Bivianne
“What’s the matter?” tanong ni tita. “Oxem, anong nangyayari?”
Napaiwas ako ng tingin at agad kinuha ang mga gamit ko para makaalis na roon. I don’t want to be rude kay tita pero ayoko nang manatili pa rito kasama ang anak niya. Her son’s making me uncomfortable. Really uncomfortable.
“Mauna na po kami, tita,” pagpapaalam ko. “Pasensiya na po sa abala at maraming salamat po. Kailangan ko na rin pong umuwi.”
“Okay. Mag-iingat kayo. Ihahatid ko na kayo hanggang sa labas.”
Hindi ko na nagawa pang tingnan si Oxem at dali-dali nang lumabas ng bahay nila. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi na talaga ako makahinga nang tuluyan. Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa si Kenneth kung ano ang nangyari. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.
Muli akong nagpaalam kay tita bago tuluyang umalis. Hindi na rin lumabas si Oxem ng bahay nila, thankfully, kaya hindi ko na ulit siya nakita.
Napasandal ako sa upuan at saka bumuntonghininga. What the hell is wrong with that guy? How can he say that without stuttering? Pay him more attention? Bakit? Bakit kailangan kong gawin ‘yon? Pareho lang naman ang binibigay kong atensyon sa kaniya at sa iba kong kakilala.
Ewan ko ba sa kaniya. Kung ano-ano ang sinasabi. Hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Or maybe he just likes messing with my head. And my heart. Wala akong oras para sa gaya niya.
Kinabukasan, agad akong napairap nang makasalubong ko si Yeshua sa hallway. May mapang-asar siyang ngiti habang nakatingin sa ‘kin pero hindi ko siya pinansin gaya ng nakagawian ko.
“So,” panimula niya habang nakasunod sa ‘king maglakad, “I heard nagkasagutan kayo ni Oxem.”
“Hindi kami nagkasagutan. Siya kamo ‘tong kung ano-ano ang sinabi.”
Tumango-tango siya. “And you didn’t say anything back? Parang hindi rin. Knowing you, alam kong may come back ka sa mga sinasabi ng ibang tao. At alam kong mainitin din ang ulo mo gaya ng pinsan kong ‘yon kaya imposibleng hindi kayo magkasagutan.”
Sinamaan ko siya ng tingin bago naupo sa silya ko. She sat in front of me. “Hindi mainitin ang ulo ko.”
Malakas siyang natawa. “See? Umiinit na agad ang ulo mo.”
Napailing na lang ako at pinakalma ang sarili ko. She’s right. Umiinit na naman nga ang ulo ko dahil sa kaniya. Pareho sila ng pinsan niya. They both like messing with me.
“Pakisabi sa pinsan mo, tigilan na niya ako. Wala akong oras para sa mga gaya niya. I have enough of you already.”
Napahawak siya sa dibdib at umarteng parang nasasaktan. “Grabe ka makapagsalita, ah? Pero kahit sabihin ko ‘yan sa kaniya, wala akong magagawa kung hindi siya susunod. Bukod sa pagiging mainitin ang ulo, matigas din ang ulo n’on.”
Napabuntonghininga na lang ako. “Nevermind, then. Hindi naman na ako babalik ulit sa bahay nila. Hindi na ulit kami magkikita.”
Napatingin ako sa kaniya nang hindi siya sumagot. Iyan na naman ang mapang-asar na ngiti niya. Pero bago pa man ako makapagtanong ay tumayo na siya at nagpaalam sa ‘kin. May training pa raw sila para sa nalalapit na game nila.
Habang ako naman ay naiwan sa room para ayusin ang ipapasa kay ma’am Aquino. Mas maaga kaming makapagpasa, mas maganda. Baka bigyan pa niya kami ng extra points dahil maaga naming natapos.
Ang bilis ding na-edit ni Kenneth ang video nang hindi nawawala ang quality. Mukhang bihasa na siya roon. Mabuti na lang at naging kagrupo namin siya. Kung hindi ay baka sa ‘kin mapunta lahat ng mga ganoong gawain.
Yeshua's game day came. At dahil naipangako ko nang sasama at manonood ako, wala na akong magagawa. Nasabihan ko na rin naman si mang Kiko at hindi naman siya tumutol. Nandoon lang daw siya sa parking at hihintayin ako.
Nang makarating ako sa gym ay nagwawala na ang mga tao. Narito sa school namin ang ibang branch ng school namin sa probinsya. Narito ang main campus, which is kami, ang Meneses campus at ang Hagonoy campus.
Hinanap ng mga mata ko sina Yeshua at hindi pa sila nagsisimula. Nakapwesto sila malapit sa bench ng players at nanonood ng men's basketball match. Mainit ang laban kaya sa tingin ko ay patapos na.
Nang makita ako ni Yeshua ay agad siya kumaway. "Dito ka na umupo. Aalis na rin kami para mag-warm up. Dito ang bench namin mamaya."
Pinakilala niya ang mga ka-teammate niya na sina Keisha, Gina, Lyla at Miya. Si Lyla ang naiiba ang suot sa kanila dahil siya raw ang goal keeper o 'yong nagbabantay sa goal na may suot na glove.
"Huwag kang aalis dito, Biv," ani Yeshua nang tumayo silang lima. "Parating na ang mga pinsan ko para samahan ka. Medyo na-late sila dahil may klase rin at mga naghintayan pa."
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil umalis na sila. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Mga pinsan niya? Hindi naman niya agad sinabi. Pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na ako. At isa pa, tiyak na pupunta ang ilan sa kanila dahil dito lang din sila nag-aaral. Close silang magpipinsan kaya natural lang na manood sila ng huling laro ni Yeshua bago gr-um-aduate.
Natapos ang basketball match at pumasok na agad sina Yeshua at ang kalaban para mag-warm up. Nilagay na 'yong goals sa magkabilang dulo ng court at tinali ang nets ng mga basketball ring.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Peter. "Bivianne! Nandito ka na. Ang supportive naman ni best friend."
Binatukan siya ni Paulle, isa sa mga pinsan nila. "Best friend mo?"
Napanguso siya. "Ibig kong sabihin, best friend ni Yeshua. Kung ano-anong iniisip mo. Saka malay mo, maging mabuti kaming magkaibigan. You'll never know."
"Talaga ba? Sige. Isusumbong kita kay Erika."
Sumingit sa usapan ang isa nilang lalaking pinsan. Nakalimutan ko ang pangalan pero siya 'yong laging nakangisi. "'Buti sana kung papansinin ka n'on, eh, wala naman 'yong pakialam kay Peter."
"Hiyang-hiya naman ako sa 'yo, Kise. Bakit? Pinansin ka na ba ni Keisha?" At nagsimula na silang magbardagulan kaya nagsimula na naman akong mahilo sa kanila. Hindi talaga ako makasabay sa mga trip nila.
"Huwag nga kayong magulo. Maupo na tayo."
Napatigil ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses niya. Napayuko na lang ako sa takot na baka magtama na naman ang mga mata namin. Fresh pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya sa 'kin noon sa bahay nila. I’m not that ignorant para hindi malaman kung ano ang ibig niyang sabihin at that time.
"Hey." Nagitla ako nang tumabi siya sa 'kin. "Can we talk?"
"We're talking."
Bumuntonghininga siya. "I'm sorry."
Kumunot ang noo ko pero hindi pa rin makatingin sa kaniya. "Bakit ka nag-so-sorry?"
Hindi agad siya nakasagot. "I—I don't know. Maybe because I pissed you off?"
"You didn't. Kaya huwag kang mag-sorry."
"Pero kahit na gano'n, sorry pa rin. Noong umalis ka noong araw na 'yon, pakiramdam ko hindi na ulit kita makikita. But here you are."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko roon kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa court. Mabuti na lang at magsisimula na ang laro kaya hindi na ulit siya nagsalita.
Napuno ng hiyawan ang pwesto namin. Pero hindi gaya kanina ay nawala na ang halos lahat ng tao sa gym. Mukhang hindi talaga sikat ang larong futsal. O baka masyado lang talagang sikat ang basketball.
Saktong lima lang ang members nina Yeshua gaya ng sabi niya samantalang may reserve players ang kabilang team. Ang Meneses campus ang kalaban nila.
Dahil mahilig din ako sa sports noon, madali kong masasabing magagaling talaga ang kalaban. Mukhang mahihirapan talaga sila sa kanila. May magaling din sa grupo nina Yeshua, pero parang si Keisha lang ang katapatan nila ng lakas.
May galaw rin si Yeshua at magaling mag-dribble ng bola, pero hindi ko masasabing kaya niyang makipagsabayan sa kalaban. Masyado siyang maliit at mapayat kumpara sa malalamang katawan ng kuponan.
Sa kalagitnaan ng laro, uminit ang laban. Nakakasabay sina Yeshua sa kalaban, hindi gaya ng naisip ko kanina. Dalang-dala ni Keisha ang buong laro.
Magaling magdala ng bola sina Yeshua at si Gina. Nagpapalitan sila ng pasa para hindi sila kuyugin ng kalaban. Nakaabang naman si Keisha malapit sa goal at humahanap ng pagkakataon na umalis sa depensa niya.
At dahil sa liksi niya, madalas siyang makawala sa depensa ng nagbabantay sa kaniya. Walang patumpik-tumpik siya kung sumipa. Para bang alam na alam niya kung nasaan ang butas ng depensa at hindi na binibigyan ng pagkakataon ang kalaban na maka-react pa.
Magaling namang last man si Miya na nakaabang lang din sa harap ng goalkeeper nila. Silang dalawa ni Lyla ang nagbabantay sa goal. Madalas nilang masalo ang bola para hindi maka-goal ang kalaban, pero hindi talaga sapat ang depensa mula kina Yeshua, Keisha at Gina kaya mas marami silang pagkakataon na sumipa nang sumipa. Hindi ko maiwasang hindi mapakagat sa ibabang labi ko. There’s this urge na nagsisimulang mabuo sa kalooban ko. I badly want to play too.
Dikit ang laban at ilang minuto na lang ang laro. Mas humigpit ang depensa kay Keisha dahil nasa kanila ang bola. Parang na-offend yata si Yeshua dahil walang nagbabantay sa kaniya kaya siya na ang sumipa sa goal. Nabigla ang kalaban kaya nakapuntos siya.
The game was tied.
"Pinsan ko 'yan!" bulalas ni Paulle habang nagtatatalon. Kulang na lang ay sumugod siya sa gitna. Ako ang sinasakitan ng lalamunan sa kaniya.
Nang nasa kalaban na ang bola, humigpit din ang depensa nina Yeshua. Siguro dahil na rin sa adrenaline at intensity ng game kaya ganoon sila. At dahil doon, mabilis na naagaw ni Keisha ang bola na agad pinasa kay Yeshua na siyang pinakamagaling magdala ng bola.
"Hinay-hinay lang!" sigaw ni Oxem. "Marami ka pang oras. Take your time and think, Yesh!"
Mabilis pinasa ni Yeshua ang bola kay Keisha nang makakita ulit ito ng butas. Pero ang hindi inaasahan ng lahat ay nang magkabanggaan ang isa sa mga player at si Keisha. Namimilipit na napahiga si Keisha sa sahig habang hawak ang ankle niya. Napatayo kaming lahat at sinilip kung ano ang nangyari.
Ginawa 'yong pagkakataon ng kalaban upang kunin ang bola at maka-score dahil hindi tinawagan ng foul.
"Hoy, ref!" bulalas ni Kise. "Bulag ka ba? Kitang-kita na foul 'yon. Kahit sinong may mata nakita 'yon."
Pero para bang wala itong narinig at pumito na, hudyat na tapos na ang laban at nanalo ang kalaban. Nagsigawan ang kupunan nila samantalang nakatingin lang kaming lahat kay Keisha na medyo kumalma na.
Tinulungan siya ng mga lalaking official para makalakad papuntang clinic. Doon ko lang napansin na isa si Kise sa mga tumulong na mabuhat siya.
"Okay lang 'yan, pinsan," ani Paulle. "Halatang bias ang ref. Kanina pa namin napapansin. Mas magaling pa rin kayo."
Pilit lang na ngumiti si Yeshua at dumantay na kay Peter bilang suporta. Iika-ika na siya at mukhang ngayon lang naramdaman ang pagod. Nang makaharap niya si Oxem ay nawala na ang ngiting pilit niyang pinapakita.
"You did great, Yeshua," ani Oxem. At iyon ang naging hudyat para tumulo ang luha ni Yeshua. Napakaiyakin talaga ng babaeng 'to.
"We didn't win," hagulgol nito. "Nangako ako sa inyo na ipapanalo namin 'to pero binigo namin kayo. I'm so embarrassed."
Ginulo ni Peter ang buhok nito. "Ikaw talaga! Ang galing niyo nga. Ang daya lang kasi walang foul. May chance pa naman sana kayong maka-score."
Nagkumpulan ang mga magpipinsan at kinuyog si Yeshua para asarin dahil sa pag-iyak niya. Napangiti na lang ako habang pinapanood sila. Ang lapit talaga nila sa isa't isa. Siguro dahil magkakalapit lang din ang edad nila at sa iisang compound lang sila lumaki.
"Group hug nga. Group hug!" bulalas ni Paulle sabay hila sa kanila.
Nagsigawan sila na para bang sila lang ang tao sa court. Daig pa nila 'yong nanalo.
"Sama ka, Biv!" pag-aya ni Peter. "Magiging soon pinsan ka na rin naman namin." Napaawang ang bibig ko. "I mean, para ka na rin naming pinsan. 'Di ba, best friend?"
Mahina akong natawa pero nahihiya pa ring umiling. Hindi ko naman sila pinsan. Nakakahiyang sumali sa kanila.
Nagitla ako nang bigla akong hilahin ni Oxem sa braso. Napahawak ako sa dibdib niya at mabilis na tumayo nang tuwid. Umiwas ako ng tingin pero hindi pa rin niya tinanggal ang pagkakahawak sa braso ko.
Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang makiyakap din lalo na nang yakapin ako nang mahigpit ni Yeshua.
"Salamat sa panonood, Biv. Sorry dahil hindi namin naipanalo. First time mo pa namang makapanood ‘tapos na-disappoint ka lang."
Mahina akong natawa. "Okay lang, ano ka ba! Mas magaling pa nga kayo sa kanila. Partida, lima lang kayo, ah?"
Malakas siyang natawa habang nagpupunas ng luha. "Sinabi mo pa! Kung sumali ka sa 'min, nanalo sana tayo."
Napailing na lang ako. "Alam mo na ang sagot ko riyan."
"Oo na. Ano pa bang magagawa ko, eh, last na 'to? Sa college na ang susunod."
Hindi naman nagtagal ay umalis na rin kami roon. Gusto pa sana nila akong isama sa pagkain sa labas pero hindi na ako pumayag. Isang oras lang ang paalam ko, and I don't want to test my luck and my mom’s patience.
Hindi ko nga alam kung hindi ako mapapagalitan once na malaman na niyang may iba akong pinuntahan bukod sa classroom at library. I guess I just have to cross my fingers.