CHAPTER 18

2538 Words
“BOSS, pasensya na talaga! Talagang nagipit lang ako kay Acosta kaya wala akong nagawa kun’di sundin ang gusto niya.” Anang lalaki na medyo may edad na. Nakaluhod ito sa marmol na sahig habang nakatingin kay Ulap na prente namang nakaupo sa isang single couch. “Alam mo Leo, kung ako lang ang masusunod... hahayaan naman kita kung kay Acosta ka papanig. Ang problema lang, hindi naman ako ang totoong boss mo. Kun’di si Hideo.” Anito habang nakadekuwatro at nilalaru-laro ang muzzle ng hawak nitong baril. “Kung ako lang ang masusunod, hahayaan na kita. Hindi na kita parurusahan. But... na kay Signore Hideo ang hatol. And let’s wait for him. Any minute ay nandito na siya. So, ngayon pa lang mag rosaryo ka na baka sakaling magbago pa ang isip ng boss natin.” Mas lalong rumihestro sa mukha ng lalaki ang labis na takot dahil sa mga sinabi ni Cloud. Sunod-sunod pa itong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Mayamaya nga lamang ay bumukas ang pinto ng opisina ng lalaking tinawagan ni Ulap sa pangalang Leo. Pumasok doon si Hideo habang seryoso ang mukha nito. Mas lalong nabahala ang lalaking nakaluhod pa rin sa harapan ni Cloud. “S-Signore Hideo!” nanginginig pa ang boses nito. “Long time no see, Leo. How are you?” tanong ni Hideo habang seryoso siyang nakatitig sa lalaki na halatang nakatikim na rin ng suntok galing kay Cloud o sa ibang tauhan niya, dahil sa hitsura nito ngayon. “Signore! M-maawa po kayo—” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Hideo ’tsaka naglakad lalo palapit sa lalaki. “Alam mo naman na wala akong awa kapag negosyo ang pinag-uusapan Leo, hindi ba?” “P-pero Signore Hideo, n-napilitan lang naman po ako na gawin ang utos ni Acosta dahil nagipit ako. Nagkaroon ako ng malaking utang sa kaniya—” “Kaya inilaglag mo ang negosyo ko?” “Patawarin mo po ako Signore Hideo! P-pangako, h-hindi na po mauulit.” “Isang taon akong nawala Leo. And base on your record. Hindi lang ito ang ginawa mo sa negosyo kong hawak mo. So I don’t think I can give you another chance. Sa loob ng isang taon na nanahimik ako. No more transactions. No more shipping illegal items. Pero sigurado akong malaking halaga ng pera ko ang napaghati-hatian na ninyo, hindi ba?” Hindi naman agad nakasagot ang lalaki. Sa halip ay sunod-sunod itong napalunok ng laway. Mayamaya, muli nitong ipinagsalikop ang mga palad. “P-patawarin mo po ako Signore Hideo! Maawa kayo! May... may anak at asawa po ako. Huwag n’yo po akong papatayin.” Bakas sa mukha ang labis na takot. “Bobo ka pala Leo e,” anang Ulap at tumayo na rin sa puwesto nito. “Kilala mo naman ang boss natin. Alam mo kung ano ang rules niya, pero nagawa mo pa ring makianib kay Acosta. Inilaglag mo pa ang ibang shipping natin.” “Boss Ulap, n-nagawa ko lang naman po ’yon... d-dahil iyon ang utos ng boss ni Acosta.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Hideo dahil sa sinabi ng kaniyang tauhan. “What do you mean?” tanong niya. Maging ito man ay nagulat din. Hindi makapaniwalang nakapagbitaw ito ng salita na dapat ay hindi nito sasabihin. Muli itong napalunok ng laway. “Ano ang ibig mong sabihin Leo? Na bukod kay Acosta, may boss pa kayo na nagbabayad sa inyo ng malaking halaga?” “Boss Ulap, Signore Hideo—” “Just answer my damn question!” galit na saad ni Ulap at tinadyakan sa dibdib ang lalaki. Naging dahilan iyon upang matumba ito sa marmol na sahig. “Hindi ko po puwedeng sabihin—” “Then I’ll kill you kung hindi mo sasabihin kung sino pa ang boss mo bukod kay Acosta!” mariing saad niya rito. “Signore Hideo!” Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at tinapunan ng tingin si Ulap. “You know what to do, Guilherme.” Aniya at mabilis siyang tumalikod upang muling lumabas sa kuwartong iyon. Hindi na niya sasayangin ang kaniyang oras para sa walang silbing tao. A rule is a rule for him. Nagkamali na ang tauhan niya at hindi sinunod ang utos niya, kaya ano pa ang silbi nito? Lalo na at tinraydor na rin siya nito. Isang taon din siyang nawala at hindi naging aktibo sa kaniyang illegal business, kaya aminado siyang malaki na rin ang nalugi sa kaniya. But that’s okay. Tiwala siya sa kaniyang sarili. In a short period of time, mababawi niya rin lahat ng negosyong nawala sa kaniya. Hindi pa man siya nakakarating sa kinaroroonan ng elevator ay nakasunod na agad sa kaniya si Ulap. “Well, I missed doing this job.” Anito. Nilingon niya ito at bahagya siyang ngumiti. “Isang taon din akong nasa bakasyon.” Dagdag pa nito. Nang bumukas ang elevator ay magkasunod sila ni Ulap na sumakay roon. “By the way, I heard na nasa Latorre Vino ka na pala boss!” saad pa ng binata. “So, is this your next plan para maging okay na ulit kayo ni Ysolde?” tanong pa nito. Nang nasa Cuba pa siya at nagpapagaling sa operasyon niya, hindi naman nawala ang communication niya sa triplets. They talked from time to time. Pero itong si Ulap lamang ang nakakausap niya tungkol sa kaniyang asawa. Dito siya nagtatanong para kumustahin si Ysolde. Alam din ng mga ito na umuwi na siya ng Pilipinas. Pero hindi alam ng mga ito kung ano ang plano niya para sa kaniyang asawa. “It’s none of your business, Guilherme.” Sa halip ay saad niya rito. “Oh, baka nakakalimutan, kapatid ko ang asawa mo. Puwede kong tutulan ang relasyon ninyo.” “I know you can’t do that.” “Why not?” “Dahil gusto mo ako para kay Ysolde.” Nangunot ang noo ni Ulap at napatingin sa nakaside-view na mukha ni Hideo. “I never said that I like you for my sister.” “Pero hindi ka tumutol na dinala ko siya sa isla at pinuwersang pakasalan ako. That means, you agreed to my plans.” Napakibit-balikat naman ito. “Well, I don’t like Zakhar that’s why I didn’t interfere with your plans for Ysolde.” Nagpakawala na lamang siya nang malalim na buntong-hininga ’tsaka nagpatiuna ng lumabas nang bumukas ulit ang pinto ng elevator. “Where are you going?” kunot ang noo na tanong niya nang sumunod pa si Ulap hanggang sa kotse niya. Nauna pa itong buksan ang pinto sa front seat. “I’ll go with you.” “Babalik ako sa Latorre Vino.” “That’s okay. Ayokong mag-taxi pabalik sa condo ko kaya idaan mo na lang ako roon.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ni Ulap. Binigyan niya ng matalim na tingin ang binata nang sumakay na ito sa front seat. “Come on bayaw.” Napatiim-bagang na lamang siya pagkuwa’y nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay umikot na rin siya sa drivers seat. “GOOD MORNING po Manay!” nakangiting bati ko kay Manay Salve nang pumasok ako sa kusina at nadatnan ko siyang naroon at naghahanda ng pagkain. “Good morning anak, halika at naghanda na ako ng almusal mo.” Dumulog na ako sa hapag at umupo sa kabisera. “Hindi pala dumating kahapon ang magkakabit ng CCTV sa balkunahe mo. Marami raw kasing ginagawa kahapon kaya ngayon lang dadating.” Anang Manay sa akin. “Okay lang po. Basta ipasigurado ninyo na malalagyan po today Manay, huh!” “Oo at kinausap ko mismo ang magagawa. Ngayong umaga raw siya dadating.” Saad nito sa akin. “Si Jule pala anak, bakit hindi umuuwi rito?” mayamaya ay tanong pa ni Manay. “Nagpaalam po sa akin no’ng isang gabi. Magbabakasyon daw po sila ni Kuya Giuseppe. Sa isang araw pa po ang balik nila.” Sagot ko naman habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. “Kaya naman pala. Ang akala ko ay umuwi sa probinsya nila.” “Sabayan n’yo na po ako sa pagkain Manay,” “Mamaya na ako at may ginagawa rin ako sa hardin. Sige lang at kumain ka na riyan.” ’Tsaka siya lumabas ng kusina matapos niyang lagyan ng fresh juice ang baso ko. Pagkatapos ko namang kumain ay pumanhik ulit ako sa kuwarto ko para maghanda na sa pagpasok ko sa trabaho. “Anak Ysolde,” Nang marinig ko si Manay Salve na kumatok sa kuwarto ko at pumasok. “Bakit po?” nasa tapat pa rin ako ng vanity table ko at nag-aayos ng make up ko. “Nandito na ang maglalagay ng CCTV sa balkunahe.” “Sige po at papasukin ninyo Manay.” ’Tsaka ako tumayo sa puwesto ko. Pero nang pumasok ang lalaking kasama ni Manay Salve para maglagay ng CCTV sa veranda ko, bigla akong natigilan at nangunot ang noo ko. “Arn?” sambit ko nang makilala ko siya. Ngumiti naman ito. “Good morning po Ma’am Ysolde! Wow! What a small world po, kayo po pala ang kliyente ko ngayong umaga.” “Ikaw ang maglalagay ng CCTV dito?” “Ako nga po ma’am,” mas lalo pang lumapad ang kaniyang ngiti at napakamot sa kaniyang batok. “Kailangan po kasing kumita ng pera kaya po lahat ng trabaho ay pinasok ko na.” Pagpapaliwanag pa niya. “Magkakilala pala kayo?” tanong ni Manay. “Um, opo Manay. Kilala ko po si Arnulfo.” Sabi ko. “Sige at gawin mo na ang trabaho mo.” “Halika rito hijo!” Sumunod naman siya kay Manay Salve hanggang sa makalabas sila ng veranda. Kunot pa rin ang noo ko habang nakatingin naman sa kaniya. Nakakagulat naman ang Arnulfo na ito! Ang akala ko ay delivery boy ang trabaho nito, pero ngayon naman tagakabit din pala ng CCTV. Pagkatapos kong masipat ang sarili ko sa full size mirror ay naglakad na rin ako papunta sa veranda para tingnan saglit ang trabaho niya. “Tamang-tama po talaga itong nagpalagay po kayo ng CCTV dito sa terrace ninyo Ma’am Ysolde. Uso na po kasi ngayon ang akyat-bahay.” Sabi niya habang nasa itaas ng lader at kinakabit na nga ang CCTV sa sulok ng pader. “Yeah! I just want to make sure na safe ako rito.” “Nako, pero kahit po may CCTV dito sa terrace ninyo ma’am, kung si boss Hideo naman ang akyat-bahay ninyo, aakyatin pa rin po kayo ni boss!” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig lalo kay Arn. “What did you say?” “A, ibig ko pong sabihin sa inyo ma’am... ganoon din po ang ginawa ng boss ko. Nagpalagay po ng CCTV sa labas ng bahay nila kasi nga po nauuso na po ang akyat-bahay.” Anito. Parang iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya kanina. “Nako, mabuti na lang pala talaga at naisipan mong magpalagay ng ganito anak Ysolde.” Bumuntong-hininga na lang ako nang malalim. “Aalis na po ako Manay. Kayo na po ang bahala rito kay Arn.” “Siya sige. Mag-iingat ka.” “Ingat po kayo Ma’am Ysolde!” “Thank you, Arn!” ’tsaka ako naglakad na palabas ng kuwarto ko. “GOOD MORNING po Ma’am Ysolde!” “Good morning!” nakangiting bati ko sa mga empleyado ko na nakakasabay at nakakasalubong ko sa lobby. Medyo late ako ng ilang minuto dahil sa traffic. Pero okay lang at puwede naman akong mag-over time mamaya bago umuwi. Nang bumukas ang elevator ay kaagad akong pumasok at pinindot ang button. Pero hindi pa man tuluyang sumisirado ang pinto ay may kamay na pumigil doon kaya muli iyong bumukas. Ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Hideo. “Morning!” bati niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin, sa halip ay inismiran ko siya kasabay nang pagbuntong-hininga ko at tumitig sa kawalan. “I said good morning!” Sabi niya ulit habang hindi pa rin umaalis sa gitna ng pinto. Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Hay! Ang ganda na ng umaga ko kanina e. Nakalimutan kong nandito pala ang lalaking ito. Mukhang buong araw na naman akong maiinis dahil sa kaniya. Really Ysolde? Maiinis? O baka naman matutuwa, kasi buong hapon mo na namang makikita ang irog mo? Napasimangot ako at tumitig sa kaniya. “Hinaharangan mo ang pinto, Hideo.” Seryosong saad ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko. Pero sa halip na umalis siya roon ay ipinag-ikes niya ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib at matamang sinalubong ang mga titig ko. Sumandal pa siya sa gilid ng pinto. “Hanggat hindi mo ako binabati ng Good morning, I won’t leave here.” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Alright. Magsisimula na naman siyang inisin ako! “Just one good morning baby, ano ba ang mahirap doon?” God! Calm down, Ysolde! Huwag kang papaapekto sa lalaking ito! “Come on baby. Hindi tayo aakyat sa office hanggat—” ”Okay fine.” Naiinis na saad ko sa kaniya at muli siyang inismiran. “Good morning. Okay na ba ’yon?” sabi ko sa kaniya. Halata pa rin sa mukha ko ang pagkairita sa kaniya. Umiling naman siya. “In a nice way.” “Hideo—” “Come on. Umagang-umaga nagiging rude ka na agad sa boss mo.” Aniya. “It’s just a simple good morning,” sabi pa niya. “In a nice way.” Dagdag pa niya. Wala sa sariling napabuntong-hininga ulit ako nang malalim. Kalma Ysolde, kalma! Okay fine. Matapos lang ang trip ng lalaking ito. Mayamaya ay pinilit ko ang sarili ko na ngumiti sa kaniya. “Good morning!” pinilit ko ring magsalita ng malumanay. Ngumiti naman siya ng malapad ’tsaka umalis sa gitna ng pinto. “Good girl.” Aniya at pinindot na rin ang button. Napapikit ako nang mariin at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Nag-uumpisa pa lang ang araw ko, nasira na agad dahil sa kaniya. Argh, nakakainis! “Bakit ang sungit mo?” “Don’t talk to me.” “Why not?” Pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay tumitig lang ako sa unahan ko. Kung kakausapin at papansinin ko pa siya, mas lalo akong maiinis sa kaniya. Pero mayamaya, ganoon na lang ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata ko nang halikan niya ako sa pisngi ko. Magkasalubong ang mga kilay ko at matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Why did you kiss me?” galit na tanong ko sa kaniya. “Greeting me a good morning without a kiss is not enough, wife.” Malapad ang ngiti sa mga labing saad niya at kinindatan pa ako. Napatulala na lamang ako sa kaniya. Jesus! Kakaiba talaga ang lalaking ito! Hindi ko akalaing may ganitong side pala si Hideo. No’ng unang beses ko kasi siyang nakita at nakilala, sobrang nakakatakot siya. Sobrang seryoso siya. Tapos ngayon, may makulit side pala siya. Alright, kinilig na ako. Okay na ba ’yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD