CHAPTER 25

2287 Words
NANG makapasok kami sa kuwarto niya, dahan-dahan akong bumaba mula sa pagkakapangko niya sa akin. Pero hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. My arms are still wrapped around his neck. I would have almost run out of breath if he hadn’t been the first to release my lips. He cupped my face in his palms and planted small kisses on my cheeks, nose, forehead and even my neck. I giggled because of the tickle I felt. Pero mayamaya, nang may mahagip ang paningin ko sa wall niya, biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig doon. “Hideo,” tawag ko sa kaniya. “Mmm?” abala pa rin siya sa paghalik sa leeg at balikat ko. “Hideo.” I called to him again and pushed him slightly into his chest. Napalayo naman siya sa akin at kunot ang noo na tumitig sa akin. “What, wife?” tanong niya. “What is that?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa picture frame na nakasabit sa wall niya. Ang weird lang kasi makakita ng underwear na nasa picture frame at naka-hang pa sa wall. “Oh,” aniya nang tumingin din siya roon. Naglakad ako palapit doon habang mataman pa rin ang titig ko sa picture frame. Oh my God, it looks familiar. Parang... nilingon ko siya. And he was smiling at me. “That’s my underwear.” Sabi ko sa kaniya. Ang damuho, mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti sa akin. “How did you get that?” naiinis na tanong ko pa habang magkasalubong ang mga kilay ko. Mayamaya ay natigilan ako ulit. Wala sa sariling napatutop pa ako sa bibig ko. Oh my God! Don’t tell me... si Hideo ang lalaking pumapasok sa kuwarto ko? ’Yong aninong minsan ko ng nakita sa veranda ko. ’Yong taong naglagay ng tulips sa kuwarto ko at sa veranda ko. It’s him. Siya ang umaakyat sa veranda ko at nagbubukas ng sliding door sa kuwarto ko kapag nahihimbing na ako sa pagtulog ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. “It... it’s you!” sabi ko sa kaniya. “What me?” tanong niya. “Oh God, Hideo don’t lie to me.” Sabi ko. “Ikaw ang taong umaakyat sa kuwarto ko! And that...” itinuro ko pa ang underwear ko na nasa picture frame. “...that is my underwear. You we’re in my room that night and you took my underwear.” Saad ko. “Alright, I’m sorry—” “I’m sorry?” hindi makapaniwalang saad ko. “Ilang beses ka ng umaakyat sa kuwarto ko ng hindi ko alam. You stole my underwear and... and hindi ko alam kung ’yan lang ba ang kinuha mong gamit ko o mayroon pang iba. Tapos sasabihin mo lang ngayon na I’m sorry? God, you’re so unbelievable Hideo.” Napapailing na lamang na saad ko kasabay ng pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga. Namaywang ako at napahawak sa sentido ko. Jesus! Hindi talaga ako makapaniwa sa lalaking ito. “That’s why I’m sorry baby. Wala naman akong masamang intensyon na gawin sa ’yo. I’m just... I just missed you at hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa ’yo para ipaalam sa ’yo na buhay pa ako.” Pagpapaliwanag niya. “Okay I admit it... bago pa man ako pumunta sa Latorre Vino para magpakita sa ’yo, ilang beses na akong palihim na umaakyat sa kuwarto ko para makita ka. But that was it. I just wanted to see you.” Mataman akong tumitig sa mga mata niya. Alright, I can see the sincerity in his eyes as he explains to me. Mukhang nagsasabi naman siya sa akin ng totoo. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Lalo na hindi ako makapaniwala na nanakawin niya ang panty ko at ilalagay sa picture frame. God! Napasimangot ako sa kaniya bago muling tinapunan ng tingin ang picture frame. “Tanggalin mo na ’yan diyan.” Utos ko sa kaniya. “What?” “Sabi ko tanggalin mo na ’yan diyan.” “But why? That’s my property now kaya—” “That’s not yours Hideo. That’s mine. That’s my panty. At isa pa... nakakahiya kung may ibang papasok dito at makikita ’yan na naka-display riyan.” Ngumiti naman siya at naglakad palapit sa akin. “Don’t worry baby. No one else can enter my room but you.” Aniya. “Kahit na! Tanggalin mo ’yan diyan at ibigay mo sa ’kin.” “Ayoko nga! That’s already mine, baby. Kaya huwag mo ng pakialaman ’yan. That’s my souvenir.” Tiningnan ko siya ng masama. “Hideo,” nagbabantang saad ko. “Kapag hindi mo ’yan tinanggal diyan makakatikim ka sa ’kin—” “Really baby? Puwede bang tumikim muna?” “Buwiset! Huwag mo akong pinaglololoko riyan Hideo!” naiinis na saad ko. Oh, God! Heto na naman ang pang-iinis ng damuhong ito sa akin. Baka hindi na ako makapagpigil sa sarili ko tatamaan talaga ’to! “Come on, wife. Huwag mo ng pakialam ’yan. Nananahimik na ’yan diyan e! And besides, that’s a good display. It relieves my stress and... nakakawala ng pagka-miss ko sa ’yo.” Kumindat pa ito sa akin. Walang-hiya talaga! Magsasalita pa sana ako, pero bigla naman may tumunog na cellphone. His cellphone was ringing. “Isturbo!” usal niya at dinukot ang cellphone niyang nasa bulsa ng pantalon niya. Nangunot pa ang kaniyang noo nang tingnan niya ang screen niyon. “Damn it!” pagmumura pa niya. “Just wait for awhile, wife. I need to answer this call.” Sabi niya ’tsaka tumalikod at naglakad palabas ng kaniyang kuwarto. Naiwan akong mag-isa rito. Napabuga na lamang ako nang malalim na paghinga pagkuwa’y muling napatingala sa picture frame. Napailing na lamang at hindi na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti. “Walang-hiya talaga ang Hideo na ’yon! Tinador pala ng panty. Sa dinami-rami ng puwedeng nakawin sa ’kin... bakit iyan pa?” Habang naghihintay sa kaniya, naglakad-lakad na muna ako sa loob ng kuwarto niya. Ininspeksyon ko ang mga gamit niya. “ALRIGHT, ikaw na muna ang bahalang magpunta sa Palawan, Guilherme. Talk to him and convince Acosta na magsabi sa ’yo kung sino ang nagbibigay sa kaniya ng malaking pera para baliktarin ako. Kung hindi madala sa takot, kill him.” “I got it boss.” Saad naman ni Ulap mula sa kabilang linya. Kaagad niyang pinatay ang tawag sa kaniya ni Ulap at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Buwiset naman kasi ang lalaking ’yon. Isturbo sa kaniya. Kanina pa sana sila nakapagsimula ni Ysolde. Pero dahil sa tawag nito at mga importanteng bagay na napag-usapan nila, hayon at kailangan niyang maghintay ng halos kalahating oras bago natapos ang pag-uusap nilang dalawa. Sinipat niya ang kaniyang wrist watch. It’s already ten in the evening. Kaagad siyang lumabas sa kuwartong nasa dulo ng corridor. Iyon ang kaniyang opisina kapag nasa bahay lamang siya nagtatrabaho. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang kuwarto. Malapad pa ang kaniyang ngiti nang hawakan niya ang doorknob at binuksan niya ang pinto. Pero ganoon na lang ang paglalaho ng ngiting iyon sa mga labi niya nang makita niya ang kaniyang asawa na nakahiga sa gilid ng kaniyang kama at mukhang mahimbing ng natutulog. Naglakad siya palapit dito. “Wife,” mahinang tawag niya kay Ysolde. Lumuhod siya sa gilid ng kama upang pantayan ang kaniyang asawa. Masuyo niyang hinawakan ito sa balikat at sinilip ang mukha nito. “Hey wife, are you asleep?” tanong pa niya rito. “Mmm!” tanging mahinang ungol lamang ang naging sagot sa kaniya ni Ysolde. Wala sa sariling napabuga na lamang siya nang malalim na paghinga at napatitig sa mukha ng kaniyang asawa. Payapa na itong natutulog. Mayamaya ay napangiti siya at dumukwang dito at hinalikan ito sa noo. “You silly girl. Tinulugan mo talaga ako.” Aniya. Tumayo siya sa kaniyang puwesto at masuyong binuhat si Ysolde upang ayusin ito sa pagkakahiga. Pinaunan niya ito sa isang unan niya. Pagkatapos ay tinanggal niya ang suot nitong heels. Naglakad siya palapit sa kaniyang closet at kumuha roon ng isang terno ng kaniyang pajama pati na rin bimbo. Pumasok din siya sa kaniyang banyo upang labhan doon ang bimpo na ipangpupunas niya sa mukha at katawan ng kaniyang asawa. Umupo siya sa gilid ng kama at masuyong pinunasan ang mukha ni Ysolde. Ang akala pa niya ay magigising ito nang kumilos ito sa puwesto nito. “Mmm! Hideo!” ungol nito na ikinangiti na lamang niya. Dumukwang siya rito at muli niyang hinagkan ang mga labi nito. Pagkatapos niyang punasan ang mukha at mga braso ni Ysolde ay hinubad na rin niya ang suot nitong dress at isinuot niya rito ang pajamang kinuha niya kanina. Pagkatapos niyang bihisan ang kaniyang asawa ay pumasok siya ulit sa aniyang banyo at siya naman ang naglinis ng kaniyang katawan. Nang makapagbihis na siya ay tumabi na rin siya kay Ysolde. Kinabig niya ito palapit sa kaniya. Pinaunan niya ito sa kaniyang braso at niyakap ito nang mahigpit. Hinagkan pa niya ang noo at mga labi nito. “I’m really sorry wife if I made a mistake before,” bulong niya rito. “Alam kong malaking kasalanan na pinatulan ko si Marga habang nasa malayo ako sa ’yo. But I swear to God... pinagsisisihan ko na nangyari ’yon. I know I can’t turn back the time to correct my mistake. But I promise you... iyon na ang una at huling pagkakamali na magagawa ko sa ’yo bukod sa pagkawala ng papa mo. I swear on my mom’s grave, hinding-hindi ko na uulitin ’yon wife. I’m really sorry.” Mas lalo niyang niyakap nang mahigpit ang kaniyang asawa at muli niyang hinagkan ang noo nito. “I love you so much, Ysolde.” May ngiti sa mga labi niya nang ipikit niya ang kaniyang mga mata. Oh, God! After a year, ngayon na lamang niya ulit nakatabi sa pagtulog ang kaniyang asawa. Finally, nayakap na rin niya ito nang mahigpit. KINABUKASAN pagkagising ko, ang mukha kaagad ni Hideo ang unang bumungad sa akin. Mahimbing siyang natutulog habang gadangkal lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Nangunot pa ang noo ko at nagtataka ako kung bakit siya nasa tabi ko ngayon. Pero naalala ko naman bigla na nasa bahay niya pala ako. Wala sa sariling napangiti ako at napatitig ng mataman sa mukha niya. Oh, finally... ang akala ko ay hindi na ulit ako gigising sa umaga na siya ang una kong makikita. Siya ang una kong masisilayan. But look at us now! Mas lalo akong napangiti nang maramdaman kong mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nakapulupot sa baywang ko ang isang braso niya samantalang nakaunan naman ako sa isang braso niya. Nakadantay rin sa akin ang hita niya. Banayad akong bumuntong-hininga at umangat ang kamay ko at masuyong hinaplos ang kaniyang buhok. Maging ang kaniyang kilay, ang kaniyang ilong pababa sa kaniyang mga labi ay pinasadahan ko ng aking hintuturo. “I missed you, Hideo!” bulong ko sa kaniya. Ilang minuto ko siyang pinakatitigan bago ako dahan-dahang dumukwang palapit sa kaniya at masuyong hinagkan ang kaniyang mga labi. Sinubukan kong tanggalin ang braso at hita niya ng hindi siya magigising. And thank God, kasi mukhang mahimbing ata talaga ang tulog niya kaya hindi ko siya nagising. Nang matanggal ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko at ang hita niyang nakadantay sa akin, tumalikod siya at niyakap ang isang unan niya. Napangiti na lamang ako. ’Tsaka ko lamang din napansin na nakasuot na ako ng ternong white pajama. Binihisan niya ako kagabi? Nang mahagip ko ang damit ko na nasa single couch ay dali-dali ko iyong kinuha at pumasok sa banyo niya para doon magbihis. I need to go bago pa siya magising. Pagkatapos kong magbihis at maisuot ang heels ko, dinampot ko na rin ang handbag ko na nasa ibabaw ng bedside table niya. Lalabas na sana ako sa kuwarto niya nang muli kong makita ang picture frame. Muli ko siyang tiningnan. Mayamaya ay nagmamadali akong lumapit doon at kinuha ko iyon mula sa pagkakasabit sa pader. “This is mine, Hideo.” Saad ko pa ’tsaka nagmamadali ng lumabas sa kaniyang kuwarto. Nang nasa itaas na ako ng hagdan, nakasalubong ko naman ang dalawang maid ni Hideo. Kinabahan pa ako nang makita nila ako. “Good morning po Ma’am Ysolde.” Nakangiting bati sa akin ng dalawang babae. Nangunot naman bigla ang noo ko habang nakatitig sa mga ito. Paano nila ako nakilala? Magtatanong pa sana ako sa kanila, pero nagpasya na rin akong bumaba sa hagdan. Baka magising pa si Hideo at makitang nandito pa ako sa bahay niya. Nang nasa sala na ako, muling nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko naman si Arn na papasok na sa main door. “Arn!” Nang makita ako nito, nanlaki ang mga mata nito at biglang tumalikod. Aalis na sana ito pero tinawaga ko ito at nagmamadali akong lumapit dito. “Arn,” Nakangiwi naman itong humarap sa akin. “G-good morning po Ma’am Ysolde!” bati nito sa akin at napakamot pa sa ulo. “What are you doing here?” kunot ang noo at nagtatakang tanong ko rito. What is he doing here? Bakit siya nandito sa bahay ni Hideo? Don’t tell me... nanlaki ang mga mata ko. “E, m-ma’am—” “Tauhan ka ba ni Hideo?” seryosong tanong ko. Muli itong napakamot sa ulo. “Patay, huli!” anito. “Arnulfo!” “Ihahatid ko na po kayo Ma’am Ysolde!” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang matalim ang titig ko sa kaniya. I knew it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD