CHAPTER 5 Cozmo Magazine

1625 Words
-Ryker- "Ohh! Ryker! Kailan ka ba babalik dito huh?Marami na ang kliyete natin ang naghahanap sayo." Humihithit ako ng sigarilyo habang sinisipa sipa ang mga ligaw na damo dito sa malawak na halamanan ni Lolo.Napadighay pa nga ako bago ko sagutin si Nikko, ang kasamahan kung Photographer tinawanan pa ako nito.Sa totoo lang na busog talaga ako ng husto sa kinain ko kanina.Ngunit ng malaman ko kung sino ang nagluto noon ay bigla na lamang akong nasusuka. "Busog na busog ahh, Hindi ba uso d'yan ang pizza?, pasta? Coke na ginagawa mo lang tubig dito? Hahaha.Siguro masarap magluto ang mga katulong niyo d'yan no?" Pang aasar pa sa akin ni Nikko, bigla ko na nga na alala ang pagmumuka ng panget na Belle na 'yun.Kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagsuka at ngayon nga totoo nasuka na ako. "Ohhh! Bakit may nasabi ba akong masama? Bakit bigla ka naman ata na suka? Kanina napapadighay ka pa ahh.Hahahaha" Napakalakas ng pagtawa ni Nikko, kaya lalo akong naiirita. "Umayos ka nga sa pagtawa mo Nikko! Ang sakit sa tenga e!" Singhal ko dito, lalo lamang ito tumawa at talagang kahit kailan malakas mang asar ang isang ito.Hindi na ako umimik at balak ko na sana patayin ang tawag nito kung hindi lamang ako nito pinara na huwag ibaba ang tawag niya. "Ikaw naman masyado kang pikon pare! Haha okey! Okey! Seryoso na.Kailan ka talaga babalik dito pare?.Hinahanap ka na ng mga sexy mo kliyente e.Ikaw rin pag hindi ka pa bumalik dito sasabihin ko sa isang bigatin nating bagong kliyente na ako na lang ang kunin nila hahahaha.Ay 'di lang pala ito bagong kliyente hindi sila basta basta dahil alam sa buong mundo kung gaano kasikat ang pangalan ng company na ito.hahahaha Ikaw rin pare!." Nanlaki ang mata ko sa sinabing 'yun ni Nikko.Ang ibig sabihin ako ang nakuha ng sikat na publishing magazine sa buong mundo Ang Cozmo magazine. "Nikko! Anong ibig mong sabihin huh? " Tanong ko agad kay Nikko baka mamaya ay nagkakamali lamang ako. "Oo! Pare! Ikaw ang napili ng Cozmo magazine.Hahaha congrats! Pare, Ikaw na talaga makakatrabaho mo ang lahat ng sikat na mga model.Hanep! Pare, baka pwede mo ako isama kahit maging utusan mo lang ako ohh! Hahahaha" Itinapon ko ang sigarilyo hawak ko at tinapakan ko 'yun.Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang gulat at sayang nararamdaman ko ngayon.Ito ang matagal ko ng gusto masungkit ang makatrabaho ang lahat ng sikat na model sa iba't ibang bansa.Sa dami namin pinagpiliian napaka swerte ko na ako ang napili ng Cosmo magazine. "Hoy! Pare, ano na nawala na ba dila mo? May kausap pa ba ako? Heller!!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw sa sobrang tuwa.May paglundag pa ako na parang isang bata na nabigyan ng paborito niyang laruan.Pero iba ito halos lahat ng sikat na photographer sa buong mundo ay hinahangad ang makapagtrabaho sa Isang Cozmo publishing Magazine.Pero ako ang napili nila sobrang saya ko. "YES! YES! napaka swerte ko pare! Totoo ba talaga ito? Gago ka! Pag ako pinagloloko mo uuwi ako d'yan para lang mabigyan ka ng isang malakas na suntok sa mukha mo!" Banta ko pa kay Nikko na tumawang tumawa naman sa kabilang linya.Mukha naman hindi ako nito bibiruin dahil alam nito ang ugali ko pagdating sa trabaho seryoso ako at ayaw ko ng lokohan. "Hahaha, pare mag check ka din kasi ng email mo.Ang alam ko kahapon pa sila nag email sayo at anytime baka tumawag na ang mga 'yun sayo.Mukha ba akong nag jo-joke! Hahahaha.Wala ako balak tawagan ka noh! Hindi kita miss no! Hahahahahaha" Ang gagong si Nikko nag bakla baklaan pa talaga.Ibig sabihin seryoso talaga ito. "Yes! Salamat pare sa pag tawag.Gagi! Ang saya ko Yes!" --- "Ryker, pinatatawag ka ng iyong-" Kanina ko pa pinagmamasdan si Ryker mukha masaya ito sa kausap niya sa cellphone niya.May pagtalon pa nga ito at pag sigaw.Kaya naman nilapitan ko na ito at nagulat pa nga ako ng bigla ako nitong yakapin.Tuloy para akong naging isang statwa sa kinatatayuan ko ni hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kay Ryker. "Ryker, " Mahina kung sambit habang yakap ako ni Ryker.Kung kanina nagulat ako sa pagyakap ni Ryker sa akin, mas nagulat naman ako sa ginawa nitong pagtulak sa akin ng malakas.Sa sobrang lakas ng pag tulak nito sa akin na paupo na ako sa damuhan.Napaawang pa ang aking bibig sa sakit ng pagkakabagsak ko sa damuhan.Ngunit sandali lamang ang sakit na naramdaman kung 'yun. "Bwesit!! Panira kang babae ka! Bigla bigla ka na lamang umuulpot sa likuran ko.Akala ko tuloy si Manang ang niyakap ko.Ulitin mo pa uli ang paglapit sa akin Belle, baka 'di lang 'yan ang mapala mo sa akin.Bwesit!" Galit na naman na sabi sa akin ni Ryker, pero ako ito si Gaga na pagtaasan na nga ng boses e nakuha pang ngumiti.Ikaw ba naman ang mayakap ng lalaking mahal na mahal mo e kahit murahin pa ako nito ng paulit ulit basta lamang ba mayakap ako nitong muli ay ayos na ayos lamang sa akin. "Baliw ka ba talaga huh.Anong nakakatawa Nerd?!.Hay! Naku! Makaalis na nga lang.Baka mahawa pa ako sa katangahan ng babaeng Nerd na ito e." Sambit ni Ryker sa akin sabay talikod nito, Muli nitong kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang mag dial.Baka tatawagan na naman nito ang kanyang kasintahan.Napanguso ako ng maisip na tatawagan na naman nito ang kasintahan niya. "Okey! Lang 'yan Belle, isipin mo na lang na naglapat muli ang katawan niyo ni Ryker." Pagkausap ko sa aking sarili, hindi ko naman mapigilan ang mapasigaw din.Gaya ni Ryker kanina napakasaya ko dahil nayakap ko ito. "Hoy! Belle! Ano at nasigaw ka babae ka? kaloka ka! Teka, kumusta ang honeymoon niyo ng asawa mo kagabi huh?! Siguro naka score ka na sa pogi mong asawa ano?!" Bigla na lamang ako binatukan ni Regan, kaya naman napahawak ako sa aking salamin na muntik ng tumalsik.Kahit kailan talaga ang baklitang ito panira ng moment.Tinulungan ako nitong makatayo. "Hoy! Sandali Belle Grey, Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.Ano na nga mag kwento ka naman.Hoy!" Tinalikuran ko na si Regan, at sumunod naman ito sa akin sa loob ng Mansion.Kakapagtaka rin ang baklitang ito at ang aga agad nandito na naman sa mansion.Panay ang tawag nito sa pangalan ko at ang ingay ingay talaga ng baklang ito.Mabuti na lamang at sanay na si Lolo Steve sa kaibigan kung ito. --- "Hello, Babe! I have a good news to you." Masayang bungad ko kay Rubi, Hindi ito sumasagot sa kabilang linya mukha badtrip pa rin ata talaga ito sa akin ngayon.Pero sigurado ako na hindi na ito maiinis sa akin oras na sabihin ko dito na babalik na ako para magkasama na kami muli.Sigurado rin ako na matutuwa ito sa ibabalita ko sa kanya dahil alam kung gusto rin nito na ako ang makuha sa Cozmo Magazine.Alam kung gusto ni Rubi makapasok sa Cozmo Magazine para maging isa sa models nila.Kaya magiging madali para sa akin na ipasok ko ito sa Cozmo para maging model doon. "Babe? magsalita ka naman alam mo ba na ako ang napili ng Cozmo Magazine para maging photographer nila doon.Madali na kitang maipapasok sa kanila, hindi ba ' yun ang gusto mo Babe?." Masayang Wika ko kay Rubi, maya maya nag salita na rin ito sabi ko na nga ba ito lamang ang makakatanggal ng pagtatampo nito sa akin e. "Totoo ba ang sinasabi mo Babe? Ikaw ang nakuha nila.OMG! Kung ganoon pwede mo na rin ako ipasok sa kanila.Congratulation Babe! Sabi ko naman sayo e ikaw ang mapipili nila.So kailan ang balik mo dito? Nakuha mo na ba ang mana mo?Anong sabi ng lolo mo Ililipat na rin ba niya ang lahat ng mana mo sayo?" Napakunot noo ako, Alam kung maiinis si Rubi oras na sabihin ko dito na hindi pa naililipat ni lolo sa akin ang mga mana ko.Kaya naman iniba ko na lamang ang usapan namin.Ayaw ko na muna isipin ang tungkol sa mana ko ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pangarap ko na unti-unti na atang matutupad. "Babe, Magsasabi ako kay Lolo mamaya na kailangan ko ng bumalik ngayon d'yan.Nabasa ko na rin ang email sa akin ng Cozmo At gusto nilang pag usapan kaagad ang tungkol sa mga project na ibibigay nila sa akin.Babe! Ito na ang pangarap natin dalawa, sabay nating aabutin ang pangarap natin dalawa na mas makilala pa sa buong mundo.Ako bilang photographer at ikaw naman bigla sikat na sikat na model sa buong mundo." Masayang pahayag ko kay Rubi ngunit hindi pa rin ata ito masaya sa binalita ko sa kanya. "Ryker! dalawa ang tinanong sayo ni isa ata wala kang sinagot.Anyway Congrats,!" Walang ganang sagot sa akin ni Rubi, Sinasabi ko na ba hindi ito papayag na hindi ko sagutin ang mga tinatanong niya sa akin.Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kung maiinis na naman ito sa akin oras na sabihin kung hindi pa naisasalin ni Lolo sa akin ang lahat ng mana ko. Kaya naman kailangan ko na muna magsinungaling kay Rubi, para 'di na ito magtampo pa. "Babe, Tungkol sa mana okey na ang lahat, Actually hindi na masyado mahalaga sa akin ang mana ibibigay ni lolo.Dahil para sa akin basta nandyan ka sa aking tabi,masaya na ako doon.Ikaw ang kayamanan ko Rubi, alam mo naman na mahal na mahal kita.At sabay natin aabutin ang mga pangarap natin dalawa." "OMG! Babe! Kung ganoon isa ka ng Bilyonaryo! So paano ituloy na natin ang ating balak na magpakasal." Sabi ko na nga ba e, magbabago agad ang timplada ni Rubi.Napangiti na lamang ako habang kausap ito.Ayaw ko mag away kaming muli napakahirap para sa akin pag nagkakatampuhan kami ni Rubi.Masaya ako ngayon dahil matutupad na ang isa sa pangarap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD