NAKAPIKIT ako at nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko habang banayad pa rin niyang inaangkin ang mga labi ko. Mayamaya ay pinakawalan niya ako. Dahan-dahan naman akong nagmulat ng mga mata ko, only to see him staring at me intently.
Tipid siyang ngumiti sa akin at hinagkan ang noo ko.
Oh Hideo, why are you doing this to me? Huwag mo namang pahirapan ang puso ko! I want you in my life again, I really do. Pero hindi puwede. Paghuhumiyaw ng puso ko habang nakatitig ako sa kaniya.
“Let’s go.” Mayamaya ay saad niya at binitawan ang mukha ko.
Ang akala ko pa ay mauuna na siyang lalabas ng elevator nang bumukas ang pinto niyon at iiwanan niya ako roon. Pero taliwas naman ang nangyari. He held my hand at hinila na niya ako palabas doon.
Magkasalikop ang mga palad namin habang naglalakad kami sa lobby, hanggang sa makalabas kami ng building.
Nakatingin lamang ako sa kaniya. Halo-halo ang emosyong nararamdam ko sa mga sandaling ito. Pero sa puso ko, I know that I’m happy right now. Napupuno ng kaligayahan at pagmamahal ang puso ko sa mga sandaling ito dahil sa mga nangyari sa amin kani-kanina lang. Dahil sa halik na pinagsaluhan namin. I won’t deny it to myself. Ngayon ako labis nangulila sa mga halik niya sa akin. Ang halik na pinagsaluhan namin kanina ay kakaiba. Iba kumpara sa mga halik na minsan na naming pinagsaluhan isang taon na ang nakalilipas. And through his kisses, parang pakiramdam ko pareho lamang ang nararamdaman ng mga puso namin ngayon. Pareho kaming nangungulila sa isa’t isa.
Wala sa sariling napangiti ako habang nakatitig pa rin sa naka-side view niyang mukha.
Mayamaya, bigla akong natigilan nang makita kong palapit kami sa kotse niya.
“Wait,” sabi ko sa kaniya at hinigit ang kamay ko na hawak niya.
Lumingon naman siya sa akin. “Why?”
Saglit kong ipinagpalipat-lipat ang paningin ko sa kaniya at sa sasakyan niya. “I... I have my own car and—”
“I know.” Mabilis na saad niya. “But I’ll drive you home.”
“No need. I can drive myself.” Sabi ko. “Thank you,” tatalikod na sana ako sa kaniya para maglakad papunta sa kotse ko, pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at hinigit niya ako pabalik sa kaniya. Sa gulat ko dahil sa kaniyang ginawa, bigla akong napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib at muntikan na namang maglapat ang mga labi namin.
Napalunok na lamang ako ng laway ko nang tumitig ako sa mga mata niya.
“I said I’ll drive you home, baby.” Aniya.
Napapikit pa ako nang tumama sa ilong ko ang amoy mint niyang hininga. Nang maramdaman kong bahagya na siyang lumayo sa ’kin mayamaya... muli akong nagmulat ng mga mata.
“Come on.” Aniya at binuksan na niya ang pinto sa front seat at inalalayan niya akong makasakay roon.
Wala na akong nagawa nang maisarado niya ang pinto sa tabi ko at umikot na rin siya papunta sa drivers seat at sumakay roon.
Banayad na lamang akong nagpakawala nang buntong-hininga at itinuon sa labas ng bintana ang paningin ko. Thank God at hindi naman siya nagsalita at nangulit sa akin. Naging tahimik lamang ang buong biyahe namin hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ko ang kotse niya.
Tinanggal ko ang suot kong seatbelt ’tsaka siya nilingon. And he was staring at me again. “Thank you!” tipid na sabi ko at hinawakan na rin ang door handle na nasa tabi ko.
“Ysolde!”
“Yes—”
Nang pagkalingon ko sa kaniya, bigla niyang kinabig ang batok ko at muli niyang inangkin ang mga labi ko. Ilang saglit lang ’yon... pero ang kabog ng puso ko ay hayon na naman. Tumindi na naman.
“Good night!” nang humiwalay siya sa akin. Ngumiti pa siya ng matamis.
Dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, tumalikod na lang ako at nagmamadali ng bumaba sa kotse niya. Walang lingon-lingon na naglakad ako palapit sa gate. Nag-doorbell ako. Nang bumukas iyon ay nagmamadali na rin akong pumasok hanggang sa marating ko ang main door. Doon lamang ako natigilan at wala sa sariling napahawak sa mga labi ko. Mabilis na gumuhit ang malapad at matamis na ngiti ko. Nakagat ko pa ang pang-ilalim kong labi ’tsaka pumasok na sa bahay.
“Oh, Ysolde anak. Narito ka na pala!”
“Good evening po Manay.” Lumapit ako sa kaniya at nagmano. “Magpahinga na po kayo.”
“Hinintay lang kita,” anito. “Initin mo na lang ang pagkain mamaya kung kakain ka na huh!”
“Sige po. Thank you po Manay.”
“At siya nga pala, narito ang Kuya Ulap mo kanina.”
“Opo. May kinuha lang po siyang files sa office ni papa. Magkausap po kami kanina.” Sabi ko sa kaniya.
“Ganoon ba? Siya sige at pumanhik ka na sa itaas at para makapagpahinga ka na rin.”
Yumakap muna ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. “Good night po Manay Salve.” Pagkatapos ay pumanhik na rin ako sa hagdan. Hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.
“BOSS—ARAY KO PO!” daing ni Arn nang pagkalapit nito kay Hideo ay kaagad niyang itinapon sa tapat ng dibdib nito ang bitbit niyang bag.
Paano naman kasi, naiinis pa rin siya rito sa alalay niya. Panira kasi ito kanina. Kung kailan kainitan ng panahon ’tsaka naman ito sumingit. Kung hindi lamang siya mabubuko ni Ysolde kanina na tauhan niya itong si Arn, malamang na kanina pa lamang ay nakatikim na ito sa kaniya.
“Galit po kayo boss?” tanong ni Arn sa kaniya habang nakasunod ito sa kaniya papasok sa kabahayan.
“Next time, matuto kang tumayming Arnulfo huh?” napipikon pa ring saad niya rito.
Napapakamot naman sa ulo nito ang binata habang may ngiti pa rin sa mga labi. “Pasensiya na po boss. Ang akala ko po kasi ay hindi pa rin natatakot si Ma’am Ysolde kaya po inabangan ko kayo sa ibaba.” Paliwanag pa nito.
Isang matalim na titig lamang ang ipinukol niya sa binata ’tsaka siya nagmamadaling pumanhik sa hagdan upang tunguhin ang kaniyang kuwarto.
Napapailing na lamang si Arn na sinundan ng tingin ang amo. “Ako na nga itong tumulong, ako pa ang nakasira ng moment. Hay!” anito at nagpakawala pa nang malalim na buntong-hininga.
PAGKAPASOK niya sa kaniyang kuwarto, kaagad niyang kinuha ang kaniyang laptop na nasa ibabaw ng kaniyang working table. Pabagsak siyang umupo sa single couch. Habang hinihintay na mag-on ang kaniyang laptop ay kinuha naman niya ang bote ng alak na nasa mesa, sa tabi niya, at nagsalin sa isang baso.
Biglang sumilay ang malapad niyang ngiti nang pagkabukas ng kaniyang aparato ay bumungad agad sa kaniya ang video na nagmumula sa kuwarto ni Ysolde. Nang araw na naglagay si Arn ng CCTV camera sa veranda ni Ysolde, pinalagyan niya rin ng hidden camera ang buong kuwarto ng kaniyang asawa. At lahat ng camera doon ay konektado sa kaniyang laptop at sa kaniyang cellphone. Kaya madali na lamang para sa kaniya na ma-monitor ito.
Sa gabi, pagkakauwi nila galing sa trabaho... pinapanuod niya muna kung ano ang ginagawa ng kaniyang asawa. At sa umaga naman, ganoon din ang ginagawa niya. Oh damn, nagmumukha na siyang stalker na obsessed dahil sa kaniyang ginagawa. Pero okay lang din. Masaya naman siya na nakikita niya ang mga kilos ng kaniyang misis.
“Oh damn it!” wala sa sariling napamura siya at inisang lagok niya ang laman ng kaniyang baso nang makita niya si Ysolde na pumasok sa banyo at tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa hubad nitong katawan at sumakay sa bathtub.
Napatingin naman siya sa picture frame na nakasabit sa wall niya. Napangiti ulit siya nang matitigan niya ang underwear na naroon.
“I really missed you, wife.” Bulong na saad niya habang pinagmamasdan niya ng mataman ang kaniyang asawa na nasa bathtub at kagaya niya ay umiinom din ito ng red wine. “I love you.” Saad pa niya at masuyong hinaplos ang screen kung saan niya nakikita ang kaniyang asawa.
“GOOD MORNING!”
Biglang nangunot ang noo ko nang pagkababa ko sa kusina, nadatnan ko roon si Jule. Nagluluto siya ng almusal.
“Morning! What are you doing here? Kailan ka pa dumating?” tanong ko habang naglalakad ako palapit sa hapag.
“Kanina lang.”
“Akala ko ba mamayang gabi pa ang dating ninyo ni kuya?”
“Dapat. Pero, nag-aya na ako sa kaniya na umuwi kasi nababagot na rin ako roon.” Sagot nito habang inililipat na sa plato ang niluto niyang bacon.
“Where is kuya?”
“I’m here!”
Napalingon naman ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Kuya Giuseppe.
“Morning.” Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo ko.
“How’s the vacation?” nakangiting tanong ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Mayamaya ay ngumiti ng malapad sa akin si Jule at itinaas nito ang kaliwang kamay.
“He proposed to me.”
Nanlaki ang mga mata ko. Bigla rin akong napatayo sa puwesto ko at nagmamadaling naglakad palapit kay Jule.
“No way?” ayaw ko pang maniwala. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ang singsing na nasa daliri niya. “Oh my God!” napatutop ako sa bibig ko. Mayamaya ay niyakap ko siya. “Oh, congrats Jule. I’m so happy for you.” Maluha-luha pang saad ko at humiwalay sa kaniya. Binalingan ko rin ng tingin si kuya nang lumapit ito sa tabi ni Jule. Lumapit din ako sa kaniya at kaagad siyang niyakap nang mahigpit. “Congrats kuya!”
“Thank you, kapatid.”
“Wow! I can’t believe it. Sabi ko na nga ba at magkakabalikan din kayo e. Nagpapakipot ka pa sa una, Jule.”
Inirapan naman ako nito. “Aba, e alam mo namang hindi ako cheap Ysolde. ’Tsaka dapat lang naman talaga na maghintay ’yang kapatid mo ng ilang buwan bago naging kami ulit. Kasi unang-una, kasalanan niya talaga kung bakit kami nagkahiwalay dati.”
Napatango-tango na lamang ako habang malapad ang pagkakangiti ko. Kumindat pa sa akin si kuya nang magtama ang mga paningin namin. Parang sinasabi niya sa ’kin na huwag akong maniwala sa sinasabi ni Jule. Hay ang dalawang ito talaga oo. But, I’m happy for them. Finally ay nagkabalikan na talaga sila. And sooner or later, ikakasal na rin sila. I can’t wait.
“Alright, I still want to talk to you two...” tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. “...pero kailangan ko ng umalis. Marami pa akong trabaho na kailangang tapusin. And you Jule, bukas ka na pumasok sa office okay. Just take a rest.” Sabi ko pa.
“Thank you bes.”
“Hindi ka na mag-aalmusal?” tanong sa akin ni kuya.
“Um, doon na lang kuya.” Nagmamadali na akong lumabas ng kusina at muling pumanhik sa kuwarto ko para mag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay muli akong nagpaalam sa dalawang love birds na nasa kusina pa at naglalambingan.
Dahil naiwan sa building ang kotse ko, tumawag na ako ng taxi kanina para ihatid ako sa office. Saktong pagkalabas ko ng gate ay naroon na nga ang taxi at naghihintay na sa akin.
“Let’s go na po kuya.” Saad ko nang makasakay ako sa backseat.
“Good morning po Ma’am Ysolde!”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at nag-angat ako nang mukha nang marinig ko ang boses na iyon.
“Arn?” gulat na sambit ko sa pangalan nito.
Mula sa rare view mirror, kitang-kita ko ang malapad niyang ngiti sa akin. Mayamaya ay lumingon ito sa akin.
“Good morning po Ma’am Ysolde.” Bati nitong muli sa akin.
“What... oh, don’t tell me trabaho mo rin ito?” tanong ko.
“Kailangan po talagang kumayod ma’am.” Anito.
“Really?”
“Sa office po ba tayo ma’am?” sa halip ay tanong nito.
“Yeah.”
“Alright.” ’Tsaka ito humarap na sa manibela at pinaandar na ang kotse.
Hanggang sa makarating na nga kami sa tapat ng Latorre Vino. Nagmamadali pa si Arn na bumaba sa drivers seat at umikot sa puwesto ko at pinagbuksan ako ng pinto.
“Thank you, Arn!”
“Welcome po Ma’am Ysolde.”
Ngumiti ako at hahakbang na sana para umalis, pero nagsalita naman ito.
“Ma’am Ysolde.”
“Yeah?” tanong ko.
Nakangiwi pa itong kumamot sa ulo nito. “Pamasahe n’yo po?” tanong nito.
“Ah! Y-yeah. I’m sorry. I forgot.” Sabi ko nang maalala kong hindi nga ako nagbayad sa kaniya.
“Pasensya na po kayo ma’am huh? Mahal po kasi ang gasolina at kailangan ko po talaga ng pera kaya wala na po munang libre ngayon. Wala na po munang kai-kaibigan ngayon.”
Natawa na lamang ako dahil sa mga sinabi nito. “Yeah no problem. I’m sorry again. Nakalimutan ko lang.” Sabi ko at nagmamadali ng kinuha sa loob ng bag ko ang wallet ko. Naglabas ako ng pera at ibinigay iyon kay Arn.
“Wala po akong barya—”
“Keep the change, Arn.” Sabi ko.
“Thank you Ma’am Ysolde. Ang ganda-ganda n’yo po talaga.”
Napailing na lamang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. Nagsimula na rin akong maglakad papasok sa entrance ng building. Hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng elevator.
“Morning.”
Kaagad akong napatingin sa tabi ko. Bigla pa akong napatitig kay Hideo nang makita kong wala ng balbas ang mukha niya. Ang buhok naman niya ay maayos na nakatali. He’s wearing white long sleeve polo na nakabukas pa ang dalawang butones sa tapat ng dibdib niya. Ang manggas ay nakatupi hanggang sa ibaba ng kaniyang siko. And I could smell his perfume. Ang sarap sa ilong. Oh, hindi pa rin talaga nagbabago ang pabangong gamit niya.
Damn it, bakit mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko ngayon? I mean, I knew he was handsome. Pero mas guwapo siya lalo ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapatulala sa kaniya.
“Ehemmm!”
Narinig ko siyang tumikhim. Doon lamang ako nabalik sa sarili ko. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Oh s**t! Nakakahiya! Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang tao rito ngayon.
“Let’s go?” tanong niya nang bumukas ang pinto ng elevator. Iminuwestra pa niya ang kaniyang kamay upang paunahin akong sumakay.
Hindi naman ako tumanggi at naglakad na nga ako papasok.
Siya na ang pumindot sa button.
Nang tuluyang sumarado ang pinto, bigla siyang humarap sa akin. Sa labis na gulat ko ay napasandal ako sa gilid ng elevator at napahawak sa shoulder bag na dala ko. Ang mga kamay niya ay nakatukod sa bakal na nasa likod ko. Na-corner niya ako.
Napatitig akong muli sa mga mata niya.
He smiled at me sweetly.
“W-what... what are you doing?” ang puso ko ay kumakabog na naman nang husto dahil sa klase ng titig niya sa akin ngayon.
“You can stare at me now, baby.”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Bubuka pa lamang sana ang bibig ko nang mabilis naman siyang dumukwang sa akin at hinagkan ang mga labi ko.
Aba, nakakarami na ang lalaking ito a! Kagabi pa ito panay ang halik sa akin. Why? Okay na ba kami?
But damn it! Ganito ba ako karupok pagdating sa mga halik niya? Kahit gusto kong mainis sa kaniya, pero hindi ko magawa. Sa halip ay tumugon ako sa halik niya at napahawak sa dibdib niya. Pasalamat na lamang din ako na nakasandal ako ngayon, dahil kung hindi... malamang na natumba na ako dahil sa panglalambot ng mga tuhod ko.
Ilang saglit na naghinang ang mga labi namin bago niya ako pinakawalan.
Muli siyang ngumiti sa akin.
“Good morning again, baby!”
Nakagat ko na lamang ang ilalim kong labi at tipid na ngumiti sa kaniya at tumungo.
Naramdaman ko namang hinalikan niya ang ulo ko at hinapit niya ang baywang ko at dinala ako sa dibdib niya.
Oh, just like last night. Ano ba ito, continuation or part two ng nangyari sa amin dito kagabi?