng mga kilay ko. Napalingon ako roon sa lalaking nakabanga ko. Mas lalong nangunot ang noo ko at pinagmasdan ko ito habang papalayo na. The way he walk. His back. His voice. And the smell of him... seems familiar to me. Parang... “Hey!” Bigla akong napalingon kay Jule nang tawagin niya ako. Kita ko na ang pagkairita sa mukha niya dahil sa ’kin. Laglag ang mga balikat na naglakad siya pabalik sa puwesto ko. Nang nilingon ko naman ulit ang lalaki, wala na roon. Mabilis na iginala ko ang aking paningin para hanapin siya, pero hindi ko na makita. Parang bulang biglang naglaho. “Kanina ka pa parang wala sa sarili mo Ysolde. Okay ka lang ba talaga?” tanong niya sa ’kin. I let out a deep sigh again and shook my head. “May problema ka ba?” tanong ulit ni Jule nang hawakan niya ang braso ko. Nag-angat naman ako ng mukha ko at malamlam ang mga matang tumitig sa kaniya. “W-wala. A-akala ko lang kasi kakilala ko ang lalaking nakasalubong natin.” “Nakasalubong? Sino?” inilibot niya ang paningin niya sa buong paligid. “Nothing.” Saad ko na lang. “Let’s go.” ’Tsaka ako muling naglakad. Hanggang sa makarating kami sa Albatross Café. “Oh hi Ysolde!” Nakangiting lumapit sa ’kin si Marya nang makita niya kami ni Jule na pumasok sa coffee shop niya. “How are you?” tanong niya at nagpalitan kami ng halik sa pisngi. Ganoon din sila ni Jule. We have been friends since magtrabaho ako sa company ni papa. Dito rin sa coffee shop niya kami unang nagkakilala. She’s so nice and sweet and marami ring bagay ang magkapareho kami kaya madali kaming nagkasundo. “Fine. Ikaw how are you? Two weeks ding hindi kita nakita rito!” “Mommy duty. Nagkasakit kasi ang second baby ko kaya hindi ko maiwan-iwan sa bahay.” Sagot niya. “You know kasi... kapag nagkasakit ang anak mo problemado ka rin.” “Kaya pala hindi kita nakikita rito.” “Yeah!” “Okay na ba siya ngayon?” “Yeah okay na rin siya. Actually last week pa. Pero naghahanap pa rin kasi ng mommy kaya pinagbigyan ko na munang makasama ako the whole day, everyday.” Nakangiti pang saad niya. Oh! She looks happy with her kids. Kahit mukhang mahirap at nakakapagod ang mag-alaga ng bata, pero siguro masarap pa rin sa feelings kapag nakikita mo ang mga ngiti nila, kapag naririnig mo ang mga halakhak nila. Isang halik lang galing sa kanila okay ka na. Mawawala na ang pagod mo. “Alam mo Marya, pagpasesyahan mo na itong amiga natin huh! Madalas kasi bigla na lang siyang nawawala sa sarili niya. Kausap mo pa lang ngayon, tapos mamaya biglang nag-teleport na sa ibang mundo ang isipan niya.” Napatingin naman ako kay Jule nang marinig ko ang mga sinabi niya. Napahagikhik naman si Marya. Mayamaya ay hinawakan niya ang kamay ko at masuyo iyong pinisil. “Honestly, I understand Ysolde’s situation. Kasi... dati ganiyan din ang pinagdaanan ko nang akala ko wala na ang asawa ko. I thought he was dead.” I frowned. Napatitig ako sa mukha ni Marya dahil sa sinabi niya. Mayamaya ay ngumiti siya sa ’kin. “But he came back.” Ewan ko, pero may parte ng puso ko ang biglang umasa dahil sa sinabi ni Marya. What if... what if Hideo is still alive? Paano kung siya talaga ang nakita ko kanina na nakabangga ko? What if? Oh God! That’s impossible. It’s been one year since he died. Imposibleng buhay pa siya. I saw with my own two eyes kung paano siya binaril ni Zakh. Kung paano siya nawalan ng buhay. He was in my arms when he died. Napaka-imposible kung buhay pa rin siya. And my kuyas told me that he was dead. “In your situation Ysolde... I know you will be okay. Hindi man ngayon, pero sigurado akong unti-unti ka ring magiging okay. The pain and loneliness in your heart will gradually disappear.” Tipid naman akong ngumiti kay Marya. Tumango na lang din ako. “Thank you, Marya!” “You know I’m always here if gusto mo ng kausap at busy si Jule.” Pabiro pang saad niya at muling tumawa ng mahina. “Thank you again Marya,” sabi ko ulit. “Oh sige na. Umupo na kayo roon at ako na ang magse-serve ng order ninyo.” “Thanks.” ’Tsaka kami puwesto ni Jule sa lamesang nasa sulok ng coffee shop na iyon. NAGING BUSY na ako buong maghapon sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin. Hindi ko na namalayan ang oras. Kaya kagaya sa mga nagdaang araw, pinupuntahan na lang ako ni Jule sa office ko para tawagin kung gusto ko ng umuwi. “Alas kuwatro y medya pa lang naman. Pero, magpapaalam sana ako kung puwedeng mauuna na akong lumabas?” Tinanggal ko ang suot kong salamin at tiningnan siya. “Bakit, saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya. “E, may pupuntahan lang sana ako.” “Saan? Sasamahan na kita. Malapit naman na akong—” “Hindi na. Kaya ko naman e.” Mabilis na saad niya. Saglit ko siyang tinitigan. Mayamaya ay ngumiti ako. “Siguro makikipagkita ka kay kuya ano? Magde-date kayo? Sasagutin mo na siya ulit?” nanunudyo at excited na tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang sumimangot. “Hindi a! Bakit naman ako makikipagkita sa kuya mo? At isa pa, wala pa akong balak na sagutin siya.” Sabi niya. Humagikhik lang ako. “Sus! Kunwari ka pa. Para namang hindi tayo bestfriends at tinatago mo pa sa ’kin.” “Hindi nga. Hindi ako makikipagkita sa kaniya. At mas lalong hindi ako makikipagdate sa kaniya.” Mariing tanggi pa niya. “Sige na nga. Hindi na kita pipilitin na magsabi ng totoo. Kasi halatang-halata naman sa hitsura mo. Namumula ka na naman. And that means, kinikilig ka na naman.” “Hin—” “Opps! Don’t deny it. Kilala na kita Jule. Alam ko at iisang tao lang ang nagpapapula ng mukha mo. And that’s my Kuya Giuseppe.” “Tse! Nagpapaalam lang naman ako sa ’yo kung puwede akong maunang mag-out. Pero ang dami mo na agad sinabi. Makaalis na nga.” Natawa na lang ako nang nagmamaktol na siyang lumabas ng office ko. “Bye! Enjoy your date.” “Ingat ka pauwi.” Saad niya bago tuluyang isinarado ang pinto. Napailing na lamang ako na muling ipinagpatuloy ang ginagawang trabaho. Isang oras pa ang lumipas bago ako nagpasyang ihinto na ang trabaho ko. Saglit kong ipinahinga sa swivel chair ang likod ko bago ako tumayo at iniligpit na ang gamit ko sa lamesa. Nang buksan ko ang drawer ko, nakita ko ulit doon ang itim na box. Kunot ang noo na kinuha ko iyon at binuksan upang muling tingnan. It’s a gold necklace. Half heart shaped. Hanggan ngayon ay iniisip ko pa rin kung kanino ito galing. Kasi, sa pagkakaalala ko... wala naman akong manliligaw. Wala naman akong may pinayagan na manligaw simula nang makabalik ako. Nagbuntong-hininga na lamang ulit ako at muli iyong ibinalik sa drawer ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ang oras sa suot kong wrist watch. Almost six thirty na rin pala. Pagkalabas ko ng opisina ko. Iilang empleyado na lang ang nandoon. Mga nag-over time. Pero mayamaya lang ay uuwi na rin ’yan sila. “Bye guys. Ingat kayo pauwi huh!” saad ko sa kanila. “Kayo rin po ma’am Ysolde. Ingat po.” Nakangiting naglakad na ako papunta sa elevator. Hanggang sa makarating ako sa lobby. “Good evening po ma’am Ysolde.” “Good evening din.” “Ma’am... pinapabigay po sa inyo.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang iabot sa ’kin ng guard ang isang bouquet of tulips, it’s my favorite flower. “K-kanino galing?” nagtatakang tanong ko. “Hindi po nagpakilala ma’am e. Basta po ang sabi niya, ibigay ko raw po sa inyo.” I really love tulips flower, pero hindi ko kayang tumanggap niyan ngayon lalo pa at hindi ko alam kung kanino galing. “Kuya guard, pakitapon na lang po sa basurahan.” Saad ko. I know medyo pricey ang bulaklak na ’yon kaya nakakahinayang na itapon. Pero ayokong tanggapin. “At sa susunod, huwag na kayong tatanggap ng mga ipapaabot sa ’kin kung hindi naman sasabihin ang pangalan, okay?” “Opo ma’am!” “Itapon mo na lang ’yan.” Saad ko at naglakad na papunta sa sasakyan ko. Dahil day-off ng driver ko ngayon... ako lang ang magmamameho para sa sarili ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakasakay sa drivers seat, natigilan ako at napatingin sa bandang gilid ng building. Medyo dim ang ilaw roon, but I knew there was a man standing there and he was looking in my direction. Ewan ko, pero bigla akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Nang makita kong nagsimula itong humakbang palapit sa kinaroroonan ng guard, kaagad na akong sumakay sa kotse ko at nagmamadaling binuhay ang makina niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD