“GOOD MORNING PO MA’AM YSOLDE!”
“Good morning!” nakangiti ako habang binabati rin ang mga empleyado ko na nakakasalubong at nakakasabay ko sa lobby, hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng elevator.
“Good morning po ma’am Ysolde!”
“Good morning!” sabi ko ulit at pinauna ako ng mga empleyado ko na sumakay sa elevator nang bumukas ang pinto niyon.
Hanggang sa makaakyat ako sa palapag ng building kung nasaan ang opisina ko. “Maya, please give me a cup of coffee.” Nang dumaan ako sa table niya. Kaagad naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto at tumalima. Pagkapasok ko sa office ko ay kaagad akong pumuwesto sa swivel chair ko at binuksan ang laptop ko at kaagad na nagsimula sa trabaho ko.
“Here’s your coffee po ma’am Ysolde.” Mayamaya ay pumasok si Maya.
“Thank you, Maya.”
“Um, ma’am... hindi po ba papasok ngayon si ma’am Jule?” tanong pa ni Maya sa ’kin habang nakatayo pa rin siya sa tapat ng mesa ko.
“Nagpaalam siya sa ’kin kagabi na hindi na muna siya papasok ng tatlong araw. May out of town lakad kasi sila ni kuya.” Sagot ko. “Why?” pagkatapos ay humigop ako sa tasa ng kape ko habang mainit-init pa iyon.
“Ah, hindi naman po importante ma’am. E, dumating po kasi ang order niya sa akin no’ng isang araw. Dala ko po at ibibigay ko po sana sa kaniya.”
“Magkano ba ang babayaran niya, ako na muna ang magbabayad.”
“Okay lang po ba sa inyo ma’am?”
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. “Ibigay mo na lang sa ’kin mamaya at ako na ang magbabayad.”
“Sige po ma’am. Thank you!” ’tsaka siya tumalikod at lumabas na ulit sa office ko.
Muli akong naging busy sa trabaho ko. Naagaw lang ang atensyon ko mayamaya nang makarinig ako ng ingay sa labas ng office ko. Kunot ang noo na napatitig ako saglit sa nakasaradong pinto. Pagkatapos ay pinindot ko ang intercom na nasa gilid ng mesa ko para papasukin si Maya at itanong sa kaniya kung ano ang nagaganap sa labas.
“Maya, come in please!”
Pero nakailang tawag na ako sa kaniya ay hindi pa rin siya pumapasok. Kaya sa huli ay napilitan na lang akong tumayo sa puwesto ko. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ng office ko ay kaagad na bumungad sa akin ang mga empleyado ko na nagkukumpulan at mga nag-iingay. Parang mga kinikilig pa.
“What is happening here?” seryoso ang mukha na tanong ko para agawin ang atensyon ng lahat. At hindi naman ako nabigo. Kaagad silang nanahimik at nagsialisan sa harapan ko. Mabilis na bumalik ang iba sa mga puwesto nila. And to my surprise, I saw Hideo standing in front of my employees. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang magtama ang mga paningin namin. What is he doing here?
Mabilis din namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “Hi Ms. Latorre! Good morning!” bati niya sa akin.
“What are you doing here?” seryoso pa rin ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya.
“Well,” aniya at naglakad palapit sa kinatatayuan ko.
Oh damn it! Heto na naman ang panglalambot ng mga tuhod ko habang papalapit siya nang papalapit sa akin. Simula pa man, ganito na talaga ang epekto sa akin ni Hideo. Na kahit wala naman siyang ginagawa na ikapanghihina ng mga tuhod ko, na magiging dahilan upang kumabog nang husto ang puso ko... awtomatik iyon ang nararamdaman ko kahit makita ko lamang siya mula sa malayo. Ang presensya pa lamang niya ay malaking dahilan na para magulo ang buong sistema ko. God, ganito nga talaga ata kapag mahal mo ang isang tao. At kahit pinipilit kong magalit sa kaniya dahil sa kasalanan niya, but still, in the end of the day... puso ko pa rin ang nagpapasya at nasusunod na huwag magalit sa kaniya dahil mahal ko naman siya. Kahit mag galit-galitan man ako kapag kaharap ko siya, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila nang mga nangyari.
“What are you doing here?” ulit na tanong ko sa kaniya habang seryoso pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Pero sa halip na sagutin niya ang katanungan ko, tumabi siya sa akin at humarap din sa mga empleyado ko na mga nagtataka ang hitsura kung bakit ganoon ang naging tanong ko sa kaniya.
“Well, since wala atang balak si Ms. Latorre na ipakilala niya ako sa inyo... I will introduce myself to you guys.” Sabi niya.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. What is he talking about? Bakit naman siya magpapakilala sa mga empleyado ko? Oh for Christ sake Ysolde, malamang kasi parte rin siya ng kumpanyang ito. Dapat lang na makilala siya ng mga empleyado ko bilang isang boss din dito sa Latorre Vino.
“I’m Hideo Del Campo Colombo, and starting today... lagi na ninyo akong makikita rito sa Latorre Vino,” aniya.
Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. What is he talking about? Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng malapad.
“Because starting today, I will be working here, with you guys. I will be the Co-CEO of Ms. Latorre.” Dagdag pa niya at muling nagbaling ng tingin sa akin. Kumindat pa siya.
Nahigit ko ang paghinga ko at mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa mga sinabi niya. Napatitig ako lalo sa kaniya. What? Co-CEO? Dito na siya magtatrabaho sa Latorre Vino? So that means, lagi na kaming magkikita sa lahat ng pagkakataon?
Oh really?
Ewan ko ba sa sarili ko, pero biglang kumabog nang husto ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Tila, nagsasaya ang puso ko ngayon.
Nagsimulang mag-ingay ang mga empleyado ko dahil sa narinig nilang balita. Sari-saring tila kinikilig na mga komento ang narinig ko. Keyso masaya raw sila at may bago silang boss. Kasi guwapo ang bago nilang boss and etc.
Nang magbaling ulit siya ng tingin sa akin, tinaasan ko siya ng noo at kilay. “We need to talk.” Seryosong saad ko sa kaniya.
“Oh, yeah! That’s what I’m going to say. We need to talk.” Aniya.
I frowned and turned away from him at muling pumasok sa office ko. Nang makarating ako sa mesa ko, ’tsaka naman siya pumasok.
“What are you talking outside, Hideo?” pinipilit ko pa ring maging seryoso ang hitsura ko kahit na apektado ako dahil sa klase ng mga titig at ngiti niya sa akin. Oh Jesus! Wala tuloy sa sariling napaupo ako sa swivel chair ko nang mangatog ang mga tuhod ko.
“You heard it loud and clear, Ysolde. I will be working here starting today. I’ll be your señor CEO.” Sabi niya habang naglalakad siya palapit sa mesa ko. Hindi siya umupo sa visitor’s chair sa halip ay nanatili siyang nakatayo at namulsa pa. “That means, magiging boss mo ako hanggat hindi mo pa tinatanggap ang business proposal ko sa ’yo.”
“You called it business proposal? Ang maging sugar baby mo?”
“Why not? Dahil magtatrabaho ka rin sa akin, privately. Hindi lang dito sa kumpanya.”
Oh God, bigla kong naramdaman ang pag-iinit sa buong mukha ko dahil sa mga sinabi niya. Jesus! Walang-hiya talaga ang lalaking ito. At ano ang akala niya sa akin ngayon, kaladkaring babae? Bakit parang ibang-iba na siya sa Hideo na nakilala at nakasama ko no’ng huli bago nangyari ang malaking problema sa pagitan namin? Parang hindi na siya ang Hideo na naging sweet, caring and soft kapag kaharap niya ako. Ang Hideo na minsan na ring nagtapat ng pag-ibig niya para sa akin.
“Come on baby, you’re blushing!” he said and a sly smile flashed on his lips.
“I hate you!” iyon ang tanging nanulas sa bibig ko dahil sa inis ko sa kaniya. Nako, kung kaya ko lang tumayo sa puwesto ko ngayon, baka kung ano ang magawa ko sa kaniya. He’s playing with me now. I know that.
Tumawa naman siya ng pagak at umiling pa. “Really, Ysolde? You hate me?” tanong niya at nagsimulang maglakad paikot sa mesa ko.
Hayon at mas lalong kumabog ang puso ko dahil sa paglapit niya sa akin.
“W-what... what are you doing? Don’t come... closer Hideo!” nataranta bigla ang puso ko.
Pero sa halip na pakinggan niya ang mga sinabi ko. Ngumiti lang siya hanggang sa makalapit siya ng tuluyan sa akin. Mataman siyang tumitig sa mga mata ko ’tsaka siya yumuko. Wala sa sariling napasandal tuloy ako sa high-backed swivel chair na para bang sa ginawa kong iyon ay maiiwasan ko ang paglapit ng mukha niya sa akin.
Itinukod niya sa magkabilang armchair ang mga kamay niya at mas lalo pang yumuko at lumapit sa akin. Hanggang sa ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
Hindi ako nakakilos sa puwesto ko. I don’t know what to do. Pakiramdam ko, lalabas na ata sa ribcage ko ang puso ko sa sobrang pagkabog nito. And I’m sure naririnig na ata iyon ni Hideo.
“Why can’t I come closer to you, baby?”
Oh damn it! I could smell his warm breath. Ang bango.
I don’t know what to say to him. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang bigla ko atang nalunok ang dila ko. Basta nakatitig na lamang ako sa mga mata niyang parang nang-aakit at nanghihipnotismo sa akin.
“Mas lalo kang gumanda ngayon, baby.” Pabulong na saad niya.
Ano raw? Hindi ko narinig nang maayos. Mas nangingibabaw kasi ang lakas nang pintig ng puso ko.
Mayamaya ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa baba ko. Masuyo niyang pinisil iyon, pagkatapos ay hinaplos niya rin ang pisngi ko habang hindi pa rin napuputol ang titigan namin sa isa’t isa.
Sinuyod niya ng tingin ang buong mukha ko. And I can’t do nothing but stared at him intently. God I missed him so much.
“Can I kiss you again, baby?”
“H-huh?” tanong ko sa kaniya.
Oh holy lordy! Pakiramdam ko nawawala na ako sa katinuan ko kaya hindi na ako makapag-isip ngayon nang maayos. It was as if I was under his spell at walang ibang gagawin kun’di ang sundin at gawin ang mga sasabihin niya sa akin ngayon.
Unti-unti pang bumaba ang mukha niya palapit sa akin. Hanggang sa kusang pumikit ang mga mata ko at naghintay na lamang na muling maglapat ang mga labi namin. Oh jeez! What is happening to me? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa ’yo Hideo?
Ilang segundo na akong nakapikit, pero hindi ko pa naman nararamdaman sa mga labi ko ang mga labi niya.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. And I saw him already standing in front of me with a wide and goofy smile on his lips. Pakiramdam ko bigla akong nilamon ng kahihiyan. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko.
Oh damn Ysolde! Gaga ka talaga! At ano ang inaasahan mo, hahalikan ka niya ulit?
Malinga-lingang sabunutan ko ang sarili ko nang magbaba ako ng mukha upang itago sa kaniya ang pulang-pula kong mukha. Damn! Pinaglalaruan talaga ako ng lalaking ito.
“Do you want me to kiss you, baby?”
Dinig kong tanong niya sa akin.
“Please Hideo! Kung nandito ka lang para paglaruan ako... you can leave.” Mariing saad ko at hindi ko na nagawang mag-angat ng mukha para muli siyang tingnan.
“May pag-uusapan pa tayo.” Aniya at muling umikot sa mesa ko at umupo na sa visitor’s chair. Parang bale-wala lang sa kaniya ang ginawa niyang paglalaro sa feelings ko ngayon.
Damn him!
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere ’tsaka muling sinalubong ang mga titig niya sa akin. Seryoso na ang mukha niya sa mga sandaling ito. As if may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya naman magawa-gawa.
He let out a deep sigh.