BIGLA akong napahinto sa akma kong pagpalabas sa cubicle nang marinig ko ang tatlong babaeng empleyado ko na pumasok sa banyo at nag-uusap.
“Hoy, totoo ba talaga na may something kay Sir Hideo at Ma’am Ysolde?”
Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong na iyon.
“Ay oo nga bes. Kanina usapan sa canteen ang tungkol kay Sir Hideo at Ma’am Ysolde,” sabi naman ng isang babae. “May nakakita raw sa kanilang dalawa kanina sa elevator. Nagki-kiss daw.”
“Talaga? On my God!”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ngayon dahil sa mga narinig ko. Matutuwa ba ako dahil halata sa mga boses nila na kinikilig sila para sa amin ni Hideo, o maiinis ako kasi pinagchi-chismisan nila ako?
“Ang dinig ko rin kanina sa usapan ng dalawang janitress dito... nakita rin daw nila kagabi si Sir Hideo at Ma’am Ysolde na sabay na umalis dito. Magkahawak kamay pa raw. Tapos sa kotse ni sir sumakay si Ma’am Ysolde.”
“Talaga? Hay! Ang bagay pa naman nilang dalawa ano?”
“Sinabi mo pa. Kaysa roon sa babaeng nagpunta rito kahapon. Ano nga ulit ang pangalan n’on? Um, M-Marga? Marga ata ’yon. Kung makalingkis kahapon kay Sir Hideo akala niya ang ganda-ganda niya.”
“Oo nakita ko rin ang babaeng ’yon kahapon. Hindi naman maganda. Napuno lang ng make up ang mukha. Not like Ma’am Ysolde... kahit hindi siya maglagay ng make up maganda talaga siya.”
“True!”
Kahit bigla akong nainis nang maalala ko rin ang babaeng kasama ni Hideo kahapon sa opisina niya, napangiti na rin ako bigla dahil sa mga narinig ko pang usapan ng tatlo. Nagbuntong-hininga ako nang malalim ’tsaka ko binuksan ang pinto at lumabas. Kitang-kita ko ang reaction sa mga mukha nila nang makita nila ako roon. Nagkatinginan silang tatlo bago tumungo.
“Narinig tayo ni ma’am.” Bulong ng isa na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.
Hindi pa sila makatingin sa akin ng diretso nang maglakad ako palapit sa sink at naghugas ako ng kamay ko.
“Sorry po Ma’am Ysolde.” Saad ng isa pang babae.
“Next time, kung may maririnig man kayong tsismis, hayaan n’yo na lang okay? Huwag n’yo ng pag-usapan.” Saad ko sa seryosong boses at seryosong mukha. Pero hindi naman ako nagagalit sa kanila dahil pinagtsismisan nila ako.
Tumalikod na ako at lumabas ng banyo at bumalik na sa office ko. Nangunot pa ang noo ko nang pagkapasok ko sa opisina ko ay nadatnan ko roon si Hideo. Prenteng nakaupo sa visitor’s chair ko habang nakadikuwatro pa at hawak-hawak ang maliit na picture frame ko. Tinititigan niya ang picture ko roon.
“You’re so beautiful.”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang sabihin niya iyon at tapunan niya ako ng tingin.
“What are you doing here?” tanong ko at naglakad na ako palapit sa mesa ko. Pero bago umupo sa swivel chair ko, inagaw ko muna sa kamay niya ang picture frame ko at ibinalik iyon kung saan iyon nakalagay. “Wala ka bang trabaho at nandito ka na naman para kulitin ako?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Well, wala naman talaga akong trabaho rito.”
Napatitig ako sa kaniya nang makaupo na ako. Sinasabi ko na nga ba e! Kaya siya nandito sa Latorre Vino ay para inisin at sirain lang ang araw ko. Ginamit niya lang ang shares niya rito para makuha niya ako.
“I mean, wala akong masiyadong ginagawa rito.”
“E ’di umalis ka na rito,” saad ko.
Ngumiti naman siya sa akin at tinitigan din ako ng mataman. Ilang segundong naghinang ang mga mata namin.
“Masungit ka na naman! Kanina, okay naman tayo—”
“No we’re not.” Mariing sabi ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Nagkunwari akong busy na ako at nakatuon sa monitor ng laptop ko ang paningin ko.
“Really? Or maybe... you want me to kiss you again para maging mabait ka ulit sa ’kin?” tanong niya.
Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. Pero ang damuhong Hideo ay mas lalo lamang ngumiti sa akin. Ngiting pakiramdam ko lumulusaw sa inis ko para sa kaniya. Damn that smile. Nagiging mahina na rin ako dahil sa ngiting iyon. Hindi na lang sa mga halik niya ako nagiging marupok ngayon. Walang-hiya talaga ang Hideo na ito!
kumilos siya sa kaniyang puwesto. Inalis niya ang isang hita niya na nakapatong sa isa pang hita niya. Mayamaya, mula sa ilalim ng mesa ko, naramdaman ko ang sapatos niya na dumikit sa binti ko.
Napakislot naman ako kaya bigla kong nailayo ang binti ko at bahagya ko ring inilayo sa mesa ko ang swivel chair ko.
“Hideo ano ba? Nakikipaglaro ka na naman ba sa ’kin?” naiinis na tanong ko sa kaniya.
He shrugged as he smiled at me. “Do I look like I’m playing with you?” he asked.
I sigh. “Hideo, please lang. Tantanan mo ako, okay?” mariing saad ko pa sa kaniya. “Someone saw us inside the elevator kissing. At pinag-uusapan tayo kanina rito sa building. Nakakahiya—”
“Ano ang nakakahiya roon?” tanong niya. “I mean, we are married baby. Hindi naman siguro kasalanan o mali na maghalikan tayo!”
Oh damn! Siguro plano talaga ng damuho na ito ang mga nangyari sa amin kagabi at kanina para may makakita sa amin at pagchismisan kami? Nako, makakatikim talaga sa akin ang Hideo na ito.
“Come on baby. Don’t mind them. Wala naman tayong ginagawang masama.” Saad pa niya.
Well, he’s right. Wala naman talaga kaming ginagawang masama so, bakit ako mahihiya? Kasal naman kami, mag-asawa naman kami so ano ang nakakahiya roon? Oh really Ysolde? Sa ’yo na rin mismo nanggaling ang mga salitang ’yan. Ang akala ko ba hindi mo na siya tatanggapin dahil sa kasalanan niya sa ’yo at sa papa mo?
Mayamaya ay tumayo siya sa kaniyang puwesto. “By the way, aalis ako ngayon... may importanteng meeting kasi akong pupuntahan. But, see you tonight in our dinner date.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Dinner date? Oh yeah! Gusto nga pala niyang makilala ang manliligaw ko kuno!
“Maya will be the one to tell you where our dinner date is tonight. Umaasa akong pupunta ka mamaya at kasama mo ang manliligaw mo, para makilala ko siya.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang tumalikod at naglakad na palabas ng opisina ko.
Wala akong ibang nagawa kun’di ang mapabuntong-hininga na lamang nang malalim kasabay ng pagsandal ko sa upuan ko.
“Ah, Ysolde ah! Ikaw talaga ang may kasalanan nito. Kung bakit kasi sinabi mo pa sa kaniya na may manliligaw ka?” muling panenermon ko sa sarili ko.
Mayamaya ay kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan ako roon.
“PASENSYA na po talaga kayo Ma’am Ysolde huh? Pero...” saad sa akin ni Arn habang magkasama kaming narito sa rooftop ng Latorre Vino.
Tinawagan ko si Arn kanina para papuntahin dito at makausap ito. I tried to asked him again about his boss. Pero kagaya no’ng nakaraan, hindi pa rin nito sinabi sa akin kung ano ang pangalan ng boss nito.
“Saan ako maghahanap ng lalaking puwedeng magpanggap na manliligaw ko Arn?” problemadong tanong ko habang nakaupo ako sa isang swing na naroon. Muli akong napabuga nang malalim na paghinga. “Kung alam ko lang na magkakaroon ako ng problema sa Hideo na ’yon... sana hindi ko na sinabi sa kaniya na may manliligaw ako.” Saad ko pa.
Mula sa gilid ng mata ko, I saw him look at me.
“Kung may maitutulong lang po sana ako sa inyo Ma’am Ysolde... kaso wala po e. Pasensya na po talaga kayo.”
Muli akong napabuntong-hininga nang malalim.
“E, wala po ba kayong mga kaibigang lalaki na hindi po kilala ni boss Hideo para ipakilala sa kaniya na manliligaw ninyo?” he asked.
“I wish I had one, Arn.” Sabi ko. “Pero wala e. Ang mga kuya ko naman ay kaibigan ni Hideo.”
“Malaking problema po talaga ito, ma’am.”
“Yeah I know.”
“E, paano po ’yon? Pupunta po kayo mamayang gabi?”
Saglit akong natahimik at napatulala sa kawalan. Mayamaya ay muli akong nagbuntong-hininga. “No. Yeah. Maybe.” I shrugged while shaking my head. “I don’t know, Arn.” Sabi ko pa.
“E, kung ako na lang po Ma’am?”
Bigla akong napalingon kay Arn habang magkasalubong ang mga kilay ko. Mabilis naman itong ngumiti at nag-peace sign sa akin.
“Joke lang po ma’am.” Anito. “Takot ko na lang na patayin ako ni boss Hideo.”
“Ano’ng sinabi mo?” tanong ko nang hindi ko masiyadong maintindihan ang huling mga sinabi nito.
“Kako, alam naman po ni boss Hideo na delivery boy po ako ng manliligaw ninyo kaya po hindi siya maniniwala kung ako po ang magpapakilala sa kaniya na manliligaw ninyo.” Paliwanag nito.
Napatango naman ako. “Yeah,” sabi ko. Well, kunsabagay, kung hindi nga lang ito kilala ni Hideo, puwede namang ito ang kunin ko na magpapanggap na manliligaw ko. Guwapo rin naman si Arn. Matangos ang ilong. Makapal ang mga kilay. Mahaba at malantik ang pilik-mata. Medyo malalim ang mga mata. Mamula-mula rin ang mga labi. Mas matangkad siya sa akin. Matipuno rin ang katawan. Moreno. Parang hindi nga ito Pinoy dahil sa hitsura nito e. At kung hindi nga lang ito nagpakilala sa akin dati na delivery boy ito, aakalain kong model or businessman ito. Kasi iyon naman ang nakikita ko sa hitsura niya. Nagmumukha lang itong mahina kasi kwela itong tao. Pero kung siguro magseseryoso ang isang ito... siguro kagaya rin ito kay Hideo. Kaya kang ipagtanggol sa lahat ng taong gagawa ng masama sa ’yo.
“Thank you, Arn.”
“Para saan po ma’am?” tanong nito.
“Sa pagpunta rito ngayon. At least, may nakausap ako ngayon.”
Ngumiti naman ito nang malapad. “Wala pong problema Ma’am Ysolde. Natutuwa nga po ako at pakiramdam ko magkaibigan na po tayo.”
“Oo naman,” nakangiting saad ko. “Mabait ka naman at walang dahilan para hindi kita kaibiganin.” Sabi ko pa.
“Salamat po ma’am.”
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Arn, nagpasiya na rin akong bumalik sa office ko para ituloy ang natitira kong trabaho. Isang oras na lang ay uuwi na ako. And I still can’t decide if sisipot ba ako sa dinner date na iyon o hindi.
“WHERE are you going?” tanong sa akin si Jule nang pumasok ito sa kuwarto ko.
Nasa harap na ako ng vanity table ko at nag-aayos ng sarili ko. Okay, I had already decided to go on that dinner date. Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya kapag nagkita na kami ni Hideo.
“I’m just going on a dinner date.”
Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Jule habang nakatingin sa akin.
“A dinner date?” tanong nito. “Sino ang ka-date mo?”
Nagbuntong-hininga ako. Ayaw ko sanang sabihin sa kaniya, pero... “It’s Hideo.” Sagot ko na lang.
“Si Hideo?” tanong nito ulit. Nagmamadali pa itong lumapit sa akin. “Aba, dalawang araw lang akong nawala, tapos ito na ngayon ang nangyayari sa ’yo? May dinner date na? Bakit? Nagkabalikan na ba ulit kayo?”
Magkasalubong ang mga kilay ko nang tumingin ako sa kaniya. “No,” mariing tanggi ko. “Hindi pa kami nagkakabalikan—”
“Pa? Hindi pa kayo nagkakabalikan? So that means, may chance? May balak kang makipagbalikan kay Hideo?” agaw nito sa pagsasalita ko.
Hindi naman ako agad nakasagot sa sinabi ni Jule. Sa halip ay nagbawi ako ng tingin at banayad na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
Umupo sa tabi ko si Jule mayamaya. Hinawakan niya ang balikat ko. “Ysolde... alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon. At alam kong hanggang ngayon ay mahal na mahal mo pa rin si Hideo. Hindi ito ang unang beses na sinabi ko ito sa ’yo... bakit hindi mo na lang isantabi diyan sa puso mo ang mga nangyari noon? Ang nagawang kasalanan ni Hideo sa ’yo at sa papa mo? Bakit hindi mo na lang siya tanggapin ulit sa puso mo kung iyon ang dahilan kung bakit siya bumalik at nagpakita ulit siya sa ’yo! You will be happy again sigurado ako roon Ysolde. Alam kong babalik ang ningning sa mga mata mo oras na nasa piling muna ulit si Hideo.”
Tumatak sa isipan ko ang mga sinabi ni Jule sa akin. I don’t know what to say to her, kaya nanatili na lamang akong tahimik at napatitig sa repleksyon ko sa salamin.
PAGKATAPOS kong mag-ayos ng mukha ko, light make up lang naman iyon kaya saglit lang akong natapos, tinulungan ako ni Jule na pumili ng damit na isusuot ko. Well, after a long time, ngayon na lang ulit ako dadalo sa isang dinner date... tapos kasama ko pa si Hideo. Kaya kailangan kong maging presentable... or in other word, I need to be beautiful.
“Huwag na lang kaya akong pumunta?” mayamaya ay saad ko.
“Huh? Bakit naman?” kunot ang noo na tanong ni Jule.
Naalala ko kasi bigla kung sino ang kasama ni Hideo mamaya? Baka masaktan lang ulit ako kapag makita ko siyang may kasamang ibang babae. I’m sure magiging awkward lang ang situation namin doon dahil siya may ka-date, samantalang ako... wala!
“Ano ka ba! Siputin mo na ang isang ’yon.” Sabi pa ni Jule sa akin.
Napabuga na lamang ako nang malalim na paghinga.
Isang white Sequins Knee-Length slit spaghetti strap dress ang isinuot ko. Hanggang tuhod ko ang haba niyon. Inilugay ko lang din ang buhok ko. Three inches naman ang taas ng heels ko. Isang silver handbag ang bitbit ko nang lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba sa sala.
“Wow! You look beautiful.” Sabi sa akin ni Kuya Giuseppe.
Ngumiti ako.
“Who are you dating tonight?” tanong naman ni Kuya Ulap.
Napatingin muna ako kay Jule na nasa tabi ni Kuya Sky. “Um... s-someone.”
“Mmm, pangalan pa lang sigurado na akong guwapo ’yan.” Anito.
Nangunot ang noo ko nang titigan ko si Kuya Ulap. Yakap-yakap nito ang malaking lalagyan ng ice cream at nilalantakan iyon ng kain.
“But of course mas guwapo naman ako kaysa kay Someone, right kapatid?” tanong pa nito.
Napailing na lang ako. Kaya siguro wala itong seryosong girlfriend, kasi puro kalokohan ang alam gawin!
“Bye na nga!” saad ko na lang.
“Gusto mo bang ihatid na kita, kapatid?” tanong ni Kuya Sky.
“Hindi na kuya. Huwag mo ng iwanan ’yang fiancée mo.” Sabi ko at naglakad na palabas ng main door.
Banayad lang ang pagmamaneho ko ng sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa restaurant na sinabi sa akin ni Maya kanina. Nang makababa ako sa drivers seat, kaagad akong naglakad papasok sa entrace. Nakatayo pa ako sa gitna niyon nang makita ko naman agad si Hideo na nakaupo sa isang table na nakapuwesto sa gitna ng restaurant. Dahil hindi naman ganoon karami ang taong naroon, kaagad niya rin akong nakita. Kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto at ngumiti sa akin. Naglakad siya palapit sa akin.
Oh damn it! Ang guwapo niya sa suot niyang black and white suit. Nakalugay lang din ang buhok niya.
“Hi,” bati niya sa akin nang huminto siya sa harapan ko. Sinuyod pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, and vice versa. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya. “You’re so beautiful, wife.” Aniya.
Napalunok naman ako ng laway ko. Heto na naman kasi ang puso ko, kumakabog na naman dahil sa mga titig niya sa akin. Ang mga tuhod ko, nag-uumpisa na namang manghina.
“Hi!” kinakabahang bati ko rin sa kaniya.
“Where is your date?” tanong niya.
Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kaniya. I cleared my throat. “Um, h-he’s on his way.” Oh liar Ysolde, liar! Paghuhumiyaw ng isipan ko.
“Alright. Let’s go to our table.”
Iminuwestra pa niya sa akin ang braso niya. Hindi na ako nag-inarte. Humawak ako sa braso niya. Baka kasi matumba pa ako sa paglalakad ko dahil sa panghihina ng mga tuhod at kalamnan ko.
Nang makarating kami sa lamesa namin, ipinaghila niya pa ako ng upuan bago siya umupo sa tapat ko.
“And where is your date?” tanong ko rin sa kaniya.
“Well, um... she’s not coming.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “What?”
“She’s busy.”
Ewan ko, pero biglang nagsaya ang puso ko nang malaman kong hindi pala dadating ang ka-date niya. So, hindi pala masisira ang gabi ko ngayon? And I think... this is our special night. This is our dinner date. Kasi wala naman talaga akong ka-date ngayon na ipapakilala sa kaniya at wala rin siyang kasama na ka-date niya.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na mapangiti.
“Why are you smiling?”
Napatingin ako sa kaniya nang diretso. “Nothing. I’m just... happy.” Saad ko.
Ngumiti rin siya sa akin nang malapad. “Me too. I’m happy tonight.” Sabi niya.
“So, let’s order?” sabi ko.
“Hindi ba natin hihintayin ang ka-date mo?” tanong naman niya.
Oh yeah! I almost forgot. “Wait, I’ll call him.” Sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa handbag ko na nasa gilid ng mesa. Kunwari ay naghanap ako ng cellphone number na naka-save roon at may tinawagan.
Nakatingin lang siya sa akin ng mataman habang nakangiti. Inirapan ko naman siya at itinuon sa ibang direksyon ang paningin ko habang nasa tapat pa rin ng tainga ko ang cellphone ko.
“Hey! Where are you?” kunwari ay may kausap ako sa kabilang linya. Oh seriously Ysolde? Puwede ka ng bigyan ng oscar award after tonight. Ang galing mong magpanggap at umarte! “Oh, really? Sana tinawagan mo ako kanina. Yeah, nandito na ako. Okay. Bye!” sabi ko pa at mabilis na ibinalik sa handbag ko ang cellphone ko.
“Let me guess,” sabi ni Hideo habang malapad pa rin ang pagkakangiti sa akin. “He’s not coming!” saad pa niya.
“He... he suddenly had an emergency.” Pagsisinungaling ko pa sa kaniya. I can’t look into his eyes. Baka kasi mahalata niyang nagsisinungaling lang ako sa kaniya.
“Really?” malapad pa rin ang ngiti niya sa mga labi. “So, tayo pala talaga ang magka-date ngayong gabi.”
Yeah, Hideo! Tayo talaga ang magka-date ngayong gabi. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya. Oh, ang puso ko, labis na nagtatalon sa tuwa. This is our date.