CHAPTER 5

1632 Words
“YOU KNOW that I’m always on your side Hideo. Kaya asahan mo ang full support ko para sa ’yo at sa new project mo.” Ngumiti naman si Hideo at tinanggap ang pakikipagkamay ni Mr. Laxamana sa kaniya. “Thank you Mario.” “And also expect my full support for you too, Hideo. Alam naman nating tatlo na magaling ka talaga sa kahit ano’ng negosyo.” Saad naman ni Mr. Lee. “And we’re glad that you’re back now. Isang taon ka ring nawala. Hindi namin alam kung ano ang nangyari at saan ka nagpunta. Pero natutuwa kami sa muling pagbabalik mo.” “Thank you Francis.” Aniya at nakipagkamay rin siya rito. “I just had to rest and relax for a while kaya bigla akong nawala. But now that I’m back again, magiging busy na ulit ako sa trabaho ko.” Saad pa niya. Well, hindi nabalita at walang ibang may nakakaalam tungkol sa nangyari sa kaniya noon kun’di ang malalapit na mga kaibigan at tauhan niya lamang. Isang taon na ang nakalilipas matapos ang nakakatakot na nangyari sa kaniya. Pero hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang mga nangyari. Nang araw na mabaril siya ni Zakh, that was the last time na nakita at nagkausap sila ni Ysolde. Halos isang taon din ang lumipas at tiniis niya na hindi ito makita; habang nasa malayo siya at nagpapagaling. But lately, kahit papaano ay nagiging masaya naman ang kaniyang puso na mapagmasdan sa malayo si Ysolde. Well, not really that far. Dahil simula nang bumalik siya ng Pilipinas, may tatlong linggo na ang nakakaraan, hindi lamang iisang beses na palihim niyang pinupuntahan sa bahay nito si Ysolde. Kahit sa ganoong paraan lamang ay labis na siyang natutuwa at naiibsan na ng unti-unti ang lungkot at pangungulila niya sa kaniyang asawa. Tatlong linggo na simula nang makabalik siya sa Pilipinas mula Cuba, pero hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung paano magpapakita kay Ysolde. Hindi pa siya handa? O baka natatakot pa rin siya sa kung ano ang magiging reaction nito kapag nalaman nitong buhay pa siya? Lalo na sa estado nilang dalawa bago pa man siya nawala. Malaki ang galit sa kaniya ng kaniyang asawa dahil sa pagkawala ni Bernard na siyang may kagagawan. “Welcome back again, Hideo!” “Thank you! Thank you! So, magkita-kita na lang tayo sa susunod na meeting.” Aniya. “Alright! We’ll go ahead Hideo.” Saad ni Mr. Laxamana. Isang tango naman ang isinagot niya rito bago naglakad ang dalawang lalaki palabas ng kaniyang conference room. Naiwan siyang mag-isa roon. Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang coat ang kaniyang cellphone pagkuwa’y umupong muli sa swivel chair na iniwan niya kanina. May tinawagan siya sa kaniyang cellphone. “So, kumusta ang pinapagawa ko sa ’yong trabaho?” tanong niya sa isa niyang tauhan nang sagutin ang kaniyang tawag sa kabilang linya. “Boss, ganoon pa rin po e! Kagaya po kagabi, ipinatapon lang po ni ma’am Ysolde ang mga bulaklak na pinabibigay ninyo.” Sagot ng lalaki sa kabilang linya. Malalim na paghinga ang hinugot niya at saglit iyong inipon sa kaniyang dibdib bago iyon pinakawalan sa ere. “Send her again two bouquets. Kapag ipinatapon ulit, send her again hanggang sa makulitan siya at tanggapin niya ang bulaklak ko.” Saad pa niya. “O-okay po boss.” Mabilis niyang pinatay ang kaniyang tawag at inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang kaniyang cellphone. Pabagsak na isinandal niya ang kaniyang likod sa swivel chair at tumitig sa kawalan. Mayamaya ay napangiti na naman siya. “Ganito ka pala kahirap ligawan, wife.” Aniya at muling nagpakawala nang malalim na paghinga. Napailing pa siya. “Oh damn it I missed you so bad baby.” Saad pa niya at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Muli niyang inalala ang mga gabing lagi niyang dinadalaw sa silid nito ang kaniyang asawa. “I want to kiss you again, baby. I want to feel your lips again. You’re driving me crazy, baby.” His jaw tightened kasabay niyon ang muli niyang pagbuntong-hininga upang pakalmahin niya ang kaniyang sarili. “MA’AM YSOLDE, pasensya na po sa abala... pero may delivery po ulit kayo.” Nag-angat ako ng mukha upang tingnan si Maya... isa sa mga empleyado ko. Kanina pa siya pabalik-balik sa office ko and it irritates me. Really. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa ginagawa kong trabaho dahil sa kaniya. I let out a deep sigh as I looked at her. Tipid at pilit naman siyang ngumiti sa ’kin. “Maya, I told you earlier at huwag mo ng i-receive ang delivery na ’yan. Ipatapon mo na lang ulit sa basurahan.” Naiinis ng saad ko sa kaniya. “I’m really sorry ma’am... but you should see this.” Sa halip ay saad niya. Kahit ayoko mang umalis sa puwesto ko dahil marami pa akong ginagawang trabaho, napilitan na rin akong tumayo at naglakad para lumabas sa office ko. Malilintikan na talaga sa akin ang delivery boy na ito e! Nauubos na ang pasensya ko. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na huwag ng magdadala rito ng kahit ano pa mang delivery galing sa kung sino man siyang poncio pilato. Pero ayaw naman makinig. Pagkabukas ko sa pinto ng office ko, ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang tumambad sa akin ang sandamakmak na tulips flowers. Halos mapuno ang buong department na nasa labas ng office ko. May mga bouquet of flowers. Ang iba naman ay nasa magaganda at basasaging vase. Nakalapag sa sahig, ang iba naman ay nakapatong sa mga mesa ng mga empleyado ko. Ang iba naman ay nakatanim pa mismo sa paso. Iba-ibang klase ng tulips ang naroon. Nagmistulang flower shop tuloy ang buong paligid. I can’t believe it. Halos mahulog sa sahig ang panga at mga mata ko dahil sa pagkabigla. Ang mga empleyado ko naman ay halatang kilig na kilig dahil sa nakikita. Nagbubulungan pa ang mga ito e, naririnig ko rin naman. “Ang suwerte naman ni ma’am Ysolde ano? Ang yaman siguro ng manliligaw niya!” “Korek ka girl. Kasi tingnan mo, hindi lang basta bulaklak ang pinadala rito. Tulips bes. Tapos sobrang dami pa.” “Oo nga! Ang suwerte talaga ni ma’am Ysolde.” “Sino kaya ang manliligaw ni ma’am?” “Ma’am Ysolde!” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko ang delivery boy na naglalakad na palapit sa ’kin. “You,” kaagad na saad ko sa kaniya. “Ilang beses ko na bang sinasabi sa ’yo na huwag ka ng magdadala niyan dito? Sino ba ang amo mo at ako na mismo ang kakausap sa kaniya! Nakakaabala na kamo siya dahil sa ginagawa niya.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. “Pasenya na po kayo ma’am Ysolde, pero hindi po pinapasabi kung sino po siya. Basta napag-utusan lang po akong ihatid ang mga iyan dito.” Saad nito. Naiinis na napaismid ako sa delivery boy na ito. “Listen, kunin mo na ang lahat ng ’yan at ibalik mo sa kung sinuman ’yang boss mo. At pakisabi sa kaniya, kung may gusto man siyang mangyari kaya panay ang padala niya ng mga ’yan dito, siya mismo ang papuntahim mo para hindi na maabala ang trabaho ko.” Lintaya ko. “Sige po ma’am... sasabihin ko po sa kaniya.” “Wow! So many flowers!” Napatingin ako kay Shiloh na kararating lang, kasama niya si Jule. Kitang-kita ko sa mga mata at mukha nila ang pagkamangha dahil sa mga bulaklak na naroon. Napailing na lamang ako at napatalikod na para muling bumalik sa lamesa ko. Kanina pa naaantala ang trabaho ko. Nakakainis naman! “Kanino galing ’yon sissy?” tanong ni Shiloh nang pumasok na sila ni Jule sa office ko. “Kanino pa? E ’di sa secret admirer niya.” Si Jule ang sumagot. Napairap naman ako nang tinapunan ko siya ng tingin. Ngunit ngumiti lang naman siya ng malapad. “Really?” nanlaki pa ang mga mata ni Shiloh at nagmamadaling umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa ko. “You have a secret admirer sissy?” “Huwag kang nagpapaniwala diyan kay Jule—” “Anong huwag nagpapaniwala sa ’kin? Para namang sinabi mo na ako ang sinungaling dito Ysolde? E, kagabi ka pa nga may natatanggap na ganiyan.” “Oh my God! Secret admirer nga sissy!” napatutop pa sa bibig na saad muli ni Shiloh. “God, magkaka-love life ka na ulit sissy.” “Anong magkaka-love life? Haynako! Tigilan n’yo nga akong dalawa.” Naiiritang saad ko at muling itinuloy ang ginagawa kong trabaho. “I’m busy kaya kung puwede lang... lumabas na kayo rito. Ikaw naman Jule, akala ko ba mag h-half day ka ngayon dahil may lakad kang importante? Bakit nandito ka?” kunwati ay pagtataray na tanong ko sa kaniya. Nagkibit siya ng kaniyang mga balikat. “Nagbago na ang isip ko. At sakto namang nakasalubong ko si Shiloh sa lobby. Ang sabi niya lunch daw tayo kaya umakyat na rin kami rito para ayain ka.” ’Tsaka lang ako napatingin sa wrist watch ko. And yeah it’s almost twelve in the afternoon. Dahil busy ako sa trabaho ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. Hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom. Basta naka-focus ang atensyon ko sa trabaho hindi ko na namamalayan ang paligid ko. Lalo na ang oras. “Let’s go. Kumain muna tayo sa labas sissy.” Saad pa ni Shiloh sa ’kin. Kahit marami pa akong dapat na tapusing trabaho, wala na rin akong nagawa dahil sa pangungulit ng dalawang ito. Kahit hindi pa ako nagugutom... sumama na rin ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD