CHAPTER 6

2375 Words
“YOU KNOW WHAT? I’m still wondering who might your secret admirer is sissy!” saad ni Shiloh when we got back to my office. I just frowned. Paano naman kasi, simula kanina habang kumakain kami ng lunch iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Naiirita na ako. Unang-una, hindi naman kasi ako interesado tungkol sa bagay na iyon. Hindi ako interesadong malaman kung sino ang taong nagpapadala ng mga bulaklak na ’yon sa ’kin simula kagabi. Pero itong dalawang ito naman, mas atat pa kaysa sa akin na malaman kung sino ang poncio pilatong iyon. “Iniisip ko rin bes kung sino ang secret admirer na ’yon,” segunda naman ni Jule at ngumiti pa sa ’kin nang makaupo siya sa isang visitor’s chair. “At excited akong makilala siya. Sana naman, sa susunod na magpadala siya ng bulaklak or anything, sana may pangalan ng kasama.” “At talagang umaasa ka pa na magpapadala pa rin ng mga basura ang—kung sino man siya?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kaniya. “Of course naman sissy umaasa pa rin kami ni Jule.” Sagot ni Shiloh. “And FYI, those flowers are not a trash. Ang gaganda ng bulaklak e. And you love tulips remember?” “That’s what I told her earlier.” Ani Jule. “Sayang naman. Why don’t you just accept it na lang sissy? Kung hindi mo kasi alam... ang mga secret admirer mas lalong ginaganahan na mag effort sa palihim na panliligaw kapag ganitong suplada at masungit ang babae.” Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin ako kay Shiloh nang makaupo na ako sa swivel chair ko. Ano raw? Ganoon ba ’yon? So, dahil sa ginawa ko kanina... asahan ko ng mauulit uli ’yon? Oh God! Huwag na sana. Ayoko ng ganoon. Ito nga’t ako na ang usap-usapan sa buong building dahil sa mga bulaklak na iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos tanggalin diyan sa labas ng office ko. “That’s true!” saad naman ni Jule. “Hey!” Magkasalubong pa rin ang mga kilay ko nang mapatingin ako sa bumukas na pinto ng office ko. Naroon si Kuya Sky at kasama niya si Kuya Cloud. “What is happening outside?” nagtatakang tanong ni Kuya Sky. Lumapit naman sa ’kin si Kuya Cloud at hinalikan ako sa ulo ko, while si Kuya Sky naman ay tumayo sa gilid ni Jule. “Ba’t ang daming bulaklak?” tanong pa niya. “Akala ko, wine ang business mo? Magpapatayo ka na rin ba ng flower shop kapatid ko?” nakangiti at pabirong tanong naman ni Kuya Cloud. “Well, your little sister has a secret admirer na.” Nakangiti at mabilis na saad ni Shiloh sa mga kuya ko. “What? Sino?” tanong ulit ni Kuya Ulap na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay. Napatingin sa kaniya ang apat. “Alam mo ikaw Guilherme... guwapo ka naman e, minsan nga lang ang slow mo.” Nakairap namang saad ni Jule. Lihim naman akong napangiti pati si Shiloh dahil sa mga sinabi ni Jule. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Kuya Ulap at masamang tingin ang ipinukol kay Jule. “Kaya nga secret kasi hindi alam kung sino. Sikreto. Walang may nakakaalam.” Saad pa ni Jule sa kuya ko. “I’m just asking, Jule. Ano’ng malay ko, kunwari lang sikreto pero ang totoo ay alam mo pala.” Umismid din ito. Hay! Itong dalawa talaga ang madalas ding magkasagutan e. Pareho pa namang ayaw paawat... madalas. “Tss!” “Ang sungit mo.” “Ang slow mo.” “Guwapo naman!” Tingnan mo nga! Parang hindi lalaki, ayaw paawat talaga. “Abg sungit mo sa ’kin Jule! Remember, hindi pa kayo kasal ng kakambal ko kaya may karapatan pa rin akong tumutol sa relasyon ninyo—” “Hey shut up!” Saad naman ni Kuya Sky at mabilis na dinampot ang lalagyan ko ng ballpen at ibinato iyon kay Kuya Ulap. Dahil hindi handa sa pangyayaring iyon, tumama iyon sa dibdib ni Kuya Ulap. “Bakit lagi mo na lang pinapainit ang ulo ng mahal ko?” inis na tanong ni Kuya Sky. “Lagi naman talagang mainit ang ulo niyang si Jule. Siguro may crush ’yan sa ’kin kaya—” “For your information Guilherme, hinding-hindi ako magkakagusto sa mukhang ’yan—” “Opps! You already fell in love with my brother. Magkamukha kami, remember?” “Tama na nga ’yan. Para naman kayong mga bata.” Awat ko sa kanilang dalawa. I’m sure na hindi agad matatapos itong sagutan nilang dalawa. Mga pasaway talaga. “Bakit pala napunta kayo rito kuya?” pag-iiba ko ng tanong. “Well, ang sabi kasi ni Jule hindi ka raw sasama sa vacation!” sabi ni Kuya Sky. “What sissy? Hindi ka sasama? Why?” I let out a deep sigh and leaned in my chair. “Marami kasi akong gagawin. Marami akong—” “It’s a short vacation sissy. Dapat sumama ka. And besides, never ka pang nag-vacation simula nang magtrabaho ka rito.” “I agree!” mabilis na saad ni Jule. “Sumama ka na kapatid. Ikaw lang ang maiiwan dito.” “Oo nga! Sige na sissy. Para naman mas lalong enjoy ang vacation natin.” Tiningnan ko silang apat. Seryoso lang na nakatingin sa kaniya ang dalawa kong kuya, while nagpapa-cute naman sa akin ang dalawa kong kaibigan. I know hindi ako titigilan ng mga ito. Kaya sa huli, wala na rin akong nagawa. “Alright!” “Sasama rin naman pala.” Saad ni Jule na nakangiti pa sa ’kin ng malapad. “Okay. I’m sure this vacation will going to be fun.” Shiloh. Pagkatapos ng pag-uusap namin tungkol sa vacation na ’yon ay lumabas na rin sa office ko si Jule, Kuya Sky at si Shiloh. Si Kuya Ulap naman ay nagpaiwan dahil nagpatulong ako sa kaniya na ayusin ang desktop ko. May mga documents din akong pina-discuss sa kaniya para maintindihan ko. “MA’AM YSOLDE!” “Yes?” hindi ako nag-abalang mag-angat ng mukha para tingnan si Maya nang pumasok siya sa office ko. Nakatuon pa rin sa monitor ng laptop ko ang paningin ko. Saglit kong tinapos ang ginagawa kong trabaho bago ako nag-angat ng mukha at tiningnan siya. “What is it Maya?” “Tumawag po ang secretary ng Del Campo Incorporation ma’am Ysolde. Nagpapa-set daw po ng meeting ang boss nila dahil may importante raw pong pag-uusapan about the stock.” Del Campo Incorporation? Ah, isa ang company na iyon sa may hawak na malaking stock dito sa company ni papa. Sa isang taon kong pagtatrabaho rito sa Latorre Vino, hindi ko pa naman nakakausap ang may-ari ng Del Campo Company. Pero ang sabi naman ng mga empleyado rito ni papa, mabait naman daw si Mrs. Del Campo, ang CEO ng kompanyang iyon. “I-a-accept ko po ba tomorrow ma’am?” tanong pa ni Maya. “Um, wait and I’ll check my schedule for tomorrow.” Kaagad ko namang tiningnan ang cellphone ko. Nang makita kong puno ang schedule ko bukas, I sigh. “I don’t have available time tomorrow Maya. Baka puwede mong sabihin sa kaniya na next week na lang after my short vacation.” “Okay po ma’am. In form ko na lang po sila.” Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. “Thank you Maya!” “Um, wala po pala si Jule, ma’am Ysolde... baka po may kailangan kayong ipag-utos tawagin n’yo na lang po ako sa labas.” “Yeah! Thank you again Maya!” sabi ko ’tsaka muling ipinagpatuloy ang ginagawa kong trabaho. MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hideo sa ere habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at nakatanaw siya sa veranda ng kuwarto ni Ysolde. Kanina pa siyang naroon kaya alam niyang hindi pa nakakauwi ng bahay ang mahal niyang asawa. Sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang tauhan na ipinabalik ni Ysolde lahat ng bulaklak na ipina-deliver niya sa opisina nito. At ayon pa sa kaniyang tauhan, sinabi raw ng kaniyang asawa, kung mayroon daw siyang gustong mangyari kaya nagpapadala siya ng mga ganoon sa opisina nito... puntahan daw niya ito para sila ang magkausap. And that’s what he did tonight. Pinuntahan nga niya ito, pero hindi para magkausap sila. Of course, hindi pa tamang oras para muli siyang magpakita sa kaniyang asawa. Kailangan niya muna itong unti-untiin. Dahil kapag binigla niya ito, hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Ysolde kapag nalaman nitong buhay pa pala siya. Nang maupos at maitapon niya sa semento ang sigarilyo niya, naglakad siya palapit sa mataas na pader at kagaya sa lagi na niyang ginagawa sa tuwing pumupuslit siyang pumasok sa garahe ng bahay ng mga Latorre, maging sa pag-akyat niya sa kuwarto ng kaniyang asawa... walang kahirap-hirap na nakasampa siya sa mataas na bakod at naglakad sa ibabaw niyon papunta sa veranda ng kuwarto ni Ysolde. Maingat siyang pumasok doon. Nang mabuksan niya ang sliding door, kaagad na sumalubong sa kaniya ang pabangong ginagamit ng kaniyang asawa. Hindi niya tuloy napigilan ang mapapikit nang mariin at nilanghap ang amoy na iyon. Napangiti pa siya ’tsaka muling nagmulat ng mata at pumasok sa silid. Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid. Nang makalapit siya sa bedside table, binuksan niya ang isang lampshade na naroon pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama. Masuyong pinasadahan ng palad niya ang malambot na kama hanggang sa mahawakan niya ang unan na ginagamit ni Ysolde. Kinuha niya iyon at dinala sa tapat ng kaniyang mukha. Inamoy niya iyon. Oh God! Nagmumukha na siyang obsessed dahil sa kaniyang ginagawa ngayon. But he didn’t care. Sadyang labis lamang siyang nangulila sa kaniyang asawa dahil sa isang taong hindi nila pagkikita. Habang wala pa siyang lakas ng loob na muling magpakita rito, sigurado siyang iyon at iyon lang ang gagawin niya para kahit papaano ay maibsan ang lungkot at pagkamiss niya rito. Matapos niyang amoyin ang unan, niyakap niya iyon nang mahigpit na para bang ang kaniyang asawa ang kaniyang niyayakap habang nalalanghap niya ang amoy nito. “God! I missed you so bad, baby!” sambit niya. Nasa ganoong ayos siya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas ng kuwarto. Wala sa sariling napalingon siya sa may pinto nang marinig niya ang boses ni Ysolde. “Sabay na tayong kumain, Jule.” “Sige.” Nang makita niyang gumalaw ang doorknob... mabilis niyang ibinalik sa kama ang unan at pinatay niya ang lampshade. Pagkatapos ay nagmamadali siyang napatakbo papunta sa banyo. Wala na siyang choice kun’di roon magtago. Dahil kung tatakbo pa siya papunta sa veranda, panigurado siyang mahuhuli siya ng kaniyang asawa. Sa likod ng pinto siya nagtago nang makapasok siya sa banyo ng kaniyang asawa. Ilang minuto siyang nanatili roong tahimik habang pinapakiramdaman niya si Ysolde sa loob ng kuwarto nito. Hindi niya alam kung lagpas sampong minuto na ba ang pananatili niya roon bago siya nakarinig ng mga yabag na papalapit na sa pinto ng banyo. Oh damn it! Kapag pumasok sa banyong iyon ang kaniyang asawa, panigurado siyang makikita na siya ni Ysolde. Ano na ang kaniyang gagawin kapag nangyari iyon? Napatingin siya sa doorknob nang gumalaw iyon at bumukas ang pinto. Halos pigil pa ang kaniyang paghinga habang nagsusumiksik siya sa gilid ng pinto at pader. Nang muli iyong sumirado, nakita niya ang kaniyang asawa na tinanggal ang suot na robe. Nanlalake ang mga mata at halos mapasinghap pa siya nang makita niya ang katawan nito na tanging underwear na lang ang suot. Oh damn it! Isang pagkakamali ata na roon siya nagtago sa banyong iyon. Parang may tinig siyang naririnig sa kaniyang isipan na nagsasabing lapitan niya ang kaniyang asawa at yakapin ito, hagkan ito at muling angkinin. Ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon. Fuck! Pagmumura ng kaniyang isipan nang makita niyang hinubad ni Ysolde ang suot nitong bra at isinunod naman ang panty. Wala sa sariling napalunok na lamang siya ng kaniyang laway nang tuluyan ng tumambad sa paningin niya ang hubad nitong katawan. Napasunod pa ang kaniyang paningin kung saan itinapon ni Ysolde ang mga saplot nito. Damn it! Bakit pakiramdam niya mas lalong gumanda ngayon ang katawan ng kaniyang asawa? He knew Ysolde was sexy and had a perfect curve, but damn... mukhang dinaig pa ata nito ang isang dyosa dahil sa kaniyang nakikita na hubad nitong katawan. Likuran lamang ang kaniyang nakikita ngayon, pero labis na reaksyon na ang nararamdaman ng kaniyang katawan. Gustong-gusto na talaga niya itong lapitan at hawakan, hagkan at muling damhin ang mainit nitong katawan at mga labi na ilang buwan na niyang namimiss, ngunit hindi niya kayang gawin iyon ngayon. Hindi pa niya kayang magpakita rito ng tuluyan. Pagkakasiyahin na muna niya ang kaniyang sarili na pagmasdan ito mula sa malayo. But he made promise to himself, oras na makabalik na siya sa piling ng kaniyang asawa, hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Hindi na siya papayagan na magkahiwalay silang muli. Naglakad si Ysolde papunta sa bathtub nito at doon ay nagbabad. “Mmm! Mmm! Mmm!” Dinig niyang nag-hum ang kaniyang asawa. Kaya naman pala hindi siya nito naramdaman na nasa likod siya ng pintuan, iyon ay dahil busy ito sa pakikinig ng music habang maysuot na wireless earphone. Napangiti na lamang siya at naglakad palapit sa uluhan nito. Mabuti na lamang at hindi nakaharap sa pinto ng banyo ang bathtub nito kaya hindi siya nito makikita kung sakaling magmulat ito ng mga mata. “I love you, wife! And I missed you so much.” Bulong niya habang nakatingin siya sa kaniyang asawa. Mayamaya ay binuksan na niya ang pinto. Pero bago pa siya makalabas doon, nahagip ng kaniyang paningin ang panty ng kaniyang asawa habang nakakalat iyon sa sahig. Muli siyang napalingon sa bathtub, pagkuwa’y biglang sumilay ang malapad at nakakalokong ngiti sa mga labi niya at yumuko upang damputin iyon. Muli niyang nilingon ang kaniyang asawa. “Pampawala ng pagkamiss ko sa ’yo misis ko.” Aniya at ikinuyom niya ang kaniyang kamay habang hawak-hawak ang panty na iyon ’tsaka siya tuluyang lumabas ng banyo at tinungo ang veranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD