“JESUS!” gulat na sambit ko at napahawak pa sa tapat ng dibdib ko nang pagkapasok ko sa pantry room ay naroon din pala si Hideo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang may hawak na bottled water at nakapamulsa pa ang isang kamay, habang ang isang paa naman niya ay nakatukod sa pader.
Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya pagkatapos kong magpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“You startled me!” inis na saad ko pa sa kaniya.
“Magugulatin ka pala!” aniya at ngumiti pa.
Umirap lang ako sa kaniya ’tsaka naglakad palapit sa lalagyan ng mga snacks at coffee. Nagpunta ako sa pantry room kasi gusto kong magtimpla ng kape. Hindi kasi ako mapakali kanina pa dahil sa problema ko. Dahil hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung saan ako hahanap ng lalaking magpapanggap na manliligaw ko para ipakilala kay Hideo. Paano naman kasi, hindi ko napilit si Arn kanina na sabihin sa akin kung sino ang boss niya at hindi niya rin ibinigay sa akin ang contact number nito. Nakakainis naman!
God! Mas lalo akong na-stress. Nagsisisi talaga ako kung bakit iyon pa ang sinabi ko sa kaniya kanina!
“Matagal ka na bang nililigawan ng suitor mo?”
He asked. Mula rin sa gilid ng mata ko, nakita kong humakbang siya palapit sa akin.
“And why are you asking?” balik na tanong ko habang nakatuon ang atensyon ko sa pagtimpla ng kape ko.
“Well, gusto ko lang malaman kung ganoon lang ba kadali para sa ’yo na pinalitan mo ako riyan sa puso mo. I mean, you love me Ysolde.”
Bigla akong natigilan sa ginagawa ko ’tsaka nag-angat ng mukha at tiningnan siya. Seryoso na naman ang mukha niya ngayon habang nakatitig sa ’kin. And there, my heart starts pounding again. At habang tumatagal na magkahinang ang mga mata namin ay mas lalo lamang iyon lumalakas nang lumalakas.
Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya mayamaya. Muli akong tumungo at hinalo-halo ang kape ko.
God knows how much I still love him. Kahit kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. I do still love him. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi niya sa akin dati... that he love me too. Pero hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal niyang iyon hanggat nandito pa rin sa puso ko ang sakit dahil sa ginawa niya sa papa ko.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere at muling nag-angat ng mukha upang tingnan siya.
“Hindi naman mahirap mag-move on Hideo. Lalo na kung ganoong sakit at sugat ang ginawa mo sa puso ko dahil sa pagkawala ni papa.” Seryosong saad ko sa kaniya. Oh God, I’m such a liar! Bakit kailangan ko pang magsinungaling sa kaniya tungkol sa totoo kong nararamdaman para sa kaniya? Para ano? Para gumanti dahil sa kasalanan niya sa akin?
Nagpakawala rin siya nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y tumango-tango. “I understand you.” Aniya at bumaba ang tingin niya sa kamay ko.
Nang tumungo rin ako at nakita ko kung ano ang tinitingnan niya sa kamay ko... mabilis kong tinakpan ang daliri ko kung saan nakasuot pa rin ang wedding ring ko na bigay niya sa akin nang gabing ikinasal kami sa loob lang ng opisina niya sa isla. Dahil sa pagkapahiya ko, muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Mayamaya lang ay may nag-ring na cellphone. Mabilis naman siyang kumilos at dinukot sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.
“Oh, by the way... can you please make me some coffee.” Sabi niya ’tsaka sinagot ang tawag sa kaniya at naglakad na palabas ng pantry room.
Napakunot noo na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang seryosong emosyon na nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng inis dahil sa utos niya sa ’kin. Seriously? Ako ang boss dito pero ang damuhong ’yon ako pa ang inutusan niyang magtimpla ng kape niya!
Wala sa sariling napabuga ulit ako nang napakalalim na paghinga. “Argh! Buwesit na Hideo! Nakakainis!” saad ko pa at muling hinalo ang kape ko. Halos mabasag pa ang mug ko dahil sa inis ko.
“Ma’am Ysolde, okay lang po ba kayo?”
Bigla akong napalingon sa pinto ng pantry nang marinig ko ang boses ni Maya.
“Oh Maya, nandiyan ka pala! Pakitimpla mo nga ng kape si Mr. Colombo.” Sa kaniya ko inutos iyon.
“Okay po ma’am.” Anito.
“Thank you!” at lumabas na rin ako para bumalik sa office ko.
Pero hindi pa man nag-iinit ang puwet ko mula sa pagkakaupo sa swivel chair ko, bigla kong narinig ang boses ni Hideo sa entercom na nasa gilid ng mesa ko.
“In my office Ms. Latorre.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa entercom, pagkatapos ay napatingin din ako sa office niya. He was looking at me.
“In my office, Mrs. Colombo.” Ulit pa niya.
Paano nagkaroon ng connection ang entercom ko sa entercom niya?
“I said in my office.”
Kahit naiinis ako at ayokong tumayo sa puwesto ko, pero sa huli ay wala rin akong nagawa. Lumabas ako sa office ko at pumasok sa kabila.
Nakabusangot pa akong lumapit sa mesa niya. Prenteng nakasandal naman siya sa kaniyang swivel chair habang seryosong nakatingin sa kaniya.
“What?” naiinis na tanong ko sa kaniya.
“I don’t like the coffee.”
Muling nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin sa tasa ng kape na nasa mesa niya.
“So?” tanong ko. “Si Maya naman ang nagtimpla niyan.”
“Exactly. Ayoko ng timpla ni Maya. I like your coffee you know that baby. So, make some coffee for me.”
Lumipad sa ere ang isang kilay ko at pinagkrus ko sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko. “Are you kidding me Mr. Colombo? I’m your boss, so bakit ako ang inuutusan mong magtimpla ng kape mo?” mataray na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin. “Oh,” aniya at pinaikot ang kaniyang swivel chair upang humarap siya lalo sa akin. Pinagsakilop niya ang kaniyang mga palad na nasa tapat ng kaniyang dibdib habang nakapatong naman sa armchair ang mga siko niya. “As far as I can remember Ms. Latorre, the last time I checked my shares of stock here in Latorre Vino, it’s still not diminishing. I still hold bigger shares than you. So that means, I’m your boss... hanggat hindi mo tinatanggap ang business proposal ko sa ’yo.”
Sagit kong nahigit ang paghinga ko upang pakalmahin ang sarili ko dahil sa mga sinabi niya sa ’kin. God! Kung nakakamatay lang ang matalim na titig, I’m sure kanina pa nakahandusay sa sahig ang nakakainis na Hideo na ito! Sinasagad na talaga niya ang inis ko.
“So, what do you want baby? Ipagtitimpla mo ako ng kape, because I’m still your boss? Or we will talk about my business proposal to you?” tanong pa niya. “I’m still waiting for your answer though.” Dagdag na saad pa niya.
I smirked at him nang makabawi na ako. “And you really hope that I will accept your business proposal huh?” tanong ko sa kaniya.
“Why not?” aniya. “I mean I know hindi mo tatanggihan ang proposal ko sa ’yo Ysolde. Alam kong hindi mo hahayaan na mawala sa ’yo itong kumpanya ng papa mo.”
Napatiim-bagang ako at mas lalo pang tumalim ang titig ko sa kaniya. So, he was blackmailing me? Ginamit niya ang shares niya rito sa kumpanya para makuha ang gusto niya? Para alukin akong maging sugar baby kuno niya? Oh God please help me!
“I hate you!” tanging nasambit ko sa kaniya ’tsaka nagdadabog na lumapit sa mesa niya at kinuha ang tasa ng kape niya. Alright, e ’di ipagtimpla siya ng kape kung iyon ang gusto niya!
Kitang-kita ko kung paano lumapad ang nang-aasar niyang ngiti sa akin.
“And about the dinner tomorrow night. I’m looking forward to meet your suitor.” Saad pa niya.
Inirapan ko lang siya at tumalikod na ’tsaka lumabas sa office niya.
Nako, kung hindi lang talaga ako nagpipigil sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa Hideo na ’yon! Nakakabuwesit! Ang akala ko’y pagsusungit lang ang alam niyang gawin. Pero nakaka-high blood pala siya kapag nang-inis.
Wala akong nagawa kun’di ang magtungo sa pantry para ipagtimpla siya ng kape niya. Pagkatapos ay kaagad din akong bumalik para matapos ko na ring gawin ang naantala kong trabaho.
“Nako, Ma’am Ysolde... sana po ako na ang inutusan ninyo na magtimpla ng kape. Hindi na po sana kayo nagpunta sa pantry.” Saad ni Maya nang makasalubong ko siya sa labas ng office ko.
“That’s okay Maya.” Sabi ko.
“Hindi po ba nagustohan ni Sir Hideo ang tinimpla kong kape para sa kaniya ma’am?” tanong pa nito.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Masiyado siyang maarte.” Pabulong na saad ko sa kaniya.
Napahagikhik naman ito.
Pagkapasok ko sa office ni Hideo, nagulat naman ako nang madatnan ko siyang may kasamang babae.
Lumingon pa sa akin ang babaeng nakaupo sa armchair ng swivel chair niya habang nakapulupot ang braso sa leeg niya.
She was wearing red spaghetti strap dress. Bagay na bagay sa maputi at makinis nitong balat. Sa sobrang ikse rin niyon ay kaunti na lang masisilipan na ang babaeng ito na kung makalingkis kay Hideo ay parang ahas.
Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng panibugho sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon sa hitsura nilang dalawa. Masiyado silang dikit na dikit sa isa’t isa. Parang gusto kong ibuhos sa babae itong mainit na kape na dala ko para lumayo siya kay Hideo. Kung kanina naiinis na ako sa kaniya, ngayon mas lalo akong nakadama ng inis dahil sa babaeng ito. Itong Hideo naman, mukhang enjoy na enjoy sa puwesto nito lalo pa at nasa tapat ng mukha lang niya ang malaking pakwan ng babaeng ’to.
“Oh, who is she? Your secretary babe?” maarteng tanong nito.
Secretary? Mukha ba akong secretary? Ibuhos ko kaya sa dibdib mo itong mainit na kape para lumaiit ’yang balloons mo!
Inis na inilapag ko sa mesa niya ang tasa ng kape niya at walang salitang tumalikod na para sana lumabas ng office niya. Pero ang damuho, tinawag pa ako.
“Ms. Latorre!”
Saglit akong napapikit nang mariin at humugot ng malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Pagkatapos ay pumihit ako paharap sa kanila ng babae.
“What?” hindi na maipinta ang hitsura ko lalo na nang makita kong hinalikan siya ng babae sa kaniyang pisngi. At hindi manlang siyang umayaw. Sa halip, hinawakan pa niya sa hita ang babae.
Argh buwesit! Nagseselos ako, naiinis ako. Sino ba ang babaeng ’yan? Girlfriend niya? Aba, mas madali lang pala siyang naka-move on sa akin e! Tapos sasabihin pa niya sa akin kanina na baka ganoon lang kadali para sa akin na pinalitan ko siya sa puso ko. May pasabi-sabi pa rin siya sa akin dati ng I love you tapos siya naman pala itong maghahanap agad ng iba. Argh Hideo!
We’re married.
Hindi naman tayo nag-annul ng marriage.
Naalala ko ang sinabi niya kanina.
Ngumiti siya sa ’kin. “Thank you for the coffee.” Sabi niya.
Umirap lamang ako sa kaniya pati sa babae niya... ’tsaka tumalikod na ako at lumabas ng tuluyan sa office niya.
Pagkapasok ko naman sa office ko, bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang makita kong hinalikan siya ng babae sa mga labi niya. And he did not protest. Mukhang gustong-gusto pa niya na hinalikan siya ng babaeng ’yon. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa nakita ko. Damn it!