CHAPTER 1

2009 Words
“COME IN!” saad ko nang marinig kong may kumatok sa labas ng opisina ko. Hindi ako nag-angat ng mukha upang tingnan kung sino ang pumasok sa bumukas na pinto. Nakatuon pa rin ang paningin at atensyon ko sa mga papeles na kanina ko pa binabasa at pinipirmahan. “Hindi ka pa ba uuwi?” dinig kong tanong sa ’kin ni Jule. “What time is it?” “Alas sinco na po, boss!” Doon lang ako tumigil sa ginagawa ko at nag-angat ng mukha para tingnan siya. Magkasalubong ang mga kilay na itinaas ko ang wrist ko para tingnan doon ang suot kong relo. Yeah right! It’s five in the afternoon. Sa sobrang busy ko sa trabaho, hindi ko na napansin ang oras. Uwian na pala. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Jule sa office ko, hindi pa ako titigil sa ginagawa ko. “Tatapusin mo pa ba ’yang ginagawa mo?” tanong niya sa ’kin ’tsaka siya umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa ko. “Kasi kung oo, hihintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi sa bahay.” I let out a deep sigh and leaned back in my swivel chair. Bahagya ko ring minasahe ang right wrist ko nang maramdaman kong medyo masakit na iyon dahil sa dami ng papers and documents na pinirmahan ko simula pa kanina. “Sabay na tayo. Magpapahinga lang ako saglit then I’ll clean my table para makaalis na tayo.” Saad ko sa kaniya. “Okay sige.” It’s been one year simula nang mangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko. One year na simula nang mawala si papa. One year na, pero pinipilit ko pa ring mamuhay ng normal. Pinipilit ko pa ring bumalik sa dati ang takbo ng buhay ko. Pinipilit ko pa ring kalimutan ang mga masasakit na alalang nangyari dati. Pero aaminin kong hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko simula nang makauwi ako sa bahay. Until now, dala-dala ko pa rin sa puso ko ang sakit at lungkot dahil sa pagkawala ni papa. Dahil sa mga nangyari. Simula nang makauwi ako sa bahay namin, maraming bagay na rin ang mga nagbago. Una na roon ang pagiging CEO ko ngayon sa negosyong naiwan ni papa. Simula nang maging okay kami ni Shiloh, ibinalik niya sa akin ang mga important documents ni papa na ninakaw ni Zakh. Ang titulo ng bahay namin, ang titulo at papeles ng mga ari-arian at negosyo ni papa. Wala namang iba at puwedeng gumawa sa trabahong ito kun’di ako lang. Kaya ngayon, ako na ang namamahala sa mga naiwan niyang negosyo. Nalaman ko rin na hindi naman pala talaga nalugi ang company ng papa dati. Unti-unti lang itong ninanakawan ni Zakh at inililipat sa bank account niya ang perang kinikita ng kompanya. Hanggang sa nalugi na si papa at nagkaroon siya ng malaking utang. Siguro dahil sa labis na tiwala ni papa kay Zakh noon kaya hindi niya naisip na ito ang nagta-traydor sa kaniya. Mabuti na lang at wala na siya sa mundo kaya naging okay ulit ang pinaghirapan ng papa ko. And I made a promise to myself na aalagaan ko itong mga naiwan niyang negosyo. Hindi pa man ako ganoon kahanda tungkol sa bagay na ito, pero laking pasasalamat ko na lang na nandiyan ang tatlo kong kuya na gumagabay sa ’kin. Tinutulungan nila ako kung paano magpatakbo ng negosyo. Hands on sila masiyado para turuan ako sa mga bagay na dapat ay matutunan ko. And, si Jule... simula nang umalis kami sa rest house ni Kuya Kidlat, sa akin na siya nakatira. Kinuha ko rin siyang empleyado sa kompanya. She’s my secretary by the way. Si Shiloh naman, sobrang okay na ulit kami. Pareho na naming isinantabi at ibinaon sa limot ang mga panget na nangyari noon. Si Manay Salve naman, siya ang kasama namin ni Jule sa bahay. And of course, how does it feel to have triplets older brother? Mmm, masaya! Ramdam kong prinsesa ako sa kanila. Masaya kasi alam kong no matter what happens, may tatlong lalaki na magtatanggol sa ’kin at hindi ako pababayan. Until now hindi pa rin talaga ako lubos na makapaniwalang kapatid ko pala sila. Parang kahapon lang nang sinabi nila sa akin ang totoo. Parang kahapon lang nang ipinakita nila sa akin ang video ni mama kasama silang tatlo. Ikinuwento nila sa akin na, sila talaga ang unang pamilya ni mama. Wala akong alam tungkol doon. And never in my whole life na sumagi sa isipan ko na... what if may ibang pamilya ang isa sa magulang ko? Kaya ganoon na lang ang labis na pagkagulat ko nang malaman ko ang totoo. Ang sabi ni Kuya Kidlat, three years old pa lang sila noon nang magkahiwalay ang mama at ang papa nila. Umuwi sa Pilipinas si mama galing Italy, at nakilala niya si papa. Ikinasal sila kaya mayroong ako. Alam din daw ni papa ang tungkol sa kanila. Two years before our mom passed away, nakiusap daw siya Kuya Sky na kung maaari ay bantayan nila ako at huwag pabayaan. The reason why nagtrabaho siya kay papa bilang bodyguard. Alam nilang lahat ang tungkol sa isturyang ’yon... ako lang talaga ang walang idea. But I am not angry with my parents dahil sa paglilihim nila sa akin about that matter. The truth is... I’m happy. Kasi nawala man sa tabi ko ang parents ko, may pumalit namang tatlong lalaki na alam ko at sigurado akong hindi ako iiwan at pababayaan. “Nasa kabilang mundo ka na naman sister!” Bigla akong napatingin kay Jule nang marinig ko ang boses niya. Ngumiti naman siya sa ’kin. Oh well, isa pa ito sa nagbago sa ugali ko. Madalas ay basta-basta na lang akong napapatulala at inuokupa ng kahit ano’ng bagay ang utak ko. I sighed again and smiled. Mula sa pagkakasandal sa swivel chair ko, tumayo ako at iniligpit na ang mga gamit ko. “Let’s go! Gusto ko na ring magpahinga. Ang dami kong ginawang trabaho today.” Nang damputin ko na ang shoulder bag ko at isinukbit sa balikat ko. “So, sasama ka ba sa bakasyon next week?” habang magkaagapay na kaming naglalakad sa pasilyo papunta sa kinaroroonan ng elevator. “I’m still thinking about it.” “Simula nang magtrabaho ka rito, hindi ka na ulit nakapagpahinga, Ysolde.” “I need to do that Jule. Alam mo naman na hanggat maaari ay pinipilit ko ang sarili at ang utak ko na maging busy sa trabaho ko para lang huwag ma-stress sa mga iniisip ko.” Saad ko. Kasi kung hindi ko gagawin ’yon... ako lang din ang mahihirapan sa sitwasyon ko. Pumasok na kami sa elevator nang bumukas ang pinto niyon. “Kung gusto mong sumama kila kuya sa bakasyon nila, go with them. Ikaw na muna ang mag-leave.” Dagdag ko pa. Tumingin naman siya sa ’kin na magkasalubong ang mga kilay. “Kung hindi ka sasama e ’di hindi na rin ako sasama sa kanila.” “Marami pa kasi akong dapat na tapusing work kaya hindi ako sigurado kung makakasama ako sa inyo.” “One week lang naman ’yon Ysolde.” I shrugged my shoulders. “Tingnan ko.” “Huwag mong tingnan. Sumama ka na kasi. Kasama kaming lahat, tapos ikaw lang ang maiiwan.” Aniya. “Hi sissy!” We saw Shiloh na nasa lobby nang makalabas ulit kami sa elevator. Malapad pa ang ngiti sa mga labi niya nang maglakad siya palapit sa amin ni Jule. “What are you doing here?” tanong ko matapos kaming magbeso. Yumakap naman siya sa braso ko at sumabay na sa paglalakad namin ni Jule palabas ng building. “Sasama sa inyo pauwi.” Sagot niya. “Mag-o-over night ka sa bahay?” tanong ko. “Sana. But...” Tingnan ko siya at hinintay kung ano ang sasabihin pa niya. “...may date ako ngayon e.” Aniya at mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi nito. “Buttercup called me earlier na nasa bahay mo raw sila kaya I’ll go with you na lang para doon kami magkita.” Napatango naman ako. “Alam mo, hanggang ngayon nasusuka pa rin ako kapag naririnig ko ’yang endearment ninyo ng jowa mo.” Nakasimangot na saad ni Jule. Umismid din naman si Shiloh at lumipad sa ere ang isang kilay. “Haynako Jule, that means lang... bitter pa rin ang love life mo kaya ayaw mong makarinig ng mga endearment.” Alright, they are bestfriends already. Madalas lang sila magkasagutan. Parehong mataray kasi e. Pero madalas din naman bati silang dalawa. “Bakit kasi hindi mo na sagutin si Giuseppe para may love life ka na again? I mean, sagutin mo na siya ulit. Move on sissy. Past is past.” Anito. Napangiti naman ako nang tingnan ko si Jule. Mas lalong nasira ang hitsura niya dahil sa mga sinabi ni Shiloh. Oo nga naman, it’s been ten months simula nang suyuin ulit siya ni Kuya Sky. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakabalikan. Base sa kuwento ni Jule, nagkahiwalay raw sila dati dahil nahuli niyang may kasamang ibang babae ang magaling kong kuya. Ten months na siyang nililigawan ulit ni kuya, pero nagpapa-hard to get pa rin siya. E, halata namang mahal niya pa rin ang kapatid ko. “I know you still like him. So, why not to say yes to him para you two can be together again. I mean, matagal na rin ang ten months sissy. Ikaw rin... baka mapagod na si Giuseppe sa panunuyo sa ’yo.” “Shiloh, kung talagang sincere siya sa paghingi ng sorry sa akin dahil sa ginawa niya dati, at kung talagang mahal niya pa rin ako... matuto siyang maghintay kung kailan ko siya sasagutin ulit. Oo mahal ko pa rin siya hindi ko naman ’yon tinatanggi sa inyo. Ang akin lang, maghintay siya. After all, siya naman ang may kasalanan kung bakit nauwi kami sa ganitong sitwasyon e. Kung talagang gusto niyang maging kami ulit, willing siyang maghintay sa sagot ko kahit pa abutin ng another ten months.” Aniya at sumakay agad sa backseat ng sasakyan ko nang buksan iyon ng driver ko. Nagkatinginan naman kami ni Shiloh bago siya sumakay at sumunod naman ako. “Well, you have a point.” Anito. “Magkaiba naman ang naging situation natin before I say yes to Morgon.” Yeah right! Ten months na rin silang in a relationship ni Morgon. Since the first day na nakita ko si Morgon, naging magkaibigan na rin kami. I found out kasi na barkada pala siya ng triplets noon pa man. And he’s nice naman. Mukha lang mayabang at nakakatakot. But the truth is... mas takot siya kay Shiloh kaysa sa pakikipag-away o humarap sa mga armadong lalaki. And I’m happy for them. Kasi finally, nahanap na rin ni Shiloh ang lalaking meant to be niya. I guess. Kita ko naman sa mga mata at mga kilos ni Morgon that he’s super in love to my sissy. “E ikaw sissy, when ka naman tatanggap ng manliligaw mo?” nang balingan ako ng tingin ni Shiloh. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang tumawa. “Next question please.” Saad ko. “You’re always like that na lang kapag tinatanong kita about that thing. Hello? Maria Ysolde Latorre, you’re not getting any younger. Twenty eight ka na.” “Hayaan mo na ang isang ’yan Shiloh. Alam naman natin ang pinagdadaanan niyan.” Singit naman ni Jule. And she’s always like that. Kapag mag o-open up si Shiloh about my past... siya agad ang sumasalo. Alam naman kasi nila na hanggat maaari ay iniiwasan kong mapag-usapan ang tungkol sa past relationship ko. Shiloh let out a deep sigh and stared at me. “I’m sorry.” Aniya. Ngumiti naman ako sa kaniya at masuyong tinapik ang lap niya. “That’s okay.” Saad ko at itinapon na sa labas ng bintana ang paningin ko habang busy naman silang nag-uusap ni Jule.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD