CHAPTER 14

2239 Words
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere pagkuwa’y tinanggal ang suot kong salamin. Mayamaya ay pinaikot ko ang swivel chair ko at may kinuha akong documents na nasa ibabaw ng credenza. Binasa ko rin iyon. Oh, bakit ngayon ko lang nalaman na mas malaki na pala ang shares of stock ng Del Campo Company rito sa Latorre Vino? Ibig sabihin niyon, mas may karapatan na ang kumpanyang iyon dito sa LV kaysa sa akin? Twenty five fercent of shares ang nakapangalan kay papa, samantalang forty five percent of shares naman ang hawak ng Del Campo Company. And the rest, nakahati na iyon sa apat na investors pa ng kumpanya. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa mga problemang naiwan ni papa, lalo na ang ibang utang niya. Kung hindi pa ako nagkaroon ng appointment sa Del Campo, hindi ko pa mababasa at malalaman ang tungkol dito. Oh, marami pa nga talaga akong hindi nalalaman tungkol sa negosyong ito ni papa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Kuya Kidlat para magtanong sa kaniya about this matter, but I think he’s busy right now kasi hindi siya sumasagot sa kabilang linya. Binasa ko pa ang ibang documents na naroon. Alright, bago pala mawala si papa ay umalis na sa Latorre Vino ang tatlong investors niya at ibenenta sa Del Campo ang mga shares nito kaya mas malaki na ang shares nito kumpara sa Latorre Vino. So that means, kung sakali mang mag-take over ang Del Campo para maging CEO rito sa Latorre Vino, wala akong magagawa kasi majority ang shares na hawak niya kaysa sa akin. Oh God! I made a promise to papa na hindi ko hahayaang mapunta sa iba itong negosyo niyang pinaghirapan niya buong buhay niya. But now, nagkaroon pa ako ng malaking problema. “Ma’am Ysolde,” Nag-angat ako ng mukha nang pumasok si Maya sa office ko. “Yeah?” “Alas sinco na po ma’am... hindi pa po ba kayo uuwi?” ’Tsaka ko lang tiningnan ang wrist watch ko. And yeah it’s already five in the afternoon. Dahil sa naging busy na ako sa trabaho ko simula kanina, hindi ko na namalayan ang oras. “Nandiyan pa ba si Jule?” “Yes po ma’am. Kausap niya lang po si sir Giuseppe.” “Alright. Mag out ka na Maya kung wala ka ng gagawin.” “Okay po ma’am. Mauuna na po ako. Mag-iingat po kayo.” I smiled at her ’tsaka muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Mayamaya lang ay muling bumukas ang pinto at pumasok doon si kuya, kasama si Jule. “Hindi ka pa ba uuwi kapatid?” “I’m almost done kuya.” Sabi ko sa kaniya. “And let me guess, may date na naman ba kayo kaya mo pinuntahan dito si Jule?” nakangiting tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Hindi na ako makakasabay sa pag-uwi bes. And, baka hindi rin ako sa bahay matulog.” “Mmm!” I nodded habang nakangiti sa kaniya ng nakakaloko at nang-aasar. Well, hindi na sila bata para pagbawalan na gawin ang bagay na iyon. “I smell something fishy.” Pabirong saad ko. Sumimangot naman sa ’kin si Jule habang si kuya naman ay nakangiti sa ’kin ng malapad. “Alright. Enjoy your date love birds.” Sabi ko pa. “Bye bes.” Naglakad naman palapit sa akin si kuya. “Bye kapatid. Drive safely okay?” hinalikan niya ako sa buhok ko bago sila lumabas ni Jule sa office ko. Kalahating oras pa akong nanatili sa office ko bago ako nagpasyang tapusin ang ginagawa kong trabaho at lumabas na rin sa opisina ko. Medyo madilim na ang buong floor at wala ng tao roon kun’di ako na lang. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng elevator, hanggang sa makababa ako sa lobby. “Good evening po ma’am Ysolde,” Ngumuti naman ako sa guard na bumati sa ’kin at sinamahan ako hanggang sa makarating sa kotse kong nasa tapat na ng building. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto sa drivers seat. “Ingat po kayo ma’am.” “Thank you!” Hanggang sa makarating ako sa bahay. “Anak Ysolde, narito ka na pala.” “Manay Salve.” Nagmano ako sa kaniya nang makalapit siya sa akin. “Maghahain na ba agad ako ng pagkain mo?” “Mamaya na lang po Manay. Magpahinga na po kayo. Ako na lang po ang bababa mamaya kapag nagutom po ako.” Sabi ko sa kaniya. “Siya sige at ako’y papasok na rin sa silid ko at gusto ko ng magpahinga.” “Sige po Manay. Good night po.” Saad ko at hinalikan siya sa pisngi bago ako pumanhik sa silid ko. Dala siguro sa labis na pagod at medyo masama na naman ang pakiramdam ko, kaagad akong hinila ng antok nang pagkatapos kong maglinis ng katawan ko ay humiga ako saglit sa kama ko para sana magpahinga lang at ’tsaka ako kakain. Nagising na lang ako kinabukasan nang tumunog ng malakas ang alarm clock ko. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng bedside table ko at pinatay. Patihaya pa akong humiga sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Ilang minuto akong nasa ganoong tagpo nang magpasya na akong bumangon para maligo na at gusto ko na ring kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko. Pagkabangon ko sa kama, ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko nang makita ko ang isang bouquet of tulips na nakapatong sa single couch na naroon sa sulok ng kuwarto ko. Magkasalubong ang mga kilay na naglakad ako palapit doon at kinuha ko iyon. I was wondering kung sino ang naglagay niyon dito? Good morning sleepy head! Mas lalong nangunot ang noo ko. What? Napatingin pa ako sa sliding door ng veranda, nakabukas na iyon. Oh God! That means, may tao nga talagang nakakapasok dito sa kuwarto ko ng hindi ko namamalayan? Dahil sa isiping ’yon ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pangilabot at takot. Ano’ng malay ko kung ano ang ginagawa ng taong iyon kapag nakakapasok siya rito sa silid ko habang nahihimbing ako ng tulog? Naglakad ako papunta sa trash bin at itinapon ko roon ang bulaklak. I don’t need those flowers. Baka ano pa ang mayroon doon at ikapahamak ko pa. Kaagad din akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ko ay nagbihis na rin ako at bumaba sa kusina para mag-almusal. “Manay,” “Bakit hija?” Nasa hapag na ako at kumakain ng almusal ko. “Puwede po ba kayong tumawag ng maglalagay ng CCTV sa veranda ko?” I saw Manay’s eyebrows meet because of what I said. “Bakit mo palalagyan ng CCTV ang balkunahe mo?” tanong niya habang nagsasalin ng fresh orange juice sa baso ko. I don’t want to tell her tungkol sa nalaman ko kanina. Ayokong mag-alala pa siya sa akin. Kaya hanggat maaga pa naman at wala pang may ginagawang masama sa ’kin ang taong nakakapasok sa kuwarto ko, palalagyan ko na ng CCTV doon. “Gusto ko lang po palagyan Manay. Kasi... um, may narinig po kasi akong balita kahapon. Ang isang empleyado ko, nilooban daw sa bahay nila. I just want to make sure na hindi ’yon mangyayari dito sa atin, kaya gusto kong palagyan sa veranda.” Pagdadahilan ko na lang sa kaniya. “Okay sige. Mamaya ay tatawag ako ng gagawa niyon. Sa balkunahe lang ba ang palalagyan ko?” “Opo Manay.” “Sige at ako na ang bahala roon.” “Thank you po!” Pagkatapos kong kumain ay muli akong pumanhik sa kuwarto ko at nag-ayos na ako ng sarili ko. Dahil hindi naman dito sa bahay natulog si Jule, mag-isa lang ako ngayong papasok sa office. “Good morning po ma’am Ysolde!” Bati sa akin ng valet boy at ibinigay ko sa kaniya ang susi ng kotse ko para siya na ang mag-park niyon sa basement. “Good morning po ma’am Ysolde!” “Good morning!” nakangiti ako nang malapad habang binabati rin ang mga empleyado ko na nakakasalubong at nakakasabay ko sa lobby hanggang sa elevator. “Good morning po ma’am Ysolde.” “Morning Maya. Please paki-timpla naman ako ng kape.” “Okay po ma’am.” Pagkapasok ko sa office ko, hinubad ko ang suot kong blazer at ipinatong iyon sa ibabaw ng high-backed swivel chair ko at kaagad na binuksan ang laptop ko para i-check ang email ko. “Here’s your coffee ma’am Ysolde.” Nang makapasok sa office ko si Maya. “Thank you!” “Um, ma’am... remind ko lang po ulit kayo that ten in the morning po ang meeting ninyo with Del Campo owner.” Anito. “Alright, Maya. Thank you again.” Naging busy agad ang umaga ko. Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. Nahinto lamang ako sa ginagawa ko nang muling kumatok si Maya sa pinto at pumasok siya. “Ma’am Ysolde, nasa conference room na po si Mr. Del Campo.” Kaagad ko namang tiningnan ang suot kong wrist watch. Oh, alas dyes na nga. “Okay Maya, I’ll be there in two minutes.” Saad ko. “Okay po ma’am.” Kaagad akong tumayo sa puwesto ko at saglit na inayos ang hitsura ko. Bitbit ang mga files na kailangan ko sa meeting namin ni Mr. Del Campo ay naglakad na rin ako palabas ng office ko. “Oh my gosh bes, hindi ko akalain na ganoon pala kaguwapo si Mr. Del Campo!” “Oo nga bes. Goodness, nakita mo ba kanina kung paano siya maglakad? Para siyang hari na bumaba sa trono niya at namasyal sa palasyo niya. Sobrang guwapo. Kinikilig ako bes!” Nangunot bigla ang noo ko nang marinig ko ang usap-usapan ng mga empleyado ko tungkol sa Mr. Del Campo na iyon. Saglit akong napatitig sa kanila na halatang mga kinikilig nga. Ewan, pero bigla tuloy akong na-curious kung ano ang hitsura ni Mr. Del Campo. Well, any minute ay makikita at makakausap ko naman siya sa conference room kaya hindi ko na kailangang ma-curious sa sinasabi ng mga babaeng ito na guwapo raw siya. Ang pagkakaalam ko kasi, matanda na si Mr. Del Campo. O baka naman, kahit matanda na siya ay maayos pa rin ang postura at katawan niya kaya nagagawa pa rin nitong pakiligin ang mga babaeng ito. “Ma’am,” Napatingin ako kay Maya nang lumapit siya sa akin. “Mr. Del Campo is waiting for you in the conference room po.” “Um, yeah. Yeah!” Sabi ko na napakurap pa. Naglakad na rin ako papunta roon. Pagkapasok ko sa pintuan, kaagad na nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa high-backed swivel chair na nakatalikod sa may pintuan. Para kunin ko ang atensyon ni Mr. Del Campo, tumikhim pa ako. “I’m sorry if I kept you waiting Mr. Del Campo.” Sabi ko pa at naglakad na rin palapit sa mahabang mesa. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon ay bigla akong natigilan sa paghakbang nang umikot paharap sa akin ang swivel chair at nakita ko kung sino ang taong naroon at kasama ko sa conference room. Halos tumiklop pa ang mga tuhod ko. “You’re five minutes late.” “H-hideo?” halos mag-isang linya ang mga kilay ko habang nakatitig sa kaniya. I was shocked at hindi ko inaasahan na siya ang madadatnan ko rito. I saw him smiled at me. Oh God! My knees are weakening. Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko na parang anumang sandali ay matutumba ako sa kinatatayuan ko. “W-what... what are you doing here?” mabuti na lang at nagawa ko pang magsalita sa kabila ng pagkagulat ko ngayon. He let out a deep sigh ’tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto. Inayos pa niya ang suot niyang amerikana at naglakad palapit sa ’kin. Hindi naman ako nakakilos sa puwesto ko habang seryoso pa ring nakatitig sa kaniya. Huminto siya isang hakbang ang layo niya mula sa ’kin. Ewan ko ba, pero mas lalong nanghina ang mga tuhod ko dahil sa klase ng titig niya sa ’kin. The way he stared at me, ramdam ko hanggang sa kalamnan ko. “What... what are you doing here Hideo?” tanong ko ulit sa kaniya. “Well, I have meeting with you that’s why I’m here.” Sagot niya. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. What? Wala naman akong maalala na may meeting ako sa kaniya a! Or maybe—oh my God! “Don’t tell me... y-you are Mr. Del Campo?” tanong ko pa. Ngumiti siya ulit sa ’kin. Oh Damn it! Don’t smile at me like that, Hideo. “Let me introduce myself to you,” aniya. “I’m Antonio Hideo Del Campo Colombo.” Nahigit ko ang paghinga ko. Seriously? Nananadya ba talaga ang tadhana ngayon? After what happened in isla Ildefonso, hindi ko na ini-expect na magkikita ulit kami kahit alam ko naman napaka-impisibleng mangyari iyon, knowing him. “Nice meeting you again Mrs. Maria Ysolde Latorre Colombo.” Inilahad pa niya sa akin ang kamay niya. Sa mga sandaling binanggit niya ang pangalan ko gamit ang apelido niya, I feel my heart stop beating for a moment. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Sa guwapo niyang mukha. Sa mga labi niyang nakangiti pa rin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD