Chapter 5

2421 Words
Bivianne “I’ll need you to get an exclusive interview with the owner of the farm you featured on your project,” panimula ni ma’am Aquino. Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntonghininga. Baka mamaya ay dagdagan pa niya ang requirements. She can do that. But I can’t afford that. Masyado na akong maraming gagawin para sa panibago pang gawain. “Of course, ma’am. Noted. I’ll secure a document and a short video for the interview.” Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko kaya pinaalis na niya ako ng faculty matapos ang kaniyang good luck. Yeah. I needed that. Pinakawalan ko na ang buntonghininga na kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng faculty. I can handle that. Madali namang i-edit ang video basta ba ay may clips na akong makuha. Pero ang ibig sabihin n’on ay kailangan kong bumalik sa bahay nina Oxem. Matapos ang klase namin ay agad kong sinabihan si Yeshua at nagpasama sa kaniya para sa interview. Pero sa kasamaang palad, ngayong araw nila gagawin ang sarili nilang project kaya ako lang ang makakapunta. Mabuti na lang at nagpresenta si Kenneth na sumama at siya na raw ang kukuha ng video habang ako ang nag-i-interview. “Sure ba kayong hindi niyo na need ng tulong namin?” tanong ni Sam. “Nakakahiya naman kung kayo lang ang pupunta roon.” “Okay lang talaga,” sagot ni Kenneth. “Mag-i-interview lang naman kami. Ako na lang ang tutulong kay Bivianne. Saka isa pa, may training kayo para sa nalalapit na intramurals, ‘di ba?” Pumayag na rin ako. Gaya ni Yeshua ay kasali rin sila sa competition na ‘yon. Hindi lang ako sigurado kung anong sport ang sinalihan nila. Pero mukhang kami lang yata ni Kenneth ang hindi kasali. At isa pa, kaya naman na namin ni Kenneth ‘to. Actually, kaya ko na ngang mag-isa, eh. Pero mapilit itong si Kenneth at wala naman daw siyang gagawin. Mas mainam na rin para may katulong ako. Kahit papaano ay gagaan ang gawain ko. Tahimik lang kami ni Kenneth sa byahe nang maisipan kong i-brief siya sa mga itatanong ko. Binigyan ko siya ng mga tanong na pwede kong sabihin mamaya at siya na raw ang bahala sa mga shot. May tiwala naman ako sa kaniya kaya hindi ko na siya aabalahin kung paanong shot ang gusto niya. “Paano mo ‘to gagawin nang mag-isa kung hindi ako sumama?” tanong niya. “Madali lang naman. Isa pa, kabisado ko na ang mga tanong dahil ako lang din naman ang gumawa niyan.” “Kahit na ba. Kapag ako lang mag-isa ang gumawa nito ay tiyak na mauubos ang energy ko.” Tama naman siya. Kaya kong gawin ang lahat ng ito pero tiyak mapapagod ako. Pero I can’t afford na mapagod. Hangga’t maaari ay kailangan ko ng energy ko hanggang mamayang madaling araw para makapag-aral. Sa mga susunod na araw naman after midterms exam ay tiyak luluwag na ulit ang schedule ko lalo pa at magbabakasyon na at ga-graduate na kami. “Kaya nga salamat at nakasama ka ngayon. Gagaan ang trabaho ko.” Nahihiya siyang nagkamot ng batok. “Wala ‘yon. Para sa grade naman nating lahat ‘to. Kung tutuusin, mas marami ka pang nagawa para sa buong grupo natin.” “Gaya ng sabi mo, para naman sa grades natin ‘to. Alam mo naman kung gaano ako ka-competitive pagdating sa grades, ‘di ba?” Mahina siyang natawa. “Ikaw nga pala ang future valedictorian ng batch natin. Muntik ko nang makalimutan. Kaya dapat kong galingan para mataas ang ibigay sa ‘tin ni ma’am Aquino.” Natawa na rin ako dahil sa sinabi niya. Kilala niya si ma’am Aquino at medyo mataas talaga ang standards n’on. Madalas din siyang magbagsak ng mga estudyante kahit na alam niyang graduating at saka niya bibigyan ng chance para ma-save ang grades nila. Kaya siguro pinagawa niya sa ‘kin ‘tong interview. Baka may nakita siyang hindi maganda sa grades ko kaya binigyan niya ako agad ng bago pa man maglabasan ng grades. Isa pa ‘yong tropa ni mama na hindi ko alam kung paano niya nakilala. Ang laki siguro ng circle of friends ni mama. Napunta kami sa isang computer shop kung saan may ilang mga naglalaro ng online games. Maingay ang ilan sa kanila na para bang magkakalayo sila samantalang magkakatabi lang naman ang mga upuan nila. Napakamot ako ng ulo dahil ayon kay Yeshua, nandito raw si Oxem. Siya raw ang i-interview-hin namin para sa project namin dahil siya ang mas nakakaalam ng pasikot-sikot doon, not his mom or his dad. Pero hindi ko inaasahang nandito siya sa maingay na lugar na ‘to. I thought he’s a college student. Dapat ay busy na siya lalo na at maaga pa. Dapat nga ay nasa school pa siya o kung ano. “Oxem?” tawag ko sa kaniya nang medyo makalapit kami ni Kenneth. Pero dahil may malaki siyang headphones na nakakabit sa tainga niya ay hindi niya ako marinig. Tinawag ko ulit siya at kinalabit sa balikat. Mabilis siyang napatingin sa ‘kin bago binalik ang tingin sa nilalaro. Napahinto ang mga daliri niya sa mabilis na pagpindot sa keyboard at mouse na para bang biglang natigilan. “Oxem!” bulalas ng katabi niya. “Anong ginagawa mo? Bakit ka tumigil? Hindi kita kayang iligtas sa mga kalaban. Palapit na sila. Hoy!” At kung ano-ano pang mura ang narinig matapos niyang sabihin ‘yon. Halos mahulog naman si Oxem sa kinauupuan niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ‘kin. Wala na siyang pakialam sa kalaro niyang kanina pa siya minumura. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa ‘kin. “Bivianne?” hindi makapaniwalang tanong niya. Kinusot pa niya ang mga mata bago ako hinarap. “Anong ginagawa mo rito?” “What the f**k, bro!” muling bulalas ng katabi niya sabay hagis ng mouse na tumama pa sa monitor. “We’re dead. Ano bang ginagawa mo?” Napatingin din siya sa ‘kin at doon ko lang napansin na si Peter pala itong katabi niya, one of his cousins. Iyong maingay at hyper. “Yeshua said you should be here,” sabi ko na lang. “Gago talaga ‘yong babaeng ‘yon,” bulong niya, sapat lang para marinig ko. Hindi ko inaasahan ang isang mura sa bibig niya. “Bivianne, right?” tanong ni Peter. “Nandito ka pala. Si Oxem ba ang sadya mo?” “Yeah. Kailangan ko ng interview mula sa kaniya. Hintayin ka na lang namin ni Kenneth sa labas kapag tapos ka na.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumalikod na. Sumunod lang si Kenneth sa likod ko. Hindi naman sinabi ni Yeshua na busy pa pala si Oxem. Nakakahiya tuloy na kailangan pa naming istorbohin ang paglalaro niya. Kami na nga lang itong nanghihingi ng pabor, kami pa ang nang-iistorbo. “Wait!” Boses ‘yon ni Oxem. “I’m sorry about that.” Binalik ko ang tingin sa kaniya. “It’s okay. Hindi naman kami nagmamadali ni Kenneth. Hintayin ka na lang namin.” Agad siyang umiling habang nakakunot ang noo. Nakatingin lang siya kay Kenneth na papasok na sasakyan. “It’s not okay. Pasensiya na. Hindi ako sinabihan ni Yeshua.” Ako naman ang napakunot ang noo. “Sabi niya sinabihan ka niya kaya nagpunta kami rito para sunduin ka. Hindi ko alam na naglalaro ka pala.” Napapikit na lang siya na para bang nagtitimpi. Is he mad at me? Naistorbo ko ba siya sa paglalaro nila ng pinsan niya? Hindi ko naman kasi inaasahan na busy siya ngayon. Kung alam ko lang ay pinagpaliban ko muna sana kahit isang araw lang. “I’m sorry,” sambit ko. “Kung gusto mo, bukas na lang natin gawin ‘yong interview. Okay lang naman sa ‘min.” “No. It’s okay. Let’s do it.” Dahan-dahan akong napatango at pinanood siyang maglakad papunta sa sakayan. Tinawag ko siya. “Sumabay ka na sa ‘min sa sasakyan para hindi ka na mamasahe. Isa lang naman ang patutunguhan natin.” Bumuntonghininga siya bago sumunod sa ‘kin. Okay. He’s really mad. Pero anong magagawa ko? I already told him we could do it tomorrow. Siya itong nagsabi na ngayon na gawin. Ang gulo niya rin. Sa passenger’s seat ako naupo at silang dalawa naman ang nasa likod. Wala ni isa sa ‘min ang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay nina Oxem. Nag-aalangan pa rin ako sa pagpunta namin dito dahil na rin sa inasta niya kanina. Baka mamaya ay hindi pala talaga siya available at napilitan lang dahil nandito na kami. Kahit kailan talaga si Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak n’on. Dapat sinabi niya na wala sa bahay ang pinsan niya dahil may ginagawa. ‘Tapos hindi pa pala niya sinabi na pupunta kami kaya nagkagulatan pa kami sa computer shop. Sinalubong kami ulit ni tita Kelly nang makarating kami. Mukhang nasabihan na ni Oxem ang mama niya na darating kami kaya wala nang gulatan na nangyari. Mukhang wala pa rin si Oxem sa mood kaya hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang interview. Kaunti lang naman ang itatanong ko pero kung ganito ang atmosphere sa paligid namin, baka hindi namin magawa nang maayos ang interview. “Bakit hindi muna kayo magmiryenda?” tanong ni tita Kelly habang nasa sala kami. “Nagluto ako ng pancit para sa mga pinsan nitong si Oxem pero ang daming natira. Sayang naman kung matatambak lang.” “Maraming salamat po, tita,” ani Kenneth bago kumuha ng plato para ipaghain ang sarili niya. Humarap siya sa ‘kin. “Gusto mo rin ba?” Tango lang ang sinagot ko bago akmang kukuha ng sa ‘kin. Pero inabot niya sa ‘kin ang kinuha niya. Hindi na ako umangal at kinuha na ‘yon para makakuha rin siya ng kaniya. Kakainin ko na sana ang sinandok ni Kenneth para sa ‘kin nang mapansin ko ang titig ni Oxem. Halos mabilaukan pa ako dahil sa bigla. Mukhang galit talaga siya dahil sa pagkakakunot ng noo niya. Ang awkward naman nito. “Naalala ko noong nag-aaral pa ako,” sambit ni tita. “Isa sa mga ayaw ko ay ang interview lalo na kapag hindi ko kilala ‘yong kausap ko. Mag-usap muna kayo habang kumakain para gumaan ang loob niyo sa isa’t isa.” Mukhang hindi po gagaan ang loob ko ngayon, tita. Ang hirap naman kasi i-approach ng anak niya sa ganitong pagkakataon. Isa pa, hindi ko pa siya ganoong kakilala. Ayon kay Yeshua, mainitin ang ulo ng pinsan niyang ‘to lalo na sa kaniya. Baka napainit ko rin ang ulo niya dahil sa nangyari. “Pasensiya na, bro, ah?” panimula ni Kenneth. “Ang sabi lang kasi sa ‘min ni Yeshua ay kung nasaan ka. Hindi naman niya sinabing busy ka at naglalaro.” Napasinghal si Oxem bago inabot ang isang plato at kumuha ng pancit para sa kaniya. “Pinag-trip-an na naman ako ng babaeng ‘yon. Hindi niyo kasalanan. Ako dapat ang humingi ng pasensiya dahil sa ginawa ng pinsan ko.” Natawa naman si Kenneth. “Close talaga kayong magpipinsan, ‘no? Napansin ko rin noong nakaraan. Hindi kayo nahihiya sa isa’t isa. Kami kasi ng mga pinsan ko, hindi ganoon kalapit sa isa’t isa.” Humarap siya sa ‘kin. “Ikaw, Bivianne? Close ba kayo ng mga pinsan mo?” Napatigil ako sa pagkain bago sumagot, “Wala akong pinsan. Only child ang nanay ko at hindi ko naman nakilala ang tatay ko. Kung may pinsan man ako, hindi ko na sila nakilala.” Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko at mahinang nag-sorry. “Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan.” Tumango-tango siya bago nagbukas ulit ng panibagong topic. Mukhang gumagaan na ang paligid namin dahil kay Kenneth kaya hindi nagtagal ay nagsimula na rin kami. Huminga pa ako nang malalim dahil parang ako na lang ang hindi pa rin maka-move on at kinakabahan pa rin. Sa buong interview na naganap, nakatitig lang sa ‘kin si Oxem kahit na sinasagot na niya ang mga tanong ko. Kenneth didn’t mind, though. Hindi na niya sinubukan pang paharapin ito sa camera dahil hindi naman daw kailangan. Ako tuloy ang hindi komportable sa oras na ginugol namin. Nang matapos kami ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Kumuha agad ako ng tubig at inubos ang isang baso. Siguro dahil na rin sa ilang oras kaming nagsasalita lang nang nagsasalita kaya natuyuan ako ng laway. “Are you okay?” Halos mahigit ko na naman ang hininga ko nang marinig siyang bumulong sa tainga ko. I can feel his breath from behind me, and I know he’s close. Too close for my comfort. Mabilis akong umalis sa harap niya at dumeretso papuntang sala kung nasaan si Kenneth at inaayos ang mga shot niya. “Of course. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya. “I don’t know. Kanina ka pa hindi makatingin sa ‘kin.” I shot him a look. Baka kung ano ang isipin ni Kenneth sa mga sinasabi niya. Mukhang napapansin na rin niya ang palitan namin ng mga salita. “Ano naman kung hindi ako makatingin sa ‘yo? Is that a big deal? Hindi lang talaga ako makatingin sa mata ng ibang tao. It’s making me uncomfortable.” “I am making you uncomfortable, am I not?” Napaawang na ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Okay. Kahit na totoo ‘yon, there’s no way in hell I’m going to admit it. “Wala namang kaso sa ‘yo sa tuwing tumitingin ka kay Kenneth, ah?” Tuluyan nang napatingin sa ‘min si Kenneth. “Pero bakit sa ‘kin ayaw mong tumingin? May nagawa ba ‘ko? Do you hate me?” Napapikit ako nang mariin bago dumilat at tumingin sa kaniya. “I don’t hate you!” mahinang bulalas ko nang makita si tita na papunta sa gawi namin. “Then, what is it? Gusto ko ring tingnan mo ‘ko gaya ng pagtingin mo sa iba. I want you to pay some attention to me, too.” Mas lalo na akong hindi nakasagot dahil sa sinabi niya. What the hell is wrong with this guy? He’s making my heart beat so fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD