ANG BUONG akala ko, magiging awkward para sa amin ni Hideo ang dinner date na ito. Pero mali ako. I enjoy this night. I enjoy the food. I enjoy his company. Hindi ko namamalayan na nag-e-enjoy na pala akong kausap siya. Well, hindi naman niya kasi ako ininis kagaya sa lagi niyang ginagawa sa akin these past few days. We just talked about anything. Nag-usap lang kami ng kahit anong gusto naming itanong sa isa’t isa. Parang pakiramdam ko nga first date namin ito at nasa getting to know each other stage kami. May mga bagay akong nalaman about sa kaniya na kailanman ay hindi ko naitanong sa kaniya noon. Ganoon din naman sa ’kin, may mga bagay rin siyang nalaman tungkol sa akin na hindi niya rin nalaman dati.
Ang gaan at ang saya niyang kausap ngayon. Pakiramdam ko nga nawala na ng tuluyan ang sakit at kirot na nararamdaman ng puso ko para sa kaniya dahil sa pag-uusap namin ngayon. Parang bumalik kami sa dati bago pa man magkaroon ng problema sa pagitan namin. ’Yong mga sandaling unti-unti ng nagiging maganda ang relasyon namin. I was smiling the whole time. Tumatawa pa nga ako minsan dahil sa mga corny jokes niya. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-joke. Ang Hideo na kausap ko ngayon ay malayong-malayo sa Hideo na una kong nakilala noong bago lang ako sa isla niya.
“So, matagal ka na ba talagang nililigawan ng suitor mo?”
Mayamaya ay tanong niya sa akin.
Tumingin ako saglit sa kaniya. “Well,” ano ba? Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o hindi? Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka dinampot ang baso ng tubig ko. Uminom ako roon. “Nito lang.” Sa huli ay saad ko sa kaniya.
“Really?”
“How about you? ’Yong babaeng kasama mo sa office mo, is she your... your girlfriend?” kahit medyo nakadama ako ng pagkainis nang maalala ko ang maarteng babae na ’yon.
Tumitig siya sa akin ng mataman pagkatapos ay ngumiti. “She’s not my girlfriend.” Sagot niya.
Lumipad naman sa ere ang isang kilay ko. “Really?” alright, natutuwa ako na malamang hindi niya girlfriend ang babaeng ’yon. Pero naiinis pa rin ako dahil nakita ko silang naghahalikan that day.
“She’s Margareth.” Aniya. “She’s a fling while I was in Cuba.”
Oh damn! So that means, nag-cheat siya sa akin habang magkalayo kami?
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapasimangot sa kaniya. Ang tuwa na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawawala dahil sa magkahalong inis, lungkot at kirot na bigla kong naramdaman. Naiinis ako dahil sa Marga na ’yon. Nalulungkot ako dahil sa ginawa niyang iyon. He’s married pero bakit kailangan pa niyang humanap ng ka-fling niya? May kirot din sa puso ko dahil sa isiping, may ibang babae siyang kasama the whole time na hindi kami nagkikita.
I let out a deep sigh as I focused my eyes on my food.
“I’m sorry.”
Dinig kong saad niya mayamaya.
Tumingin naman ako sa kaniya. “Why are you saying sorry?” tanong ko. But deep inside, I could still feel the pain.
Mataman niya akong tinitigan ng ilang segundo. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko... nagtanong din siya sa akin.
“Are you done eating?”
Isang tango lamang ang isinagot ko sa kaniya.
Wala na! Nawala na ang sayang nararamdaman ng puso ko kanina.
Sumenyas siya sa waiter. Tahimik lang naman akong nakatingin sa kaniya. Pagkatapos niyang bayaran ang bill namin, tumayo na siya sa puwesto niya.
“Let’s go!” inilahad pa siya sa akin ang kamay niya.
Wala naman akong nagawa kun’di tanggapin iyon at inalalayan niya akong makatayo sa upuan ko. Hinawakan niya ang baywang ko at iginiya na niya ako palabas ng restaurant na iyon.
“Good night.” Saad ko sa kaniya.
Mabilis namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tumitig sa akin.
“What?” tanong ko nang makaramdam ako ng pagkailang sa mga titig niya.
“It’s too early, baby.” Aniya. “Let’s go. Let’s have some coffee.”
“But—”
“Don’t worry about your car. Ipapakuha ko na lang ’yan sa driver ko.” Saad niya at muli akong hinawakan sa baywang ko at iginiya papunta sa kaniyang sasakyan.
“Hideo—”
“Hope in, wife.” Nang mabuksan niya agad ang pinto sa front seat at inalalayan niya akong makasakay roon.
Wala na akong nagawa nang maisarado na niya ang pinto sa tabi ko at umikot na rin siya sa drivers seat.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tahimik na lamang ako sa puwesto ko habang nasa labas ng bintana ang paningin ko.
Alright, nawala na ang gana ko dahil sa huling napag-usapan namin kanina bago kami umalis sa restaurant. E sino ba naman kasing asawa ang matutuwa na malamang may babae ang asawa mo? Wala naman ’di ba? Kahit pa sabihing hindi kami okay, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para mag-cheat siya sa akin. Kasal kami.
“Are you okay?”
Tanong niya sa akin pagkatapos ng mahaba-habang katahimikan na pumagitan sa aming dalawa.
Nagbuntong-hininga lamang ako nang malalim at hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya. Magsisinungaling ako sa kaniya kung sasabihin kong, yeah I’m fine, samantalang hindi naman ako okay. Naiinis ako. Nasasaktan ako ngayon.
“Ysolde,”
I just rolled my eyes.
Mayamaya ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko.
Babawiin ko sana iyon sa kaniya, pero mabilis na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Where are we going, Hideo?” tanong ko sa kaniya nang balingan ko siya ng tingin.
“In my place.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Ilang saglit lang ay biglang kumabog nang malakas ang puso ko. Saan daw? In my place ang sinabi niya hindi ba?
“S-sa... sa bahay mo?” nauutal at kinakabahang tanong ko.
“Yeah.”
Ilang saglit akong napatitig sa mukha niya bago ko binawi sa kaniya ang kamay ko. Napatitig pa ako sa unahan ng sasakyan. Oh God, ano naman ang gagawin namin sa bahay niya? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip kaagad ng kung anu-ano. Ewan, pero kinakabahan ako na parang excited din. Hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin ko ngayon. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at muling napatingin sa kaniya. And there, I saw him smile habang nakatuon sa unahan ng sasakyan ang paningin niya.
Walang-hiya! May binabalak ba ang damuhong ito sa akin? Mas lalo akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib ko.
“Stop the car,” saad ko sa kaniya.
Napalingon naman siya sa akin. “What?”
“I said stop the car.” Mariing saad ko sa kaniya.
Walang-hiya talaga itong si Hideo. Hindi por que sumama ako sa kaniya ngayon, hindi por que okay ang pag-uusap namin kanina ay kukunin niya agad ako ng ganito lang kadali? Hindi naman sa nag-iinarte ako. Pero hindi ako kaladkaring babae ano!
“Stop the car at bababa ako, Hideo.” Saad ko ulit sa kaniya.
“We’re in the middle of the high way baby. I can’t stop the car.”
Magkasalubong ang mga kilay ko nang balingan ko ulit siya ng tingin.
“Look, kung anuman ang iniisip mo ngayon kaya dadalhin kita sa bahay ko... it’s not what I mean baby. I just want to have coffee with you. Or dessert maybe?”
Ayon naman pala Ysolde e! Masiyado ka namang timang at nag-iisip ka kaagad ng kung anu-ano riyan. He just wants to have coffee with you, or eat dessert.
“A-are... are you sure?” tanong ko pa sa kaniya.
Mahina naman siyang tumawa. “Why, what are you thinking? That I’m going to make love with you kaya dadalhin kita sa bahay ko?” tanong niya.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang maramdaman kong biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa tanong niya.
Walang-hiya talaga! Sabagay, iyon naman talaga ang naisip ko kanina.
Muli siyang tumawa ng pagak. “Well, we can make love if you want. I’m willing to—”
“Hideo!” mabilis na saad ko sa kaniya at pinalo ko siya sa balikat niya. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata ko.
Pero ang damuho, tumawa lang lalo.
“Nakakainis ka!” nakaismid na saad ko pa sa kaniya.
Mayamaya ay muli niyang kinuha ang kamay ko at ipinagsalikop sa palad niya. Hindi na ako nagprotesta.
“I just missed you, baby.”
Oh God! Saan ba papunta itong nangyayari sa amin ni Hideo? I feel in my heart that I want him to my life again. Pero nag-aalangan pa ako.
Dinala niya sa tapat ng bibig niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod niyon.
“Ya lyublyu tebya, Izol'da!”
“What?” tanong ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Parang iyon din ata ang sinabi niya sa akin no’ng nasa elevator kami. Pareho ng tunog e.
Sa halip na sagutin ang tanong ko, tumingin lang siya sa akin at kinindatan ako.
Damn it Hideo, hinuhuli mo na naman ang puso ko.
“CAREFUL!” inalalayan niya akong makababa sa front seat nang makarating na kami sa bahay niya.
As I expected, malaki ang bahay niya. At iba ito sa bahay na pinuntahan namin dati nang umalis kami sa isla.
“Let’s go inside.”
Hawak-hawak niya ang kamay ko nang igiya niya ako papasok sa main door.
“Wala ka bang kasama rito?” tanong ko nang pagkapasok namin sa malawak na living room, sobrang tahimik doon at hindi ko manlang maramdaman na may ibang tao pa roon bukod sa aming dalawa.
“May kasama ako rito. My P.A and my maids.”
Napatango naman ako at inilibot ang paningin ko sa buong living room niya.
“Do you want me to make our coffee, or will you brew? I mean, I like your coffee.”
“Tutulungan na lang kita.” Sabi ko sa kaniya.
Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko nang maglakad na kami papunta sa dinning room.
Magkatulong nga kaming gumawa ng kape namin. Pagkatapos ay inaya niya akong lumabas ulit ng bahay niya. Sa gazebo kami pumuwesto. Mula sa kinaroroonan namin, kitang-kita ko ang malawak at maliwanag na swimming pool area niya. Parang masarap mag-swimming doon ngayon.
Dahil palalim na rin ang gabi, medyo malamig na ang simoy ng hangin.
Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng hangin sa buong katawan ko.
“Are you cold?” tanong niya habang magkaharap kaming nakaupo sa single couch.
“Medyo.” Tipid na sagot ko.
Tumayo naman siya sa puwesto niya at hinubad ang suot niyang coat. Lumapit siya sa akin at walang sabi-sabi na ipinatong niya sa balikat ko ang coat niya.
“Thank you!”
“You’re welcome, baby.”
I could smell his perfume. And yeah, nawala rin agad ang lamig na nararamdaman ko kanina.
I don’t know what to say. Parang bigla ata akong naubusan ng sasabihin at naumid ang dila ko. Medyo nakaramdam na naman ako ng pagkailang sa kaniya dahil nakatitig na naman siya sa akin.
Kinuha ko na lang ang tasa ng kape ko at humigop doon at muling itinapon sa malayo ang paningin ko.
“Stop it!” saway ko sa kaniya mayamaya nang hindi pa rin niya tinitigilan ang pagtitig sa akin. Seryoso akong tumingin sa kaniya.
Pero hindi naman siya sumunod sa sinabi ko. Sa halip ay tumayo siya sa puwesto niya at lumapit sa akin. Napatingala naman ako sa kaniya nang nasa harapan ko na siya.
“W-what?” kinakabahan na naman ako.
“Oh, damn it!” aniya at walang sabi-sabi na yumuko siya at hinawakan ang mukha ko. Bigla niyang inangkin ang mga labi ko.
Saglit akong natigilan dahil sa ginawa niya. Pero nang makabawi ako, bahagya ko siyang itinulak sa dibdib niya.
“Hideo—”
“I’m sorry baby. I... I just can’t help myself.”
Napalunok ako ng sunod-sunod.
“I... I want to make love with you.”
Napatitig na lamang ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Mayamaya ay hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalayan niya akong makatayo sa puwesto ko. Kaagad na pumulupot sa baywang ko ang isang braso niya habang nakahawak naman sa pisngi ko ang isang palad niya at muli niyang inangkin ang mga labi ko.
This time, I didn’t protest. Instead, I response to his kisses. God, he’s my husband. Wala namang problema kung magpapaubaya ako sa kaniya ngayong gabi?!
Umangat ang mga braso ko papunta sa leeg niya at pumulupot doon. Iyon ang naging dahilan ng mas lalong paghapit niya sa baywang ko. Mas lalo niya pang diniinan ang pag-angkin niya sa mga labi ko.
I couldn’t stop myself from moaning as he slightly bit my lower lip. Oh, jeez! Because of his drowning kisses on me, I can gradually feel the heat living in my body.
“I want you now, baby!” aniya sa gitna ng mga halik niya sa akin.
Hindi na ako sumagot sa kaniya. Sa halip, mas lalo kong inigihan ang pagtugon ko sa mga halik niya. Oh Jesus! Naggagalit-galitan pa ako sa kaniya kanina nang sabihin niyang dadalhin niya ako rito sa bahay niya. But in the end, bibigay at magpapaubaya rin naman pala ako sa kaniya. Oh, Ysolde! Kailan ka hindi magiging marupok dahil sa mga halik at haplos niya sa ’yo?
Mayamaya lang ay naramdaman kong nahulog ang coat niyang nakapatong sa balikat ko, pagkatapos ay pinangko niya ako. Naglakad siya ng hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin.
“Let’s go upstairs, wife.” Nang pakawalan niya saglit ang mga labi ko at ngumiti sa akin.
I couldn’t stop myself from smiling at him as well.