Chapter 2

2419 Words
Bivianne Nakasimangot akong sumakay ng kotse nang walang sinasabi. Alam kong napansin ni mang Kiko na wala ako sa mood nang umagang ‘yon pero hindi na siya nagtanong. Alam kong nang makita niya si mama kanina ay sapat na ‘yong paliwanag. No need for a verbal one. Maagang umalis si mama at ni hindi na niya ako nasabayan sa agahan. That’s better for me, though. Dahil ayokong makasabay siya at kung ano-ano na namang sermon ang matanggap ko. I don’t want to get slapped again. Nang makarating kami sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ni mang Kiko. Hinarap ko naman siya. “Kunin mo ‘to.” Napatingin ako sa inabot niyang lunch box na may isa pang maliit na box. “Hinanda ng asawa ko para ibaon mo. Iyang isang box naman ay may gamot para sa sugat mo sa labi.” Dahan-dahan ko ‘yong inabot at napaiwas ng tingin. “Maraming salamat po.” Isang tipid lang na ngiti ang ginawad niya bago ako hinayaang umalis. Napabuntonghininga ako nang makarating ako sa room at tinitigan ang binigay niya. Imbis na mapangiti at matuwa sa small gesture ng mag-asawa, I can’t help but pity myself instead. Ganito na silang mag-asawa sa ‘kin noon pa lang. Sa tuwing sinasaktan ako ni mama ay bibigyan nila ako ng gamot para gamutin ang sarili ko. Kung minsan naman, si Cassady mismo ang gumagamot sa ‘kin lalo na kung hindi na ako halos makagalaw sa sobrang sakit ng katawan. I wonder what they think of me now. Siguro sobrang miserable ng tingin nila sa ‘kin. Ilang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako makawala sa ginagawa ni mama. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Anak lang ako. Matagal ko nang gustong lumayas. Pero sino ba ako para gawin ‘yon? Gustuhin ko mang umalis sa puder niya ay hindi ko pa kayang alagaan ang sarili ko. At tiyak na mahahanap at mahahanap niya agad ako gamit ang pera niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko dala ang bigay ni mang Kiko. Lumapit ako sa basura at walang pagdadalawang isip na tinapon ang mga box doon. Nang makaupo ako, akala ko ay gagaan na ang pakiramdam ko. Pero habang tumatagal, mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko. My head is starting to boil too. Nang dumating ang teacher namin, nakinig akong mabuti para mawala sa isip ko ang lunch box na ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang big deal. It’s just a lunch box. Marami kaming ganiyan. They can always prepare another one for me. Pero ito ako at inaalala ang box at kung paano ‘yon mahulog sa loob kasama ang iba pang mga basura. Nang matapos ang klase namin sa buong araw ay mabilis akong lumabas ng room. Halos kumaripas pa ako ng takbo para lang makalayo agad. Nang makarating ako sa parking ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pero hindi naman ‘yon nagtagal dahil nakita ko na si mang Kiko. Matamis ang kaniyang ngiti nang bumungad sa ‘kin pero hindi ko nagawang ngumiti pabalik sa kaniya. I still feel guilty about throwing that lunch box. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ‘to nararamdaman gayong ako naman ang nagpasyang itapon ‘yon. I can’t understand myself sometimes. Habang nasa loob ng sasakyan ay naalala ko ang magiging project namin para sa pagtatapos ng taon. “Kailangan kong pumunta sa bahay ng kaklase ko bukas,” sambit ko. “Alas otso dapat ay nakaalis na ako.” “Sige. Hihintayin kita sa parking bukas ng alas otso.” Hindi ko siya tinapunan ng tingin ay nagpasya na lang na tumingin sa labas ng sasakyan. Nagpangalumbaba ako at pinanood ang mga sasakyan sa labas. Nakatulala lang ako hanggang sa makarating sa bahay. Huminga pa ako nang malalim pagkapasok sa loob, inaasahan na sasalubungin na naman ako ni mama. Pero walang Zenith Cordova ang lumitaw sa harap ko hanggang sa makarating ako sa kwarto. She must be at her office. O baka may business trip na naman sa ibang bansa. It’s not like she’s telling me what she’s doing. Ni hindi ko na nga alam kung saan-saang lupalop na siya nakakapunta samantalang nakakulong lang sa bahay ang anak niya. Nang matapos akong mag-shower ay naupo na agad ako sa study table ko para mag-aral. Pero hindi pa man ako nakapagsisimula ay narinig ko na ang mahinang katok sa pinto ko. “Handa na ang hapunan mo, Bivianne.” Boses iyon ni Cassady. “Hindi ako nagugutom. Kayo na lang ang kumain,” sagot ko bago nagpatuloy sa pagbuklat ng mga notebook ko. Ilang minuto pa lang akong nakapag-aaral ay may kumatok na naman sa pinto ko. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ako nagtagumpay. “Hindi nga ako gutom!” bulalas ko. “Naghanda ako ng kahit miryenda lang, Bivianne. Hindi ka makapag-aaral nang maayos kung walang laman ang tiyan mo.” Padabog kong sinara ang notebook ko at nagmartsa papunta sa pinto. Umuusok ang ilong ko nang salubungin ang tingin ni Cassady. “Kakain ako kung gusto ko. Hindi mo na ‘ko kailangang dalhan dito.” Kahit na medyo tumaas na ang tono ng boses ko ay nagawa niya pa ring ngumiti. “Iiwan ko na lang dito ang pagkain kung sakali mang magutom ka. Kukunin ko na lang ulit ang lalagyan bukas.” Maraan akong pumikit at ilang ulit na huminga nang malalim. Nagsimula akong magbilang pababa mula sampu. Imbis na sumagot ay binuka ko na lang ang pinto para makapasok siya at mailagay ang tray malapit sa study table ko. Nakangiti pa rin siyang lumabas ng kwarto ko samantalang walang lingon-likod ko namang sinara ang pinto. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral. Ilang oras akong nakadukmo lang sa lamesa ko. Nang matapos kong aralin ang lahat ng subjects para sa gabing ‘yon ay napainat na lang ako. Alas kwatro na rin ng umaga nang matapos ako. Pagkatayo ko ay roon ko lang naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi pa nga pala ako naghahapunan o miryenda man lang mula kanina. Tanghalian na ang huli kong kain. Kaya naman mabilis na dumapo ang tingin ko sa miryenda na dala ni Cassady kanina. Muli na namang gumapang ang guilt sa sistema ko. Naalala ko kung paano ko nasigawan si Cassady gayong gusto niya lang naman akong dalhan ng pagkain. Kaya naman kahit na malamig na ‘yon ay kinain ko pa rin ang gawa niyang churos. Kahit maligamgam na rin ang dala niyang juice ay ininom ko pa rin. Though, hindi ko naubos ‘yon dahil isang pitsel ang dala niya. Nang matapos akong kumain ay nag-toothbrush lang ako bago nahiga sa kama at natulog. Paggising ko ng alas syete ay wala na roon ang tray at mukhang kinuha na ni Cassady. Napabuntonghininga na lang ako bago tumayo at nag-asikaso na para sa pagpunta sa bahay nina Yeshua. Actually, hindi sa bahay nila mismo ang punta namin kung hindi sa bahay ng pinsan niya na may farm. Iyon kasi ang napili naming lugar na malapit lang para sa magiging project. Kailangan naming i-document kung ano-ano ang mga nangyayari sa farm. Magmula pag-aalaga ng mga pananim hanggang sa pag-aalaga sa poultry animals. Pito kami sa grupo kaya naman napaghati-hati namin ang mga gawain nang patas. Pero bilang leader, kailangan ko pa ring i-monitor ang lahat ng gagawin nila dahil hindi pwedeng bumagsak ako nang dahil lang sa groupings na ‘to. Nang makarating kami sa address na binigay ni Yeshua ay kumunot ang noo ko. Sobrang daming bata sa daan. Maraming bahay sa paligid pero parang mga luma na ang mga ‘yon. Not to mention, ang dumi pa ng paligid. May mga batang nakahubo at nakatapak sa isang tabi. Sobrang dungis nila at nakasalampak pa talaga sa maduming semento. Habang ang mga nanay naman nila ay parang may pinagkakaabalahan sa isang gilid. I think it’s called Bingo. May mga bata ring nagtatakbuhan kaya bumagal ang takbo ng sasakyan. Napatingin ang ilan sa mga bata at napatigil sa paglalaro. Mabuti na lang at wala sa kanila ang lumapit o nagtangkang gasgasan ang sasakyan namin. Nakamasid lang sila na para bang ngayon lang sila nakakita ng isang Mercedes-Benz na sasakyan. Pero kung sabagay, kung hindi motor ay lumang tricycle lang ang nakikita ko sa paligid. Ang iba naman ay bike na kinakalawang na rin. Hindi lang ako makapaniwalang dito malapit nakatira si Yeshua. How can she even study in this kind of environment? Nang huminto ang sasakyan, nagsalita si mang Kiko. “Dito na po ang tinuturo ng Waze, ma’am.” Napatango ako at sinukbit na ang bag ko sa balikat. Mabilis na lumabas si mang Kiko para pagbuksan ako ng pinto bago nagmasid nang mabuti sa paligid. Hihintayin niya ako hanggang sa matapos at sasama sa mismong farm kung saan namin gagawin ang project. Kinuha ko ang phone ko para sabihin kay Yeshua na nandito na ako. Hindi naman nagtagal ay lumabas siya sa isang lumang bahay na para bang pinagtagpi-tagpi na lang ang bubong. Paano kapag bumagyo? Kauting ihip lang ng hangin ay tiyak titilapon na ang buong bahay nila. “You’re early!” bungad ni Yeshua na may malawak na namang ngiti. “Papunta pa lang ‘yong iba nating mga kagrupo. Tara muna sa loob at maghintay.” Nagdadalawang isip akong pumasok lalo pa at nakita kong may kalawang na ang doorknob nila. Lupa lang din mismo ang sahig nila sa loob at walang tiles o kahit semento man lang. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. “May problema ba?” tanong niya. Nang makita kung saan ako nakatingin ay napakamot na lang siya sa batok. “Pasensiya na kung ganito ang bahay namin. Pero huwag kang mag-alala, maayos naman doon sa bahay nina Oxem at presentable. Doon naman tayo mag-stay, hindi rito.” Tumango na lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita. I don’t want to offend her any longer. Alam kong medyo nasaktan siya dahil sa naging reaksyon ko. But I can’t help it. Mabilis akong magkasakit kapag marumi ang environment ko. “Dito na lang tayo sa labas maghintay. Wait! Kukuha ako ng silya sa loob.” Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay tumatakbo na siya papasok sa loob ng bahay nila. Ginawa ko naman ‘yong pagkakataon para pagmasdan pa ang buong paligid. I can’t believe na may ganitong komunidad malapit sa bahay namin. Sobrang dumi talaga ng paligid. Ang daming kinakalawang na bagay na pwedeng magdulot ng sakit sa mga bata. I know this is not my business, pero hindi ko maiwasang hindi maisip ‘yong mga batang nakita ko kanina. “Here. Maupo ka muna rito. Malinis ‘yang upuan.” Pilit pa siyang tumawa na para bang nakakatawa ang sinabi niya. Naupo na lang ako at hinintay ang mga kagrupo namin. Mabilis naman siyang nagtipa sa mumurahin niyang phone at muling ngumiti sa ‘kin. “Pasensiya na raw kung pinaghihintay ka nila. Hindi raw nila inaasahang maaga kang pupunta.” Mabilis akong napatingala sa gawi niya. “Sabihin mo, okay lang. Maaga talaga akong pumunta dahil gusto ko sanang makita na ‘yong farm. Sabihin mo sa kanila huwag masyadong magmadali. May ilang minuto pa naman.” Mabilis niyang tinipa ang mga ‘yon habang nagsasalita ako. “Gusto mo ba ng tubig o kahit anong maiinom?” “Nah. I’m good.” Tumango siya. “Tutal maaga ka naman, tara na sa farm. Alam na nila kung saan ‘yon kaya susunod na lang daw sila.” Tumayo na ako at sinundan siya. Pinarada ni mang Kiko ang sasakyan malapit sa farm. May malaking lote malapit sa bahay nina Yeshua kung saan may malaki ring parking space. Sa hindi kalayuan ay may natanaw kaming bahay. Pero kumpara sa mga bahay na nadaanan namin kanina ay mas presentable ang itsura nito. It’s not that modern pero maganda ang pagkakapintura ng bahay at walang kalawang sa paligid. Mayroon ding isang sasakyan na nakaparada sa parking space. Isang lumang Toyota civic. “Tita!” pasigaw na bati ni Yeshua sa isang babae na nagwawalis ng bakuran. Napatingin ito sa kaniya at malawak na napangiti. “Yesh! Nandito na pala kayo. Hindi pa ako tapos maglinis. Nakakahiya naman sa mga kaklase mo.” Nakipagbeso siya rito at mahinang natawa. “Okay lang ‘yon, tita. Ano ka ba! Ang linis-linis na ng bakuran niyo eh. Kami nga dapat ang mahiya dahil madudumihan namin ‘yan mamaya.” “Ikaw talaga.” Napatingin siya sa ‘kin kaya agad akong pinakilala ni Yeshua. “Tita, this is Bivianne, our group’s leader. Biv, this is tita Kelly. My aunty and Oxem’s mother. Sila ang may-ari nitong farm at poultry.” Inabot ko ang kamay ko para makipag-handshake sa kaniya. “Nice to meet you po, tita.” Inabot niya ang palad ko kaya kinamayan ko ‘yon. Pero para bang may mali akong nagawa dahil napatingin siya kay Yeshua nang nakakunot ang noo. “Hindi na kailangang mag-handshake, Biv. Masyadong pormal.” Humarap siya kay tita at muling ngumiti. Minsan, pisngi ko ang sumasakit para sa kaniya. “Parating na rin po ang iba pa naming mga kagrupo. Gusto raw po munang makita ni Biv ang farm habang naghihintay.” Tumango naman si tita Kelly at muling bumalik ang sigla sa mukha niya. Kaunti na lang ay mapagkakamalan ko na silang mag-nanay. They emit the same energy. And it’s making me exhausted. Bago kami makapasok ng bahay nila ay bumukas nang kusa ang pinto. Bumungad sa ‘min ang isang matangkad na lalaki na seryosong ang mukha. Nagtama ang mga mata namin at agad ko siyang nakilala. “Hi there, ‘insan!” bati ni Yeshua sa kaniya kaya naputol ang tingin namin sa isa’t isa. “Anong ginagawa ng maingay na ‘to rito?” Nakakunot ang kaniyang noo pero nahimigan ko ang pang-aasar sa tono n’on. “Oxembourg!” suway ni tita sabay hampas ng braso nito. “May ibang bisita tayo, so behave.” “Yes, ma’am,” nangingising sagot nito bago muling binaling sa ‘kin ang tingin. Sa hindi malamang dahilan ay napaiwas ako ng tingin. “Hi, Ms. Milk Tea.” Kumunot ang noo ko at napaawang ang bibig na napatingin sa kaniya. “Remember me?” I can’t believe it. Naaalala niya ako. So, his name is Oxembourg. What a weird name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD