SERYOSO lang akong nakatingin sa unahan ng sasakyan habang tahimik naman si Arn na nagmamaneho. I let out a deep sigh and looked at him again. I stared at him intently.
“You lied to me.” Mayamaya ay saad ko. Mahina man ang pagkakasabi ko n’on pero alam kong ramdam ni Arn na galit ako sa kaniya dahil sa nalaman ko ngayon. Dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.
“I’m sorry po Ma’am Ysolde.” Mahinahong saad nito.
“Sorry?” sabi ko. “Pareho lang kayo ng boss mo mga sinungaling! Pinaglaruan lang ninyo ako.” Argh! Naiinis talaga ako ngayon. Nagagalit ako sa kanila ni Hideo. All these time pinaglalaruan lang nila akong dalawa. Pinagmukha nila akong tanga. God! Wala akong kamalay-malay na lahat ng ito ay gawa pala ni Hideo. Nagkunwari siyang secret admirer ko. Nagpadala ng kung anu-ano sa akin. Kaya pala lahat ng natatanggap ko ay gusto at paborito ko. Kasi siya naman pala ang nasa likod ng lahat ng ito. Like the tulips flower. The cockies and everything. Tapos siya ang palihim na umaakyat sa veranda ko kapag mahimbing na akong natutulog sa gabi. And worse... nagmukha akong tanga nang sabihin ko sa kaniya na may manliligaw ako at ipapakilala ko sa kaniya para sana pagselosin siya. Pero wala akong kaide-ideya na siya pala iyon. Oh, God! Ano na lamang ang iniisip nilang dalawa nang araw na sabihin kong may manliligaw ako? Malamang na pinagtatawanan na nila ako sa isipan nila. Pareho lang silang mag-amo!
Nagpakawala ulit ako nang malalim na buntong-hininga.
“I’m sorry po ulit Ma’am Ysolde,”
“Don’t talk to me Arn. Naiinis ako sa ’yo.” Saad ko at ibinaling na lang sa labas ng bintana ang paningin ko.
Naging tahimik na ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Walang salita na bumaba ako sa front seat at pabalibag kong isinarado ang pinto at nagmamartsa ng pumasok sa gate, hanggang sa makapasok ako sa sala.
Nadatnan ko namang nasa sala si Jule at Kuya Giuseppe. Pareho pang nagtataka ang mga ito nang makita nila ako. Hindi siguro nila inaasahan na kauuwi ko lang sa bahay. Ang akala siguro nila ay umuwi ako kagabi pagkatapos ng dinner date namin ni Hideo.
“Bes, kakauwi mo lang?” tanong sa akin ni Jule.
Pero dahil naiinis pa rin ako, hindi ko siya pinansin at nagmamadali lang akong umakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.
“Argh, Hideo!” nanggigigil at pigil ang pagsigaw ko na ibinato ko sa kama ang picture frame na bitbit ko.
Nagtataas-baba pa ang dibdib at mga balikat ko dahil sa labis na inis. Nagparoo’t parito ako ng lakad habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Mayamaya ay nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko bago bumukas ang pinto at sumulip si Jule.
“Hey, okay ka lang ba?” tanong nito at pumasok na ng tuluyan.
Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at naglakad palapit sa kama ko. Umupo ako sa gilid niyon.
“Bakit hindi ka pala umuwi kagabi?” tanong ulit ni Jule. “Saan ka natulog?”
“Sa bahay ni Hideo.” Seryosong saad ko sa kaniya.
Natigilan naman ito at napatitig sa mukha ko. Mayamaya ay ngumiti ito ng nakakaloko sa akin. “Oh my God! Don’t tell me—”
“Kung anuman ang iniisip mo ngayon Jule, walang nangyari na ganoon.” Mabilis na saad ko sa kaniya at napairap pa. “Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon sa Hideo na ’yon?” tanong ko. “Naiinis ako! Nagagalit ako sa kaniya.” Tiim-bagang na saad ko pa.
“Huh? Bakit ano ang nangyari?” kunot ang noo na tanong nito.
“Nalaman ko lang naman na niloloko, pinaglalaruan lang pala ako ng Hideo na ’yon pati ni Arn.” Saad ko.
Nagsalubong lalo ang mga kilay nito. “Si Arnulfo? Bakit nasali si Arnulfo sa usapan?” tanong nitong muli. “At ano ang ibig mong sabihin na niloloko at pinaglalaruan ka lang ni Hideo?”
Saglit akong tumahimik at muling humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan ulit iyon sa ere. “Tauhan ni Hideo si Arnulfo,” sabi ko. “And I found out na palabas lang pala nila ang lahat. Mula sa mga deliveries na at ibinibigay sa akin ni Arn. Doon sa trabaho niyang paglalagay ng CCTV cameras dito sa bahay ko, sa pagiging driver niya ng taxi and everything. Lahat ng ’yon ay palabas lang nila. Kagagawan ni Hideo. Pinaniwala nila akong secret admirer ko ang taong nagpapadala sa akin ng kung anu-ano. Pinaniwala nila ako na hindi sila magkakilala. Pero ang totoo... tauhan pala ni Hideo si Arn.” Lintaya ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.
Yeah, ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Plano ni Hideo ang lahat ng mga nangyari simula umpisa. Ah, ewan ko lang kung ano ang magawa ko sa Hideo na ’yon kapag nakita ko siya! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ako mismo ang papatay sa kaniya. Sumusukob talaga ang dugo ko ngayon.
“Seryoso bes?”
“Mukha na akong nagbibiro ngayon Jule?” tanong ko nang tingnan ko siya ng masama.
“I’m sorry,” anito. “I mean, hindi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon. Grabe naman ang mga ginawa nila!” saad nito.
“Argh! Naiinis ako ngayon. Nagagalit ako. Ang sarap nilang pag-umpuging dalawa!” nagpipigil pa rin ako na mapasigaw dahil sa nararamdaman ko ngayon.
“Nagkausap ba kayo ni Hideo kanina?”
“Hindi. And I don’t want to talk to him, baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Nakakabuwesit siya.”
“Hey,”
Nang sumilip naman sa pinto si Kuya Giuseppe.
“Are you okay kapatid?” tanong nito.
“She’s not okay.” Si Jule ang sumagot. Tumayo na rin ito sa puwesto nito at naglakad palapit kay kuya.
“Why? Is there a problem?”
“It’s Hideo,” saad ulit ni Jule.
Tiningnan ko lang silang dalawa pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama ko.
“Halika na babe. Hayaan na muna natin ’yang isa.”
“Why? Ano ang ginawa ni Hideo kay Ysolde?”
Dinig kong tanong ni kuya kay Jule bago pa sila lumabas sa kuwarto ko at naiwan akong mag-isa rito.
Napapikit na lamang ako nang mariin at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
PABABA NA ng hagdan si Hideo nang makita naman niyang papasok sa main door si Arn.
“Boss,” saad nito sa kaniya.
“What?” aniya at naglakad siya patungo sa kusina nang makababa na siya sa hagdan. Kukuha lang siya ng malamig na tubig. Kagigising niya lang kasi. And he was disappointed nang pagkagising niya ay hindi na niya nakita si Ysolde sa tabi niya. Even the picture frame na nasa wall niya. Magkahalong inis at pagkadismaya ang naramdaman niya kanina bago siya lumabas sa kaniyang kuwarto. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil napasarap ang kaniyang tulog kaya hayon tuloy, hindi niya namalayan na maaga pa lang umalis ang kaniyang asawa. Nadismaya rin siya na hindi manlang niya ito nakausap bago ito umalis. He was expecting na may mapapag-usapan pa sila tungkol sa kanilang dalawa sa umagang iyon bago umuwi sa bahay nito si Ysolde. Pero hindi nga nangyari dahil late na siyang nagising. It’s been one year, ngayon na lamang ulit siya nakatulog ng mahimbing dahil katabi niya ang kaniyang asawa buong magdamag.
“Boss,”
“What, Arnulfo?” naiinis na binalingan niya ito ng tingin nang makapasok siya sa kusina.
“E, may sasabihin po sana ako sa inyo.”
Nagsalubong ang mga kilay niya at tinitigan ng mataman ang binata. Mayamaya ay binuksan niya ang refrigerator at kumuha roon ng bottled water.
“Mag re-resign na po sana ako.”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya at muling napatingin dito.
“What?” tanong niya. “Bakit ka naman magre-resign?”
“E, alam ko po kasing magagalit kayo sa akin kapag sinabi ko pong... nakita po ako ni Ma’am Ysolde rito kanina.”
Bigla siyang natigilan. “What?” tanong niya ulit.
Ngiwing ngumiti naman si Arn. “Hindi ko naman po kasi alam na nandito po siya sa bahay. Kaya—”
“She saw you?” tanong niya ulit.
Tumango naman si Arn. “Opo boss. Inihatid ko na rin po siya sa bahay niya kanina. And,”
“And what?”
“Nagagalit po siya dahil sa nalaman niya.”
“Damn it, Arnulfo!” tiim-bagang na saad na lamang niya.
“Hindi ko naman alam boss na dito po pala natulog si Ma’am Ysolde kagabi. I was about to leave earlier pero wala na rin po akong nagawa.” Pagpapaliwanag pa nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Hideo pagkuwa’y malalaki na ang mga hakbang na lumabas ng kusina.
Napasunod na lamang ang tingin ni Arn dito. “I guess I need to find a new job.” Anito at napabuntong-hininga na rin nang malalim. Naglakad din ito palapit sa refrigerator at kumuha ng tubig doon. “Bakit kasi hindi ko na lang sinabi kay Ma’am Ysolde na si boss Hideo ang nagpapadala sa kaniya ng mga ’yon... nasali pa tuloy ako sa problema nilang mag-asawa.” Napapailing na lamang na saad nito.