CHAPTER 19

1739 Words
“MAYA!” tawag ko sa kaniya habang naglalakad ako palapit sa table niya. Kagagaling ko lang sa wearhouse at tiningnan ko roon ang mga wine na bagong dating. Magkakaroon kasi ng annual party ang isang kumpanya na pag-aari ng kaibigan ni papa. Sa Latorre Vino siya nag-order ng wine na gagamitin sa party na iyon. At dahil close friend naman sila ng papa ay ako na mismo ang personal na mag-asikaso tungkol doon. “Yes po Ma’am Ysolde?” kaagad naman itong tumayo sa kaniyang puwesto at sinalubong ako. “Paki-cancel mo nga muna ang meeting ko kay Handa this afternoon. Tell her na mayroon lang akong importanteng tatapusin na trabaho.” Nagtuloy na rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng office ko. “Okay po ma’am. ’Yong lang po ba ang ipag-uutos ninyo?” Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. “Yeah. Thank you! And, mag lunch ka na rin. It’s already twelve noon.” Saad ko pa sa kaniya bago ko pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto at pumasok na sa opisina ko. Napalingon pa ako sa opisina ni Hideo habang naglalakad ako palapit sa mesa ko. And there, I saw him na may kausap sa cellphone niya habang nakatayo si gilid ng bintana niya at nakatanaw sa labas. Nangunot pa ang noo ko nang titigan ko ang naka-side view niyang mukha. He was serious in these moments. Bigla ko tuloy naalala ang hitsura niya no’ng una ko pa lang siyang nakasama sa isla. Ganoon na ganoon ang mukha niya ngayon. I heaved a deep sigh at umupo na rin sa swivel chair ko. Binuksan ko ang folder na bitbit ko kanina at binasa ang mga files na naroon. Pero mayamaya, hindi ko napigilan na mapatingin ulit sa kabilang office. Who is he talking with right now? Bakit parang galit ata siya? Bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko. Huli na nang makapagbawi ako ng tingin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko. Ewan ko ba sa sarili ko... parang may boses sa tapat ng tainga ko ang nagsasabi sa akin na muli ko siyang tingnan. Kahit ayoko mang gawin dahil baka mahuli na naman niya akong nakatingin sa kaniya, but in the end, muli akong nag-angat ng mukha at tiningnan siya uli. Nakaupo na pala siya sa tapat ng lamesa niya at kaharap na niya ang laptop niya. But still, seryoso pa rin ang kaniyang mukha. Mayamaya, nag-angat din siya ng mukha at tumingin din sa akin. Sa pangalawang pagkakataon, he caught me staring at him. But this time, he smiled at me sweetly bago muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa monitor ng kaniyang laptop. “Ah, ano ba itong ginagawa mo Ysolde? Akala ko ba naiinis ka sa kaniya, pero bakit panay ang tingin mo sa kaniya?” naiinis na tanong ko sa sarili ko pagkatapos ay muling itinuloy na rin ang trabahong ginagawa ko. Abala na ako sa trabaho ko nang makarinig naman ako ng katok mula sa labas ng pinto. “Yes come in,” sabi ko. Bumukas naman iyon at pumasok si Arn. Wala sa sariling napangiti ako nang makita kong may bitbit siyang paper bag. Alright, I’m expecting that it was my lunch. Tama nga si Jule, nasanay na ako na laging dumadating si Arn sa office ko para dalhan ako ng lunch kaya hindi na ako lumalabas para kumain. “Good afternoon po Ma’am Ysolde!” nakangiting bati sa akin ni Arn at naglakad siya palapit sa mesa ko. “Hi Arn!” “Sorry po at late ako ng limang minuto, medyo traffic po kasi e.” Saad pa nito. Ngumiti ako nang malapad. “Oh that’s okay.” “Para po sa inyo ma’am,” aniya at inilapag niya sa mesa ko ang paper bag. “Thank you!” “Wala pong problema ma’am.” “Um, kumusta naman ang pagkakabit mo ng CCTV sa bahay ko?” tanong ko sa kaniya. “Tapos na po ma’am kanina pa.” “I didn’t expect na nagtatrabaho ka rin pala sa ganoon.” Napakamot naman ito sa ulo habang nakangiti pa sa akin. “E, alam n’yo naman po na mahirap ang buhay ngayon Ma’am Ysolde kaya po kailangang kumayod para sa pamilya.” “Are you married?” “Ay, hindi pa po ma’am! Binata pa po ako. Girlfriend pa lang po ang mayroon ako.” Anito. Napatango-tango naman ako. I thought kasi may asawa na siya. Napaka-hard working niya naman para magtrabaho siya ng marami samantalang wala pa naman pala siyang sariling pamilya. “Nag-iipon pa lang po kami ng jowa ko para po sa future namin.” Saad nito. “E kayo po Ma’am Ysolde, wala po ba talaga kayong boyfriend or asawa na—” Biglang naputol ang pag-uusap namin ni Arn nang bumukas ang pinto ng office ko at pumasok si Hideo. “Good afternoon po boss.” “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. “Well, it’s lunch time. Invite sana kitang kumain sa labas.” Sabi niya. Bahagyang nangunot ang noo ko habang nakatingin pa ako sa kaniya. “Bakit hindi ka na lang kumain ng mag-isa?” tanong ko sa kaniya. “Mas masarap kumain kapag may kasama.” “Ay totoo po ’yan ma’am.” Napatingin naman ako kay Arn nang magsalita ito. “Mas nakakagana pong kumain kapag ganoon ma’am.” Dagdag pa nito. Muli kong tinapunan ng tingin si Hideo. Nakapamulsa pa rin siyang nakatayo sa gilid ng visitor’s chair ko. “Ayoko ng may kasabay. Mas gusto kong kumain ng mag-isa.” Sabi ko ’tsaka ko inilabas sa paper bag ang mga pagkain na dinala ni Arn para sa ’kin. “Oh, where did you get that?” tanong niya at umupo bigla sa silya. I stared at him once again. Mayamaya ay bigla akong ngumiti sa kaniya. “This?” tanong ko pa. “Galing sa manliligaw ko. Right Arn?” tanong ko pa kay Arnulfo. Napatitig naman sa ’kin si Arn pagkatapos ay tiningnan niya rin si Hideo na nakakunot na ang noo habang nakatitig sa akin. “Right Arn?” tanong ko ulit at tumingin sa kaniya na may ibig sabihing, sumang-ayon ka na lang at bibigyan kita ng tip look. “A, e, o, opo boss.” Anito. “Galing nga po ’yan sa manliligaw ni Ma’am Ysolde.” Mayamaya ay sagot nga nito. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. “Oh, really?” “Yeah!” And I heard him chuckled. I frowned. “Bakit? Ayaw mong maniwala?” nakakainis ang lalaking ito! Gusto ko siyang inisin pero bakit ako pa rin ang nakakaramdam ngayon ng inis sa kaniya? “It’s not like that. Nagulat lang ako.” “At ano naman ang nakakagulat doon? I mean, I’m single. Wala namang problema kung magpapaligaw ako sa ibang lalaki.” “You’re not single baby. Remembered, we’re married.” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko at tinitigan ko siya nang masama. “Mag-asawa po kayo ma’am?” gulat na tanong ni Arn. I let out a deep sigh. “Before.” “What do you mean before wife? Hindi naman tayo nag-annul ng marriage.” Muli ko siyang tinitigan ng masama. “I’m eating my lunch Hideo. Ngayon ba natin pag-uusap ang tungkol diyan?” tanong ko sa kaniya. Pero ang loko ngumiti lang sa akin lalo. “Okay, how about dinner tonight? Doon na lang natin pag-usapan ang tungkol sa—” “Wala tayong pag-uusapan.” Mariin at mabilis na saad ko upang putulin ang pagsasalita niya. Nakatingin na lamang sa amin si Arn. “Okay! Kung wala tayong pag-uusapan about our relationship... at kung may manliligaw ka na. Alright, ipakilala mo na lang ako sa kaniya para naman makilatis ko muna siya bago ko ibigay sa ’yo ang blessing ko na puwede mo na siyang sagutin.” Muling nagsalubong ang mga kilay at napatingin ako kay Arn. Tila nag-aalala naman siyang ngumiti sa akin. “Deal?” Napatingin ulit ako sa kaniya. Nang makita kong ngumisi na naman siya sa akin, mas lalo akong nainis. “Baka naman... wala ka talagang manli—” “Alright.” Mabilis na saad ko at nagtaas ako ng noo. “Ipapakilala ko siya sa ’yo.” “Really?” tumawa na siya. “Alright then. How about tomorrow night? Maghahanap na lang ako ng date ko so we can have double date.” Wala sa sariling napalunok naman ako ng laway ko at muling napatingin kay Arn. “What do you think baby?” “Okay.” Argh Ysolde! Nahihibang ka na ba? At saan ka naman maghahanap ng lalaki na ipapakilala sa kaniya bilang manliligaw mo aber? Kung bakit kasi ayaw mong magpatalo sa lalaking ’to? Inis na panenermon ko sa sarili ko. Tumayo siya sa puwesto niya. “Okay then. Dinner date tomorrow night.” Sabi pa niya ’tsaka siya naglakad palabas ng office ko. Nang maisarado niya ang pinto, bigla naman akong napatayo sa puwesto ko at nagmamadaling lumapit sa pinto at binuksan ’yon para silipin kong wala na talaga siya roon sa labas. And I saw him na papunta na nga sa may elevator. “Arn,” bakas sa mukha ko ang labis na pag-aalala nang humarap ako sa kaniya. “M-ma’am Ysolde?” “Please... baka naman puwede mong sabihin sa ’kin ang pangalan ng boss mo? Or, can I have his number? Kakausapin ko lang. I mean, I... I need,” hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay Arn. Kung ano ang gagawin ko. Argh! Napasubo tuloy ako ngayon. Kung bakit kasi naisipan ko pang sabihin kay Hideo na may manliligaw na ako e! “Can you help me, Arn?” hinawakan ko pa ang kamay niya. Napakamot naman ito sa ulo niya. “E, Ma’am Ysolde... hindi po ako sigurado kung papayag po si boss e.” “Why not? I mean, ilang linggo na rin siyang nagpapadala sa ’kin ng mga regalo and some stuff. Ayaw pa rin ba niyang magpakilala sa ’kin?” tanong ko. “Hindi po ako sigurado ma’am e.” Napabuntong-hininga na lamang ako pagkuwa’y laglag ang mga balikat na napaupo ako ulit sa swivel chair ko. Ang tanga ko talaga! Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD