Chapter 3

2145 Words
Bivianne “Magkakilala kayo?” tanong ni Yeshua habang pabalik-balik ang tingin sa ‘min ng pinsan niya. Ginulo ni Oxem ang buhok niya na ikinaingit nito. “Oo. Nabunggo ko siya at natapon ang milk tea niya kaya binilan ko siya ng bago.” “‘Buti hindi siya nagalit.” Natawa pa si Yeshua. “Mainit ulo niyan kapag natatapon milk tea niya o kaya hindi siya nakakabili eh.” “Really?” Nahimigan ko ang pagkamangha sa tono ng pananalita niya. “‘Buti na lang pala at pinalitan ko ‘yon.” Kumunot ang noo ni Yeshua. “Ano nga palang ginagawa mo sa milk tea-han? Hindi ka naman umiinom n’on?” Nagkibit-balikat lang siya at mas lalong ginulo ang buhok ng pinsan kaya nauwi na naman sila sa away. Hindi ko maiwasang hindi sila panoorin habang nagtatalo. Kahit na naiinis si Yeshua sa ginagawa ng pinsan niya ay para bang sanay na siya. Sa kabilang banda naman, para bang nag-eenjoy talaga itong si Oxem na asarin ang pinsan niya. I’m an only child. My mom is also an only child. Kaya naman wala akong pinsan sa mother side. Sa father side? I would never know. I never even met him before kaya hindi ko malalaman kung may kapatid ba siya o may pinsan ako. My mom said he’s dead, but I knew better. They just didn’t get married. I was a child out of wedlock. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila bago pa nila ako mahuling nakatingin. I went here for a different purpose, not to watch two cousins bond with each other. Mas lalo lang nilang pinamumukhang mag-isa lang ako sa buhay at mag-isa akong tatanda. “Hey, people of the universe!” Nagitla ako nang may nagdatingang mga tao sa loob ng bahay nina Oxem na hindi na nagawang kumatok. Noong una, akala ko ay narito na ang mga kagrupo namin. Pero nang makita sila ay napansin kong walang pamilyar na mukha sa mga dumating. Napaawang ang bibig ko. Ganoon din ang lalaking bigla na lang pumasok at sumigaw nang makita ako. “Oops! Sorry. May bisita pala kayo.” Napakamot siya sa kaniyang batok. “Pasensiya na, miss.” Sa likod niya ay may biglang bumatok sa kaniya at humingi rin ng paumanhin sa ‘kin. “Pasensiya ka na sa biglang pagsigaw nitong si kuya Peter, ate. Ganito lang talaga siya ka-hyper. Pinaglihi po kasi sa balyena.” “Wow ah? Balyena naman ngayon, Jennica. Parang hindi ka rin maingay.” At nagsimula na rin silang magtalo gaya nina Yeshua at Oxem kanina. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako sa mga nangyayari. Lalong dumami ang tao sa sala nina Oxem dahil ilan pang mga pinsan nila ang pumasok. Hindi ko na nabilang pa kung ilan sila dahil nakayuko na lang ako sa isang sulok, pilit na nagtatago sa mga mata nila. “Guys!” bulalas ni Yeshua. “May project kaming gagawin ngayon dito sa bahay nina Oxem. Hindi ba niya kayo nasabihan? Mayamaya lang ay darating na ang mga kagrupo namin. Ayaw naming nagtatrabaho nang maingay kaya magsiuwi na kayo!” Humarang siya sa harap ko habang kausap ang mga pinsan niya. Medyo nakampante ako dahil sa ginawa niya kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sana lang talaga ay umuwi na muna sila dahil ayoko talaga kapag maraming tao sa isang maliit na espasyo. “Ang sungit mo naman, ‘insan!” bulalas ng isang lalaki. “Hindi naman kami mag-iingay mamaya kapag nandiyan na mga kagrupo niyo.” Nilagay ni Yeshua ang kamay niya sa magkabilang beywang niya. “Ikwento mo sa pagong, Kise. Maglalaro na naman kayo ng ps4 ni Oxem at magsisigawan mamaya panigurado. Araw-araw na lang.” At muli na naman silang nag-ingay. Kaya naman ginawa ko ‘yong dahilan para pumuslit at lumabas muna saglit. Napapaypay na lang ako sa sarili dahil sa sobrang ingay at init sa loob. There family is so huge na napuno na nila ang buong sala nina Oxem. Malaki-laki rin ang bahay nila kaya parang halos nasa sampu yata sila sa loob. “Hey!” Napatingin ako kay Oxem nang kalabitin niya ako sa balikat. “Sorry about my cousins. Maiingay lang sila pero mababait naman ang mga ‘yon.” “I know. Wala naman akong sinasabi. Sorry kung bigla rin akong lumabas.” “You look uncomfortable back there. Kaya akala ko ay naiirita ka sa mga pinsan ko.” Napatango ako at hindi agad nakapagsalita. He was watching me. “Hindi ako naiirita sa kanila. Hindi lang siguro ako komportable sa maingay at maraming tao. Sorry kung gano’n ang tingin mo. But really, hindi naman ako naiirita sa kanila mismo.” Tumango-tango siya at hindi na naman maalis ang tingin sa ‘kin. Napaiwas na naman tuloy ako ng tingin sa kaniya. I can’t handle his gaze. Grabe siya makatitig. Hindi ko alam kung gano’n lang talaga siya pero parang binabasa niya ako sa mga tingin niya. Para bang wala akong sikretong maitatago sa kaniya kapag tumitig na siya nang ganiyan. I was starting to feel awkward when our classmates came. Agad nila akong nakita kaya nahihiya silang kumaway at lumapit. “Pasensiya na, lead, at na-late kami,” ani North. Hindi rin makatingin sa ‘kin ang iba pa naming mga kagrupo sa hindi malamang dahilan. “It’s okay. Technically, hindi pa naman kayo late. Maaga lang talaga ako.” Kahit na sinabi ko ‘yon ay hindi pa rin mawala ang kakaiba nilang ekspresyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagawa kong mali pero ilag talaga sa ‘kin ang mga kaklase ko. Pero kay Yeshua naman, hindi sila ganito. “I’ll call Yeshua,” ani Oxem bago nag-jog papasok sa bahay nila. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Yeshua at dumeretso na kami sa farm nila na nasa likod ng bahay. Malawak nga ang lote na pag-aari nila. Halos ilang acre din ang farm nila at bukod pa ang poultry nila kung saan may mga manok, bibe, baka, at kung ano-ano pa. Kasama namin si Oxem ngayon para tulungan kami o kung sakali raw na may tanong kami. Siya rin ang bahalang maglibot sa ‘min sa buong farm at poultry para maging pamilyar kami. Kailangan din kasi naming matapos ang mga kailangan namin dito para hindi na kami bumalik. Nilabas ko na ang camera sa bag ko para sa mga litrato na kailangang kunan. Binigay ko naman ‘yong isa kay Kenneth na siya ring kukuha ng litrato. “Grabe! Parang bago pa ‘to ah?” sambit ni Kenneth. “Nakakatakot tuloy gamitin. Wala akong pamalit kapag nasira ko.” Pilit pa siyang tumawa habang sinisipat ang camera. “Don’t worry. Medyo luma na ‘yan,” sabi ko. “At isa pa, myembro ka dati ng photography club, ‘di ba? Panigurado namang may alam ka kung paano humawak ng camera.” Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti. “Hindi ko inaasahang alam mo ‘yon.” Napasinghal si Oxem sa tabi ko pero nagkibit-balikat na lang ako. Sinabihan ko na silang magsimula na kaya naman mabilis kaming naghiwa-hiwalay. Sina North, Catherine, Sam, at Pin ang makakasama ko sa farm dahil na rin may hika itong si Sam. Hindi siya pwede sa mga hayop o kung ano-anong mabalahibong bagay. Sina Kenneth, Roderick, at Krisanto naman ang pupunta sa poultry. Sila ang sinamahan ni Oxem para daw puro sila lalaki samantalang si Yeshua naman ang sumabit sa ‘ming mga babae para i-tour. Sa ganoong paraan ay hindi kami mag-aaksaya ng oras at hindi rin masyadong mapapagod si Oxem. Nakakahiya namang pati si tita Kelly ay abalahin pa namin. Kami na nga lang ang nakiusap na i-feature ang farm nila. Nang matapos kaming kumuha ng mga litrato ay bumalik na kami sa bahay. Muli pa naming sinigurado kung okay na ang mga litrato at information na kailangan namin bago kami bumalik. Hindi naman din nagtagal ay dumating na rin sina Kenneth na mukhang napagod rin. “Ang lawak ng lote niyo, bro,” ani Kenneth kay Oxem. “Iyong bahay yata ng mga manok niyo kasinlaki ng buong bahay namin.” Nagtawanan sila. “Namana ni mama ‘tong lote sa lolo ko dahil nag-iisang anak siya.” “Nag-iisang anak ka rin, ‘di ba?” tanong ni Catherine. “Eh ‘di ikaw pala ang tagapagmana nitong farm niyo kung sakali.” Binalik ko ang tingin sa mga papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa farm at poultry. Hindi ko alam kung magkakakilala na sila noon pa lang pero parang ako lang yata ang hindi welcome sa lugar na ‘to. Para kasing magkakaibigan na sila dati pa at nasalit lang ako. “Ang yaman niyo pala,” ani Roderick. “Kung yaman lang din naman ang usapan,” ani Yeshua, “wala nang tatalo sa yaman nitong sina Bivianne.” Napaangat ang tingin ko nang biglang mabanggit ang pangalan ko. “Huh? Ano ‘yon? Sorry. Binabasa ko kasi ‘tong mga nasulat niyo. Baka may makalimutan tayo.” Napabuntonghininga si Yeshua bago tinapik ang balikat ko. “Kumalma ka muna, girl. Hindi maganda ang puro aral ang iniisip mo. Kumain muna tayo ng miryenda.” Sakto namang pagkasabi niya n’on ay dumating si tita Kelly kasunod ang mga pinsan nina Yeshua na sobrang ingay. May dala silang miryenda para sa ‘min kaya nagsimula silang kumain. Tiningnan ko na lang ang mga kuha kong litrato kanina pati na rin ang mga kuha ni Kenneth nang biglang tumabi sa ‘kin si Oxem. “Bored?” tanong niya. Umiling ako. “Not really. Hindi lang kasi ako mapakali. Baka may makalimutan kami ngayon. Ayoko namang abalahin kayo ulit kung babalik pa ako.” “I don’t mind, though. Sabihan mo lang ako kapag may nakalimutan kayo. I’ll tour you myself.” Napaangat ang tingin ko sa kaniya mula sa camera. His gaze is so intent. Kahit na nahuli ko na siyang nakatitig sa ‘kin ay wala siyang pakialam. Para ngang mas gusto pa niyang tumititig sa mga mata ng kausap niya. Umiwas ako ng tingin at tumayo. Lumapit ako sa mga papel na nasa lamesa at inabala ang sarili para hindi niya mapansing naiilang ako sa tingin niya. Huminga pa ako nang malalim dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. “Nakita nga pala namin ‘yong driver mo sa labas, ate Bivianne,” ani Jennica, pinsan ni Yeshua na kapatid ng maingay na si Peter. “Oo nga pala,” ani tita. “Bakit hindi mo muna siya papuntahin dito at pakainin. Baka kanina pa ‘yon naghihintay at naiinip na.” Napaawang ang bibig ko. “Tatawagan ko na lang po siya.” Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at saka nag-iwan ng mensahe kay mang Kiko na magpunta sa loob. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya at medyo nahihiya pang lumapit sa ‘min. Pero dahil masyadong hyper ang mga pinsan ni Yeshua at palakaibigan ay nakagaan na niya rin agad sila ng loob. Doon ko lang napansin na ganito lang talaga sa pamilyang ‘to. Walang kaso sa kanila kung kailan nila nakilala ang isang tao. Basta mabait ang mga ito sa kanila ay mabilis lang nilang nakaka-close. Mukhang ako yata talaga ang problema kaya out of place ako sa lugar na ‘to. Lumapit sa ‘kin si mang Kiko matapos makipag-usap sa kanila. “Hindi ka ba kakain?” tanong niya. “Sabi nila ay hindi ka pa kumakain kanina pa. Ayaw mo ba ng hinanda nilang turon at banana cue? Pwede naman akong bumili ng iba.” Umiling ako. “Hindi na po, mang Kiko. Hindi rin naman kasi ako nagugutom. Hayaan mo na po silang kumain. Kung nagugutom ka rin po, huwag ka pong mahiya. Babayaran ko na lang sila sa magagastos nila.” “Sige. Sabihan mo lang ako kung nagugutom ka na. Pwede naman tayong magpaalam na sa kanila kung tapos na kayo.” Tumango lang ako at muli pang binalikan ang mga papel. Hindi ko na napansin pa ang ginagawa at pinag-uusapan nila dahil nalunod na ako sa pagbabasa. Magaling din talaga mag-take notes sina Sam at Roderick kaya ang dami niyang naisulat. Mukhang ayos na itong nakuha namin. Huminga ako nang malalim bago inayos ang mga papel sa lamesa. Nang matapos ako roon ay saka lang ako napatingin sa paligid ko at napansing nakatitig na naman si Oxem. Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin. Muli na namang bumalik ang mabilis na t***k ng puso ko. I just wished he would stop doing that. Hindi talaga ako komportable sa tuwing tinitingnan niya ako. Pero naalala ko, this might be the last time we’ll see each other. It’s not like I’ll be coming here again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD