CHAPTER 21

2486 Words
“STOP IT MARGA!” anang Hideo at kaagad na hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga upang ilayo ito sa kaniya. “What babe? I just missed you.” Anang babae na sa halip umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya ay ipinulupot muli ang isang braso nito sa kaniyang leeg. “I was waiting for you last week. I told you na mag-uusap tayo pero hindi mo naman ako pinuntahan sa hotel. It seems that you are avoiding me, babe.” Saad pa nito at nagbuntong-hininga pagkuwa’y pinaglandas-landas ang hintuturo nito sa tapat ng dibdib ni Hideo. “At sinabi ko na rin sa ’yo na wala tayong dapat na pag-usapan, Marga. We’re done!” “No we’re not babe.” Mariing saad pa nito. Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Hideo sa ere pagkuwa’y sinilip niya sa opisina nito si Ysolde. Abala na ito sa trabaho nito. Seryosong nakatutok ang atensyon at paningin sa monitor ng laptop nito. Mayamaya ay iniligpit nito ang mga gamit at tumayo na. Naglakad ito palabas ng opisina. Where is she going? Tanong ng kaniyang isipan habang sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng pintuan. “I missed you babe—ouch!” Daing nito nang bigla siyang tumayo sa kaniyang puwesto kaya napatayo na rin ito. Muntikan pa nga itong matumba kung hindi lang nakahawak sa gilid ng kaniyang mesa. “Hideo!” inis na saad nito. “You can leave, Marga. Wala tayong dapat na pag-usapan.” Aniya at dinampot niya ang kaniyang cellphone. Akma na sana siyang hahakbang upang lumabas sa kaniyang opisina, pero pinigilan naman siya ng dalaga. “Wait, where are you going babe?” “I have a lot of work to do, Marga,” seryosong sabi niya rito. “So please... you may leave.” “Hideo, isang linggo mo akong pinagtaguan. Tapos ngayon itataboy mo lang ako ng basta-basta?” biglang rumihestro sa mukha nito ang pagkainis sa kaniya. Isang seryosong tingin ang muli niyang pinukol rito pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Hindi niya alam kung saan nito nalaman na naroon siya sa Latorre Vino. Kaya kanina nang makaalis si Ysolde para ipagtimpla siya ng kape niya, nagulat siya nang bigla itong dumating sa kaniyang opisina. “I’m busy, Marga.” Aniya at malalaki ang mga hakbang niya na lumabas sa kaniyang opisina. “Hideo, please don’t leave me.” Pero hindi niya ito pinansin. “Maya,” Kaagad namang tumayo sa puwesto nito ang dalaga. “Yes po Sir Hideo?” Lumapit siya sa mesa nito. “Where is your Ma’am Ysolde?” tanong niya. “Um, umalis po sir.” “Where did she go?” “H-hindi ko po alam sir e. Nagsabi lang po siya na aalis siya pero hindi po sinabi kung saan siya pupunta.” Sagot nito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y tiningnan ang suot niyang wrist watch. It’s already three in the afternoon. Saan pa kaya pupunta si Ysolde? “Bakit po sir, may kailangan po ba kayo kay Ma’am Ysolde? I will call her.” “No. It’s okay, Maya. Thank you!” aniya at kaagad na naglakad palayo. “Ang guwapo talaga ni Sir Hideo ano bes?” anang isang babae nang lumapit ito sa puwesto ni Maya. Ngumiti nang malapad si Maya. “Sinabi mo pa bes! Nakakailang pa ang mga tingin niya. Hindi ko matagalan. Pakiramdam ko kasi kakapusin ako ng hangin kapag sinalubong ko ang mga mata niya.” Nasa mukha nga ng dalaga ang labis na kilig dahil sa boss ng mga ito. “May girlfriend na kaya siya o hindi kaya ay asawa?” Nagkibit ng mga balikat nito si Maya at muling umupo sa puwesto nito. “Hindi ko rin alam. Wala kasing social media account si sir e. Tiningnan ko.” Saad nito. ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang matapos akong gawin ang trabaho ko. Saglit akong nag-stretching nang makaramdam ako ng pananakit sa likod at leeg ko. Mayamaya ay tiningnan ko ang wrist watch ko. Bahagya pa nga akong nagulat nang makita ko kung ano’ng oras na. It’s already six thirty in the evening. Ganoon na pala ako katagal dito sa conference room. Ni hindi ko manlang namalayan ang oras dahil sa tuloy-tuloy na trabaho ko. Kanina kasi, umalis ako sa office ko dahil nadi-distract ako kay Hideo at sa babaeng kasama niya. Hindi ako makapag-focus sa trabaho ko dahil hinahatak ang paningin ko sa kanila. Of course hindi ko kayang tingnan na nakikipaglandian siya sa ibang babae kaya umalis na ako sa office ko. Dito sa conference room ako dinala ng mga paa ko. Muli akong nagbuntong-hininga pagkuwa’y isinandal ko ang likod ko sa high-backed swivel chair ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para saglit na mag-relax dahil nababad ito masiyado sa radiation ng laptop ko. Mayamaya, biglang sumagi sa isipan ko si Hideo at ang babaeng kasama niya kanina sa office niya. Naalala ko kung paano sila maghalikan kanina. At hayon na naman ang kirot sa puso ko. Hindi ko maiwasang hindi magselos dahil sa babaeng ’yon. God, one year ago, ako lang ang hinahalikan niya, ako lang ang niyayakap niya tapos ngayon may iba na! Oh really Ysolde? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang alok niya na maging sugar baby niya? Para at least, hindi ka na magseselos kasi mahahalikan at yayakapin ka na niya ulit. I let out a deep sigh again as I open my eyes. God, no way! Hindi ako papayag na maging sugar baby or kabit or whatever it may called, ni Hideo. Hindi ako ganoon ka-cheap na babae. Jeez! Kahit wala siya sa harapan ko naiinis pa rin ako sa kaniya. Tumayo ako sa puwesto ko at iniligpit na ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ako sa conference room at tinungo ang opisina ko. Madilim na at wala ng tao roon bukod sa akin. Pero hindi naman ako natatakot dito sa building. Sa loob ng isang taon na pagtatrabaho ko rito, hindi lamang iisang beses na late na akong umuuwi at naiiwan akong mag-isa rito. Pero ni minsan ay wala pa naman akong naramdaman na kakaiba rito. Nang makapasok ako sa office ko, napatingin ako sa office ni Hideo. Nakapatay na ang ilaw roon. Malamang na kanina pa siya umuwi. Wala naman kasi siyang ginagawa rito. Malamang na ang trabahong nagagawa niya lang buong araw ay inisin at sirain ang araw ko. Iyon lang at wala ng iba. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay muli akong lumabas sa office ko at naglakad na rin papunta sa elevator. Pero hindi pa man ako nakakarating doon ng tuluyan ay halos mapatalon ako sa kaba nang biglang lumitaw sa harapan ko si Hideo. “Jesus! Hideo ano ba? May balak ka bang patayin ako sa nerbyos huh?” pagalit na tanong ko sa kaniya. Tinitigan ko pa siya nang matalim habang nakahawak ako sa tapat ng dibdib ko. “I’m sorry. I didn’t mean to scare you.” “You didn’t mean?” pinaikot ko pa ang mga mata ko at nagbuntong-hininga nang malalim upang tanggalin ang kaba sa puso ko. “I thought you saw me earlier kaya hinintay na kita rito.” Aniya. “Hindi kita nakita! At kung nakita man kita, sana hindi na ako nagulat.” Inis pa ring saad ko sa kaniya at inirapan ko siya. Naglakad na ako para lampasan siya. “Bawas-bawasan mo na ang pagkakape mo kaya magugulatin ka e,” nakangiti pa siya sa akin. Pero nang lingunin ko siya at matalim pa rin ang tingin ko sa kaniya, biglang naging seryoso ang mukha niya. Hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng elevator. Pinindot niya ang button. Nang bumukas iyon, kaagad siyang pumasok. “Come on,” aniya nang hindi ako kumilos sa puwesto ko. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng elevator. “Ayaw mong sumabay?” tanong pa niya. “I’ll take the next one.” Seryosong saad ko sa kaniya. “Come on Ysolde. Huwag mo ng gawing big deal ang pagsabay sa akin ngayon dito sa elevator.” Aniya. Nang sasarado na sana ang pinto niyon, mabilis niyang naiharang doon ang kaniyang kamay kaya muli iyong bumukas. “Let’s go.” Hindi naman ako nagsalita. Sa halip ay ipinagkrus ko sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko at inirapan siya. “Alright,” aniya at nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. “Ayaw mo talagang sumabay?” “Ayoko!” “Are you sure?” tanong niya ulit. Nang muling pasarado na ang pinto ng elevator, muli niyang iniharang doon ang kaniyang kamay. “I’ll take the next one.” Sabi ko pa ulit sa kaniya. “Okay if you say so,” sabi niya at sumandal pa sa gilid ng elevator. “Kanina pa naman, habang naghihintay ako sa ’yo riyan sa labas... may nakita akong white lady. Ikaw rin, kung hindi ka naman natatakot.” Sabi pa niya. Bigla naman akong nakaramdaman ng takot at nagtayuan ang mga balahibo ko. Napatindig din ako ng maayos. “Bye, Ysolde!” Zzzttt! “Okay wait,” saad ko at biglang napahakbang sa pasarado na sanang pinto ng elevator nang makarinig ako ng mahinang sutsot mula sa kung saan. Halos matisod pa ako sa kakamadali kong pumasok sa loob ng elevaror. Mabuti na lamang at nahawakan ako ni Hideo sa kamay at baywang ko. “Careful!” aniya na nakangiti pa sa akin. “Don’t smile at me.” Naiinis na saad ko sa kaniya at tinabig ko ang mga kamay niyang nakahawak sa baywang at isang kamay ko. “You’re welcome baby!” sa halip ay saad pa niya. Muli ko siyang inirapan at pumuwesto ako sa gilid ng elevator. Nasa unahan ko naman siya. “Takot ka pala sa white lady.” Sabi niya. “No I’m not.” I heard him chuckled. “Really? Bakit ka sumabay sa akin?” Hindi ko naman siya sinagot. Tumungo na lang ako at sumandal sa malamig na dingding ng elevator. Mayamaya ay naramdaman kong lumingon siya sa ’kin. Umatras din siya at kagaya ko ay sumandal siya sa gilid. “You really don’t want to accept my business proposal with you?” tanong pa niya sa akin mayamaya. Tiningnan ko siya. “Kung para sa ’yo ay business proposal ’yon... not for me Hideo. You are blackmailing me.” Walang emosyong saad ko sa kaniya at muling itinuon sa unahan ang paningin ko. I heard him let out a deep sigh. “It’s a business proposal, Ysolde,” aniya. “Dahil pareho naman tayong makikinabang doon. I will give you a few percent of my shares so that you can still be the CEO of Latorre Vino. Then you will work for me in exchange for that.” Muli akong napalingon sa kaniya. Ano ba ang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito ngayon? That I’m really cheap? Na makukuha niya ako sa ganoong paraan lang? Hell no! Mula sa pagkakasandal niya ay humarap siya sa akin. Mataman siyang nakipagtitigan sa mga mata ko. “Be my sugar baby, Ysolde. After all, I know you still want me.” Aniya at tumingin sa kamay ko. Tiningnan niya na naman ang wedding ring na suot ko. “I know you still love me. Hindi mo pa rin ako pinapakawalan diyan sa puso mo. Dahil kung naka-moved on ka na talaga sa ’kin...” lumapit siya sa akin at walang sabi-sabi na kinuha niya ang kamay ko at tinitigan niya ang singsing na suot ko. “...you removed this ring a long time ago, Ysolde. Matagal mo na sanang itinapon ito. But until now it is still on your finger.” Sabi niya na hindi manlang kumukurap habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. “Suot-suot mo pa rin ang singsing na ibinigay ko sa ’yo no’ng gabing ikinasal tayo sa isla.” Dagdag pa niya. Oh God! Not now, please! I don’t want to cry in front of him. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Nag-init na ng tuluyan ang sulok ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. “P-please... please Hideo! Don’t make this situation—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang niyang kinabig ang batok ko at walang sabi-sabi na hinagkan niya ang mga labi ko. Dahil sa pagkagulat ko sa ginawa niya, hindi agad ako nakakilos sa puwesto ko. Pero mayamaya, I tried to push him into his chest. Pero hindi naman siya nagpatinag. Sa halip ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kanina ay mabilis na lumipat sa baywang ko at hinapit niya ako papunta sa katawan niya. Mas lalo niyang diniinan ang pag-angkin sa mga labi ko. I want to protest, pero iba naman ang sinasabi ng puso’t katawan ko. I want his kiss. Kaya sa huli, ang pagprotesta ko ay natigil din. Ang mga kamay kong nanunulak kanina sa dibdib niya ay dahan-dahang kumalma at umangat papunta sa kaniyang leeg at pumulupot doon. Dahil sa ginawa kong iyon, mas lalo kong naramdaman ang pahigpit ng yakap niya sa baywang ko. Pinakawalan na rin niya ang batok ko. Mayamaya ay kumilos siya, isinandal niya ako ulit sa gilid ng elevator at nasa unahan ko na siya. Saglit niyang pinakawalan ang mga labi ko upang sumagap ng hangin, pero wala pa mang isang segundo ay muli niyang inangkin ang mga labi ko. Oh God! My heart is pounding so fast. Parang kakapusin ako ng hangin dahil sa mariing halik niya sa akin. Mayamaya lang ay narinig naming tumunog ang elevator at bumukas iyon. Pero hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Patuloy pa rin ako sa pagtugon sa mga halik niya. “Um, e-excuse me po ma’am, sir!” Bigla ko siyang naitulak sa dibdib niya nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nang tumingin kami sa labas ng elevator. Naroon si Arn at nakangiti ng malapad habang nakatingin sa amin ni Hideo. “Ay, s-sorry po sa isturbo!” bigla pa itong nag-peace sign at mabilis na pinindot ang button sa labas. “Damn it!” galit na usal ni Hideo at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Bigla namang sumarado ang pinto. “Um, H-hideo!” tawag ko sa kaniya. Mayamaya lang ay nag-angat siya ng mukha at malamlam ang mga matang tumitig sa ’kin. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli niyang kinintalan ng halik ang mga labi ko, maging ang ilong at noo ko. Pagkuwa’y kinabig niya ako papunta sa tapat ng dibdib niya at niyakap niya ako nang mahigpit. “YA lyublyu tebya, Izol'da!” I love you, Ysolde! Napakunot noo na lamang ako nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD