“GIVE me a second.” Saad ko nang makabawi na ako mula sa pagkagulat ko dahil sa kaniya. Dahil sa mga nangyari minutes ago. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya, ngunit ang kabog ng dibdib ko ay mas lalo pang lumalakas habang tumatagal.
Dali-dali akong tumalikod sa kaniya at naglakad palapit sa pinto. Pero bago pa ako makalabas doon ay muli akong napalingon sa kaniya, he was still looking at me. Muli akong tumalikod at binuksan ang pinto at lumabas ako sa conference room.
Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nagparoo’t parito ako nang lakad sa labas.
What the?! Hideo is Mr. Del Campo? Akala ko ba matanda na ang may-ari ng Del Campo company? At ano ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon? Why all of the sudden he wanted to talk to me? Tungkol ba sa kumpanya, or may kailangan pa siyang iba?
Habang sari-saring emosyon at katanungan ang naglalaro ngayon sa isipan ko, bigla akong napahinto sa paglalakad ko nang sumagi sa isipan ko ang mga documents na nabasa ko kanina about Del Campo company.
Wala sa sariling napatutop ako sa bibig ko.
“Oh my God! Hindi kaya, he wants to take over the Latorre Vino? Kasi, ang Del Campo company na ang may mas malaking shares of stock dito sa company ni papa.” Sunod-sunod agad akong napailing dahil sa ideyang iyon na pumasok sa isipan ko. “No! Hindi ako papayag! Hindi puwede kung iyon man ang gusto niyang mangyari.” Muli akong naglakad palapit sa pinto ng conference room, pero bago ako pumasok doon ulit, isang malalim na paghinga ang muli kong pinakawalan sa ere para lang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko maging ang malakas na pagtahip ng puso ko.
Nang buksan ko na ang pinto, muli ko siyang nakita na nakaupo na sa gilid ng mahabang mesa. Nakapamulsa pa siya habang nakayuko. Pero nang marinig niya ang pagtikhim ko ulit, nag-angat siya ng mukha.
Oh my holy lordy! Bakit ang guwapo niya? I mean, mas lalo siyang guwapo ngayon sa paningin ko. Lalo na sa hitsura niya ngayon. I think tama ang narinig kong sinabi ng mga empleyado ko kanina. Para nga talaga siyang hari na bumaba sa trono niya. He’s so goddamn hot and at the same time he’s so sexy.
“So, can we start our meeting?” tanong niya.
Napakurap-kurap naman ako para bumalik ako nang husto sa sarili ko. Kahit nangangatog pa rin ang mga tuhod ko, nagtaas ako ng noo at naglakad na palapit sa mesa. Umikot ako sa kabilang ibayo, ayokong magkalapit kami.
“Ano ang pag-uusapan natin?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Well,” umalis siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa. Inayos niya ulit ang kaniyang coat na suot ’tsaka muling bumalik sa puwesto niya kanina. “We need to talk about the shares of Del Campo company here in Latorre Vino.”
Yeah right! I knew it. Ito nga talaga ang pakay niya. But hell, hindi talaga ako papayag sa kung anuman ang mga gusto niyang mangyari na pag-uusapan namin ngayon. Si papa ang nagtayo ng kumpanyang ito kaya walang may ibang puwedeng kumuha nito sa ’kin.
“I guess, awear ka na siguro about sa shares ng Del Campo company rito sa Latorre Vino, since isang taon ka ng acting CEO ng kumpanyang ito.”
“Yeah. And I reviewed again the files of Del Campo company. And I found out earlier, na kaya mas malaki na ang shares ng kumpanya mo rito sa Latorre Vino, it’s because you bought the shares of three investors na nag-back out dito sa company dahil sa akala nilang nalulugi na ito dahil sa kasalanan at pagnanakaw ni Zakh dati.” Saad ko sa kaniya habang seryoso ang mukha kong nakatitig sa kaniya. God knows kung gaano ko kagustong mag-iwas sa kaniya ng tingin dahil pakiramdam ko nahihipnotismo lang ako sa mga titig niya, pakiramdam ko nanghihina na naman ang mga tuhod at kalamnan ko kahit nakaupo naman na ako. Pero ayokong magpatalo sa kaniya. Instead, I raise my left eyebrow and I let out a deep sigh.
Ngumiti naman siya sa ’kin.
Nagpapa-cute ba siya at kanina pa siya panay ang ngiti sa akin? Nagpapa-impress siya I knew.
“Then good to hear that,” aniya. “And I’m sure alam mo na rin ang rules ng kumpanya. Whoever holds larger shares in the company is the one who will sit as CEO.” Saad pa niya sa akin.
I know that damn rule!
“So now, I came here and I talked to you privately para kapag nag-set ako ng meeting with other board members ay hindi ka na magugulat sa mga mangyayari. Sa mga sasabihin ko.”
Mas lalong tumalim ang titig ko sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. Walang-hiya ang Hideo na ito! Argh, gusto ko siyang singhalan. Biglang nagpuyos ang galit ko para sa kaniya. How dare him? Siguro plano niya talaga ito dati pa dahil sa may malaking utang sa kaniya si papa? Para makuha niya ang Latorre Vino!
“Pero hindi mo puwedeng kunin sa akin ang puwesto ko bilang CEO rito sa LV hanggat hindi pa pinagbobotohan ng board members. Hindi lang ikaw ang magdi-desisyon kung ano ang gusto mo, Hideo.” Mariing saad ko sa kaniya.
Tumawa naman siya ng pagak na lalo kong ikinainis sa kaniya. Halos mag-isang linya ang mga kilay ko habang matalim pa rin ang titig ko sa kaniya.
“I’m sure hindi mo gugustohing mapahiya sa harap ng board members kapag nagdesisyon na sila na ako na ang uupo bilang CEO ng Latorre Vino.” Aniya. “And besides, dapat nga wala ng shares dito si Bernard dahil milyones din ang utang niya sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran. Iyon ang usapan namin no’ng araw na nanghiram siya sa akin ng pera para ipang-bayad sa utang niya sa casino. But, dahil asawa naman kita... I’ll give you a chance—”
“How dare you, Hideo?”
“Oh, careful with your words baby.”
Dahil sa galit ko sa kaniya, napatayo ako sa puwesto ko. “You can’t do this to me.”
“Why not?”
Hindi naman ako nakasagot sa tanong niya. Bakit nga naman hindi Ysolde?
Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya, wala akong ibang nagawa kun’di ang titigan na lamang siya nang matalim habang nagpupuyos pa rin ang galit ko sa kaniya.
“I know hindi mo gustong mawala sa ’yo itong kumpanya ng papa mo, Ysolde. That’s why I prepared a proposal for you para manataling nakapangalan kay Bernard ang kumpanyang matagal na panahon niyang iningatan at inalagaan.”
Nangunot naman ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Proposal? What kind of proposal?
Sumandal siya sa swivel chair na inuupuan niya ’tsaka ngumiti ulit sa ’kin.
“W-what... what do you mean?” mayamaya ay tanong ko sa kaniya.
“I’ll let you ran this company.” Aniya.
Seryoso at mataman ang titig ko sa kaniya pagkatapos kong marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya. Mayamaya ay ngumiti rin ako sa kaniya ng mapakla. Napailing pa ako.
“I know you, Hideo.”
“Right.” Aniya at tumayo sa kaniyang puwesto. Tumayo siya sa likod ng swivel chair at ipinatong niya sa ibabaw niyon ang kaniyang mga braso. Muli niya akong tinitigan ng seryoso. “Hahayaan kitang ikaw ang magpatakbo ng kumpanyang ito. Dadagdagan ko ang shares mo para ikaw ang i-boto ng board members na maging CEO pa rin ng kumpanya. But... in one condition.”
Muling kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa klase ng titig niya sa akin ngayon. The way he stared at me right now, I know may hindi magandang mangyayari. Lalo na nang ngumisi siya sa akin.
“Be my sugar baby, Ysolde.”
Nahigit ko ang aking paghinga pagkuwa’y biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Nahihibang na ba ang lalaking ito? Nababaliw na ata siya!
“Are you crazy, Hideo?” iyon lang ang nanulas sa bibig ko. God!
“That’s my only proposal for you baby. Kung ayaw mo naman... madali naman akong kausap. Kung hindi mo tatanggapin ang business proposal ko sa ’yo ngayon... then I’ll set a meeting tomorrow with the board members. And maybe today is your last day here in Latorre Vino, dahil maniningil ako sa utang ng papa mo.”
“Damn you, Hideo!”
Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa galit ko sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan at pagsasampalin dahil sa mga sinabi niya sa akin ngayon. Dahil sa pamba-blackmail niya sa ’kin ngayon. But I can’t do that. Lalo pa at mas nanghina ang mga tuhod ko. Wala sa sariling napaupo ako sa puwesto ko habang matalim pa rin ang titig sa kaniya kahit nag-ulap na rin ang mga mata ko.
“How dare you? Mas malaki ang utang mo sa ’kin dahil sa ginawa mo sa papa ko! And now... ang lakas ng loob mong kunin sa akin ang kumpanyang pinaghirapan niya?” hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nag-uunahan iyong tumulo sa pisngi ko.
“I told you already Ysolde, kung ipapakulong mo ako dahil sa kasalanan ko sa ’yo... dahil sa nagawa ko sa papa mo. Then do it.”
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. God! Bakit pakiramdam ko pinaparusahan mo ako ngayon? Wala na si mama, wala na si papa, nawala sa akin si Hideo dahil sa pagkawala ni papa. Tapos ngayon, itong nag-iisang negosyo na pinaghirapan ni papa... mawawala rin sa akin? Why me? Why now?
“Alright, I’ll give you one week to think about my proposal, Ysolde.” Mayamaya ay saad niya. “One week.”
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Dinig ko pang nagpakawala siya nang malalim na buntong-himinga.
“One week Ysolde.” Saad pa niyang muli bago siya tumalikod at naglakad palabas ng conference room. Naiwan akong mag-isa rito.
Nang tuluyang sumarado ang pinto, ’tsaka lamang nalaglag ang mga balikat ko at napahawak ako sa gilid ng mesa.
Napakawalang-hiya talaga niya! Ang lakas ng loob niyang i-blackmail ako samantala kung tutuusin siya ang may mas malaking kasalanan sa akin. Pero hindi ko naman kaya na ipakulong siya. I can’t do that.
“ARE YOU OKAY?”
Bigla akong napatingin kay Jule nang pumasok siya sa office ko.
Kanina pa ako nakabalik dito mula sa conference room. Kanina pa rin natapos ang pag-uusap namin ni Hideo, pero hanggang ngayon ang mga sinabi niya pa rin ang paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan ko.
Bumuntong-hininga ako nang malalim at isinarado ko ang laptop kong hindi ko naman nagalaw simula kanina dahil ayaw pa ring gumana ng utak ko para magtrabaho.
“Um, yeah!” tipid akong ngumiti sa kaniya.
“Are you sure?”
Tumango naman ako.
“So, nagkausap na ba kayo ni Mr. Del Campo?” tanong pa niya.
“Um, y-yeah. Nagkausap na kami kanina sa conference room.”
“Ano ang napag-usapan ninyo?”
“Mr. Del Campo is...” sasabihin ko ba sa kaniya na ang Mr. Del Campo na iyon at si Hideo ay iisa lang? Muli akong nagbuntong-hininga. “...he’s Hideo.” Sa huli ay saad ko na rin.
Nangunot saglit ang noo niya pagkatapos ay nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano? S-siya si Hideo?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yeah Jule. Antonio Hideo Del Campo Colombo.” Sabi ko. “I was shocked earlier nang makita ko siya roon. I never thought na siya pala si Mr. Del Campo. Ang pagkakaalam ko kasi, matanda na ang may-ari ng Del Campo company.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
”Oh my God!” napatutop pa siya sa bibig niya. “Ano... ano ang pinag-usapan ninyo?”
“Well, about the company,” saad ko. Hindi ko na sasabihin sa kaniya ang tungkol sa proposal ni Hideo sa akin. Ayokong pati iyon ay malalaman pa nila. Sasarilinin ko na lamang iyon.
“God! Hindi ko rin ini-expect na kasama mo pala siya sa kumpanyang ito.”
Mayamaya ay naputol ang pag-uusap namin ni Jule nang may kumatok sa pinto ng office ko at bumukas iyon.
“Delivery po ma’am Ysolde!” nakangiting mukha ni Arn ang bumungad sa amin ni Jule.
“Come in, Arn!” saad ko.
“Para po sa inyo.” Anito at inilapag sa mesa ko ang pink box na dala niya.
“What is this?” tanong ko at binuksan na rin agad ang box. Tumambad sa akin ang brown cockies na kagaya sa unang ipinadala sa akin ng boss ni Arn.
“Pampawala raw po ng lungkot ninyo ma’am Ysolde.”
Kunot ang noo na napatingin naman ako kay Arn.
“How did he knows na malungkot ako ngayon?” tanong ko.
“Instinct po ma’am.”
“Dami mong alam, Arnulfo!” napaismid bigla si Jule. “Pareho lang kayo ng boss mong walang mukha.” Tila naiinis na saad niya ’tsaka mabilis na kumuha ng cockies.
“Thank you Arn. And, pakisabi sa boss mo... thank you sa cockies.” Nakangiti pa ako.
“Sige po ma’am... aalis na po ako. May trabaho pa po kasi ako e.”
Tumango naman ako.
Pagkaalis ni Arn, pinagsaluhan namin ni Jule ang cockies na ibinigay ni poncio pilato. Marami naman ito at hindi ko mauubos kaya hinayaan ko na si Jule na tulungan akong kainin ito. I love cockies. At isa ito sa nagpapagaan ng pakiramdam ko simula pa man, kapag malungkot ako o hindi kaya ay wala ako sa mood.
Salamat naman sa boss ni Arn at nagpadala siya nito ngayon!