CHAPTER 2

2212 Words
PAGKARATING namin sa bahay, naroon nga sina Kuya Sky, Kuya Ulap at si Morgon. Nagkukuwentohan sila sa sala. “Hey buttercup!” I could see the wide smile on Shiloh’s lips when she saw her boyfriend. Kaagad namang tumayo sa puwesto nito si Morgon at sinalubong si Shiloh. They kiss each other na ikinaismid naman ni Jule. Samantalang nagkatinginan naman kami ni Kuya Ulap at napatingin din kay Kuya Sky at Jule. “I miss you cupcake.” Saad naman ni Morgon at ipinulupot ang isang braso sa baywang ni Shiloh. Pinaikot naman ni Jule ang kaniyang mga mata at naglakad na papunta sa kusina. “Bakit naman kasi sa harap ng mga bitter at single kayo naglalambingan?” natatawang tanong ni Kuya Ulap. “I’m sorry bro. Ganoon lang talaga kami ka-sweet ng cupcake ko.” “Yeah right!” Napabuntong-hininga na lang ako habang nakangiti nang tumayo na rin si Kuya Sky sa puwesto niya at sumunod kay Jule sa kusina. Ako naman ay naglakad palapit kay Kuya Ulap. “Where is Kuya Kidlat?” tanong ko. I thought he was also here. “Nasa Pangasinan siya ngayon. May inaasikaso lang doon. Bukas pa ’yon babalik.” “Ah!” saad ko na lang. “By the way sissy, aalis na rin kami huh! May date pa kami e.” Saad ni Shiloh. “Yeah sure. Mag-iingat kayo and enjoy your date.” Lumapit pa ako sa kanilang dalawa ni Morgon. Nagpalitan kami ng halik sa pisngi bago sila umalis at naiwan kami ni kuya sa sala. Nasa kusina pa rin ang dalawa. I’m sure na nangungulit na naman si Kuya Sky kay Jule. “I’ll go upstairs kuya,” “Hindi ka ba kakain muna?” “Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako nagugutom e.” Sagot ko. “Dito ba kayo matutulog ngayon?” “Uuwi rin ako sa condo ko mamaya. Ewan ko lang sa isang ’yon kung hanggang bukas na naman niya susuyuin ang labidabs niya.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Well, may mga pagkakataon kasing dito sa bahay natutulog si Kuya Sky para daw maya’t maya ang panunuyo niya kay Jule. Minsan nga, sa labas na ng kuwarto ni Jule natulog ang isang ’yon nang hindi ito pansinin ng magaling kong kaibigan. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o maawa sa kapatid ko. Pero sa kabilang banda, okay na rin ’yon. Para at least, mabuo ulit ang tiwala ni Jule sa kaniya. After all, siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay noon. “Bye kuya. Good night and... mag-iingat ka sa pagda-drive mamaya pauwi.” Tumayo naman siya sa puwesto niya. Lumapit siya sa akin and he kissed my forehead. “Night. Love you!” “I love you too!” Sa kanilang tatlo, si Kuya Ulap talaga ang masasabi kong sobrang close ko. I mean, ibang level ang closeness namin sa isa’t isa kumpara kay Kuya Giulio at Kuya Giuseppe. Siya rin ang madalas na mag I love you sa ’kin at madalas na sweet. Noong una, medyo naiilang at naninibago pa ako kapag sinasabihan niya ako ng ganoon, o kaya ay ako ang nagsasabi ng ganoon sa kaniya. But as time goes by, nasanay na rin ako. Ang sabi naman ni Manay Salve sa ’kin... hindi iyon ang unang beses na naging sweet sa ’kin si Kuya Ulap. Dati, nang maliit pa ako, hindi lang iisang beses na binibisita ako ng triplets para makipag-bonding sa ’kin. Ewan ko kung bakit hindi ko ’yon maalala. Basta may ipinakita sila sa akin na mga picture namin noong maliit pa ako. Roon lang ako naniwala. Pagkapanhik ko sa kuwarto ko, saglit lang akong nagpahinga sa ibabaw ng kama ko. Pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa banyo para maglinis ng katawan ko. Medyo pagod at inaantok na rin kasi ako dahil wala akong maayos na tulog sa nagdaang gabi. Saglit akong nagbabad sa bathtub bago nagbanlaw at nagbihis na rin ng pantulog ko. Mamaya na lang siguro ako bababa sa kusina para kumain kapag nagutom ako. Bago humiga sa kama, naglagay muna ako ng lotion sa mga braso at binti ko. Pagkatapos ay sumampa na rin ako sa higaan ko. Dahil sa antok ko, kaagad akong nakatulog. “H-hideo!” “You‘re safe now baby. You are safe now, wife. Oh God! You scared me. I love you, Ysolde. I love you wife.” “Y-ysolde?” “L-lumayo ka s-sa ’kin.” “Ysolde—” “I... I said go a-away! Go away from me Hideo! H-huwag mo akong hahawakan. Y-you killed my papa, Hideo! P-pinatay mo ang papa ko Hideo!” “Ysolde, I’m sorry baby—” “You’re right Hideo, I can’t love you. I can’t stay by your side because I will only get hurt. Mali na minahal kita. Mali na pinagkatiwalaan kita.” “Don’t be scared. I will not let anything bad happen to you. Kung kailangang mawala ang buhay ko para lang mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan sa ’yo... I’m willing to die Ysolde. Patawarin mo ako.” Isang malakas na putok ng baril ang nagpabalikwas sa ’kin mula sa mahimbing kong tulog. Humahangos at puro pawis pa ang noo at leeg ko nang mapaupo ako sa kama ko. Habol ko ang paghinga ko nang mapagtanto kong nananaginip na naman pala ako. I firmly closed my eyes and took a deep breath. Inipon ko iyon sa aking dibdib bago pinakawalan sa ere. God! Kailan ba matatapos itong sitwasyon ko? It’s been a year simula nang mawala si Hideo. Simula nang mangyari ang lahat ng ’yon. Pero hanggang ngayon binabangungot pa rin ako ng nakaraan. Gabi-gabi na lang, simula nang makauwi ako rito sa bahay... I’ve always dreamed about what happened before. Hindi na natahimik ang isipan ko. I tried my best to forget about him. Forget those painful memories, pero hindi ko magawa. Dahil kahit ano ang gawin ko, si Hideo pa rin ang laman ng puso’t isipan ko. Hanggang ngayon, naroon pa rin sa puso ko ang sakit at galit sa kaniya dahil sa pagkawala ni papa. Pero hindi ko naman itinatanggi sa sarili na sa kabila ng lahat ng iyon, mahal ko pa rin siya at labis din akong nasasaktan sa pagkawala niya. I know hindi pa sapat ang isang taon na lumipas para kalimutan ang mga nangyari noon, para mag move on at ibaon na sa limot ang pagmamahal ko para sa kaniya. Pero hindi ko magawa. I let out a deep sigh again. Mayamaya, biglang humangin ng malamig. Napatingin ako sa sliding door ng veranda ko... nakabukas pala iyon kaya nakapasok ang malamig na simoy ng hangin. Kikilos na sana ako para bumaba sa kama ko nang may anino ng lalaki ang nakita ko na nakatayo sa likod ng salamin. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko kasabay niyon ang kaba sa dibdib ko. “M-may tao ba riyan?” kinakabahang tanong ko. Ilang segundo lang, mabilis na nawala ang anino na iyon. Nagmamadali naman akong napababa sa kama ko at patakbong lumabas sa veranda. Pero walang tao roon. Nang tumingin ako sa ibaba, sa paligid... wala rin akong nakitang tao roon. Napayakap ako sa sarili ko nang muli akong makaramdam ng malamig na hangin na yumakap sa buong katawan ko. Muli akong pumasok sa kuwarto ko at isinarado ang sliding door. Ang kaba sa puso ko ay hindi pa rin nawawala. Muli akong napalingon sa veranda. Baka namalikmata lang ako kanina dahil bigla akong naalimpungatan. Naglakad ako palapit sa bedside table ko at binuksan ko roon ang lapshade. Pagkatapos ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It’s already two in the morning. Mahaba-haba na rin pala ang tulog ko simula kanina. Pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Mayamaya, nagpasya na rin akong lumabas ng silid ko at bumaba sa kusina para kumaha ng tubig. Dim lang ang ilaw sa sala nang makababa ako roon, pero hindi na ako nag-abalang magbukas ng ibang ilaw roon kasi nakikita ko naman ang nilalakaran ko. Ewan ko, pero habang naglalakad ako papunta sa kusina, parang iba ang pakiramdam ko. Parang pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa ’kin mula sa likuran ko. Ramdam kong nagtatayuan ang mga balahibo sa mga braso ko. I don’t know what’s happening. Pero ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Medyo nanginginig din ang mga tuhod ko. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nang makarinig ako ng mahinang kaluskos sa likuran ko, bigla akong napaharap. Pilit na inaninag ng mga mata ko ang buong sala. But no one was there, it’s just me. I took a deep breath at muling tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa makapasok ako sa kusina. Kumuha ako ng baso at nagsalin doon ng tubig. Halos maubos ko pa ang laman ng high ball glass ’tsaka nagsalin ulit. Pagkatapos ay muli akong lumabas sa kusina at pumanhik ulit sa kuwarto ko. Kahit alam kong mahihirapan na naman akong makatulog ulit, pero pinilit ko ang sarili ko. Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Inabot ko sa ibabaw ng bedside table ko ang alarm clock at inis na pinatay iyon. God! Ramdam ko na naman ang pagkirot ng sentido ko dahil sa kulang na tulog. Ayaw ko pa sanang bumangon, pero marami akong trabaho na gagawin sa opisina ko. Kaya wala rin akong choice kun’di ang tumayo na at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas na rin ako ng silid ko. It’s already seven thirty in the morning. Pagkababa ko, dumiretso rin agad ako sa kusina. Naroon na si Kuya Sky at Manay Salve. “Morning!” nakangiting bati ko sa kanila. “Morning! Come, have a sit. Saluhan mo na ako.” “Where is Jule?” tanong ko at umupo na sa kabisera. “Hindi pa bumababa.” “Kape mo hija!” “Thank you po Manay.” “Akala ko umuwi ka kagabi.” Saad ko. Ngumiti naman siya sa ’kin. “Nanuyo na naman ako!” “And?” Nagkibit siya ng mga balikat niya. “Usual.” “May balak ka na bang tumigil?” “Who says? Of course not!” bigla pang nagsalubong ang mga kilay niya at humigop sa kape niya. “Ang mga taong walang paninindigan lang ang sumusuko kapatid.” Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Lalo na nang biglang pumasok sa kusina si Jule. I know narinig niya ang sinabi ni kuya kaya nakabusangot na naman ang mukha niya. “Morning Jule.” Bati ko sa kaniya kaya napalingon din agad si kuya sa may pintuan. “Hi sweetheart, good morning!” nakangiti ring bati ni kuya sa kaniya. Pero hindi naman siya pinansin ni Jule. Ang sungit talaga ng babaeng ito. Kung alam ko lang, bibigay rin ’yan siya... soon! “It’s too early in the morning pero nakasimangot ka na naman sweetheart.” “Paano naman hindi ako sisimangot e, ikaw agad ang una kong nakita.” Pagtataray pa niya kay kuya. Napabuntong-hininga na lamang ang kapatid ko at napatitig kay Jule. “Kayo talagang dalawa oo. Bakit hindi na lang kayo magbati at magkapatawaran, e pareho at halata namang mahal ninyo ang isa’t isa.” Saad ni Manay Salve. “I second the motion.” Nakangiti at mabilis na saad ko rin at nag-umpisa ng kumain. Kinindatan naman ako ni kuya at ngumiti. “Libre kita mamaya.” Pabulong na saad niya. “Nako, Manay Salve... baka po may umasa riyang isa kapag naniwala. Hayaan n’yo na lang po ako.” Sabi naman ni Jule na nagtitimpla na ng kape niya. Pagkatapos ay umupo na rin sa silyang natapat ng inuupuan ni kuya. “At ikaw, huwag mo akong titigan. Baka dukutin ko ’yang mga mata mo.” Kunwari ay naggagalit-galitang saad niya. Pero deep inside, I know kinikilig ’yan siya. Sus! I know Jule very well. Nagkangitian na lang kami ni kuya ’tsaka nagtuloy na sa pagkain. PAGKARATING namin ni Jule sa opisina ko, kaagad akong napasubo sa maraming trabaho. Itinuloy ko ang trabaho kong hindi natapos kahapon. Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa at pagpipirma ko ng mga important documents, may kumatok naman sa labas ng office ko. “Come in!” saad ko. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang empleyado ko. May kasama itong isang lalaki. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Sorry po sa isturbo ma’am Ysolde. Pero may package raw po para sa inyo. Wala po kasi sa labas si Jule para siya ang mag-receive.” “That’s okay. Thank you!” saad ko. Lumapit naman sa mesa ko ang lalaki at iniabot sa akin ang isang itim na box. “Papirmahan na lang po rito ma’am.” Tinanggap ko naman ang papel at pumirma roon, pagkatapos ay ibinalik iyon dito. “Thank you!” “Salamat po ma’am.” Nang makaalis ang lalaki ’tsaka ko naman sinipat ang box na iyon. Ano kaya ito? Kanino galing? Wala kasing nakalagay na pangalan kung kanino galing. Dahil curious ako kung ano ang laman niyon, binuksan ko na rin agad iyon. Ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko nang makita kung ano ang laman niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD