CHAPTER 17

1946 Words
“OKAY lang po ba kayo ma’am Ysolde?” Tanong sa ’kin ni Maya nang pumasok siya sa office ko. Nagpaparoo’t parito pa rin ang lakad ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Ang lakas pa rin nang kabog ng puso ko dahil sa kawalang-hiyaan ni Hideo. Kanina pa natapos ang pag-uusap namin tungkol sa pagtatrabaho niya rito sa Latorre Vino, pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa isipan ko ang ginawa niya kanina. Ramdam ko pa rin ang pagkapahiya ko dahil sa akala kong hahalikan niya ako. I let out another deep sigh. “Water po ma’am.” Kaagad kong kinuha sa kamay ni Maya ang baso ng tubig na binibigay niya sa akin. Halos maubos ko pa ang laman niyon dahil sa stress na nararamdaman ko ngayon. “Thank you, Maya!” sabi ko at inilapag sa mesa ko ang baso. “Um, w-where is Mr. Del Campo?” hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. “Um—” Pero hindi pa man nakakapagsalita si Maya para sagutin ang tanong ko. Biglang umangat ang venetian blinds na nakasarado sa kabilang opisina. Dahil tanging makapal na salamin lamang ang pumapagitna sa office na iyon pati sa office ko, kitang-kita ko na naroon si Hideo. Nakatingin pa ito sa akin nang tuluyan nitong maiangat ang venetian blinds. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “What... what is he doing there?” tanong ko kay Maya habang hindi ko pa rin inaalis ang seryosong paningin kay Hideo na ngayon ay nakangiti na sa akin. Kumindat pa ito bago tumalikod at naglakad palapit sa mesa. “Um, iyan daw po ang magiging office ni Sir Hideo starting today ma’am.” Sagot nito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Maya. Napatingin pa ako sa kaniya. “What? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?” tanong ko pa. “E, ma’am kahapon lang po ’yan pinalinis sa janitor at pinaayos sa isang staff. At hindi naman po namin alam na si Sir Hideo po pala ang gagamit sa dating office ni Mr. Brazil.” Paliwanag ni Maya sa akin. Muli akong napatingin sa kabilang office. May kausap na sa cellphone nito si Hideo. Malaki pa ang pagkakangiti. “May iuutos pa po ba kayo sa akin ma’am?” Saglit pa akong tumitig kay Hideo bago ako naglakad papunta sa swivel chair ko at umupo roon. “Wala na Maya. Thank you!” “Okay po ma’am.” ’Tsaka siya lumabas ng office ko. Nananadya talaga sa ’kin si Hideo. In all the offices here at Latorre Vino, bakit ang office na ’yon pa ang kinuha niya para gamitin niya? Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. Mayamaya ay nakita ko namang tumayo si Hideo sa puwesto niya at naglakad palapit sa pinto. Nagulat pa ako nang pumasok naman siya sa office ko. “What are you doing here?” tanong ko. “I need to talk to you.” “We’re done talking earlier, Hideo.” Seryoso ang mukha na saad ko sa kaniya ’tsaka mabilis na nag-iwas ng tingin. Itinuon ko sa monitor ng laptop ko ang aking paningin. “As you can see, I’m busy.” “I know you’re not busy,” aniya at umupo sa visitor’s chair ko. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. “Hideo—” “I need secretary.” Aniya kaya naputol ang pagsasalita ko. Napatitig naman ako sa kaniya. Mayamaya ay muli akong napabuntong-hininga nang malalim. “Alright. You can have Maya as your secretary—” “I don’t like Maya.” Muli, napatitig ako sa kaniya ng seryoso. “Okay. Si Jule—” “Ayoko rin kay Jule. Madalas ay tamad siya.” “Hideo you’re wasting my time.” “I’m not wasting your time baby.” Mabilis na saad niya sa akin. “We’re working. And please, be nice to me. Dahil boss mo ako hanggat hindi mo pa rin tinatanggap ang offer ko sa ’yo.” Dagdag pa niya. Wala sa sariling napatiim-bagang tuloy ako dahil sa inis ko sa kaniya. Walang-hiya talaga ang lalaking ito! Baka dahil sa kaniya bigla akong ma-high blood dito. “Okay fine. Tomorrow, magpapa-hire ako ng magiging secretary mo and—” “I want you to be my secretary.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Muli akong napatitig sa mga mata niya. “Are you kidding me, Hideo?” hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. “Do I look like I’m kidding, baby?” balik na tanong niya. Inis na isinarado ko ang laptop ko at mas matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. God, kung nakakamatay lang ang matalim na tingin, I’m sure nakahandusay na siya ngayon sa sahig. “Come on, masiyado kang seryoso sa trabaho mo Ysolde.” Aniya. “Look Mr. Del Campo... or Mr. Colombo, whoever you are. I’m here para magtrabaho. Hindi ako nagpunta rito sa office para magsayang ng oras o para makipaglaro sa ’yo. Now, if you want to play with me... you should stop ngayon pa lang kasi wala ring mangyayari. Wala ang mapapala.” Mariin at seryosong saad ko sa kaniya. Muli akong bumuntong-hininga nang malalim para pakalmahin ko ang sarili ko. Baka mamaya kasi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at... at kalmutin ko ang guwapo niyang mukha. Oh seriously Ysolde? Mas lalo akong nakaramdam ng pagkainis sa kaniya nang ngumiti lamang siya sa kabila ng pagsusungit ko sa kaniya. Argh! I hate him! “You’re beautiful, baby.” Mariin akong napapikit at naikuyom ko ang mga palad ko na nasa gilid ng mesa ko. Please, God! Send him away from me. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa lalaking ito. I let out another deep sigh. And when I open my eyes, I saw him smiling at me. Nang-aasar talaga ang lalaking ito. “Hideo, please get out and go back to your office hanggat pinipigilan ko pa ang sa sarili ko na hindi ka masinghalan dahil sa inis ko.” “Hindi ko alam na masungit at mataray ka pala wife,” sa halip ay saad niya sa akin. “Dati naman tahimik at mahinhin ka lang.” “Because I hate you now.” “Really?” Magsasalita na sana ako nang may kumatok naman sa pinto at bumukas iyon. I saw Arn. “Good afternoon po ma’am Ysolde. Delivery po.” Nakangiti pa siya habang naglalakad palapit sa mesa ko. Isang seryosong tingin pa ang ipinukol ko kay Hideo bago ko binalingan ulit ng tingin si Arn. “Thank you, Arn.” Nang ilapag niya sa table ko ang dala niyang paper bag. Ano na naman kaya itong ipinadala sa akin ni poncio pilato? “May bisita po pala kayo ma’am.” Saad ni Arn habang inilalabas ko sa paper bag ang box. And I know na kung ano ang laman nito. It’s cockies again. Tamang-tama at naha-high blood na ako ngayon dahil kay Hideo. Para naman kumalma ako. “Manliligaw n’yo rin po ba si sir, ma’am Ysolde?” Wala sa sariling napatingin ako kay Arn dahil sa naging tanong niya. Mayamaya ay napatingin din ako kay Hideo na malapad ang ngiti sa akin. Inirapan ko siya. “Nope he’s not.” Saad ko. Napatango naman si Arn. “Akala ko po may karibal na sa inyo ang boss ko e.” “Why? Is your boss courting Ysolde?” seryosong tanong ni Hideo kay Arn. “O—” “It’s none of your business kaya huwag ka ng makialam.” Mabilis na saad ko. “I’m just asking. Kasi kung may manliligaw ka na, dapat ay dumaan muna sa akin para kilatisin ko. Baka mamaya ay ipagpapalit mo lang ako sa walang sinabi sa hitsura ko. Maaapakan ang ego ko kapag nagkataon.” Biglang lumipad sa ere ang isang kilay ko nang muli ko siyang tingnan. “For your information mister, kung tatanggap man ako ng bagong manliligaw, I’ll make sure na mas higit pa sa ’yo.” “Really? Are you sure may mahahanap ka pang hihigit sa akin?” “Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi lang ikaw ang guwapo at may magandang katawan na lalaki sa mundo.” Tumawa lamang siya dahil sa mga sinabi ko. Oh jeez! Minsan talaga kapag inis na ako hindi ko na napipigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. “For the first time, I heard it from you. Dati ko pa gustong marinig mula sa ’yo na sabihin mong guwapo ako at maganda ang katawan ko. Although, your eyes say that every time you look or stared at me. You adore me, Ysolde.” Napakawalang-hiya talaga ng lalaking ito! Nakakainis. Naiinis ako dahil totoo naman ang mga sinabi niya ngayon. Kahit dati pa man ay sobra na akong nagaguwapohan sa kaniya. Lalo na ang katawan niya. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng katawan ng lalaki na perpekto para sa paningin ko. Tanging kay Hideo lang. And I’m sure to myself na wala ng makakahigit doon para sa akin. “Lumabas ka na nga! Sinira mo na ang araw ko.” Saad ko na lamang sa kaniya ’tsaka binuksan ang box at kumuha roon ng isang cockies. Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto. Mayamaya ay nagulat ako nang bigla siyang kumuha ng cockies at tinikman iyon. Matalim na titig ang muli kong ibinigay sa kaniya. “Taste good! I’m sure guwapo ang gumawa nito.” Aniya. “Paano n’yo po nasabi sir?” tanong naman ni Arn. “The taste of this cockies told me.” Sagot naman niya. “Thank you for the free taste.” Saad pa niya ’tsaka siya tumalikod at lumabas na ng office ko. “Sige po ma’am Ysolde, aalis na rin po ako.” Kaagad ding nagpaalam sa ’kin si Arn. Ngumiti ako sa kaniya. “Thank you Arn.” “Boss, hindi n’yo po sinabi sa akin na nandito po pala kayo.” Saad ni Arn habang nakasunod ito kay Hideo. “Kailangan ko pa bang sabihin sa ’yo Arn?” sa halip ay balik na tanong ni Hideo sa binata. Ngiwing napangiti naman si Arn at napakamot sa batok nito. “Hindi naman po boss,” anito. “Nagulat lang po ako kanina nang pumasok ako sa office ni ma’am Ysolde.” “Bakit late mong dinala rito ang cockies?” tanong pa ni Hideo habang naglalakad pa rin ito hanggang sa marating ang kinaroroonan ng elevator. “E boss, dinaanan ko po muna ang girlfriend ko.” “It’s working hour, Arnulfo.” “Sorry po boss!” anito at mabilis na pinindot ang button ng elevator. Nang bumukas iyon, kaagad na pumasok si Hideo, sumunod naman si Arn. “Boss,” “Yeah?” “Bakit hindi n’yo na lang po sabihin kay ma’am Ysolde na galing po sa inyo ang mga delivery?” “Kapag ginawa ko ’yon mas lalo siyang magagalit sa ’kin.” Sagot nito. “Hindi mo ba nakita kanina, mukha siyang tigre kung makatingin sa ’kin? Parang mananakmal ng guwapo.” Natawa naman si Arn. “Hindi ko po alam na marunong po pala kayong magbiro boss!” anito. Pero nang lumingon dito si Hideo, bigla ring naging seryoso ang mukha nito. “Oo nga po boss. Para pong tigre si ma’am Ysolde kung makatingin sa inyo kanina. Parang mananakmal po siya ng guwapo.” Mabilis na saad nito na napapatango pa. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hideo sa ere pagkuwa’y kinain ulit ang natitirang cockies na hawak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD