Chapter 4

2081 Words
Bivianne Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga papel ay kinuha ko na ang bag ko. Hindi na sana ako ulit titingin kay Oxem pero nagtama na ang mga mata namin kaya wala na akong nagawa. Sa kabilang banda siya nakaupo pero nasa ‘kin pa rin ang tingin niya kahit na kinakausap siya ni Peter. Mas lalo akong nataranta nang tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa ‘kin. “Done?” tanong niya. “Ahm… yeah. Mauuna na siguro ako. Mukhang nagkakasiyahan pa sila sa pagkukuwentuhan. Hindi ko na sila aabalahin. Nasa’n si tita? Magpaalam na ‘ko.” Sumunod kami ni mang Kiko sa kaniya sa loob ng bahay para magpaalam sa mama niya. Kumaway na lang si Yeshua sa ‘kin bilang pagpapaalam. Mukhang wala pa silang balak na magsiuwian dahil ang dami pa nilang kwento. I wonder where they’re getting all those topics? Nang makarating kami sa loob ay nakita namin si tita na may inaayos sa kusina. Napatingin siya sa ‘min nang tinawag siya ni Oxem. “Bakit hindi ka na rito magtanghalian?” tanong ni tita. “Nagluluto na ako para sa mga bata. Marami ‘to kaya baka hindi rin nila maubos.” Pilit akong ngumiti bago sumagot, “Hindi na po. Maraming salamat. Bago magtanghalian lang po kasi ang paalam ko.” Tumango-tango naman siya at hinatid ako sa labas. Nakita niya ang sasakyan namin kung saan kasalukuyang naghihintay si mang Kiko. Humarap ako sa kaniya. “Maraming salamat po sa pagpapatuloy, tita. Saka sa pagpayag na gamitin ang farm para sa project namin.” “Walang anuman, iha. Kaibigan ka ni Yeshua kaya natutuwa akong makatulong sa inyo. Good luck sa project niyo, ah?” Muli pa akong nagpasalamat bago hinarap si Oxem. Nagpasalamat din ako sa kaniya dahil sa pagtulong niya sa mga kagrupo ko. Dahil sa kanila ni Yeshua ay napabilis ang trabaho namin. Ni wala naman siyang matatanggap na grade mula rito. “See you soon,” sabi niya. Hindi ko alam kung para saan ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming magkita ulit. It’s not like babalik ulit ako rito. Depende na lang kung kinakailangan. Pero sa tingin ko naman ay hindi na. I made sure I double-checked the requirements. Nang makapasok ako sa sasakyan ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Para bang kanina pa ako nagpipigil ng hininga sa hindi malamang dahilan. I feel so exhausted. Naubos yata ang social battery ko. Muli akong napatingin sa labas at nakita si Oxem na pinanonood pa rin ang sasakyan namin. Kahit na alam kong tinted ang bintana, naiilang pa rin ako dahil pakiramdam ko, nakikita niya ako mula sa labas. Pinanood ko siya sa side mirror hanggang sa mawala rin siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa ‘kin, pero ramdam ko ang tensyon. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay para bang hinihigop n’on ang lahat ng hangin sa katawan ko. I feel suffocated for whatever reason. Mabuti na lang talaga at natapos namin ang mga kailangang gawin sa farm nila. Malabong magkita na ulit kami lalo pa at magkaiba ang building naming mga senior high school sa mga college student. Nang makauwi ako ay pinadala ko na lang ang tanghalian sa kwarto ko. Wala ako sa mood kumain sa dining. May lamesa at mga upuan naman ako sa kwarto ko kaya roon na lang ako kakain. At least makapag-aaral pa ako habang kumakain. Malapit na ang midterms kaya kailangan ko nang pagbutihan. I need to ace all of our subjects. Tiyak na makikita na naman ni mama ang card ko pagkatapos ng exams. Paanong hindi, eh, magkaibigan sila ng adviser naming si ma’am Ocampo. Lahat ng galaw ko sa school ay alam niya. Miski ang mga kinakaibigan ko. Kaya nga ganoon na lang ang reaksyon niya noong malamang hindi ako nakikinig sa lesson. Alam niyang kaibigan ko si Yeshua at gusto niyang matalo ko ito sa lahat ng bagay. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ‘yon. Kinabukasan, nagkaroon ng surprise quiz ang teacher namin sa Gen. Math. Marami ang bumagsak maliban sa ‘kin. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong nag-aaral. Hindi namin alam kung kailangan pwedeng magpa-surprise exam ang mga teacher namin. At ito ang kinaibahin ko sa kanila. Nang matapos ang klase ay dumeretso na ako sa parking lot. I need to study. Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko sa parking lot si Oxem. Nakatingin na siya sa ‘kin na para bang kanina pa niya ako nakitang palabas ng building namin at pinanonood na niya ako. Napahigpit ang hawak ko sa mga librong nasa braso ko. Hindi ko inaasahang makikita ko siya agad gayong kahapon lang ay nagkita na kami. And here I thought hindi ko na siya ulit makikita. At least hindi ganito kaaga. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya dahil malapit ang sasakyan namin sa kinatatayuan niya. Mukhang mag-isa lang siya at may hinihintay. It can’t possibly be me, right? I mean, why would he? “Hi there,” pambungad na bati niya. “We meet again.” Tumango ako. “Right. Sooner than I expected. Dito ka rin ba nag-aaral?” Napansin kong naka-civilian siya kaya hindi ko matukoy kung estudyante ba siya rito o may susunduin lang. “Yeah. First year college.” That explains the shirt. Allowed kasing mag-civilian ang mga college student tuwing miyerkules at org shirt naman tuwing biyernes. “I see.” Napaiwas ako ng tingin dahil nawalan ako ng sasabihin. It’s not like we’re close. Isang beses pa lang kami nagkikita. I mean, dalawa, kung isasama ‘yong insidenteng nangyari sa milk tea shop. “Pauwi ka na?” tanong niya. “Yeah. And you?” “Susunduin ko lang sana si Yeshua. Balak kasi naming kumain sa labas. Gusto mong sumama?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko pero agad ring nakabawi. “I’m okay. I mean, bonding niyong magpinsan ‘yon. Ayokong umepal.” Mahina siyang tumawa. “Hindi ka naman eepal. Kaya nga kita iniimbitahan, ‘di ba? Kasi okay lang na sumama ka. I don’t think Yeshua minds either. Magkaibigan naman kayo.” Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. “I-text ko lang siya na nandito na ‘ko.” Mabilis siyang nagtipa kaya agad akong nagsalita. “I really can’t go. I’m sorry.” Napatigil siya sa pagtitipa at napaangat ang tingin niya sa ‘kin. “Hindi sa ayaw ko, pero kailangan ko kasing mag-aral. Malapit na ang midterms exam.” Dahan-dahan siyang tumango at ibinalik ang phone sa bulsa. “I see. Naiintindihan ko. Next time, maybe? After midterms niyo.” Napakagat ako sa ibabang labi ko. “I don’t know,” bulong ko. Saglit kaming natahimik na dalawa. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Honestly, I want to go. Gusto kong sumama sa kanila ni Yeshua kahit na ma-out of place pa ako. I don’t mind. Gusto kong sumama at makilala pa siya. Kahit na alam kong wala akong masasabi sa kaniya, at least marami akong malalaman tungkol sa kaniya. Pero tiyak na hindi ako makakaalis nang hindi nalalaman ni mama kung saan ako pupunta. At tiyak magagalit na naman siya kapag nalaman niyang gumala ako imbis na mag-aral. Baka mas lalo pa siyang maghigpit at hindi na talaga ako tuluyang makalabas ng bahay. “I need to go,” pagpapaalam ko. “Enjoy your bonding.” Tumalikod na ako at dumeretso sa sasakyan namin. Pinagbuksan ako ni mang Kiko ng pinto bago ako pumasok. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para hindi na ako magkaroon ng urge na tingnan pa ulit si Oxem. Baka kapag nakita ko siya ay magbago ang isip ko at kalimutan na ang galit ni mama. “Okay ka lang ba, Bivianne? May masakit ba sa ‘yo?” Napaangat ang tingin ko kay mang Kiko. “Okay lang po ako. Gutom lang po siguro ‘to.” Right. Gutom. Dahil kanina pa umiikot at namimilipit ang tiyan ko. “Kung gano’n ay umuwi na tayo. Tiyak na nakapagluto na nang ganitong oras si Cassady.” Nagmaneho na siya paalis. Gaya ng dati ay sa kwarto ko ako kumain habang nag-aaral. Maya’t mayang bumabalik si Cassady para dalhan ako ng miryenda at maiinom. I saw her entering my room at nagti-tiptoe pa siya para hindi ko marinig ang yabag niya. I can still hear her, though. Hindi ko maiwasang hindi matawa at mapailing sa ginagawa niya. I’m just not in the mood to study right now. Kung normal na araw lang ‘to ay hindi ko siya makikita o mararamdaman man lang. Pero hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang ginagawa ko sa mga oras na ‘to kung pumayag ako at sumama sa kanila ni Yeshua. The regret is slowly eating me. Sinubukan kong itutok ang atensyon ko sa binabasa ko para makalimutan ang nangyari kanina. Naging matagumpay naman ako dahil natapos ko ang dapat aralin sa araw na ‘yon. Kinabukasan, maaga akong pumasok para sa room na sana mag-aral. Baka mamaya ay may magkagulatan na naman at magpa-surprise quiz na naman. Mabuti na ang handa. Pero hindi pa man ako nakauupo sa silya ko ay dumating na si Yeshua suot ang varsity jersey nila. Napairap na lang ako dahil alam ko na kung ano ang pinunta niya. Dapat alam na niya ang magiging sagot ko. Naupo siya sa silyang nasa harap ko dahil wala pa roon ang kaklase ko. “No need to look at me like that,” sabi niya. “Alam ko namang hindi ka papayag na maglaro sa game namin. Gusto lang kitang i-invite na manood kahit papaano. Nakakuha kami ng temporary player pero parang isang ihip lang ng hangin ay tatangayin na siya.” Mahina akong natawa. “Kahit naman ako ang mapapayag mo ay tatayo lang ako sa gitna ng court. At least susubukan niyang maglaro para sa inyo.” Huminga siya nang malalim. “So, makakanood ka ba?” I was about to decline but stopped after what she said. “Manonood raw kasi ang mga pinsan ko at tinanong nila ako kung makakanood ka. You know, dahil ikaw lang daw ang kaibigan ko and all that. Gusto ka nilang makilala.” Sinubukan kong huwag ipakita sa kaniyang apektado ako sa sinabi niya. “Ako lang ang kaibigan mo?” “Unfortunately, yes.” Kumunot ang noo ko. “Anong gusto mong iparating?” “Na pareho tayong loner?” Natawa pa siya dahil sa sariling sinabi. “Alam mo namang ang mga member lang ng futsal team ang mga kaibigan ko at apat lang kami. Isa pa, kilalang-kilala na ng mga pinsan ko ang mga ‘yon kaya curious sila nang malamang may iba pa pala akong kaibigan.” Napatulala ako sa binabasa ko pero wala na roon ang atensyon ko. “Ano? Manonood ka ba? Para hindi na umasa ang mga mokong kong pinsan. Huwag kang mag-alala. Harmless naman ang mga ‘yon. Gusto ka lang talaga nilang makilala lalo na at hindi ka nila masyadong nakausap noong isang araw. Hindi raw kasi nila alam na ikaw ‘yong kaibigan ko.” Nangangati akong itanong kung manonood si Oxem. But that would be too weird for me to ask. Kaya naman isa lang ang sagot para malaman kung pupunta siya o hindi. “I’ll try, okay? Malapit na ang midterms kaya kailangan kong mag-aral.” Napanguso naman siya. “Right. Ilang minuto lang naman ang laro namin. Hindi masasayang ang oras mo. After mong manood, you can go. This is my last year in high school. I won't be able to play again in college. Kaya malaking bagay kapag nanood ka.” Bumuntonghininga ako. “Okay. I give up. Sasabihin ko kay mang Kiko na male-late ako ng isang oras sa araw ng laro niyo. Happy?” “Yes!” bulalas niya. Napatingin ang mga kaklase namin sa kaniya. “That’s a promise, okay? Wala nang bawian!” “I don’t back out kapag nasabi ko na. You know that.” Nagtatatalon siyang lumabas sa room namin samantalang napangiti naman ako sa sarili ko. Wala naman sigurong masama kung male-late ako ng uwi ng isang oras lang. Pwede naman akong mag-extend ng pag-aaral kahit na abutin ako ng alas sais ng umaga. Pero kahit anong pagkumbinsi sa sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Tiyak na magagalit na naman si mama sa gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD