Bivianne
"Please! Please, Bivianne, minsan lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nitong laro." Pinagdaop ni Yeshua ang mga palad niya habang sinusundan ako na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ko siya nilingon para ipakita kung gaano ko kaayaw gawin ang hinihiling niya sa ‘kin. More like, I couldn’t.
Bago ako makapasok sa room, hinampas ni Yeshua ang kaniyang palad sa pinto at humarang sa daraanan ko. Isa sa mga katangian niya na kaniyang ipinagmamalaki ay ang kaniyang determinasyon. Nakakainis man sa iba ay wala siyang pakialam. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.
Wala akong choice kung hindi tingnan siya with my usual poker face. Kailan lang kami naging magkaibigan, pero alam ko na kung gaano ka-persistent ang babaeng ito. Wala nga lang akong magawa kahit na alam ko na ‘yon. Hindi ko pa rin siya mapigilan kahit anong mangyari.
"Ano ang mapapala ko sa pagsali? Maaari akong masugatan o tuluyang masaktan sa paglalaro lang ng larong iyon. Pananagutan mo ba? Handa ka bang makipagpalit sa ‘kin ng binti kapag may nangyari sa ‘kin?" Tumaas ang kanang kilay ko, nanghahamon sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay niya bilang tugon. "Anong sinasabi mo? Intramurals lang ‘to, Bi. Walang permanenteng nasusugatan sa Intrams."
"At maaaring ako ang mauna. Isa pa, paano ka nakasisigurado? Kahit ano pang itawag mo sa programa o kompetisyon na ‘yan, risky pa rin ang laro. Sports will always be risky."
Napaingit si Yeshua at saka ginulo ang kaniyang buhok. "Pupunan mo lang naman ang team, Bi. I'm not telling you to play seriously or what. Ma-di-disqualify ang team ng mga babae nang hindi man lang lumalaban dahil kulang kami ng isa. Ni wala kaming reserve players."
"At may kinalaman iyon sa akin dahil?"
Halos malaglag ang panga niya sa narinig. "How can you be so heartless?"
Nagsimula akong maglakad palayo sa kaniya, at sumunod naman siya. Umupo kami sa pinakahuling row malapit sa bintana. Saglit kaming pinagmasdan ng mga kaklase namin dahil para yata kaming mag-asawang nag-aaway. Hindi rin naman kasi rito ang room ni Yeshua pero dere-deretso siya sa loob na parang wala lang sa kaniya.
"Sino ang walang puso sa ‘ting dalawa? Gusto mong maglaro ako ng isang bagay na napakadelikado nang hindi iniisip kung ano ang maaaring mangyari sa ‘kin. Dapat mong i-research kung ano talaga ang ibig sabihin ng heartless bago mo gamitin ang salitang ‘yon."
"Tulad ng sabi ko, hindi delikado ang Intramurals. Punan mo lang ang team, subukan mong sipain ang bola sa loob ng goal, subukang mag-defend o tumayo na lang sa gitna ng court. Don’t worry! Kami na ang bahala sa paglalaro. Basta makumpleto lang kami sa loob.”
Huminga ako nang malalim bago iniling ang ulo sa direksyon niya. "Hindi ka ba aalis? Malapit nang dumating ang instructor namin."
Napabuntonghininga siya pabalik at mukhang sumusuko na. "Thanks for nothing. Don't ask for my help in the future kasi hindi kita tutulungan. Ever."
Pagkalabas na pagkalabas ni Yeshua ng classroom, dumating na ang instructor namin. Let’s see about that. Alam kong hindi ka susuko hanggang sa dumating na mismo ang Intrams.
Hindi ko alam kung bakit sobrang halaga sa kaniya ng larong ‘yon, eh, Intrams lang naman ‘yon. Ang kalaban lang naman nila ay ibang section. At dahil grade twelve na kami, tiyak na puro mga mas bata ang makakalaban nila. Hindi ba sila naaawa?
Sinubukan kong mag-focus sa lecture pero hindi ko magawa. Kanina ko pa iniisip ang alok ni Yeshua. Kahit gaano ko pa itago sa sulok ng utak ko, bumabalik at bumabalik lang din ‘yon ulit.
Malapit na ako magkolehiyo kaya wala akong oras para sa anumang bagay na maaaring makagambala sa ‘kin. And clearly, ang pagsali sa futsal ay magiging istorbo lang, isang distraction sa pag-aaral ko.
Hindi lamang ito makahahadlang sa pag-aaral ko. Sa oras na malaman ni mama na sumali ako sa futsal ay baka magalit na naman siya sa ‘kin. At walang gustong galitin ang isang Zenith Cordova. Not even me, her daughter.
Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa paborito kong tindahan at um-order ng Taro milk tea. Magmula nang matikman ko ‘to ay madalas na akong bumili nito sa isang linggo. Si Yeshua ang pumilit sa ‘king subukan ‘to. Naaalala ko pa nga kung gaano ko kaayaw na subukan. Pero ngayon ay hinahanap-hanap ko pa.
Naghahanap ako ng bakanteng upuan para tumambay nang may bumangga sa ‘kin. Tahimik akong napamura. Tumingin ako sa milk tea ko na natapon sa sahig. Hindi naman nabahiran ng mantsa ang damit ko, pero magkano rin ang halaga nito. Sayang.
"I'm sorry," sabi ng lalaking nasa harapan ko. "Hindi kita napansin agad." Umupo siya at sinubukang kunin ang natapong milk tea sa sahig nang pigilan siya ng isa sa mga tauhan.
"Let's clean it up for you, sir. Iwan mo na lang po riyan."
"Hindi rin ako tumitingin kaya pasensiya na." Nakatingin pa rin ako sa natapong milk tea sa sahig habang nililinis iyon ng staff. Gusto ko sanang uminon n’on ngayon pero ayaw kong gumastos na naman para sa panibago. Nagtitipid ako dahil kailangan kong mag-ipon.
"Hayaan mo akong bumili ng isa pa para sa ‘yo," alok ng lalaki.
Magpoprotesta na sana ako nang mawala ito sa harapan ko. Sinubukan kong pigilan ito sa pagbili, ngunit masyado siyang mapilit.
"You don't have to buy me another. Sa susunod na lang ako iinom."
"It's okay. Here," ani niya bago iniabot sa ‘kin ang cup. "I'm really busy right now, so I need to leave if it's okay. Just enjoy your cup of milk tea."
Bago umalis, yumuko pa ito nang bahagya sa harapan ko bago tumalikod para umalis. Nabibigla pa rin ako sa nangyari na hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Sa huli ay wala na rin akong nagawa dahil hawak ko na ang isa pang cup ng milk tea.
Habang nakatitig sa cup na nasa kamay ko, tipid akong napangiti. "I only drink Taro for my milk tea, though," bulong ko bago humigop ng chocolate-flavored milk tea.
Sa halip na manatili sa tindahan, pinili kong tawagan na si Mang Kiko, ang driver ko, para sunduin na ako. Ayaw kong magtagal sa maraming tao habang umiinom. Baka mamaya ay may makabangga na naman ako. Baka sa susunod ay hindi na ako bilhan ng isa pang milk tea.
"Kumusta ang araw mo, Ms. Bivianne?" tanong ni Mang Kiko pagkaupo sa driver's seat. Minaniobra niya ang sasakyan at umalis sa parking space bago tumungo pauwi sa bahay.
Habang nakasandal sa upuan at nakapikit, napabulalas ako, "Nakakapagod! Ang daming activities na binibigay sa ‘min na parang factory machine kami or something. At hindi na rin nila in-extend ang deadline." Napabuntonghininga ako bago dumilat.
Napangiti si Mang Kiko sa sagot ko. "Pero tatapusin mo pa rin silang lahat sa tamang oras, Ms. Bivianne." Hindi ‘yon isang tanong.
"I know, but at least consider my classmates. And I told you to call me Bivianne or Biv. Alisin mo na lang ‘yong miss. Masyadong pormal."
"I can't do that. Tiyak na parurusahan ako ni Mrs. Cordova kung gagawin ko ‘yan."
She pouted. "Tawagin mo man lang ang pangalan ko kapag magkasama tayo. Hindi ko naman sasabihin sa mama ko."
"Okay. I'll try my best, Bivianne."
Si Kiko Fernando ay tatlumpung taong gulang na tsuper. Nakatira siya sa Cordova residence kasama ang kaniyang asawang si Cassady Fernando. Anak din siya ni James Fernando na driver naman ni mama.
Ilang taon nang naglilingkod sa pamilya namin ang kanilang pamilya. Kaya naman masasabi kong sobrang close na kami. Magmula ba naman pagkabata ay siya na ang driver ko. Sa kabilang banda naman, si Cassady ay isa sa mga kasambahay namin. Isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkakilala at nagpakasal.
Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay lumabas na ako habang inuubos ang milk tea ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang kasambahay bago ako pumasok. I was hopping on my way to my room habang ipinarada naman ni Mang Kiko ang sasakyan sa basement. Wala akong anumang takdang-aralin ngayon kaya binabalak kong manood ng anime na sinimulan ko ilang linggo na ang nakakaraan.
Isang mahina at malamig na boses ang nagpatigil sa ‘kin bago ako makarating sa kwarto ko. "Sabi ko naman sa'yo na hindi maganda sa kalusugan mo ang mga inumin na 'yan, ‘di ba?"
Dahan-dahan akong lumingon at pilit na ngumiti. "Hindi naman po ako umiinom nito araw-araw."
Nakatayo siya sa hallway habang nakasandal sa dingding. Suot pa rin niya ang kaniyang puting long sleeves at itim na slacks, ngunit ang kaniyang itim na blazer ay nakapatong na sa kaniyang braso.
Hindi ako handa na makita siya ngayon. Akala ko ay nasa business trip pa siya at hindi uuwi ng mga dalawang linggo. Pero ngayong nandito na siya sa harapan ko, bumilis ang t***k ng puso ko at kinilabutan.
"Pero hindi pa rin maganda kahit kalahati pa lang ang iniinom mo. Mali ba ako?"
Isa lang itong inumin, gusto ko sanang sabihin.
Kinagat ko ang loob ng bibig ko para pigilan ang sarili na masagot siya. Alam kong hindi maganda ang magiging wakas nito para sa ‘kin kapag sumagot pa ako. And it’s not like I have the courage to answer back.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagalitan ako ni mama dahil sa kung ano-anong iniinom at kinakain ko. Pero kahit ilang beses nang nangyari, hindi pa rin ako sanay.
"Balita ko ay hindi ka nakikinig sa klase ni Mr. Carter kanina. Care to explain why?"
Halos mapamura ako nang malakas matapos ang narinig ko. "I did. Nawala lang ako sa focus pero I was listening.”
Nagitla ako nang bigla niya akong sampalin nang malakas. Napahawak ako sa pisngi ko. I clenched my jaw, but it was too late. Kahit alam kong mangyayari ‘to, hindi ko pa rin maiwasang hindi mabigla.
"At sa tingin mo ay magiging maganda iyon para sa application mo sa college?” Hindi ako nakasagot. “Kung hindi ka makikinig sa bawat lecture, may mga bagay kang pwede ma-miss. At ang mga bagay na iyon ay maaaring maging mahalaga. Kaya ano ang kailangan mong gawin? Makinig mula sa simula hanggang dulo. Huwag mong hayaang pigilan ka ng anumang distractions. Naiintindihan mo ba?"
Gaya ng inaasahan, walang saysay na ipaliwanag iyon sa kaniya. Pero kahit gano’n, at least sinubukan ko.
"Opo. I'm sorry. Hindi na ako mag-space out sa klase."
"Good. And since you have the time to buy such drinks, I assume you have more time to study for the upcoming entrance examination, am I right?"
"I do. Don't worry."
Nang makaalis siya, nakatayo pa rin ako sa harap ng room ko. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. Ilang beses akong huminga nang malalim bago nagbilang pabalik mula sa sampu. Sa ganitong paraan, hindi sasabog ang ulo ko dahil sa init ng ulo. Hindi magiging maganda ang mga mangyayari kung hahayaan kong manalo ang init ng ulo ko sa tuwing sinesermonan ako ni mama.
Kasalanan ko dahil hindi ako nakikinig nang mabuti sa klase. Alam kong kailangan kong pagbutihan sa lahat ng ginagawa ko. Bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng kompanya ni mama, kailangan ko pang paghusayan. Kailangan ko pang galingan para walang masabi ang mga kaibigan ni mama.
Higit sa lahat, I need to become like mom. I need to be as good as her. Pero sa ngayon, wala pa ako sa kalahati. My mom was a valedictorian at our school kaya kailangan ko ring maging valedictorian. Noong college naman ay siya ang summa c*m laude.
Kaya kung magpepetiks-petiks ako ay baka kahit valedictorian ay hindi ko makuha lalo na't nandiyan si Yeshua Yada, ang aking matalik na kaibigan at karibal. Wala siyang pakialam kung maging valedictorian man siya o salutatorian, pero matalino na siya kahit hindi niya ibigay ang best niya. Ni hindi nga siya nag-e-exert ng effort sa pag-aaral at puro sports ang nasa utak niya. Paano kung maisipan niyang mag-aral nang mabuti? I won’t allow her to take my spot as number one in our batch.
Isang maling galaw at lahat ng pinaghirapan ko ay mawawala. At hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon.